Labag sa loob ni Anais ang ginawa lalo na’t pakiramdam niya ay wala siyang pinagkaiba sa kaniyang pamilya kung paano tratuhin si Brent. Ngunit dahil sa problema nila sa kumpanya, gustong makatulong ni Anais sa bagay na iyon para hindi na pagbuntunan ng galit ng kaniyang ina si Brent. Iyon ang tanging tulong na naiisip niya para rito.
Tahimik si Anais habang iginigiya siya ni Samuel sa inireserba nitong table para lamang sa kanilang dalawa sa isang mamahaling Restaurant sa Bonifacio Global City.
Ipinaghila siya ni Samuel ng upuan. Tahimik siyang umupo at iniisip pa rin ang galit na nakita niya sa mga mata ni Brent. Ramdam niyang may problema at nababahala siya roon.
“Order everything you like, Anais,” nangingiting si Samuel nang damputin ang menu.
Sumulyap si Anais sa menu ngunit mabilis na tiningnan si Samuel.
“Hindi pa ako gutom, Samuel. Ano bang napag-usapan niyo ni Mama? Tungkol ba sa…”
“I am planning to fund the company and save it from bankruptcy,” deritsong si Samuel habang nakatingin pa rin sa menu.
It made Anais alert. Noong maramdaman ni Samuel na nakikinig ito nang maigi at interesado, palihim siyang napangisi lalo na’t alam niyang makukuha niya ito. Malakas ang kaniyang kumpyansa na maaagaw niya ito kay Brent. That loser is nothing compared to me. Iyon ang iniisip ni Samuel sa oras na iyon.
“Planning. Ibig sabihin ay pinag-iisipan mo?” si Anais na tinitimbang ang kanilang usapan.
Tumango si Samuel at tumingin kay Anais.
“Mrs. Shen wants me to replace that loser as your fiancée, Anais. Kung naikasal tayo, kasama na roon ang pagmemerge ng kumpanya niyo sa kumpanya namin.”
Unti-unting lumaki ang mga mata ni Anais. Hindi niya lubusang naisip na umabot na sa ganoong pagpapasya ang kaniyang ina nang hindi man lang siya kinakausap. Paano si Brent? Ngunit… si Brent ang fiance ko? Hindi pwedeng magpadalos dalos si Mama! Iyon ang kaniyang iniisip sa oras na iyon habang tulala at nagugulat sa sinabi ni Samuel.
“Why? Do you like that loser, Anais? You are out of his league, Anais. You deserve someone who can match you. You’re very beautiful, rich, and elegant. Papayag ka bang matali sa lalakeng… kapos?” halos hindi maiwasang matawa ni Samuel sa kaniyang sinasabi.
“Masyadong nagpapadalos dalos si Mama, Samuel. Hindi pa namin ito napag-uusapan,” giit ni Anais at binalewala ang pang-iinsulto nito kay Brent na medyo ikinagalit niya.
“Well… we can talk about it. I will do anything to help the dying company of your family, Anais. Wala kanang iisipin pang problema hangga’t nasa puder kita,” he smiled confidently.
Irita si Anais sa kayabangan nito. Sa totoo lang, kahit problemado ang kanilang pamilya ngayon dahil sa pagkakalugi ng negosyo, kahit inihahain na ni Samuel ang solusyon ng kaniyang problema, hindi niya agad matanggap tanggap iyon sa hindi niya malamang kadahilanan.
Siguro nga ay ayaw niya sa ideyang matatali siya sa kagaya ni Samuel. At kay Brent ay ayos lamang, Anais? Iyon ang tumatakbo sa isip niya.
“Pag-uusapan muna namin ni Mama ang bagay na ito,” pinal na desisyon ni Anais.
Walang nagawa si Brent kundi ang umuwi at hayaan muna si Anais. Mas minabuti niya nalang din na hilain ang sarili pauwi lalo na’t baka kung ano pa ang magawa niya kay Samuel at hindi niya makontrol ang sarili.
“At saan ka galing?” si Mrs. Shen na nasa may hagdan habang pinapaypayan ang sarili pagkatapos matanaw ang pagpasok ni Brent sa bahay.
“Pinuntahan ko si Anais sa kumpanya, Ma’am…” ani Brent.
Bumaba si Mrs. Shen at mabilis na nilapitan si Brent. Isang malakas na sampal ang iginawad niya rito na nagpapilig ng mukha ni Brent sa kanang bahagi.
“Hindi ba’t sinabi kong huwag mong lalapitan nang basta basta ang anak ko?!”
Binasa ni Brent ang labi habang nanatili pa sa kanang bahagi ang tingin at ramdam ang tumutusok na karayom sa kaniyang pisnging nasampal na marahil ay bumakat na ang palad ni Mrs. Shen.
“Ano bang tingin mo sa sarili mo? Na nababagay ka ngayon sa anak ko, huh?!”
Malamig na ibinalik ni Brent ang tingin sa ina ni Anais. Naisip niya ang namatay niyang ina. Naroon ang kaniyang isipan habang sumisigaw sa iritasyon si Mrs. Shen.
“Ang katulad mo ay walang karapatan sa aking anak! Mababa ka! Hindi ka nababagay sa ginto kong anak! Isa ka lamang basura!” sabay hataw niya sa hawak niyang pamaypay sa mukha ni Brent.
Pumikit si Brent at halos maramdaman sa kaniyang pisngi ang matulis na humiwa ng kaonti roon. It sting. Mahapdi iyon at alam niyang nasugatan siya sa ginawa nito.
“Ang kapal kapal ng mukha mong puntahan siya roon! Paano nalang kung nakita ka ni Samuel?! Anong iisipin noon sa akin? Na ganito ka baba ang napili kong ipakasal sa aking anak?!” muli niyang hinataw ng pamaypay si Brent sa kaniyang galit dito, lalo na’t sa kaniya niya rin binubunton ang galit niya dahil wala na itong silbi sa gumuguho nilang kumpanya.
“Mama!” ang kakadarating lamang na si Anais ay mabilis na pinigilan ang ina sa pananakit kay Brent.
“Ano bang ginagawa mo, Mama?!” halos pumagitna siya at hinarangan ang katangkaran ni Brent sa inang nagpupuyos pa rin sa galit.
“Kinakampihan mo ba ‘yan, Anais! Ano bang pinaggagawa mo sa anak ko?! Pinipikot mo ba?!” nag-amba siyang saktan muli si Brent at abutin ito ngunit pinigilan agad ni Anais.
Gulat na gulat si Mrs. Shen na makitang galit ang kaniyang anak at nasa mababang uri ng lalake ang simpatya ng kaniyang tanging anak na babae.
“Nahihibang kana, Anais! Ipinagtatanggol mo ang lalakeng walang magagawa para tulungan tayo! Samuel deserve you more than that loser! Hihilain ka niyan pababa at hinding hindi ko iyon pahihintulutan!” sigaw ni Mrs. Shen habang tinuturo si Brent gamit ang pamaypay.
Umiling si Anais. “Hindi mo pa ako kinakausap sa bagay na ito, Mama!”
“This is for your own good, hija. For your future!” si Mrs. Shen.
“I’ll help, Anais…” bulong ni Brent, sapat lamang na si Anais ang makarinig lalo na’t halos madikit ito sa kaniyang dibdib protektahan lamang siya sa ina nito.
Napatingala si Anais.
“Tutulong ako. Sa kumpanya niyo. Ako na ang bahala, Anais…” he whispered softly, like he meant everything he said.
Ngunit kahit mabuti ang hangarin ni Brent, para kay Anais ay insulto iyon lalo na’t alam niyang walang wala ngayon si Brent. Ano? Bubuhatin niya ang problema ng aming pamilya? Ang pamilyang umaabuso sa kaniya? At paano niya iyon gagawin huh?!
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Brent? Ni hindi mo nga matulungan ang iyong sarili!” she hissed.
Medyo nagulat si Brent. Hindi niya alam kung minamaliit siya nito ngunit natigilan siya roon.
Mrs. Shen kept on talking about the grand party kahit papunta pa lamang sila doon. Masyado nang naririndi si Anais sa pangalan ni Brent lalo na't paulit ulit nang binabanggit ng kaniyang ina. It's like Brent's name is the flavor of the night. "The Anderson has an eye for the only heir of Sy. Balita ko nga pinagpaplanuhan din nilang ipagkasundo sa isa nilang anak. That girl isn't pretty compared to your beauty. Akala naman nila at malalamangan ka," si Mrs. Shen na malaki ang kumpyansa habang pinapaypayan ang sarili. "And oh, the Chua's daughter is probably there too. Kakauwi lang no'n galing sa States. She's pure Chinese. Mrs. Chua will probably introduce her daughter to Brent for sure. Baka nga itali niya agad kung kinakailangan," Mrs. Shen rolled her eyes in a dramatical way. Anais looked at the window and stared at the tallest buildings in the City. Lumalayo na naman ang kaniyang isip. She feels like she's one of those items being sold in an auction. Para na namang gamit na walan
Umuwi rin naman si Brent pagkatapos ng dinner na iyon. He's contented with the dinner kahit may bumabagabag sa kaniya. Hindi niya alam kung napaparanoid ba siya na kahit ang maliit na bagay na hindi na dapat pansinin ay binibigyan niya ng kahulugan o may laman talaga ang naiisip niya. "Baka naman dahil masyado kanang busy sa trabaho kaya kung ano nalang ang naiisip mo?" si Mr. Santiago, ang kanang kamay niya sa kumpanyang itinayo. Brent sipped on his whiskey seriously. Nasa opisina siya at kakatapos lamang magreview ng mga documents. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong huli nilang pagkikita ni Anais. It’s almost a week. But the woman didn’t left her mind. “Just curious. And maybe bored,” kibit ni Brent nang ilapag ang shot glass at pikit matang humilig sa swivel chair na inuupuan. “Bored you say?” parang nang-aasar pa si Mr. Santiago. Nakapikit pa rin si Brent. Now he’s thinking that he’s probably really bored. Isinawalang bahala nalang ni Brent ang mga iyon at nagpokus na
Ramdam ni Brent kung paano siya iwelcome ni Mrs. Shen. Kanina pa siya kinakausap nito at hindi nawawala ang tamis sa labi nito. Napapansin din ni Brent ang usual na ekspresyon ng mukha ni Anais. The cold and distant daughter of Mrs. Shen looked like a stranger to him. Parang ibang Anais ang nakasama niya kanina kaya ngayon na tahimik na naman si Anais at masyadong misteryoso ang mga mata ay hindi niya na naman mabasa. This woman is very hard to please… Ang isip ni Brent sa tuwing nakikita niyang walang pagbabago sa ekspresyon ni Anais. “Wait, titingnan ko lang ang preparation sa dinner at niluluto ng chef. Brent, do you want to request a special cuisine?” si Mrs. Shen na tumatayo na. Umiling si Brent. “I’m fine, Ma’am. Anything will do…” “Anything! Alright!” sabay tingin ni Mrs. Shen kay Anais. “Darling ikaw muna ang bahala sa bisita. Asikasuhin mo…” Anais nodded. Ngumiti si Mrs. Shen at ganadong nagtungo sa kusina para tingnan ang ginagawa ng mga katulong doon. Nang maiwan ang d
Ang araw na ‘yon ay medyo nagpababa ng harang ni Anais para kay Brent ngunit hindi pa rin ganoon ka laki para hayaan niya itong kunin ang kaniyang buong atensyon. Alam ni Anais na dapat ay ang loob ni Brent ang kaniyang kunin but thinking that she’s doing it to favor her mother, parang nagdadalawang isip na tuloy siya. She doesn’t know why a part of her doesn’t like the idea of it. O siguro ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano ano. Brent even insisted to drive her home. Ayaw sana ni Anais at magpapasundo nalang sa family driver ngunit mapilit si Brent. Bukod sa alam niyang gabi na at mag-isa lamang ito, gusto niyang makasiguradong nakauwi ito. Tahimik muli si Anais sa kotse. Iniisip niya agad ang reaksyon ng ina nito. Sigurado siyang magkokorteng puso ang mga mata noon pag nakita nitong inihatid siya ng tagapagmana ng mga Sy, ang nag-iisang si Brent. “When are you free again?” tanong ni Brent. Medyo nagulat si Anais. Hindi niya inaasahang may susunod pang araw. Akala niy
Brent noticed how Anais’ emotion changed when she answered the call. Who might it be? Para bang may kaaway ito ngunit kontrolado lamang ang galit lalo na’t pansin niya ang pagkakasalubong ng kilay ni Anais. Does she even have a boyfriend? But her mother won’t set her up if she’s taken? Well it was for business purposes so probably she’s taken of she likes someone else. That’s not impossible for her since she’s very beautiful. Pinipilahan siguro ng manliligaw. If I’m not that busy I’d probably try my luck too. Well too bad I’m busy and I don’t have time for those things. The least thing I want right now is a serious commitment. Love doesn’t exist when you’re a busy person. Iyon ang bumabaha sa isip ni Brent habang hinihintay lamang na matapos sa katawagan si Anais. He noticed how Anais would glance at her like someone’s getting jealous and Anais is trying to explain that Brent is nothing but for business purposes. She’s probably explaining to her boyfriend right now that there’s n
Anais was silent the whole time. She lost her mood but she’s just trying to act like everything is fine. Ramdam niya rin na nililingon lingon siya ni Brent. Brent clearly doesn’t know how to handle girls like Anais. Siguro ay nasanay si Brent na madali lamang ang mga babae na sumusunod sa kaniya. He doesn’t need to lift a finger just to get their attention and their yes to everything Brent says. But Anais was the opposite. Bukod sa hindi gusto ni Anais ang unang impresyon niya kay Brent, hindi rin maalam paano kikilos o makisalamuha, talagang walang mangyayaring pag-uusap o ano pa man. “The company of the Shen is quite growing huh…” ani Brent nang maalala ang bagay na iyon. Medyo bumalik sa sarili si Anais. Nilingon niya si Brent at tinanguan. “Ako ang nagmamanage ngayon ng kumpanya,” ani Anais. Brent wanted to whistle because for him that’s a sexy asset for a woman. An alpha female. Ngunit walang ideya si Brent na sunud-sunuran lang din sa ina si Anais. Siya ang nagmanage noon