Share

Chapter 5 - Manager

“Excuse me. Pupuntahan ko lang si Brent,” paalam ni Anais at nakakuha rin ng rason para umalis na sa grupong iyon. 

Medyo nakahinga siya nang maluwag ngunit hindi niya itatangging nasasaktan siya sa pangmamaliit sa kaniya ng kaniyang mga pinsan. Sa kanilang lahat, si Anais ang laging napagtutulungan dahil bukod sa angat ang kaniyang ganda, hinihintay lamang ng kaniyang mga pinsan na magkaroon sila ng rason na maliitin ito. At ngayong bumabagsak nga ang kumpanyang itinaguyod ng sarili niyang pamilya na siya pa ang humahawak, nagiging hagdan iyon para apihin siya ng kaniyang mga pinsan. 

“Brent…” marahan niyang salubong. 

Brent suddenly remembered his manager’s words. At hindi niya ipagkakailang maganda nga naman si Anais. Halos titigan niya ito kahit simpleng ayos lamang ang inihanda ni Anais para sa sarili. Ngunit presentable siyang tingnan at elegante. Bukod sa matangkad, maputi, ang kaniyang medyo singkit na mga mata at maliit na mukha ay nakadagdag pa sa kaniyang ganda. 

Tumikhim si Brent at medyo nagkasalubong ang kilay dahil sa mga naiisip niya. I’m probably drunk. Ah… this is bad. Halos iwaksi ng kaniyang isip ang mga pumapasok na pagkamangha ni Brent sa ganda ni Anais para lamang hindi matukso. 

“Saan ka galing? P-Pasensya pala sa…” halos suminghap si Anais at hindi naipagpatuloy ang sasabihin lalo na’t alam niyang pangit ang mga nasabi niya bago umalis si Brent. 

Ayaw ni Anais na makialam si Brent sa problema ngayon ng kanilang pamilya lalo na’t alam niyang lugmok din si Brent. Iyon ang tunay na rason ng kaniyang galit kaya ayaw niyang tanggapin ang tulong na inalok nito. Ngunit nababahala siya dahil baka iniisip din ni Brent na baka isa siya sa mga Shen na nangmamaliit sa kaniya kahit hindi naman ganoon ang gusto niyang mangyari. 

“Your cousins are here,” ani Brent nang mapansin niyang nag-aalangan si Anais na buksan ang naiwang topic kanina kaya gusto niya nalang iliko. 

“Ah… oo. Naisipan ni Mama na magkaroon ng party para sa reunion ng aming angkan. Nandito rin si Ahma…” ngiti niya at nilingon ang malaking mesa kung nasaan ang pinaka matandang Shen. 

Sumulyap si Brent doon. Pansin niya agad kung gaano ka rangya ang ibang relatives ni Anais. Isa pa roon ang kilala niyang si Mr. Henry Shen, ang uncle ni Anais na matinik din pagdating sa business. 

Kahit kilala man ni Brent, ayaw niya nalang ipaalam ang bagay na iyon dahil baka magtaka si Anais at magtanong pa. At sino bang maniniwala sa kaniya eh alam ng lahat na lugmok siya ngayon at inabandona pa ng sarili niyang pamilya? 

“Saan ka pala pumunta?” biglang tanong ni Anais nang muling tumingin kay Brent. 

Oh… is she thinking I… Well is that even possible? Bakit niya naman iisiping nambababae ako? Unless she has a crush on me… then… maybe… she’s curious? Halos gustong suntukin ni Brent ang sarili sa pagiging feeling niya. I’m a delusional bastard! Stop it, Brent. 

“Nagpahangin lang…” he smiled flatly. 

Tumango si Anais at naisip na baka nainis nga ito sa kaniya kaya medyo nalungkot siya. Nag-iwas siya ng tingin. Ngunit sa isip ni Brent, iba na ang kahulugan noon. Mas nagiging feeling na talaga siya. Well damn it. Bakit malungkot siya? I didn’t cheat on her! Tumikhim siya at namulsa. 

“Mag-isa lang naman. Nagpahangin lang sa tabi tabi,” halos isuka niya ata ang paliwanag na iyon at nakikita pa ang ngisi ni Mr. Santiago sa isip niya. 

Anais nodded. Binasa ni Brent ang labi at nahulog ang tingin sa mukha ng kaniyang fiancee. Noong sumulyap ulit si Anais, napunta ang tingin niya sa pisngi nitong may band-aid na. 

“I’m sorry for what my Mom did to you, Brent…” halos namungay ang mga mata ni Anais. 

Umiling si Brent lalo na’t wala lang naman sa kaniya ang pang-aalipusta ni Mrs. Shen. It wasn’t new to her. Ilang beses na rin siyang kinalmot ng dragon niyang biyanan kaya sanay na siyang nasusugatan tuwing galit ito. 

“Anais, hija! Come here!” biglang pumaibabaw ang tinig ng kaniyang ina kaya kapwa natigil ang titigan ni Brent at Anais. 

Sinama ni Anais si Brent sa lamesa ng kaniyang angkan. 

“Doon kana sa kabilang table, hijo,” ang matandang Shen nang makitang pinapaupo ni Anais si Brent sa kaniyang tabi. 

Natigilan si Anais. Kahit si Brent na kinukumbinsi pa ni Anais na umupo na ay hindi rin agad nakagalaw. He was about to sit when the old lady stopped him. 

Nakita ni Brent ang mapanghusgang tingin ng mga Shen sa kaniya. Kahit ang Uncle ni Anais ay nangmamaliit din ang tingin.

“Oo nga naman… Bakit hahalo eh sa itsura niya, halos mapagkamalan ngang waiter,” hagikhik ni Dianna. 

“Akala ko nga waiter eh,” sigunda pa ni Michelle. 

Sa huli, tumango si Brent at pumayag sa gusto nila. Sa kabilang table siya umupo. Malapit lamang sa malaking mesa ng mga Shen. Anais looked at him apologetically. Siya ang mas nahihiya kung gaano ka sahol ang ugali ng kaniyang angkan kay Brent. 

“What happened to the company, Anais? Ang daming umurong na kliyente at bumaba ang sales ng business ah?” biglang bukas ng topic ng tiyuhin ni Anais na ikinatingin niya rito. 

Nakita nito ang balance sheet na tinitingnan. Alam ni Anais ang kagustuhan ng kaniyang Uncle na pamahalaan ang kumpanya ngunit dahil siya ang napagbigyan, ngayong pumapalpak ay tinitira na para mapalitan agad siya sa pwesto. 

“Nagka problema lang talaga sa supplies, Uncle. May mga kliyente rin kasi na nagsilipatan kaya nakadagdag siya sa pagkakalugi. Ngunit hinahanapan ko naman ng solusyon para bumalik ang mga ito sa kompanya,” paliwanag ni Anais kahit matindi ang kaniyang kaba. 

The entire Shen listened carefully. Ngunit kahit nakikinig. Ramdam ni Anais na iniinsulto na siya ng mga ito sa kanilang isip. 

“Umalis dahil nakita nilang hindi maganda ang pagpapatakbo mo. Kaya rin nalulugi ang kumpanya dahil sa sariling kapabayaan mo,” ang Uncle ni Anais. 

Narinig iyon ni Brent lalo na’t nakikinig lang din siya sa pag-uusap nila. Nakita niya kung paano namutla si Anais sa kahihiyan. Hindi naman sa bida-bida siya ngunit hindi niya rin napigilan ang bibig na sumabat sa usapang hindi naman dapat siya kasali. 

“Wala sa pamamalakad ni Anais ang problema, Sir. Nasa mga kliyente mismo. Lalo na kung may mas malaking offer ang kabila at gustong lamangan ang business, talagang gagawin nila ang lahat itaob lamang ang isang kumpanya,” ang bida-bidang si Brent na tumatayo pang tagapagtanggol ng naaaping si Anais. 

“Coming from a loser huh?” natatawang mga pinsan ni Anais. 

“At bakit hijo? Ano namang alam mo sa business? Ni wala ka ngang pambilj ng mamahaling damit tapos sumasawsaw ka pa,” ang ina ni Anais na kanina pa irita kay Brent. 

Natahimik si Brent. Nilingon ito ni Anais at inilingan, hudyat na huwag nalang makisali. 

“Kung sino man ang makakapasa ng malaking kontrata ay hihirangin ko bilang bagong Manager ng kumpanya. I’ll give you three days…” biglang salita ng matandang Shen sa seryosong tinig na ikinasinghap ng pamilya nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status