Habang sa van, nakita nya na panay ang sulyap sa kanya ni Marvin sa front mirror. Nasa likod ng driver's seat sya nakaupo,katabi nya ang bunsong anak na niyayakap nya. Maya-maya pa, narinig nyang nagtanong ito sa pinsan.Mahina lang iyon pero narinig nya.
"Anak nya ba talaga ang dalawang bata? " "Oo naman, kung hindi nya anak, kaninong anak ang mga ito!? ", si Aling Minda ang sumagot sa pabara at pabirong tono na itinuturo pa ang mga bata. " E.... eh, para kasing dalaga lang sya tingnan ", parang napahiya ito sa sagot ng ina nya. Napangisi at nang-asar si Ivy dito. " Yan kasi!, Huwag mangialam, tingnan mo lang! "Napansin ko lang no,hindi naman ata masamang magtanong", depensa nito. " Sa panahon ngayon, marami ng mga kababaihan ang may mga anak na pero maalaga pa rin sa sarili kaya dalaga pa rin silang tingnan. Ang I can say, isa ako dun", pagpapaliwanag nyang nakangiti. "Ay sakto Tet! ", Hindi porke't may anak na, magiging losyang na. Dapat maganda at seksi pa rin para hindi iwan ng asawa. Mga lalaki ngayon kapag nalosyang na ang asawa, agad itong iwan at maghanap ng iba. Akala nila sa babae parang damit lang na kapag gamit na, huhubarin lang at itatapon", nginuso pa nito ang pinsan habang sinasabi yun. Pinaparinggan nya ito. "Ako ata ang tinutukoy mo! ",. " Guilty ka ba"! sagutan at asaran ng magpinsan. Hindi nila napansin na papaliko na sila iskinitang papuntang resort, dahil sa kwentuhan at asaran nila. Napansin na lang nila ito ng nagsalita si Monmon ng matanaw nito ang dagat. "Wow! may dagat oh", sabay turo nito sa natatanaw na karagatan. Tumingin naman silang lahat doon. Malapit na sila sa resort na pupuntahan. " Andito na tayo! "masayang bulalas ni Ivy ng tumigil ang van sa tapat ng reception area. Bumaba na sila at ibinaba na rin nila ang kanilang mga dalang gamit. Inilinga ang paningin sa paligid ng resort. Maganda at malawak ang sakop nito. Mukhang sosyalan at mayaman ang may-ari ng lugar dahil hindi lang yun resort, may waterpark din doon. Sigurado syang mag-eenjoy ang mga kasama nya doon. "Woooowww! Ang ganda dito Ma! Dito talaga tayo mag-iistay ng tatlong araw?, tanong ng panganay nya.Puno ng pagkamangha ang nakikita nya sa mga mata ng nito. " Oo naman, kaya dapat mag-enjoy kayo". "Subrang ganda dito", bulalas naman ng iba pa. " Mag-eenjoy talaga kayo dito, lalo na mga bata dahil may waterpark dito", sabi ni Ivy. "Salamat Iv at inirekomenda mo dito sa akin. For sure makakapagrelax talaga ako dito", pagpapasalamat nya sa kaibigan. "Mukhang mayaman ang may-ari ng resort na to", sabi nya sa naobserbahan nya sa lugar. " Hindi lang mayaman, subrang mayaman talaga! Hindi lang ito ang resort ng may-ari, marami pa! Balita ko nga subrang gwapo pa non, makalaglag panty ang kagwapuhan ", kinikilig pa ito habang sinasabi yon. " Hooyy! Tumigil ka nga, puro ka tsismis! Mamaya marinig ka ng mga staff dito! ", saway ni Marvin dito. " Insan, naman eh, panira talaga! "angil nito. " Iv, bakasyon at pagrelax punta namin dito no!Ikaw talaga, hindi mo na ako tinitigilan."kinurot nya ito sa tagiliran."Alam mo naman wala akong pakialam sa mga lalaki ", ilang beses na syang nireto ng kaibigan nya kahit alam nitong may asawa sya. Dahilan nito ang hindi nila pagkakaunawaan ng asawa nya at wala naman daw masama sa pakikipagrelasyon. Pero ni isa wala syang inentertain kasi para sa kanya puro sakit sa ulo lang hatid ng mga ito sa buhay nya. At mas payapa ang mag-isa. "Aray ko!ang sakit nun ah",kunwari nasaktan ito sa pagkurot nya pero alam nyang nagdadrama lang ifo. "Alam ko naman yun, pero malay mo kung makita mo yun, baka magustuhan mo at magustuhan ka rin", kinikilig pa ito habang turan yun. " Akala mo pareho sayo ang tao, na kung makakita lang ng gwapo, maluluwa na ang mga mata"!, pambabara ni Marvin. "Insan tumigil ka nga! ", mabilis nitong angil sa pinsan. "Kahit kailan talaga eh.......... " , hindi na nito itinuloy ang sasabihin pa. "O sya, o sya, ito ang bayad ko sa arkila Vin",pigil nya sa nagbabadya na namang asaran ng magpinsan at iniabot ang pera kay Marvin. " Huwag na oi, Ok lang. Masaya na ako na mahatid kayo dito", umatras ito at itinaas ang dalawang kamay na sumesenyas ng hindi na. "Ganyan ang pinsan ko, matulungin talaga yan, hindi tumatanggap ng bayad", pagmamalaki ni Ivy sa ugali ng pinsan nya. " Hindi pwede yun sa akin ha, alam ko kung gaano kamahal ang gas ngayon at malayo itong resort kaya hindi pwedeng hindi mo to tanggapin ", pagpupumilit nya. " Sana sa iba na lang kami sumakay kung alam kung ganyan pala", mangungunsensya pa nyang sabi. "At sa pag-uwi namin, iba na lang aarkilahan naming sasakyan". "Sige na nga pero panggas lang kukunin ko", napilit nya din ito sa huli at kinuha ang iniabot nyang pera pero ibinalik din ang sobra. Panggas lang talaga ang kinuha nito. Ayaw nya na sana tanggapin yun pero isinilid nito ang pera sa bag ng ina na kasalukuyang may binubuksan ang bag nito. "Ano to?!, maang na tanong ni Aling Minda ng isinilid ni Marvin sa bag nya ang pera. " Sa inyo po yun nay", sabi nito sabay talikod at bumalik sa van nito kaya tumingin si Aling Minda sa anak na nagtatanong ang mga mata. "Sumenyas lang sya na 'oo' dyan lang yan para hindi na habulin ng ina si Marvin. Hinayaan nya na lang din ito. " O sige na balik na kami", paalam ni Ivy sa kanila. "Ayaw nyo kami talagang samahan dito?, tanong nya sa kaibigan bago pa ito sumakay ulit sa van. " Kayo na lang jan, nakakasawa na kasi jan", pabiro nitong sagot sa kanya. "Kung sa Bora, hindi ako hihindi", dagdag nito. Una kasi nilang plano na sa Bora sila pupunta pero nag-iba yun dahil gusto nya makasama ang pamilya nya. Kaya naisipan nya na jan na lang sila. Next destination na lang nila ang Bora. Isa pa hindi na din sya lugi sa lugar na to. Mukhang tahimik at kaunti lang ang guest. Kaya siguro ito nagpapromo. " Alam mo naman na kukulangin budget ko doon eh". "Oo na! ", kumaway na ito sa kanya. Pinaandar naman ni Marvin ang makina ng sasakyan at pinatakbo na yun. "Enjoy kayo", pahabol pa nitong sigaw habang papalayo na sila. " Pasok na tayo sa reception area", aya nya sa mga kasama ng makaalis na ang kaibigan. Nauna na syang pumasok at sumunod ang mga ito. Dumeretso sya sa receptionist at nagtanong tungkol sa reservation nila. "Good morning, ma'am", nakangiting bungad nito sa kanya. " Good morning, reservation for Matet Gariz, I booked last two days ago ". " Wait ma'am, I'll check", tiningnan nito ang reservation list sa computer nito. "Room number 503 and 504 ma'am", pagnaka-naka sabi nito. "Here's your room card ma'am, enjoy your stay", at iniabot iyon sa kanya. " Thanks ", nakangiti nyang kinuha ang card at bumalik sa mga kasama. Inaya nya na ang mga ito na umakyat sa kwarto nila. "MATETAlas-singko na ng umaga nang magising siya. Agad niyang inayos ang sarili, puno ng determinasyon na bumaba sa kusina upang ipaghanda ang agahan nila—lalo na ang almusal ni Javi. Naisip niya na dapat na niyang simulan ang pag-aalaga at pag-asikaso sa mga pangangailangan ng lalaki, upang pagdating ng mga magulang nito, maging tila natural at kaswal na lamang ang kanyang mga galaw.Nasa kusina na si Nanay Alma, masigasig na naghuhugas ng mga sangkap para sa kanilang agahan. Si Trina naman ay nakikita niyang nagwawalis sa bakuran sa labas ng mansion. "Good morning po, Nanay Alma!" ang bati niya, nagulat ang matanda sa kanyang boses.“Good morning, Tet! Ang aga mo namang nagising,” sagot nito."Opo, plano ko pong ipagluto ng almusal si Javi," sagot niyang nakangiti. "Ano po ang karaniwang kinakain niya sa almusal?"Ngumiti si Nanay Alma, tila naintindihan ang layunin niya. “Itlog, tinapay, at kape ang madalas na kinakain ni Señorito, Tet. Minsan, toasted bread lang,” sabi nito habang
JAVIMaaga pa siyang umuwi sa mansion, nag-aalalang baka hindi lumabas si Matet mula sa kanyang kwarto. Iniwan niya itong biglaan at hindi naipakilala nang maayos sa mga kasambahay. Baka nahirapan itong makisama sa kanila.Pagbaba niya mula sa kotse, agad siyang dumeretso sa guest room kung saan naroon si Matet. Ngunit sa pinto pa lang ng mansion, rinig na rinig na niya ang matinis na tawanan mula sa kusina. Dahan-dahan siyang lumapit doon at tumambad sa kanyang paningin si Matet, kasama ang dalawa niyang kasambahay, na masayang nakikipag-kwentuhan habang naghahanda ng kanilang hapunan. Hindi na niya sila ginambala; sa halip, nanatili siyang nakatayo sa pintuan, nakangiti at nakikinig sa kanilang masiglang usapan."Alam mo, Tet, itong si Trina, napalo 'yan ng nanay niya noon kasi ipinatawag sila sa school. Gumawa ba naman ng love letter para sa crush niya at sa ibang tao pa niya ito naibigay! At nang bawiin niya, akala ng nabigyan—para talaga sa kanya ito—pinagtawanan siya. Buti na la
Matet"Nanay Alma, paki hatid po ang señorita niyo sa guest room," tawag ni Javi sa isang katulong ng mansion. Mabilis itong lumapit sa kanila, puno ng kasigasigan."Opo, Señorito," mabilis na sagot nito, may ngiti sa kanyang mga labi."Gandang hapon po," bati niya, bahagyang yumuko bilang paggalang."Magandang hapon din sa iyo, Señorita," balik bati ng katulong. "Sumunod po kayo," sabay kuha sa dala niyang maleta.Bago siya sumunod, nagsalita si Javi, nag-aalangan sa tono. "Magpahinga ka muna sa guest room. Sa hapunan na natin pag-uusapan ang set-up natin." Isang mabilis na tingin ang ibinigay niya bago lumabas ng mansion. Mukhang nagmamadali siya. Hindi na hinintay ang kanyang sagot.Habang sumusunod sa katulong, inilinga niya ang mga mata sa loob ng bahay. Mga mamahaling gamit ang nakapaligid – mula sa mga mapanlikhang muwebles, sa makintab na chandelier, sa mga makasining na paintings, maging sa magagandang kurtina. Napahanga siya ngunit pinilit niyang itago iyon. Ayaw niyang mag-
MATET Maaga pa siyang bumangon kinaumagahan upang ipaghanda ng almusal ang mga bata para sa kanilang pagpasok sa paaralan at upang ayusin ang mga gamit na dadalhin sa mansion ng mga Dixon. “Good morning, Ma,” bati ng kanyang anak nang pumasok ito sa kusina. Tapos na itong maligo at nakabihis na. Lumapit ito sa kanya at tumulong sa paghahanda ng mesa. “Good morning,” sagot niya habang ngumiti. “Nasaan na ang kapatid mo?” “Nagbibihis na rin po,” sagot nito. “Ma, every weekend ba, uuwi ka?” “I'm not sure, nak, pero susubukan ko,” sagot niya, na may ngiti sa labi. Hindi nagtagal, dumating sina Angie, Thea, at Bryle upang mag-agahan. Pagkatapos ng agahan ng mga bata, agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagpaalam sa kanyang ina. “Nay, ikaw na bahala sa mga bata, ha? Tawagan niyo ako kaagad kung nagpapasaway ang mga 'yan,” bilin niya, puno ng pag-aalala. “Naku, huwag kang mag-alala. Mababait ang mga anak mo,” sagot ng kanyang ina. “Mabuti naman kung ganun. Alis na po ako,” an
Pagkatapos ng pagsamba, hinatid sya ni Javi sa karinderya ng ate nya. Bumungad ang mapanghusgang tingin ng mga kustomer na nandun. Binaliwala nya lang iyon. "Magkape ka muna bago ka umuwi", alok nya sa lalaki. Tumango ito. Sumunod sa kanya sa loob ng karinderya at pumuwesto sa isang bakanteng table na andun. " Walang kaming cappuccino coffee dito ha, kaya original coffee lang ang ititimpla ko sayo", ani nyang nakangiti. Sumingaw ang matamis na ngiti sa labi nito. Napansin nyang panay ang sulyap ng mga dalaga sa lalaki. Nagpapansin ang mga ito kay Javi. Samantalang patay malisya lang ang lalaki. "𝘏𝘮𝘮, 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘨𝘪𝘳𝘭𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 ", bulong nya sa isip habang tumalikod sa lalaki. Nasa counter ang kanyang ate na may makahulugang tingin sa kanya. " Ano yan ha? mukhang madalas na ang pagkikita nyo nyan? ". Ginawa muna nya ang kape ng lalaki bago sumagot sa kap
"Alex, sa palagay mo, papayag kaya siyang magpanggap na asawa ko?" tanong niya kay Alex.Napatingin si Alex sa kanya, naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya."Sino po ang tinutukoy mo, boss? Si Ms. Matet ba?" ito kasi ang babaeng napag-usapan nilang dalawa noong nakaraang araw.Marahan siyang tumango. Pilit niyang pinupukos ang isip sa mga report na nasa harap niya, ngunit patuloy pa rin siyang nadidistract."Sa totoo lang, boss, hindi ko alam. Kakaiba ang babaeng iyon," matapat na sagot ni Alex. "Subukan mo lang na kausapin siya."Nag-isip siya ulit. "May numero ka ba niya?" tanong niya."Wala, boss. Pero sigurado akong makikita natin ang numero o contact information niya sa reception. Lahat ng guests natin, nakalog-in ang mga personal details doon.""Tawagin mo nga si Roxie at sabihan mong hanapin ang contact details ng babae sa guests list," utos niya.Agad na tumalima si Alex. Pagbalik nito, may dala itong papel na naglalaman ng contact info na kailangan niya. Matagal siyang nak