Tahimik silang magkasama sa sasakyan. Ang tensyon mula sa tawag kay Marie ay hindi pa rin tuluyang nawawala sa katawan ni Cinderella. Nanatili siyang nakatingin sa bintana, pinapanood ang mga ilaw na mabilis dumadaan. Hindi siya nagsasalita pero alam ni Nero kung gaano kabigat ang binubuhat nito ngayon. Kaya’t laking gulat niya nang biglang huminto si Nero sa gilid ng kalsada. “What are you doing?” tanong ni Cinderella, habang tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang kumpol ng ilaw… isang night market na buhay na buhay kahit gabi na. Hindi agad sumagot si Nero. Pumarada lang siya nang maayos at saka lumingon sa kanya. “I’m hungry,” aniya na kaswal na parang hindi isang billionaire na gustong bumili ng kwek-kwek o isaw sa gilid ng kalsada. Bahagyang umangat ang kilay ni Cinderella at sinuri siya mula ulo hanggang paa. “You don’t eat street food.” Bahagyang ngumisi si Nero na walang kagatol-gatol na isinara ang makina ng sasakyan. “Maybe I do now.” “That’s a lie,” n
Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas nila Nero ang highway. Malamlam ang ilaw mula sa dashboard na tumatama sa mapupungay na mata ni Cinderella habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakalapat ang palad niya sa malamig na salamin, ngunit ang puso niya ay mainit pa rin sa damdaming kanina pa niya pinipigilan. Tahimik lang si Nero sa pagmamaneho pero panaka-naka ay sumusulyap sa kanya.“Do you want me to stop by somewhere? Maybe grab something to eat?” mahinang tanong ni Nero na bahagyang tumingin sa kanya.She gave a small smile. “No. I just want to go home.”Tumango si Nero. “Home,” ulit niya na para bang pinipilit ipasok sa isip na totoo na ngang uuwi sa kaniya si Cinderella.Ngunit bago pa man muling manahimik ang paligid ay tumunog ang cellphone ni Cinderella. Nag-vibrate ito sa kanyang handbag at nang makita niya ang pangalan sa screen ay isang malamig na tingin ang lumitaw sa kanyang mata.Tumatawag si Valeria, ang stepmother ni Cinderella. The name she never really le
Matapos ang malalim at tapat na pag-uusap ay saglit na katahimikan ang bumalot sa VIP suite. Nasa bisig pa rin ni Nero si Cinderella na parang ayaw na nitong bitawan. Sa bawat hinga nila ay may kasamang bigat ng mga salitang hindi na kailangang sabihin. Doon sa kanyang yakap, doon siya pansamantalang nakahanap ng kapayapaan.Hanggang sa marahang bumukas ang pinto.“Oh my God—akala ko may suntukan na,” bungad ni Angie habang may bitbit na dalawang tray ng nachos at drinks. “But no. You two really went from enemies to endgame.”Napangiti si Cinderella, bahagyang tumango habang hindi pa rin bumibitaw si Nero. “Took you long enough.”Hindi rin nakapigil si Nero sa ngiti na nanatili lang ang kanyang braso sa baywang ni Cinderella na protective at possessive sa parehong paraan. Tumingin siya kay Angie na may bahagyang biro sa tinig. “She’s dangerous when she’s hungry.”“Don’t I know it,” tugon ni Angie habang naupo sa tabi nila. “I’ve seen her rage over cold fries. Terrifying," sabay roll n
Pagkatapos ng nakakabinging sigawan sa concert ay parang nanahimik ang buong arena. Matapos ang huling kanta ni Storm ay bumalik na sila sa VIP suite parang hangin na biglang tumigil matapos ang isang matinding bagyo.Tahimik si Cinderella habang nakaupo sa plush na couch ng suite. Si Nero ay tahimik din sa kabilang side, ang kanyang mga daliri ay nakahawak sa baso ng tubig na hindi man lang niya iniinom.Naramdaman ni Angie na kailangan na mag usap ang dalawa kaya naman ay nagpasya siyang umalis“CR lang ako,” paalam ni Angie na mabilis na lumabas sa pinto.Iniwan silang dalawa. At sa oras na maisara ang pinto ay parang lumiit ang mundo. Wala na ang mga ilaw, ang music at ang fans. Tanging ang bigat ng mga hindi nasabi at ang init ng mga tanong ang naiwan sa hangin.Cinderella turned to him slowly, ang mga mata ay diretso na walang takot pero puno ng paghahanap. “You’re not the man I married.”Nero leaned back slightly, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanya. “No,” sagot niya at d
Hindi pa rin maiproseso ni Cinderella ang lahat. Parang biglang tumigil ang mundo habang nakatayo siya roon na tahimik, walang imik at pinagmamasdan ang dalawang lalaking nag-uusap sa harapan niya.Tahimik na nakikinig si Cinderella sa kanilang dalawa.Si Nero ay nanatiling composed ngunit may bahagyang pagbuntong-hininga na tila pinipigilan ang inis. Habang si Storm ay may mapanuksong ngiti sa labi na waring sinasadyang pukawin ang reaksyon ng kapatid.Nag-uusap ang dalawa na para bang ordinaryo lang ang lahat. Walang tensyon at walang alinlangan. Samantalang siya ay nakapako sa kinatatayuan na hindi makapagsalita.Ang bawat katotohanang natuklasan niya ay parang sunod-sunod na dagok sa dibdib. Ang mga tanong sa isipan niya ay nagsisiksikan, humihiyaw, ngunit ni isa ay hindi niya maibulalas.Ang kanyang katahimikan ay hindi dahil sa kahinaan kundi dahil sa bigat ng katotohanang kailanman ay hindi niya inakalang madidiskubre sa ganitong paraan.Storm.Isang pangalan na sa sarili pa l
Kinabukasan Mainit-init pa ang gabi. Ang mga ilaw ng MOA Arena ay tila mga bituing nagkukumpul-kumpulan, habang ang hanay ng mga taong naghihintay sa VIP lane ay umaabot hanggang sa kanto. Kumakaway ang mga ilaw ng camera ng mga paparazzi, vloggers, at casual fans na lahat umaasang masulyapan ang kahit sinong kilalang personalidad na naroon upang manood ng concert ng pinakamainit na artist sa bansa na si Storm. Ngunit sa gitna ng kaguluhan ay isang pigura ang tahimik. Si Cinderella na nakasuot ng eleganteng black satin dress na may mataas na slit sa tagiliran. Ang buhok niya ay naka-ponytail na walang isang hiblang palaboy. Ang mukha niya ay walang emosyon, pero ang mga mata… may lalim. “Are you sure you’re okay?” tanong ni Angie, na naka-coord na white blazer at mini skirt. Stylish, pero hindi kasing composed ng kaibigan niya. Pinipilit niyang gawing magaan ang gabi. “You don’t even look like you’re breathing.” Cinderella didn’t answer. Sa halip ay tinanaw lang niya ang main ent
Sa paglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, bumungad ang maiinit at alinsangang hangin ng Maynila. Walang emosyon na humakbang si Cinderella palabas ng arrival gate, suot ang itim na oversized sunglasses at simpleng nakasuot ng jacket na may hoodie na bagay sa kanyang understated elegance.Sa gitna ng abalang paliparan ay mabilis siyang nakilala ni Angie. Isang mahigpit ngunit maingat na yakap ang agad na isinukli nito na may pagsabik at may pag-aalala.“C…” mahina ngunit puno ng emosyon ang tinig ni Angie. “Finally, you’re home. Namiss kita."Ngunit walang tugon. Hindi ngumiti si Cinderella at hindi rin sumagot. Tumango lang ito nang bahagya at muling ibinaling ang tingin sa malayo.Tahimik ang buong biyahe nila palabas ng airport. Sa loob ng sasakyan ay tanging tunog ng makina at mahinang instrumental na musika mula sa car stereo ang nagsilbing background ng kanilang katahimikan. Paminsan-minsan ay sumulyap si Angie kay Cinderella. Gusto niyang magtanong, gusto ni
Tahimik ang buong 35th executive floor ng Vergara Corporation. Pero hindi ito ang klaseng katahimikan na nagpapakalma. Tahimik… kasi may bagyong namumuo sa loob ng opisina ng CEO.Sa gitna ng modernong silid at sa likod ng glass desk ay nakaupo si Nero na tahimik pero sa likod ng mga malamig na mata ay nagliliyab ang galit.Nasa harap niya ang tablet at makikita roon ang isang larawan. Si Cinderella ay nasa airport na nakasuot ng hoodie at shades. Mag-isang papasok sa departure gate na walang bodyguard at... walang paalam.Dahan-dahang umiling si Nero habang nakatitig sa screen. Mahigpit ang hawak niya sa tablet na halos mabasag. “She ran…” madiing bulong niya. “She f*cking ran.”Biglang bumukas ang pinto at pumasok si VeraSanay na siya sa mood swings ng kanyang boss. Pero ngayon ay iba. Hindi ito iyong galit na sumisigaw o naninira ng gamit... isa itong tahimik na galit na mas nakakakilabot. Iyong klase ng katahimikan na mas malakas pa sa sigawan na nakakatakot.“Sir,” maingat ang
Tahimik ang buong kwarto.Tahimik pero hindi matahimik ang puso ni Cinderella.Nakaupo siya sa gilid ng kama na tuwid ang likod pero bagsak ang balikat. Ang liwanag mula sa city lights sa labas ay tumatama sa kanyang mukha, pero wala siyang pakialam. Hindi niya namamalayang matagal na pala siyang nakatitig sa kawalan... hindi sa painting na mamahalin, hindi sa kurtinang imported at hindi sa mabangong kandilang sinindihan ni Vera bago siya umalis.Hindi sa kahit anong bagay na nandito...Dahil wala na siyang nararamdaman sa lugar na ito. Sa tahanang pansamantala na hindi kailanman naging kanya.Mapait ang ngiting pilit gumuhit sa kanyang labi...Alam niya kung ano ang pinasok niya. Hindi siya inosente.Isang kontrata.Isang taon.Pero hindi niya inasahan na ganito kasakit kapag totoo palang hindi siya kailanman naging bahagi ng buhay ni Nero kundi bahagi lang ng kanyang plano.Muli siyang huminga nang malalim para pawiin ang bigat na nararamdaman.Sa buong buhay niya ay pinilit niyang