Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 7 - Wedding Preparations

Share

Chapter 7 - Wedding Preparations

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-06-01 18:14:02

Tahimik na binabasa ni Alexis ang guest list sa harap niya. Nasa isang mahabang lamesa sila ni Ralph, kapwa may hawak na kopya ng draft ng wedding program. Sa ibabaw ng table ay nakakalat ang ilang bridal magazines, swatches ng tela, at sample invitations. Lahat ay mukhang perpekto—bukod sa nararamdaman niya.

Ilang minuto na siyang nakatitig sa pangalan na nakasulat sa gitna ng page.

Julio Menandro & Mica Esguerra.

Walang iba kundi ang mga taong nanakit kay Alexis. Nanlamig ang mga palad ni Alexis. Hindi siya agad nakapagsalita.

Parang biglang naging mabigat ang hangin sa loob ng silid.

Napansin ni Ralph ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Alexis. Hindi man siya tinanong, kusa na siyang nagsalita, tila inaagapan ang anumang sasabihin nito.

“Julio is like a brother to me,” aniya, diretsong nakatingin sa kanya. “While Mica… Mica and I had been together for more than a year. We have to make sure they attend the wedding.”

Hindi agad nakasagot si Alexis. Ang dami niyang gustong itanong, pero wala siyang lakas ng loob. Kaya tumango na lang siya, bagamat hindi niya alam kung ito ba ay pagsang-ayon o pagsuko.

Kinuha niya ang isang pen, kunwari’y chine-check ang ibang pangalan sa listahan. Pero sa totoo lang, hindi niya na mabasa nang maayos ang mga letra. Malabo na ang paningin niya—baka sa inis, o baka dahil naiiyak na siya pero pinipigilan lang.

“Fake wedding nga, pero bakit parang totoo na rin ang sakit?” tanong ni Alexis sa sarili.

Walang nakapansin sa mahinang buntong-hininga niya. Tumayo siya at kunwaring inabot ang folder ng supplier contracts sa kabilang mesa. Kailangan niyang umiwas kahit sandali.

“Okay ka lang?” tanong ni Ralph, mahinahon ang tono.

“Yeah,” maikling sagot ni Alexis. “May kulang lang sa listahan.”

Nagkunwaring busy si Alexis sa mga papeles habang pilit iniiwasan ang titig ni Ralph. Sa isip-isip niya, paano niya kakayanin ang mga susunod pang araw, kung ngayon pa lang ay parang unti-unti na siyang nauubos?

Ilang araw lang ang ipinaalam na leave ni Alexis at nararamdaman na niya ang pagod sa mga paghahandang ginagawa nila ni Ralph.

Mag-a-alas-siete na ng gabi nang matapos ang ikatlong venue na pinuntahan nila. Sa huling resort na tinignan, wala nang masyadong usapan. Tahimik lang si Alexis, nakasandal sa passenger seat ng kotse habang si Ralph ang nagda-drive pabalik ng Maynila.

Pasulyap-sulyap si Ralph sa kanya.

Mapungay ang mata. Wala sa ayos ang bangs. Ang dating alertong si Alexis ay parang… natutunaw.

“Pagod ka na.” Hindi tanong. Kumpirmadong obserbasyon.

Napadilat si Alexis. “Slight lang.” Pilit ang ngiti. Pero halata ang bigat sa tinig niya.

“You’ve been yawning since we left Tagaytay.”

Huminto si Ralph sa isang convenience store sa tabi ng kalsada, bumaba saglit, at pagbalik ay may dalang iced coffee at mini cake in a box.

“What’s this?”

“Energy. And apology.”

“Apology?”

Napakunot ang noo ni Alexis habang kinukuha ang baso.

"For dragging you all day. You looked like you were about to faint sa last venue. Kung hindi lang kita hawak sa baywang—”

“Hoy!”

Napatawa si Alexis, namula. “‘Wag mo ngang i-bring up ‘yon!”

“Sorry. Grabe lang kasi ang hawak mo sa braso ko. Kala ko kinikilig ka na eh.”

“Naghanap ako ng balance! Hindi kilig ‘yon.”

Ngumiti si Ralph, ‘yung tipo ng ngiting alam mong nanalo siya kahit pa anong depensa ang sabihin mo.

Tahimik ulit. Kumakain si Alexis ng cake, si Ralph naman ay nagmamaneho. Pero may isang sandaling tila naging mas mabigat ang katahimikan.

“Ralph…” mahinang tawag ni Alexis.

“Hmm?”

“Wala lang… Thank you. For noticing.”

Isang tingin lang ang ibinigay ni Ralph. Malambot. Parang sinasabi, “I always notice you.” Pero hindi na niya binigkas iyon.

“Next time, pahinga muna tayo sa day 3 ng planning. Bride ka, hindi ka dapat nauubos.”

“Bride na hindi naman talaga ikakasal,” bulong ni Alexis, halos di marinig.

Ngunit narinig ni Ralph. Hindi siya tumugon agad. Sa halip, inabot niya ang bottled water at sabay sabing:

“Fake or not, I’ll take care of you all the same.”

Ang sarap sa pakiramdam ng pangakong iyon subalit alam naman ni Alexis kung para saan ang lahat ng iyon kaya ngumiti at tumango na lamang siya.

"By the way, in 4 days na pala ang photoshoot. I won't bother you para nakapag beauty rest ka."

Muli tango ang naging tugon niya. Nang makarating sila sa bahay ni Alexis, they said their goodbyes at akmang pababa na si Alexis when Ralph kissed her cheeks. Halatang nagulat si Alexis sa actions na ito ni Ralph. She wanted to ask Ralph pero alam naman ni Alexis na ang lahat ng ito ay para mas mukhang natural ang lahat.

Tila pinarerealize lang sa kanya ni Ralph na dapat sanay na siya sa physical na pagpapakita nila ng atrasyon dahil ilang araw na lamang ay ganap na silang mag asawa sa mata ng publiko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Kabanata 250 - Family Home Theater

    Matagal nang pangako ni Ralph kay Ayesha na magdaos sila ng family movie night—pero palaging nauurong dahil sa trabaho, baby duties, at pagod sa araw-araw. Kaya isang Sabado ng gabi, sa wakas, tinupad niya ang plano. Ipinahanda niya kay Alexis ang popcorn habang siya naman ay abala sa pag-set up ng maliit na projector sa sala.“Ready ka na ba, love?” sigaw ni Ralph habang inaayos ang mga unan sa sahig. “Hindi ito basta movie night—special to.”“Special?” napangiti si Alexis habang karga si Ayanna. “Anong pinaplano mo, Mr. Santillian?”Ngumisi lang si Ralph. “Makikita mo mamaya.”Dumating si Ayesha, suot ang pajama niyang may bituin, bitbit ang stuffed toy na hindi niya maiwan. “Daddy! Can I press play?”“Oo, pero wait lang,” sabi ni Ralph habang nilalagyan ng kumot ang sahig. “Family photo first, bago magsimula.”Nag-groufie silang apat—si Alexis na yakap si Ayanna, si Ayesha na nakasandal sa balikat ng ama. Ang simpleng eksenang iyon ay punong-puno ng saya.Pag-press ni Ayesha ng pla

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 249 - A night filled with Stars

    Sa isang malamig na Sabado ng gabi, nagpasya si Ralph na oras na para sa isang simpleng, espesyal na bonding na walang gadgets. Ilang araw na niyang napapansin na kahit si Ayesha, na dati’y mahilig sa mga libro at drawing, ay madalas nang abala sa tablet. Si Alexis naman, kapag tulog na ang mga bata, ay hindi mapigilang mag-scroll sa phone. Kaya nang matapos ang hapunan, inilabas ni Ralph ang isang kahon mula sa garahe at ngumiti nang makahulugan.“Ano ’yan, Daddy?” tanong ni Ayesha, na kaagad na-curious.“Telescope,” sagot niya, pinupunasan ang alikabok. “At star map. Tonight, no phones, no TV. Just us and the stars.”Napangiti si Alexis habang pinapahiran ang kamay ni Ayanna ng baby lotion. “Parang ang saya niyan. Matagal na rin nating hindi nagagawa ’to.”Habang inaayos ni Ralph ang telescope sa bakuran, tumulong si Ayesha na ikalat ang picnic blanket. Si Ayanna ay nakaupo sa stroller, nakasuot ng makapal na kumot para sa malamig na hangin. Huminga nang malalim si Alexis, ramdam an

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 248 - Talent show

    Sa sumunod na kabanata ng buhay nina Ralph at Alexis, isang bagong yugto ng mas masayang pamilya ang bumungad sa kanila. Makalipas ang ilang linggo mula nang ayusin nilang pamilya ang laruan ni Ayesha, naging mas maingat na ang bata sa mga gamit niya. Isang Sabado ng umaga, habang ang araw ay nagtatago pa sa likod ng mga ulap, nagising si Alexis sa mahina at magkahalong tunog ng pag-awit ni Ayesha at pag-gurgle ni Ayanna. Sumilip siya sa kwarto ng mga bata at nakita ang nakakatawang eksena: si Ayesha, nakasuot ng improvised na korona mula sa mga craft supplies, ay gumagawa ng “mini concert” para kay Ayanna gamit ang inayos nilang xylophone. Nakahiga sa crib si Ayanna, humahagikhik sa bawat nota na tinutugtog ng ate.Lumapit si Ralph, bagong gising at may hawak pang mug ng kape. “Mukhang may bagong talent show tayo,” biro niya, pinipigilan ang tawa para hindi maistorbo ang palabas. Nagtinginan sila ni Alexis at parehong nakaramdam ng init sa puso—isang simpleng umaga, ngunit puno ng al

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 247 - Broken Toy

    Sa isang maulang hapon sa kanilang sala, umalingawngaw ang hikbi ni Ayesha. Nakalugmok siya sa sahig, hawak-hawak ang paborito niyang laruan—isang maliit na wooden xylophone na bigay pa ni Alexis noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Nahulog ito kanina mula sa mesa habang naglalaro sila ni Ayanna, at ngayon, ang isa sa mga kahoy na bar ay natanggal at ang maliit na pamalo ay nabali. Para kay Ayesha, parang gumuho ang mundo. Mahalaga sa kanya ang laruan na iyon hindi lamang dahil matagal na niyang kaibigan sa paglalaro kundi dahil iyon din ang gamit niyang nagturo kay Anjo, ang kanyang yumaong nakababatang kapatid, ng unang mga nota. Kaya nang masira ito, naramdaman niyang nawala rin ang isang piraso ng kanilang mga alaala.Agad lumapit si Alexis, niyakap ang umiiyak na anak at hinaplos ang buhok nito. “Shh… Ayesha, accidents happen,” malumanay niyang sabi. Si Ralph, na noon ay nag-aayos ng mga libro sa shelf, ay agad ding lumapit at tiningnan ang pinsala ng laruan. “Mukhang na

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 246 - Social Media Leak

    Isang maaliwalas na Linggo ng hapon, nakaupo si Ayesha sa sala, naglalaro sa lumang tablet na minsan nang gamit ni Ralph para sa trabaho. Mahilig siyang mag-explore ng mga app at madalas niyang tinitingnan ang mga lumang video ng kanilang pamilya. Isa sa mga paborito niya ay ang nakakatawang video nina Ralph at Alexis na sumasayaw habang pinapatawa si Ayanna. Sa isip ni Ayesha, iyon ay isang nakakaaliw na sandali na tiyak na magugustuhan ng mga kaibigan niya. Dahil sa kanyang pagiging curious at kulang pa sa pang-unawa sa epekto ng online sharing, pinindot niya ang “Share” button at in-upload ang video sa isang social media platform na ginagamit ng kanyang mga kaklase. Sa murang edad, ang iniisip lang niya ay masaya itong panoorin—hindi niya alam kung gaano kabilis kumalat ang isang bagay sa internet.Kinabukasan, nagsimula ang bulungan sa eskuwelahan. Pagpasok ni Ayesha sa classroom, may ilang kaklase ang bumati sa kanya nang may mga pabulong na tawa. “Cute ng Daddy mo sumayaw!” sabi

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 245- Nosy Neighbor

    Mula nang lumipat ang bagong kapitbahay na si Mrs. Elvira Santos sa katabing bahay, tila mas naging abala ang tahimik na kalye nina Ralph at Alexis. Sa umpisa, natuwa pa sila—isang magalang na ginang na may matamis na ngiti at mahilig magdala ng pagkain. “Welcome to the neighborhood!” sabi ni Alexis noong unang araw, tuwang-tuwa habang tinatanggap ang isang basket ng ensaymada. Si Ayesha at ang maliit na Ayanna ay nag-wave pa ng mga kamay mula sa beranda.Ngunit paglipas ng mga linggo, napansin ni Alexis ang kakaibang bagay. Tuwing lalabas siya para magpatuyo ng labada o magdilig ng halaman, nandoon si Elvira, laging may tanong. “Saan nag-aaral si Ayesha? Ano’ng oras kayo umaalis at umuuwi?” Minsan pa’y nagtanong ito kung magkano ang ginastos nila sa renobasyon ng bahay. Natawa lang si Alexis noon, ngunit may kung anong kaba na nagsimulang kumapit sa kanya.Isang hapon, habang naglalaro si Ayesha sa harap ng bahay kasama ang kalaro, nakita ni Alexis si Elvira na kinakausap ang bata. H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status