Share

Chapter 8 - Miss Denial

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-06-01 19:49:48

Tatlong araw.

Tatlong araw na walang kahit anong text o tawag mula kay Ralph.

Si Alexis di maiwasan mag expect na kahit kamusta lang ay matatanggap niyang mensahe kay Ralph. Subalit zero talaga. Hindi siya pinapaasa ni Ralph. Siya talaga ang delulu.

Ang sabi ng lalaki ay kailangan niya ng rest. Tama ito. Palagay niya physically and emotionally drained na nga siya sa pagpapanggap na ito. Bakit ba kasi siya pumayag sa ganitong set up?

Nakatakda ang wedding-themed photoshoot nila ni Ralph ngayong araw. Isang parte lang ng media exposure sa “kasal” nila — kunwari’y masaya, kunwari’y sweet.

Pagpasok niya sa studio, lahat ay maayos na: gowns, camera, lights, stylists, music. Pero may kakaibang bumungad sa kanya: nakita niya ang schedule board sa opisina ng photographer.

Sa gilid nito, may listahan ng pangalan at oras ng pagdating.

“MICA – 10:15 AM – drop by for pickups”

Tinapik siya ng assistant. “Miss Alexis, ang ganda ng gown mo! Alam mo ba, si Ralph mismo ang pumili ng studio na ‘to. Sabi niya kasi, dito raw madalas nagshoo-shoot si Miss Mica, at baka raw biglang dumaan…”

Parang huminto ang mundo ni Alexis.

Ngunit ngumiti siya. “Ah, ganun ba? Well, at least… convenient.”

Nang pagdating ni Ralph ay malawak ang ngiti nito at ganap na ganap. May dala pang flowers para sa kanya plus humalik sa pisngi niya. Kilig na kilig naman ang lahat ng nasa set.

"You ready?"

She just nodded and responded with a small smile.

At nagsimula ang shoot — titigan, yakap, holding hands. Paulit-ulit. Ganda ng kuha, ganda ng eksena. Pero si Alexis, hindi na makapokus. Hindi dahil sa kilig. Kundi dahil sa ramdam niyang lahat ng ginagawa ni Ralph ay may audience.

Naroon si Mica sa isang sulok, kunwaring nag-aayos ng paper bag, pero pasimpleng sumusulyap sa photoshoot.

At si Ralph? Todo lambing. Todo effort. Pero hindi para kay Alexis — kundi para mapansin ng dating mahal.

Natural na natural kayong dalawa,” puri ng photographer. “Kahit ako kinikilig!”

Hays, kung alam lang ng lahat na props lang siya sa matinding acting career ni Ralph. He should have been an actor not a lawyer.

Mainit ang mga ilaw sa studio, pero mas mainit ang presensya ni Ralph sa tabi ni Alexis.

Mas maganda kung may candid shots,” sabi ng stylist. “Yung parang private moment niyong dalawa.”

Kaya nagsimula si Ralph sa maliliit na gesture — hawak sa baywang, pagbulong ng kung anu-ano sa tenga ni Alexis na parang totoo.

Sa gilid ng mata niya, nakita niyang napapatingin si Mica. Napakunot ang noo nito. May tensyon sa tingin.

“Effective tayo,” bulong ni Ralph.

Tumawa si Alexis, pa-cute. “Sino ba talaga ang gusto mong ma-impress, ako o siya?”

“Wala. Ikaw lang, syempre,” mabilis na sagot ng lalaki. Pero may halong biro. Hindi seryoso.

Ngumiti si Alexis. Pero sa loob niya — hindi siya natawa.

Wedding-themed photoshoot para sa campaign ng isang luxury magazine — kunwari’y para sa promo ng kasal. Pero para kay Ralph, ito ang eksenang inaabangan niya. Dahil alam niyang nandoon si Mica. Nakaupo sa gilid, nagkukunwang abala sa phone, pero hindi maitago ang madalas na sulyap sa kanilang dalawa.

Si Alexis, nakasuot ng eleganteng lace wedding dress. Si Ralph, nasa black tux, bagay na bagay.

“Closer pa,” utos ng photographer.

“Halikan mo siya sa noo,” dagdag pa.

Sunod si Ralph. Banayad ang halik sa noo ni Alexis. Napapikit si Alexis — hindi dahil sa kilig, kundi para itago ang pagkirot sa dibdib.

Pagkatapos ng shoot, habang kinakausap ni Ralph ang photographer at creative team, lumapit si Mica, kunwari may concern sa props.

“Long time no see,” bati ni Mica kay Ralph.

“Yeah. Nice to see you,” tugon niya, kalmado.

Tahimik lang si Alexis sa tabi.

Parang multo. Hindi kita, pero nandoon.

“Maganda ang shoot,” dagdag ni Mica.

“Thanks. Daming effort ng team, at si Alexis… galing umarte,” sambit ni Ralph habang nakangiting nilingon si Alexis.

Tahimik si Alexis sa biyahe. Si Ralph, abala sa phone, panay message.

“Pagod ka?” tanong niya.

“Hindi naman. Enjoy nga eh. Tingin mo, nakakuha natin attention ng lahat?” tanong ni Ralph, nakangiti.

“Tingin ko,” sagot ni Alexis. “Mission accomplished.”

“Okay ka lang?” tanong ni Ralph, pansin ang katahimikan.

Ngumiti si Alexis. “Oo naman. Go with the flow lang, ‘di ba? Chill lang. Wala tayong dapat seryosohin.”

Tumango si Ralph, nakampante.

Hindi niya alam, may luha na palang pilit pinipigilan ni Alexis sa gilid ng mata niya.

Pagkababa ng sasakyan, inhale exhale si Alexis habang pinapakalma ang sarili:

“Hindi ako nasasaktan,” bulong niya.

“Hindi ako nasasaktan.”

“Hindi ako—”

At doon na tuluyang tumulo ang luha niya.

Agad pinahid ni Alexis ang luha dahil biglang bumaba ng sasakyan si Ralph.

"Akala ko... uuwi ka na?"

Nagulat si Alexis nang bigla syang yakapin ni Ralph.

"Thanks for everything, Alexis. I owe you this. I promise. When all of this over. Babawi ako sayo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 243 - Surprise Date

    Maghapon nang abala si Ralph sa bahay. Kahit sa pagitan ng pag-aalaga kay Ayanna at pagtulong kay Ayesha sa homework, sinikap niyang itago ang mga plano para sa isang espesyal na gabi. Alam niyang matagal na nilang hindi nagagawa ni Alexis na mag-date mula nang ipinanganak si Ayanna. Ang mga gabi nila ay madalas nauuwi sa pagpapalit ng diaper, pagpapadede, at paghele hanggang makatulog ang sanggol. Ngunit ngayong unti-unti nang naaayos ang routine, gusto niyang paalalahanan ang asawa kung gaano pa rin siya nito kamahal.“Ate Ayesha,” bulong ni Ralph habang inaabot ang kamay ng anak na babae, “help Daddy keep a secret, okay? We’re going to surprise Mommy tonight.”Nagliliwanag ang mga mata ni Ayesha. “A surprise? Like a party?” tanong niya, sabik na sabik.“Not a party,” sabi ni Ralph, pinipigilan ang tawa. “Just a special dinner for Mommy. But don’t tell her, ha? It’s our secret.”Pagkalipas ng ilang oras, habang inaasikaso ni Alexis ang gamit ni Ayanna sa kwarto, halos madulas si Aye

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 242 - Siblings Bonding Through Art

    Hapon na at banayad ang sikat ng araw na pumapasok sa sala. Nakatambak sa mesa ang mga krayola, watercolor, at ilang pirasong colored paper na kinuha ni Ayesha mula sa school art kit niya. Tahimik siyang nakaupo, nakalabi at nakatingin sa blangkong papel, halatang nag-iisip ng ideya. Sa gilid ng sofa, si Ayanna ay nakahiga sa kanyang baby mat, nakatingala at abala sa pag-abot sa maliit na mobile toy na nakasabit sa itaas.Pumasok si Alexis mula sa kusina, may hawak na baso ng juice. “Ate, anong ginagawa mo?” tanong niya, lumapit at sumilip sa mesa.Napatingala si Ayesha at ngumiti. “Mommy, gusto kong gumawa ng art para kay Ayanna. Alam mo yung baby album? Gusto kong lagyan ng drawing ko. Para pag lumaki siya, makita niya na ginawa ko iyon para sa kanya.”Natigilan si Alexis sandali, naantig sa sinabi ng anak. Umupo siya sa tabi at hinaplos ang buhok nito. “Ang sweet naman ng Ate. Sure, gagawin natin iyon. I’m sure matutuwa si Ayanna pag nakita niya yun balang araw.”Dumating si Ralph

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 241- Family Garden

    Mainit ang sikat ng araw ngunit banayad ang hangin na dumadampi sa kanilang bakuran. Nakatayo si Ralph sa gitna ng maliit na garden plot na matagal na nilang plano ni Alexis na buhayin muli. Kasama nila ngayon si Ayesha na punung-puno ng energy, at si Ayanna na nakaupo lamang sa stroller, nakasuot ng payat na sombrero at nakangiti sa tuwing natatamaan ng liwanag.“Papa, dito natin ilalagay yung sunflower, di ba?” masiglang tanong ni Ayesha habang nakaluhod at may hawak na maliit na pala.Tumango si Ralph at ngumiti. “Yes, sweetheart. Sunflowers always face the sun, kaya magandang paalala na kahit anong mangyari, we should always look toward the light.”Si Alexis naman ay nakaupo sa isang maliit na bangko malapit kay Ayanna, nagbabantay habang abala rin sa pagtulong. May dala siyang basket ng mga binhi—sunflower, kamatis, basil, at ilang herbs. “We’ll plant vegetables too,” sabi niya. “Para makita ni Ayesha na hindi lang maganda, kundi may pakinabang din.”“Wow! So we’ll have flowers a

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 240 - The Lost Teddy Bear

    Maalinsangan ang hapon nang mapansin ni Alexis ang kakaibang katahimikan sa sala. Karaniwan, rinig ang halakhak at ingay ni Ayesha na abala sa paglalaro, pero sa pagkakataong iyon, nakaupo siya sa sahig, tila may hinahanap at naiiyak. Lumapit agad si Alexis. “Anak, bakit umiiyak ka?” mahinahon niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ng anak.“Mommy… hindi ko makita si Teddy,” humikbi si Ayesha, sabay punas sa mata.Nabahala agad si Alexis. Alam niyang si “Teddy” ang stuffed bear na ibinigay kay Ayesha noong bata pa si Anjo, ang kapatid nitong pumanaw. Mula noon, naging simbolo iyon ng koneksyon ni Ayesha sa nakababatang kapatid na hindi na niya makakasama. “Baka naiwan mo lang sa kwarto mo?” suhestiyon ni Alexis, pilit na pinapakalma ang bata.Umiling si Ayesha. “Nilabas ko siya kanina para ipakita kay Ayanna… tapos… wala na siya!” At tuluyan nang bumuhos ang luha niya.Agad na tinawag ni Alexis si Ralph na noon ay nag-aayos ng gamit sa veranda. Pagkarinig ng sitwasyon, kumunot ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 239 - Hands that Hold Us Together

    Sa mga sumunod na linggo matapos bumalik sa normal ang kanilang takbo ng buhay, mas lalong naging malinaw kay Ralph kung gaano kahalaga ang balanse—hindi lamang sa trabaho at pamilya, kundi sa oras na ibinibigay niya sa bawat miyembro ng tahanan. Naging mas maingat siya sa pagpili ng mga kasong tinatanggap at mas madalas niyang inaayos ang kanyang iskedyul para makauwi nang mas maaga. Para kay Ralph, bawat sandaling kasama sina Alexis, Ayesha, at Ayanna ay parang kayamanang hindi matutumbasan ng anumang tagumpay sa korte. Isa itong desisyon na hindi niya pinagsisisihan, dahil sa bawat pag-uwi niya, sinalubong siya ng init at pagmamahal na walang katulad. Tuwing gabi, bago matulog, laging sabay-sabay silang nagtitipon sa kuwarto ng mga bata. Si Alexis ang madalas na nagkukuwento ng mga fairy tales at kwentong may aral, habang si Ayesha ay mahilig ding magbasa at sumingit ng ilang bahagi para tulungan ang ina. Hindi naman mapigilan ni Ralph na ngumiti habang nakikita ang dalawang pinak

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 238 - Echoes of Lullabies

    Isang gabi, nakahiga na si Ayanna sa crib niya habang si Alexis ay nakaupo sa rocking chair, marahang hinihimas ang tiyan na dati’y pinagmulan ng kanilang takot at pag-aalala, ngunit ngayo’y nagbibigay na ng buhay at tuwa. Si Ayesha naman ay nakahiga sa tabi ng ina, hawak-hawak ang isang lumang storybook na minana pa ni Alexis mula sa kanilang tahanan. “Mommy, can I read the story for tonight?” tanong ng bata, puno ng excitement sa mga mata.Ngumiti si Alexis at tumango. “Of course, sweetheart. Your baby sister would love to hear your voice.”Binuksan ni Ayesha ang libro at nagsimulang bumasa, medyo pautal-utal pa dahil sa mga mahahabang salita, pero ang bawat bigkas niya ay punong-puno ng sincerity. Habang nagkukwento siya tungkol sa isang prinsesang naglakbay para hanapin ang kanyang tahanan, biglang gumalaw si Ayanna at tila nakikinig. Nang marinig ng sanggol ang tawa ng ate niya, biglang kumislot ang bibig nito, at kasunod ang isang munting hagikgik.“Mommy! Did you hear that? She

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status