Share

Chapter 33

NAIIRITANG TUMAYO SI Rosemarie, pinagpupulot ang mga damit saka inilagay sa batya pagkatapos ay binuhat iyon at nagmamadali siyang umalis doon kahit madulas at mabato ang ilog.

Parang tila sa kumukulong tubig ang nararamdaman niya at kapag tuluyan ng umapaw ay talagang hindi na niya mapipigilan ang galit. Kinamumuhian niya ito at nasasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa nito. Sa ginawa nitong pagkuha sa kaisa-isang taong nagmahal sa kaniya ng lubusan at itinuring siya na anak.

At mas nasasaktan siya dahil hindi niya masabi dito ang katotohanan. Wala itong kaalam-alam sa paghihinagpis at mga kalungkutan niya.

"Ano bang problema at nagkakaganyan ka?" Humarang si Hawthorne sa harapan ni Rosemarie.

Ganon na lang ang pagpigil ng dalaga na huwag itong singhalan.

"Kamahalan, baka ho may makakita at makakilala sa inyo dito. Dapat ang mga kawal sa palasyo ang kasama ninyo at hindi ang isang hamak na tulad ko lang, makakasira ho iyon sa reputasyon n'yo at ayaw ko na hong pag-usapan ka pa ng iban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status