Share

Chapter 35

"DINIG NINYO NA ba ang usap-usapan tungkol sa mahal na hari at kay Rosemarie?"

"Totoo ba talaga iyon?"

"Kung totoo ngang may pagtatangi ang kamahalan kay Rosemarie, paano na tayo? Paano na kung maging babae siya ng hari o 'di kaya ay maging reyna siya?"

"Kung magiging reyna nga si Rosemarie, hindi kaya gantihan niya tayo sa mga pang-aapi at pang-aabuso natin sa kanya? Naalala n'yo ba iyong sinandya natin na matapon ang kinakain niya?"

"Ikaw lang naman ang nagplano no'n tapos binuhusan mo pa siya ng tubig sa ulo niya kaya siguradong ikaw lang ang paparusahan niya. Tapos inutos-utusan mo pa siya, kahit ang mga nakatokang gawain mo ay ipinapagawa mo sa kanya."

Iyon ang mga narinig ni Rosemarie sa kusina kaya hindi siya tuluyang pumasok dahil hindi niya alam kung saan nakukuha ng mga ito ang ganoong usapan.

Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya tahimik na pumasok at ng makita ng mga ito ay agad siyang nilapitan ng mga ito.

"Rosemarie, kami na ang magbubuhat at gagawa ng pag-iigib n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status