Share

Chapter 37

"HINDI NAGKATAON LANG ang pagkakakilala ko sa kanya. Siguradong pinagplanuhan niya ang lahat ng ito, Kamahalan." Galit na bigkas ni Damascus habang nakakuyom ang mga kamao nito. "Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit siya nakapasok ng palasyo. Hindi ako naging maingat, ni hindi ko inalam ang lahat ng tungkol sa kanya. Naging padalos-dalos ako at pinagkakatiwalaan ko siya."

"Parehas silang taga-Psicadiasis, siguradong magkakuntsaba sila ng lalaking iyon. Iutos mo na ang pagdakip sa kanya, Kamahalan, habang wala pa siyang ginagawang hakbang para saktan ka." Suhestiyon naman ni Greige na halatang kaligtasan lang ni Hawthorne ang inaalala nito.

Kanina pa nakatanaw sa kadiliman ng kalangitan si Hawthorne. Umaasang makakahanap doon ng kasagutan sa isang bagay na ilang araw ng bumabagabag sa kanya nang oras na mapagtanto niya ang lahat ng mga nangyari simula ng bumalik sila ng Arlan.

Nakangiting nilingon niya ang mga ito. "Maari bang kapag tayo-tayo lang ay ituring n'yo ako na parang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status