Share

Chapter 7

"LET'S GO, HAYES." Pagpupumilit ni Nina, nagpapanic na rin.

Tuluyan na niyang hinawakan ang braso nito. Pinaamo din niya ang kaniyang mukha, nagbabakasakaling mapasunod ito. Napapiksi siya at muntikan pang mapatili ng may kung sino na lang na basta hinampas ang bumper ng kotse ni Hayes.

Mas humigpit ang hawak niya dito, dalawang kamay na nga ang nakakapit sa braso nito. She's trembling too. All her life, she's never been this scared.

"Get in the car, miss Gabriel."

Napamaang siya sa lalaki.

"No, hindi kita basta na lang iiwan dito." Puno ng pagtanggi niyang sabi.

She won't ever do that, she's maybe a bitch sometimes pero hindi siya aalis para lang sa sariling kaligtasan lalo pa kung nasa kapahamakan ang isang taong kilala niya. That's not her.

"Come on, baby, this isn't the time for your stubbornness. Now, I want you to get inside so I won't be worrying about you getting hurt while I'm playing with these dxxkheads."

"Stop acting like you can beat all of them, Hayes. You're not a hero. Heck, come on, let's go."

Nakuha pa nitong tumawa ng hilain niya ito paluob ng kotse. Is he really serious? Ni hindi niya nga ito mahila dahil sobrang lakas talaga nito.

"Teka naman, kadarating lang namin iiwan n'yo na agad kami? Kaonting respesto naman." Natatawang sabi ng lalaking mukhang leader nila, he even looked offended.

Nina faced them with bravery. "What do you need? Money? Our car? I can give you everything, just don't hurt us."

"Magandang suhestiyon 'yan. Huwag kang mag-alala, hindi ko iyan kakalimutan o baka pati ikaw din. Wala naman nakapagsabi sa akin na maganda ka pala." Then he looked at his men, giving them signals.

May lumapit sa kanilang apat na lalaki pero bago pa siya mahawakan ng dalawa ay sinipa ni Hayes sa tiyan ang mga at agad na bumulagta ang mga ito sa semento. Saka siya hinila ng lalaki para itago sa likod nito.

Even if he's strong, he can't beat those jerks. Madami ang mga ito at may mga armas pa samantalang si Hayes ay guwapo lang.

Sa nanginginig na kamay ay kinuha niya ang phone para humingi ng tulong. She wants to help him but she doesn't know what to do and she doesn't want to add to his worries once she tries to interfere and help him.

Nina watched Hayes fight with them and every time he was being hit by a baseball bat or punched and kicked by them, parang unti-unti namang bumabagal ang tibok ng kaniyang puso. She couldn't move, it was all blank. Her body is just shaking, she can't even cry.

May narinig siya sa kung saan na alulong pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil ang buong atensyon niya ay na kay Hayes lang.

Natutop ni Nina ang bibig ng makita inambahan ng saksak ng isang lalaki si Hayes. Then she hears a police siren but still, that didn't calm her down.

Nagsitakbuhan ang mga lalaki ng dumating ang mga police. Wala na siyang pakialam kung may nahuli ba o Wala basta diretso lang siyang nakatingin kay Hayes habang nilalapitan ito. Bumaba sa tagiliran nito ang kaniyang mata.

"Yo-You're bleeding, Hayes." Punong-puno ng pag-aalala na sabi niya.

He also glanced at his flanker then looked at her. "Don't worry, miss Gabriel. I'm not hurt. It's okay."

She glared at him. "You're bleeding and you're telling me that it's okay?"

"Because I'm not hurt. It's not mine. It's not my blood."

"But I saw the guy stabbed you here..." Inisang hakbang niya ang paglapit dito saka niya iniangat ang damit nito pero katulad nga ng sinabi nito kanina ay wala nga itong sugat.

"The guy stabbed you... I—I saw it." Pagmumumilit pa rin niya.

May punit pa nga ang damit nito. May dugo din pero wala namang sugat. Wala nga ni bahid na peklat, makinis at maputi din ang balat nito. She even touched the part where she saw the guy stab him and slightly pinch his skin.

"Miss Gabriel!" He roared, he flinched also as he pulled down his polo.

Nina's cheeks flushed as she stepped back. Pinakatitigan niya ang lalaki, punong-puno ng pagtataka at paghihinala ang mga mata.

HAWTHORNE TOOK OFF his polo shirt and throw it in the trash.

"What happened? I smelled your own blood on your clothes." Draco noticed, he was in the living room with Kyon and they're some sort of fixing a gadget there.

"Just some jealous fxxkhead tries to kill me."

Hawthorne just feels a little mad because what happened earlier scared Nina but he knew that what feared her the most was the fact that he was stabbed. Ayaw niyang ikatuwa iyon pero nagustuhan niya ang ipinapakita nitong pag-aalala sa kanya.

Gumana din pala ang pagpigil niya sa kaniyang halimaw at pagpapanggap na mahina siya.

Pero mas nangingibabaw ang pagka-amuse na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Nabuhayan din siya ng dugo. Looks like Nina's fiancée wants to play dirty and he loves dirty games, which challenges him more.

Gusto niyang gumanti? Oo pero hindi pa ngayon. Kahit paano pala ay masisiyahan siyang paglaruan ang karibal kay Nina.

"Will you still stick to your plan to make her fall in love with you before you tell her the truth?" Kyon said, he didn't seem to believe that would work.

Nagsalin si Hawthorne ng alak sa baso.

"You're the only mortal here, Kyon. Why don't you try to believe in true love?"

Peke naman na umubo si Draco.

"Yeah! Coming from a guy who only loved one woman. Pagtatayuan na ba kita ng rebulto?"

Hawthorne snapped at Kyon but still chuckled. "Hmm! Basta siguraduhin mo lang na magiging kamukha ko."

Sumimangot si Draco "Looks like the girl has a positive effect on you, Hayes. You can joke now and you're smiling like an idiot. It's scary though."

Lumipat si Hawthorne sa sala dala ang bote ng alak saka umupo sa pang-isahang sofa.

Sumandal siya sa kinauupuan. "I wanted everything to be right this time, to be real. No hesitations, no secrets, and lies."

Even though it's hard and maybe impossible, Hawthorne wants to be gentle to Nina, he wants to take it slow. He wanted her to fall for him for who he was now not for who he was before and not only because she is Rosemarie's reincarnation.

And he doesn't want Nina to feel or think that way.

"Hindi mo pa rin iyan maiiwasan, Hayes. She's a mortal." Kyon stated. "What if she rejects you?"

"At paano din kung maubusan ka ng oras?"

Hawthorne looked at them, seryoso na rin siya.

"Nakuha ko ngang maghintay ng ilang daang taon. Do you think I can't do that now?" He laughed nonchalantly. "I will wait for years until she accepts me. I will wait for another year until she falls for me and I still wait for more years until she remembers everything."

Draco's mouth set in a hard line, he looked at Hawthorne as if he was enthralling him. "Nakatakda na siyang magpakasal hindi ba? Sa tingin mo pipiliin ka niya at kung oo nga, matatanggap ka ba ng pamilya niya? You're maybe rich but what about your secrets, Hayes? Especially that Nina Celestine Gabriel is too devoted to her parents and duty. "

"SIGURADO KA BANG walang makakaalam nito, Argus?" Tanong ni Nina dito ng makababa sa kaniyang kotse.

"Huwag kang mag-alala, Nina. Lahat ng mga nakausap at inutusan ko ay siguradong hindi magsasalita." Paninigurado nito saka iminuwestra ang kamay sa direksyon ng isang gusali.

May mga lalaking nagbukas ng pinto para sa kanya. Madilim ang hallway, napakatahimik. Nakakatakot pero nagpatuloy pa rin siya, naglakad pa sila ng ilang minuto hanggang sa marating nila ang isang silid.

"That's her," Nina said when she saw the woman behind the glass wall.

Kita nila ang kaganapan sa kabilang silid ngunit ang mga ito ay hindi sila nakikita, baka nga hindi alam ng mga ito na mayroong nanunuod sa kanila. It was Soleil who was talking to that woman. Magkaharap ang dalawa at ang tanging ilaw lang ay nasa babae, hulas na ang make-up nito, magulo rin ang buhok at pati damit.

"Bakit ganyan ang itsura niya?" Nina asked Argus.

"Oras na ayusan at bihisan siya ay lagi na lang niyang ginugulo ang sarili at nagwawala."

She looks miserable and crazy.

"Hindi ko nga alam na ikakasal na pala siya. Sa tingin mo magtatanong pa ako lalo na kapag malaking pera ang kapalit? Guwapo iyon at talagang masarap kaya magdadalawang isip pa ba ako? Ako pa talaga ang mag-iinarte?" Sigaw ng babae kay Soleil.

Natawa si Nina ng pagak, she shook her head unbelievably too. So they already did it! I really expect so much from you, Diether Lexington. You disappoint me!

Hindi naman niya minamaliit ang trabaho ng babae, ni wala siyang problema kung ano man ang ikinabubuhay nito. Truth is, she doesn't give a damn about her or anyone. Malas lang nito dahil siya ang babaeng naging fiancée ng lalaking nilalandi nito.

Hindi niya hahayaang paglaruan lang at gawing tanga ng mga ito.

"Tell me everything about her, Argus."

Veronica Vidal, she's 23. Her friends called her Bibi. Her mother is sick and she has three siblings, younger than her. She's been working at a strip club for five years now. And she and Diether met at a strip party."

Kinuha niya ang inabot na papel nito, kahit hindi naman interesado ay tiningnan pa rin niya iyon pero hindi binasa.

"Ikaw ba ang fiancée ni sir Diether?" Tanong ni Veronica kay Soleil, nakuha pa nitong taasan ng kilay ang huli at may panunuya pa itong tinitigan. "Maganda ka sa totoo lang pero hindi na ako magtataka kung bakit maghahanap si sir Diether. Nagsalamin ka na ba? Mukhang ang hirap mong mapalambot. Stiff! Boring!"

Nina shouldn't be affected by what she said but actually, she is and it annoys her more.

Argus handed her an apparatus so she can talk to Soleil who has a bug on her ear.

"Miss Nina."

Argus then offered her a chair but she just waved her hand, declining him.

"Soleil asked her if Diether promised anything to her," Nina told her and she did.

Tumawa naman ang babae, parang hindi makapaniwala sa naging tanong.

 "Nasarapan lang siya sa akin. Hanggang doon lang iyon. Sa trabaho namin, ang kaisa-isang rule ay huwag magkakagusto sa mga customer kaya sa tingin mo magugustuhan ako ng fiancée mo?" Ngumuso ito, mapang-asar na ngumisi. "Sabagay, magaling naman talaga ako sa kama kaya hindi na nakapagtataka kung mas gugustuhin niya akong kasama kaysa sa iyo. Naka-ilang rounds pa nga kami."

Nina cocked her head and a smirk plastered on her face. "Then ask her if Diether came back and they met again."

Tumikhim ito. "Huwag kang magagalit, miss ah. Huwag ka ring masasaktan kasi ilang ulit din namin iyong ginawa. Hindi ko na nga mabilang."

Nina doesn't know if Veronica was sincere when she said that but she knew she was saying those things on purpose, she can see it in her wicked face. The way she smirks, it felt like she was smirking on her. Laughing at her.

She placed her left hand on the table as she slowly tapped her fingers on it, calming herself even though it started to get into her nerves.

"You started this, Veronica, you touched what is mine and I will get what is yours too," Nina said with a sense of danger even though the woman will not be able to hear her.

Napakurap-kurap ang babae, at kita ni Nina ang pagdaang takot sa mukha nito.

"A-Ano ang ibig mong sabihin?"

"Do you have a mother or perhaps nakapag-aral ka naman ata, 'di ba? Kahit isa ba don, hindi itinuro sa iyo na huwag mangingialam ng mga bagay na hindi mo naman pagmamay-ari? Huwag hangarin ang isang bagay na hindi mapapunta sa iyo."

"Trabaho nga lang iyon." Sigaw nito, napahampas pa sa mesa. "Trabaho lang iyon. Hindi ko alam na may fiancée siya—"

"It's a strip club, of course you know it. That's where all the men go, whether married or not."

"Kung ganon, dapat 'yang fiancée mo ang pagsabihan mo at hindi ako. Nagtatrabaho ako para mabuhay, sinisikmura ko ang trabahong iyon kahit nakakasuka na. Hindi ako kasing yaman n'yo na kayang bilhin ang lahat. Nagtatrabaho lang ako." Tuluyan na itong humagulhol.

But that didn't even get on Nina, she wasn't even affected by it or she didn't even feel any sympathy for her.

"Cut the act. Parang hindi mo naman ako pinagtatawanan kanina habang sinasabi mo ang mga nangyari sa inyo ng fiancée ko."

Yumuko ito, dahil buhaghag ang buhok ay natakpan non ang mukha nito.

"Ano bang gusto mo?"

"I heard that your mom is ill while your father was in jail too and—"

"Ano ba kasing kailangan mo? May ipagagawa ka ba? Gusto mo bang lumayo na ako kay sir Diether? Gagawin ko." Bigla itong lumuhod sa harapan ni Soleil, naging maamo ang mukha, nagmamakaawa. "Huwag lang ang pamilya ko. Nakikiusap ako, please. Wala akong laban sa inyo. Sorry sa mga sinabi ko, pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon. Lalayuan ko na din ang fiancée n'yo, ma'am! I'm sorry."

Napayuko si Nina, gustong-gusto mapahalakhak.

"Soleil, tell her she doesn't have to beg. Wala akong gagawin sa pamilya niya o kahit sa kanya. That's not me."

She just threatened her and she didn’t expect her to easily obey her. Family is really the weakness of every person.

"Sa halip ay sabihin mo sa kanya na huwag ititigil ang pakikipagkita kay Diether. May ipapagawa lang tayo sa kanya at sabihin mong ikaw na ang bahala sa kanya basta maging masunurin lang siya at huwag magkakamaling kalabanin tayo dahil talagang doon na ako mawawalan ng awa at pamilya niya ang magdurusa. Ayaw naman niya sigurong mangyari iyon."

SA KANIYANG KOTSE naghintay si Nina habang sila Argus at Soleil naman ay tinatapos lang ang kaniyang pinapagawa. Facing Diether's whore was actually exhausting for her. May panggigigil din siyang naramdaman at ang gusto lang talaga niya ay makaganti ng tuluyan.

Kumatok si Argus sa bintana kaya agad niya iyong ibinaba. Sumilip ito, bahagyang yumuko.

"Naipahatid ko na siya, Nina. Sinigurado ko din na magiging maayos at ligtas ang pamilya niya. I already gave her money too." Argus informed her. "Ang nanay naman niya ay sigurado nang maooperahan oras na nagawa niya ang mga pinag-uutos n'yo at nabuksan na ulit ang kaso ng kaniyang ama."

Tumango lang siya sa mga sinabi nito saka tiningnan niya ang phone at binasa ang text ni Diether kaninang umaga. Iyon din ang dahilan ng paggising niya kanina.

I hope you will love my surprise, my lovely fiancée. — Diether

Alam ni Nina na si Diether ang may pakana sa pag-ataki sa kanilang dalawa ni Hayes kagabi. Gawain na iyon ng lalaki kahit noong mga bata pa sila. Diether will call his bodyguards for backups or he will report it to his father. He's always been like that, he can't even save his own axx.

Nina won't ever forget when he left her when they got into trouble, they were in high school back then. Buti at tinulungan siya ni Argus noon kaya ito kinuha ng kaniyang ama bilang bodyguard niya.

Hindi rin sinabi ni Nina ang nalalaman sa police na nagtanong sa kanya at hindi niya rin alam kung may clue na si Hayes sa kung sino man ang gumawa non pero ang gusto niya ay sa mismong kamay niya magdusa si Diether.

Laws won't do any justice because the Lexington's are powerful too. That jerk started this then she will give him a war that he won't ever forget even if he's dead already, even in his next lifetime.

She types a reply for him.

I am. I have a surprise for you too. Just wait for it and I assure you that you will love it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status