Share

Chapter 36

NAPAATRAS SI ROSEMARIE nang makita na si Salem ang pumipigil sa kanyang balak na patayin ang hari. Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ay nabitawan niya ang hawak na patalim sa sobra pa ring gulat. Tila ba namanhid ang kanyang mukha at nabingi din siya dahil sa sobrang lakas no'n.

"Hindi ka ba talaga nag-iisip?" Pabulong na sigaw nito saka siya patulak na binitawan. "Hindi ba at binalaan na kita? Ilang beses pa ba dapat kitang pagsabihan bago ka magising sa katotohanan na hindi mo na maibabalik ang buhay ng iyong amain?"

"Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko."

"Makinig ka sa akin." Madiin nitong hinawakan ang balikat niya. "Ang mga magulang ko hinatulan ng kamatayan ng bata pa ako. Si ama, pinagbintangan na pumatay sa isang maharlikang pamilya samantalang si ina naman ay pinagbintangan na magnanakaw. Para lang may makain kaming magkakapatid ay nagnakaw siya, para sa amin ngunit binawian pa rin ng buhay ang lahat ng mga kapatid ko. Ako lang ang natira at kahit k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status