Share

The Forbidden Desires 05

Nakatitig ako kay Silas na hindi nawawala ang ngisi habang kausap ang babae. Nakapangalumbaba ako at nakalabi. Iniisip ko na talagang napilitan lang siya na kunin ako dahil sa pakiusap ni Lolo. Na kahit anong gawin ko, siguro hindi niya ako magugustuhan.

Iniwas ko ang tingin sa kanila para tingnan ang mga kasama ko sa lamesa. Patago akong huminga ng malalim at hindi mapigilan na balikan sila ng tingin. Naibaba ko ang aking kamay at naalis sa pagpapangalumbaba nang matanaw ko na naglalakad silang dalawa palabas papunta sa likod bahay.

"Pamangkin nila iyan, si Athena."

Inalis ko ang tingin kay Silas nang marinig ko ang sinabi ni Lola sa Tatay nang babae na kasama ni Silas ngayon.

"Pamangkin nila?" Napangiti ako nang titigan ako ng lalaki na kausap nila.

"Oo. Ang Mama kasi ni Athena ay pinsan nina Gineth, Laura at Silas. Ang Lolo ni Athena na nag-aalaga sa kanya ay pinsan ang Tatay nila Silas," paliwanag ng lola nila.

Pati ako napapatango dahil nalaman ko kung paano kami naging magkamag-anak. Tito ko siya dahil pinsan siya ni Mama.

"Maaga kasing nag-asawa si Agatha," tiningnan ako ni Lola. "Maagang nag-asawa ang Mama mo kaya naging kaedaran mo lang si Gineth at hindi nalalayo ang edad mo kina Silas at Laura."

Napangiti ako nang maalala ang picture ni Mama. Madalas akong magkulong sa kwarto niya at tinitingnan ang larawan nila ni Papa. Nakuha ko ang karamihan na katangian ni Papa. Itim na buhok hindi katulad kay Mama na may pagka-kayumanggi ang kulay ng buhok. Morena rin si Mama sa nakita ko na picture kaya tingin ko hindi ko sa kanya nakuha ang sobrang puti na balat. Kayumanggi rin ang mga mata niya at kay Papa ay itim katulad ng mga mata ko.

"Alvarez ang gamit mo, hindi ba hija?"

"Opo, Lola..."

Ngumiti siya. "Mas gusto siguro ng Lolo mo na nakapangalan ka sa kanya."

Nalipat sa iba ang usapan ng matatanda. Hindi na ako nakikinig pero nakakahiya naman na umalis sa hapag. Saka hindi ko alam ang pasikot sikot ng bahay na ito. Kung tatayo ako hindi ko rin alam kung saan pupunta.

"Sama ka, Athena? Panunuorin ko sila kuya!" Napatingin ako sa pagsulpot ni Gineth sa gilid ko.

Hinawakan niya ako sa braso at wala naman yatang balak na tanggihan ko siya dahil hinihila na niya ako patayo bago pa ako magsalita. Bumalik ang tingin ko sa mga matatanda at nang makita na nakangiti sila't nakatingin sa ami'y nagpatangay na ako kay Neth.

"Saan ba tayo pupunta?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko at patuloy sa paghila sa akin patungo sa daan na tinahak nila Silas kanina.

Hindi ko alam kung soundproof ba ang buong bahay pero pagkabukas ni Neth sa pinto sa likod ng bahay ay tsaka lang ako nakarinig ng mga putok ng baril. Napapikit pa ako at naitakip sa aking tainga ang isang kamay ko na hindi hawak ni Neth.

Napakapit ako sa hamba ng pinto at parang sumakit ang ulo ko nang marinig ang sunod sunod na putok ng baril at matanaw si Silas kasama ang babae. Pinapatamaan nila ang mga target na hugis tao at pareho na seryoso. Pumikit ako ng mariin. Nahila ko ang kamay ko na hawak ni Neth upang pareho iyon na ihawak sa ulo ko.

Sobrang sakit at parang sasabog ang ulo ko. Hinihingal ako at pinagpapawisan. Napasandal ako sa hamba ng pinto habang d*****g sakit. Lalo kong naipikit ng mariin ang mga mata.

The pain in my head got worse when the gunshots didn't stop. People carrying guns suddenly appeared in my mind. They were vauge and blurry but I'm sure I am inside the car. Nakayakap ako sa lalaki habang umiiyak at takot na takot na nakatingin sa mga lalaki na nasa labas ng sasakyan.

Malinis ang kalsada. Palayan at maisan ang nakapaligid. Ang mga sasakyan sa harapan at likuran ay nakaharang sa daraanan namin. Maraming lalaki sa labas at lahat ay malalaki ang katawan, may mga dalang armas.

"Kuya..." I whispered. Hindi alam kung ako ang nagsalita o ang tao na nasa isip ko dahil boses ko ang narinig ko.

I gasped and jumped in fear when one of the men outside rudely knocked on the car window. The knock are getting louder as if didn't opening the car door makes him more angry. Nag-angat ako ng tingin sa lalaki na yakap ako pero hindi ko makita ng malinaw ang kanyang mukha. He might be blurry because of my tears or maybe because he's not real?

"I won't let them touch you..." The man whispered then tightened his arms around me.

"Athena!" Nakaramdam ako ng marahas na pagyugyog sa aking balikat.

Pagdilat ko, nasa harapan ko na si Silas. Inikot ko ang aking mga mata at nakita kung nasaan ako. Nag-aalala si Gineth habang ang babae na mayroon hawak na baril ay nagtataka na nakatingin sa akin.

"What's wrong?" Silas in front of me looked worried. "What happened?!" Pagalit na tanong nito sa kapatid.

"Hindi ko alam kuya... Bigla na lang siyang namutla at napahawak sa ulo niya..."

Wala pa ako sa sarili dahil sa mga nakita kanina. Ano 'yon? Why did I see those people? I don't even know them! They just appeared as if they were part of my memory!

"Masakit ang ulo mo? Nasaan pa ang masakit?" Tiningnan niya ang katawan ko.

Nasa braso ko ang isang kamay niya na parang inaalalayan ako kung sakali na mahilo ako. Inangat niya ang isang kamay at idinikit sa aking noo para matingnan ang temperatura ko. Umiling ako at huminga ng malalim. Kunot ang noo niya na tinitigan ako at agaran din na binitiwan nang masiguro na ayos lang ako.

"Sumakit lang ang ulo ko. Sa... sa biyahe siguro?" Nahihiya kong nilingon ang babae na kasama ni Silas. Naistorbo ko yata sila sa ginagawa kanina.

"Bakit mo kasi siya dinala rito?!" Galit na binalingan niya si Neth.

Nagbaba ng tingin ang kapatid niya at napalabi dahil napagalitan ng kuya niya. Naguilty tuloy ako. Wala naman ginagawa si Neth. Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan sa biglaan na pagsakit ng ulo ko at paglitaw ng mga tao na 'yon.

"Panunuorin sana namin kayo..." agaw ko sa atensyon niya.

Inalis niya ang matalim na tingin kay Neth na ngayon ay nasa akin na naka-direkta.

"Gabi na. Magpahinga na kayo."

Masungit siyang nag-iwas ng tingin at ang pag-aalala niya kanina na nakita ko ay tuluyan nang nawala. Tumango si Gineth at hinila ako pabalik papasok sa loob ng bahay. Nilingon ko pa si Silas at nakita na salubong ang kilay niya na nakatanaw sa likod namin.

Nakakulong na ako sa loob ng kwarto na tahimik pero ang mga imahe na nakita ko pa rin ang nasa isipan ko. Those men with guns outside the car and the man I'm with inside the car. They are blurry but I know that hasn't happened to me in these past ten years. Alam ko dahil hindi nangyari sa akin ang mga iyon sa loob ng sampong taon na naaalala ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sila lumitaw bigla. The gunshots triggered my mind to see those unfamiliar people and it made me more confused. Kung hindi ko sila kilala at kung hindi nangyari iyon, bakit ko sila nakita?

After a while, I just shrugged it off. Baka hindi lang ako kumportable sa malaking bahay na ito at nagpanik lang ako dahil iyon ang unang pagkakataon na makarinig ako ng putok ng baril. Those people must just be my imagination.

Mabilis din akong nakatulog at mas inagahan ang gising para makatulong sa kanila sa kusina. I wanted to rest but they insisted me to just take a rest. Kaya lumabas na lang ako at nagdesisyon na tingnan ang buong lugar. Dinala ako ng mga paa ko kung saan kami papunta ni Gineth kagabi.

The shooting targets have holes in every perfect spot to kill people. I saw them aiming last night before my head hurt and I can say that they are good at holding a gun even in the dark of night. Mayroon pang mga basyo ng bala sa lupa at ang mga hugis tao na target ay nanatili at hindi pa napalitan.

It's a new sunny day, nagsisimula nang uminit ang paligid kaya muli na akong pumasok sa loob.

"Are you still looking for them?"

Papaliko ako papunta sa kusina nang makita ko ang babae at si Silas na nag-uusap sa sala.

"I will find them soon..."

"And after you find them? What are you going to do? Kill them?"

"Yes. I'll make them pay for what they've done. Especially their master mind..."

Naghalukipkip ang babae na nasa harapan niya at pinanliitan siya ng mga mata. Nanatili akong nanunuod sa kanila. Hindi ako nagtatago pero hindi ako gumawa ng ingay. I didn't want to eavesdrop but I couldn't help but be interested in what they were talking about. Tila ba may humihila sa akin na manatili at makinig.

"May malansa akong naaamoy," gumalaw ang ilong noong babae. "Wala itong kinalaman sa trabaho mo, tama ba?"

"This is actually connected to my work. Napunta ako sa trabaho ko dahil dito. I have my personal reason," Silas smirked and slouched his body to sit in the backrest of the couch.

"Hindi ko alam kung sino o anong grupo ba ang hinahanap mo pero mukhang determinado kang mahanap sila. It looks like you just chose this job to find them and not because you want this job for yourself."

Napalunok ako nang dumilim ang mga mata ni Silas na parang may naalala na nakapagpagalit sa kanya. Mula sa gilid ay pansin ko ang pagdiin ng panga niya.

"Mas mabilis ko silang mahahanap kaya ito ang pinili ko na trabaho-"

"I wonder now who they are and what they did to you..." Ngumisi ang babae at nakatitig kay Silas. As if she find him intriguing and mysterious. "I wonder why a lowkey five star rank general would prefer to be a special agent? You are also unknown to the media."

Nanlaki ang mata ko. He's a five star rank in military? Pero ang bata pa niya! Paano niya nakuha ang ganoon kataas na ranggo?

That explain how expert he is at handling guns. Ito rin ang paliwanag sa mga tama ng baril na nasa kanyang katawan. Pero ang mga peklat sa likod niya, sa trabaho niya rin ba nakuha? Kung iisipin ng mabuti, parang gawa iyon sa brutal na paraan. It's as if someone had tortured him.

"Gusto mo silang mahanap kaagad pero ayaw mo naman magpatulong sa amin. You are doing it alone and private..."

Tumango si Silas. Nakabuka ang labi niya. Mayroon siyang sasabihin pero sa halip na magsalita ay kumunot ang kanyang noo na para bang may naramdaman siyang presensya na malapit sa kanila.

Balak ko nang umalis pero bago iyon ay nagulat na ako nang lingunin niya ako. Nagkatinginan kami. Nasa akin ang mga mata niya habang naka-igting ang mga panga.

Napasinghap ako at guilty na napa-iwas ng tingin. Paano niya nalaman kung nasaan ang eksakto na kinalalagyan ko na hindi ako nakikita? Nalaman niya kung nasaan ako sa pamamagitan lang ng pakiramdam niya?

Malayo ako sa kanila kaya mahina ang boses nila sa pandinig ko. Nakaharang rin sa katawan ko ang isang malaki na halaman at kahit minsan hindi nagawi ang tingin niya sa akin o sa malapit sa akin para malaman kung nasaan ako.

He must trained hard to be cautious with his surroundings to know that someone is listening and watching them secretly. Ang matalas na pakiramdam niya ay kasing-talas ng tingin niya sa akin ngayon.

"You still haven't changed, huh? A curious cat who loves eavesdropping?"

His eyes were serious and it makes my stomach churned. Sa tuwing seryoso at madilim ang tingin niya, mas nakakatakot siyang pagmasdan. Para bang sa isang sulyap lang malalaman niya kaagad ang iniisip ko at sa oras na magtanong siya mabilis niyang mahuhuli kung kasinungalingan ang isasagot ko.

Kinabahan ako nang umayos siya ng tayo at madilim ang tingin na naglakad palapit kung nasaan ako. His hawk-like eyes remained at me and I can do nothing but to stare back at him with my wide eyes while he was getting closer to where I was standing.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status