Chapter 141: Welcome to the teamMATAPOS marinig ni Skylar ang totoong kahulugan ng shooting training, itinulak niya si Jaxon palayo at tinitigan ito nang masama: "Bastos! Bastos! Walang hiya ka talaga!"Hindi nagalit si Jaxon sa kanyang sigaw, sa halip ay parang uminit ang dugo nito nang makita ang nakasimangot niyang labi.Inabot niya ito at niyakap nang mahigpit: "Misis ko, gusto rin ng asawa mo na magsanay sa pagbaril."Ang ganitong lantaran at pilyong pananalita ni Jaxon ay lalong nagpagalit kay Skylar. Napailing siya at tinitigan si Jaxon nang matalim. "Sa ganitong sitwasyon, nagagawa mo pang magbiro?"Hinapit siya ni Jaxon nang mas mahigpit, idinikit ang katawan sa kanya, at ngumiti ng may kalokohan. "Misis, hindi ako nagbibiro. Nakaready na ang bala, at baka biglang pumutok. Huwag mong sabihing hindi mo ito nararamdaman."Huminga nang malalim si Skylar sa ilong niya, hindi alam kung dahil ba sa galit o sa nararamdaman niyang kakaiba dahil sa kanilang posisyon.Itinuwid ni Jaxo
Saglit siyang natahimik, bago mapait na ngumiti. "Isang sorry lang? Jaxon Larrazabal, limang taon akong tinorture at pinahirapan sa kulungan. 1826 na araw iyon! Sa tingin mo, sapat na ang isang sorry mo para mapatawad kita?""Ano pa ang gusto mo?!" biglang sigaw ni Skylar at lumapit siya at tumayo sa harapan ni Xalvien, diretso siyang tinitigan sa mata."Sa loob ng limang taon, hindi ako nagdusa nang mas kaunti kaysa sa dinanas mo sa kulungan!""...Limang taon na ang nakakalipas, napilitan akong tumigil sa pag-aaral dahil sa mga malaswang litrato kong kumalat sa internet! Kahit saan ako magpunta, tinuturo ako ng mga tao, tinatawag akong malandi at walang hiyang babae. Dahil doon hindi ako pwedeng manatili sa lugar kung saan ako lumaki! Napilitan akong umalis! Dahil wala akong diploma mula sa isang kilalang unibersidad, hindi ako makahanap ng matinong trabaho sa Metro at napilitang magtrabaho sa pinakamababang antas ng lipunan! Sa pinaka-mahirap na panahon, nakatira ako sa isang mumura
Chapter 142: Gun practiceMARAHIL ay naimpluwensyahan ni Jetter, kaya ginamit ni Jaxon si Skylar at pinag-practice nga ng "gun shooting" pag-uwi nila. Halos magdamag silang nag-ensayo at paulit-ulit na tinatanong ni Jaxon si Skylar kung gaano siya kagaling sa pagbaril, kung malaki ba ang tsansa niyang tamaan ang bull's eye at kung anong pakiramdam ng direktang makasapol nito. Sa sobrang hiya ni Skylar sa ginagawa ni Jaxon, nagmakaawa siya ng paulit-ulit hanggang sa napuyat siya nang husto. Pero kahit gano’n, mas maaga pa siyang nagising kinabukasan.Nang dumilat si Skylar, mahimbing pa ring natutulog si Jaxon. Inabot niya ang cellphone nito para tingnan ang oras, alas-sais pa lang ng umaga. Umupo siya habang yakap ang unan, napabuntong-hininga, at binuksan ang Telegràm. Wala pa ring sagot ang message niya kay Julia mula kagabi.Kumunot ang noo niya. Medyo nag-aalala siya, kaya mabilis siyang nag-type ng panibagong mensahe at ipinadala ito.DING! Sa pagkakataong ito, mabilis siyang
Dumapo ang tingin ni Jaxon sa mahaba at makinis na leeg ni Skylar, dumaan sa magagandang kurba ng kanyang katawan. Isang bahagi ng katawan niya ang biglang naging matigas, parang haliging kayang saluhin ang langit. Gusto na niyang yakapin ito at lambingin nang husto."Jaxon, nasisiraan ka na ba ng bait?!" Pagkatapos ayusin ang paghinga, galit na sumigaw si Skylar. Malamig na tubig sa umaga? Sobrang nakakairita!Tinitigan ni Jaxon si Skylar nang matalim, na parang wala siyang kasalanan at wala siyang dapat ihingi ng tawad. Ang kagustuhan niyang lambingin ito ay napalitan agad ng galit, at lumamig ang kanyang mga mata.Lumabas si Skylar sa bathtub, pinagpag ang tubig sa kamay at paa, at tiningnan si Jaxon nang masama. "Baliw ka talaga!"Biglang naningkit ang mga mata ni Jaxon at hinawakan ang kanyang pulso. Sa isang mabilis na galaw, itinulak si Skylar sa pader at idiniin ang katawan niya sa maliit na babae. Bago pa makapagsalita si Skylar, hinawakan na ng mahigpit ang kanyang baba, iti
Chapter 143: Anong kulang'WALANG hiya ka talaga, Jaxon!'Mahigpit na kinagat ni Skylar ang kanyang labi at matalim na tinitigan ang lalaking nasa harapan niya, nag-aapoy ang kanyang mga mata sa galit.Tiningnan siya ni Jaxon habang nag-iinit ito sa loob ng ilang segundo, at muli niyang hinagkan ang malambot nitong labi. Sa mababang, malamig ngunit nakakaakit ni Jaxon tinig, bumulong ito, "Maging mabait ka, huwag mong kinakagat ang labi mo kapag galit ka. Kapag nasaktan ka, masasaktan din ako."Napatingin si Skylar sa kanya nang matigas, biglang bumilis ang tibok ng puso niya, unti-unting nawala ang galit sa kanyang mga mata at nanginig ang kanyang mga labi sa banayad na halik ng lalaki.Pakiramdam niya ay parang sinapian siya ng demonyo. Alam niyang hindi pa lubos na gumagaling ang kanyang katawan, at kung patuloy siyang magpapadala sa kanyang kabaliwan, siguradong makakaramdam siya ng matinding sakit at hindi na makakalakad nang maayos kinabukasan. Pero kahit alam niya ito, dahan-d
Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Jaxon bago sumagot, "Mama, hindi na sugarol ang tatay ni Skylar. Siya ngayon ang pangatlong pinakamataas sa Casino Royal sa Vigan City. At si Skylar, hindi na siya ang dati mong kilala. Hindi lang siya isa sa mga owner ng Casino Royal, kundi siya rin ang chairman ng isang pharmaceuticals, ang kumpanyang pumalit sa Rodriguez Pharmaceuticals kamakailan. Sa ngayon, may kapangyarihan at kayamanan na siya, at sapat na iyon para maging daughter in law mo.""Sinasabi ko sa'yo, Jaxon! Wala akong pakialam kung gaano siya kayaman at kamakapangyarihan ngayon, hindi siya ang manugang na gusto ko! Hiwalayan mo siya agad. Napili na namin ng papa mo ang tamang babaeng pakakasalan mo. Dadalhin namin siya pabalik ng Pilipinas sa mga susunod na araw o buwan. Bago pa kami makabalik, ayusin mo na ang kasal mo kay Skylar at palayuin mo na siya sa’kin nang milya-milya! You understand me? Divorce that woman!""Ma, bakit mo ba galit na galit kay Skylar? Ano bang n
Chapter 144: Masisirang relasyonNAGKAGULO sa pamilya Lagdameo nang dumagsa ang mga reporter kay Skylar para kunan siya ng litrato at tanungin.Si Mayette, ang ina ni Zandra, ay nalaman ito at sumilip mula sa balkonahe.Habang hinahanap ni Jun si Zandra, napatingala siya at nakita niya si Mayette sa itaas.Nakilala rin siya ni Mayette bilang lalaking labis na hinangaan ng kanyang mahal na anak noon. Agad na sumilay ang matalim at tusong kislap sa mga mata ni Mayette at inutusan niya ang kanilang mayordoma."Pigilan si Jun at huwag siyang papasukin sa loob ng main hall.""Opo."Magaling sa pagbabasa ng galaw ng labi si Jun kaya agad niyang naunawaan ang utos ni Mayette. Napahigpit ang hawak niya sa kamay at napansin iyon ni Skylar at nakita niyang napakunot ang makapal na kilay ni Jun. Napansin ni Skylar ang kakaibang kilos ni Jun kaya sinundan niya ang direksyon ng kanyang tingin.Sa balkonahe ng ikalawang palapag, hawak ni Mayette ang isang baso ng alak habang malamig ang tingin na
Si Skylar ay agad na kinuha ang isang baso ng alak mula sa tray ng waiter at lumapit kay Kris na may bahagyang ngiti sa labi. Habang naglalakad siya, bahagyang yumugyog ang laylayan ng kanyang mahabang lilang bestida.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Kris. Marami na siyang nakitang babae na mas maganda pa kaysa kay Skylar. Pero tuwing nakikita niya itong may buhay at kumpiyansa, hindi niya mapigilang mabighani. Para bang si Skylar ang pinakamaliwanag na bituin sa gabi, hindi lang nagbibigay liwanag sa kanyang paningin kundi nagpapainit din sa matagal nang nanlalamig niyang puso.Sa mata ng publiko, kilala si Kris bilang isang mabait at kagalang-galang na tao, isang masayahing idolo, isang mabuting doktor. Pero hindi alam ng karamihan na may malamig at madilim na bahagi rin siya.Mula nang malaman niya na siya ay anak sa labas ni Efren at iniwan nito ang kanyang ina nang walang awa, hindi na siya lubos na naging masaya.Ang bawat ngiti niya sa harap ng iba ay tila isang palabas lan
Ngumiti lang si Yssavel at hindi sumagot. Naging sensitibo si Xenara at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang siyang nanood habang sumusulat si Yssavel. Maya-maya, naalala niya ang isang bagay. Hindi niya napigilan ang kuryosidad niya kaya maingat siyang nagtanong.“Ninang, pwede po ba akong magtanong?”“Sige, magtanong ka.”“Hindi na si Zeyn at ang tatay niyang si Juan ang namumuno sa Leeds Group ng pamilya Lacson-Leeds. Bakit sila pa rin ang pinili ninyong kakampi, hindi sina Yorrick at Clifford na sila na ang may kapangyarihan?”Pakiramdam ni Xenara, natural lang na makipag-alyado sa mas malakas. Kaya mas logical kung sila ang pinili.Medyo nag-iba ang expression ni Yssavel sa tanong na ito.Kung siya lang ang masusunod, gusto rin niya na sina Yorrick at Clifford ang kakampi. Pero ewan niya ba kung anong problema ng magtiyuhing 'yon. Noong nasa Amerika pa siya, ilang ulit siyang nag-try na makipag-ugnayan sa kanila, pero iniiwasan talaga siya. Kahit noong nagkita na sila sa public eve
Chapter 223: Little fairyMAGANDA at mainit ang sikat ng araw. Nasa balcony si Xenara habang sumasagot ng tawag sa phone. Pagkarinig niya ng balita mula sa spy niya, hindi napigilan ng kanyang mapulang labi ang ngumiti sa tuwa.“Sige, naiintindihan ko na. Ituloy mo lang ang pagmamanman. Tawagan mo agad ako pag may bago.”Masayang pinatay ni Xenara ang tawag, tumingala sa maganda at maaliwalas na tanawin sa hardin sa baba ng balcony, huminga ng malalim at masaya, tapos bumalik sa loob ng bahay.Ito ay ang study room ni Yssavel. Mahilig si Yssavel sa calligraphy. Sa ngayon, nakatayo siya sa harap ng mesa, ginagaya ang calligraphy work ng isang sikat na tao. Dahil sa seryoso at focus niyang itsura, tapos may dating pa siya na parang reyna ng bahay, sa unang tingin, mukha talaga siyang isang malaking artist na bihasa.Pagbalik ni Xenara mula sa balcony, halos paubos na ang tinta sa inkstone ni Yssavel. Agad siyang lumapit at nagsimulang gilingin ang tinta habang nagrereport.“Ninang, sak
Chapter 222: Hindi sinasabiTUMALIKOD si Jaxon at tumingin sa labas ng bintanang salamin sa sala. Nakita niyang nakaupo si Skylar sa sahig, hawak ang ulo, at nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Biglang nanlaki ang mata niya at dali-daling tumakbo papunta sa sala. Pero ilang hakbang pa lang siya, nakita na niya si Jeandric na buhat si Audrey habang papalapit mula sa sala.Masama ang itsura ni Jeandric. Para bang may may utang sa kanya ng daang bilyon na hindi pa nababayaran.Nakapulupot ang mga braso ni Audrey sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Natatakpan ng buhok niya ang mukha kaya hindi makita ni Jaxon ang itsura niya.Habang palapit si Jeandric sa kanya, napansin ni Jaxon na nanginginig din ang katawan ni Audrey tulad ni Skylar.Doon niya naisip na siguro ay nag-away sina Skylar at Audrey. Pero matalino siya at hindi na nagtatanong kung bakit. Tahimik siyang dumaan sa tabi ni Jeandric na pareho ring seryoso ang mukha.Nang magtagpo sila ni Jeandric, bahagy
Chapter 221: Friendship overNARAMDAMAN ni Audrey ang matinding sakit sa puso niya.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Skylar, "Kasi, ang mahal niya, hindi ikaw. Ako iyon."Parang kutsilyo ang bawat salita, mas masakit pa kaysa sa sampal na tinanggap niya mula kay Skylar.Matagal na niyang hindi kayang maglakas-loob na umamin kay Jaxon dahil alam niya sa sarili niya na ang mahal talaga ni Jaxon ay si Skylar. Takot siyang mabigo, takot siyang tanggihan, at higit sa lahat, takot siyang tuluyang mawala si Jaxon.Tama si Skylar, isa siyang duwag. Mas duwag pa kina Xenara at Barbara.Pag-isip niya nang ganito, namasa ang mga mata ni Audrey. Tapos, ngumiti siya nang pakunwari at tumingin kay Skylar na parang may hamon."Hindi ka naman si Jaxon, paano mong nasabing hindi niya ako gusto?"Tumingin si Skylar sa kanya, walang emosyon, pero may bahid ng pagmamayabang."Sinabi niya sa akin mismo. Noong birthday ni Yssavel, nung sinabi ni Barbara sa harap ng lahat na gusto mo si J
Chapter 220: Simula't sapulMADALAS sinasabi ng mga tao na dapat maging tapat at prangka tayo, lalo na sa pamilya at mga kaibigan. Kasi, bawat pagkakataon na magsisinungaling ka, kahit pa puting kasinungalingan lang, kailangan mo ng maraming kasinungalingan para maitago ito. Sa proseso ng pagtatakip, makakaranas ka ng sobrang hirap at sakit na mahirap maintindihan ng ibang tao.Ganoon si Audrey. Para maitago ang sikreto na matagal na niyang gusto si Jaxon, araw-araw siyang umaarte. Parang siyang spy araw-araw, laging tense ang utak, natatakot na baka hindi niya sinasadyang maipakita ang sikreto niya.Gaya ngayon, hindi siya naging maingat at nahalata siya ni Skylar.Maganda na rin ito.Simula ngayon, hindi na niya kailangang magpanggap araw-araw.Naalala niya ito kaya napabuntong-hininga si Audrey, saka hinarap si Skylar nang kalmado ang mukha. Parang nag-iba siya bigla, tumindi ang dating niya, bahagyang ngumiti at tumingin kay Skylar."Fair competition? Ang ganda naman pakinggan. Hal
Chapter 219: PagtatagoSHE'S jealous of Skylar's husband. Gustong gusto ni Audrey si Jaxon.Alam niyang si Jaxon, si Skylar lang ang nasa puso, pero hindi pa rin siya nagdalawang-isip na magnasa sa kaibigan. Tama, limang taon na ang nakalipas, si Audrey, katulad ni Barbara, nakita rin ang eksena kung saan itinulak si Skylar para maaksidente sa kotse.Nang magsinungaling si Barbara kay Jaxon at sinabi nitong sinadya ni Skylar ang aksidente, doon lumabas ang demonyo sa puso niya.May boses sa loob niya na nagsusumigaw, huwag niyang ibunyag ang kasinungalingan ni Barbara. Mahal na mahal ni Jaxon si Jelly beans. Kapag nalaman ni Jaxon na si Skylar ang dahilan ng aksidente, kaiinisan niya si Skylar at makikipaghiwalay dito. Sa ganoon, magkakaroon siya ng pagkakataon.Kaya nagsinungaling siya, binago ang konsensya niya at umayon kay Barbara. Sinabi niyang nakita rin niya si Skylar na sinadya ang pagbangga ng kotse.Nagalit si Jaxon. Sumugod siya sa kwarto ni Skylar sa ospital, sinumbatan s
Chapter 218: Ano nga bang ginawa"SECOND Young Madam?"Nakita ng kasambahay na nakaupo lang si Skylar, hindi gumagalaw at tila nag-iisip nang malalim kaya tinawag niya ulit ito, may halong pag-aalangan sa boses."Ah, nasaan siya?" Inilapag ni Skylar ang baso niya at tumingala sa kasambahay."Nasa hardin po sila ng Second Young Master. Pinapapunta po ako ng Second Young Master para sabihing ganoon."Naintindihan ni Skylar na sinadya ni Jaxon ito para bigyan siya ng oras na pag-isipan kung paano niya haharapin si Audrey bago ito pumasok. Dapat ba na ihinto na nila ang pagkakaibigan o makinig muna sa paliwanag ni Audrey?"Okay, naiintindihan ko na. Pwede ka nang bumalik."Pinauwi na ni Skylar ang kasambahay at hindi niya naiwasang tumingin sa may malaking bintana.Yung malaking bintana sa hall ay nakaharap sa direksyon ng hardin.Pag-angat niya ng tingin, nakita niya agad sina Audrey at Jaxon na nakatayo sa hardin. Nakikita niya kung paano gumagalaw ang labi ni Audrey habang nagsasalita
Chapter 217: AbortionNAMUMUO ang luha sa maliwanag at madilim na mga mata ni Audrey. Talagang malungkot siya at labis ang pagkadismaya niya kay Harvey.Ayaw niyang makasamaan ng loob si Skylar. Kung magkaaway sila ni Skylar, mawawala rin sa kanya si Jaxon.Lumaki si Audrey sa ilalim ng mata ni Harvey. Sa buong mundo, siya ang nakakakilala kay Audrey nang pinakabuti. Kaya paano niya hindi malalaman ang iniisip ni Audrey ngayon? Matagal niyang tinitigan ang basang mga mata ni Audrey at lalo siyang nainis."Drey, hindi mo naman talaga iniintindi si Skylar. Ang iniintindi mo, si Jaxon. Natatakot kang mawala si Jaxon kapag nasira ang relasyon niyo ni Skylar."Walang pakundangang sinabi ni Harvey ang tunay na iniisip ni Audrey."Kung mabuhay o mamatay si Skylar, hindi mo naman talaga iniintindi. Noong kinidnap siya ni Zeyn, may tinig sa puso mo na sumisigaw na 'Wag mo siyang iligtas, pabayaan mo siyang mamatay sa kamay ni Zeyn.' Sa totoo lang, hindi ka naiiba kina Xenara at Barbara. Gusto m
Chapter 216: Castration"JAXON, huwag mo siyang barilin!"Bumaba si Skylar mula sa itaas kasama ang special assistant ni Clifford, hingal na hingal.Nang marinig ni Jaxon ang mahina at halos walang lakas ni Skylar na boses, agad siyang lumingon. Nakita niyang namumutla si Skylar at kailangan pang alalayan para makababa ng hagdan. Biglang nagbago ang itsura niya, mabilis na ibinaba ang baril at nagmadaling lumapit."Anong nangyari?"Kinuha ni Jaxon si Skylar mula sa special assistant ni Clifford, tapos ay binuhat niya ito sa bewang.Yumakap si Skylar sa leeg niya at isinandal ang ulo sa balikat nito habang sumasagot."Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nang magising ako, bigla na lang akong nanlambot. Siguro pinainom ako ni Zeyn ng gamot, pero hindi ko alam kung ano yung pinainom niya sa akin at kung makakaapekto ba ito sa baby."Nang marinig ito ni Clifford, biglang sumiklab ang galit sa mga mata niya. Pero para hindi mahalata ni Zeyn na may espesyal siyang pakialam kay Skylar