Chapter 171: PagtatangkaBIGLANG sinugod ni Barbara si Skylar na parang baliw. Bumagsik naman ang itsura ni Skylar. Hinawakan niya ang pulso ni Barbara at pinaikot ito nang malakas. Pagkatapos, may narinig na 'click', nadislocate ang pulso ni Barbara.Si Yssavel naman ay nakaupo lang, hawak ang tasa ng kape at kalmado lang na umiinom habang pinapanood sina Barbara at Skylar na nag-aaway. Wala man lang siyang reaksyon.“Aaahh!” sigaw ni Barbara na parang kinakatay na baboy. Nanginginig siya sa sakit at galit na galit na tumitig kay Skylar. “Buntis ka di ba? Anong lakas ng loob mong manakit? Di ka ba natatakot na malaglag yang dinadala mo?”Habang nagmumura siya, bigla niyang naalala na ang tiyan ni Skylar ang pinakamaselang bahagi ngayon. Kaya gamit ang isa pa niyang kamay, tinangkang suntukin ang tiyan ni Skylar.Pero mabilis siyang nahawakan ni Skylar, saka siya nito nilikuran, yumuko ng konti at buong lakas na inihagis si Barbara sa balikat niya.Lupaypay si Barbara sa sahig. Nakaki
May isa pang nainis na kostumer na nagtulak sa waiter at tinanong, “Nasaan manager niyo? Ang gulo sa private room na ‘yan! Walang lumalabas para awatin sila? Paano kung may masaktan nang todo o mamatay pa diyan sa loob?”“Wala ‘yan. Nang marinig ng manager ng café na ang nangbugbog ay asawa ng presidente ng Larrazabal Group, halos magtago na lang siya. Paano pa siya magkakalakas ng loob na makialam?”Nang makita ni Yssavel na lumalakas ang paghusga ng mga tao kay Skylar, ngumiti siya ng mayabang at tumingin kay Skylar na may hamon sa mga mata, tapos nagsalita siya na parang umiiyak.“Skylar, tigilan mo na ang pamilya namin. Hindi na namin kayang tiisin ‘to. Basta pumirma ka lang sa kasulatan ng divorce, kahit magkano pa ang kailangan, itatago ko na lang ang iskandalong ginawa mo ngayon, yung halos patayin mo ako sa bugbog at yung palihim mong pakikipagkita sa ibang lalaki habang may asawa ka na.”May sumigaw mula sa mga nakikiusyoso, “Grabe, ang kapal! Bulag siguro si Jaxon at napanga
Chapter 172: TiwalaHINDI inakala nina Yssavel at Skylar na biglang darating si Jaxon sa mga oras na 'to. Kita sa mga mata nila ang pagkagulat, habang si Barbara naman ay halatang takot at kusa nang nagtago sa sulok.Matapos ang ilang segundong pagkabigla, humarap si Skylar kay Jaxon na kalmado ang itsura.Naka-dark blue na coat si Jaxon ngayon. Habang naglalakad siya gamit ang mahahaba niyang mga binti, umaalon ang laylayan ng coat niya na parang may texture. Kasunod niya sina Wallace, Xalvien at Jun, na pawang nakasuot din ng makakapal na damit. Lahat sila ay gwapo, kaya nang lumitaw silang apat, naging parang tanawin silang lahat sa mata ng mga tao.Agad na nagbigay-daan ang mga nakikiusyoso sa kanila.May isa pa ngang napa-comment, “Grabe! Ang gwapo ni Jaxon! Deserve niya talaga maging number one sa listahan ng mga national husband. Parang hihinto paghinga ko nung nakita ko siya!”Napangiti si Skylar at mahina niyang sinabi, “Nagpapapogi nanaman. Kahit saan siya magpunta, parang l
Bilang asawa ni Jaxon, alam niyang siya lang ang pinakakilala sa ugali nito, lalo na kung gaano ito ka-seloso at kung gaano siya naiinis kapag nalalaman na magkasama sila ni Kris. Kaya noong pinakita ni Barbara ang video kay Jaxon, hindi lang ang mga tao ang inakalang tapos na siya, pati siya, akala niya sasalubungin siya ng matinding galit ni Jaxon.Pero laking gulat niya nang kampihan siya nito at ibigay sa kanya ang buong tiwala.Nawala ang gulat sa mga mata niya at unti-unting napalitan ng emosyon. Bahagyang tumaas ang mga sulok ng labi niya at napangiti siya ng konti, masayang ngiti.Ang pinaka-tamang desisyon na ginawa niya sa buhay ay ang pakasalan si Jaxon.Tiningnan siya ni Jaxon at sinabayan ng pag-irap, “Pag-uwi natin, sisingilin kita. Hindi sa pinapalampas ko o wala akong pakialam, kundi dahil bilang asawa mo, sa ngayon, kailangan kitang protektahan sa harap ng ibang tao.”Uh...Ramdam ni Skylar ang babala sa mata ni Jaxon, kaya hindi na siya nakatawa.Nang makita ni Yssav
Chapter 173: Anak ba talaga siya? ALAM ni Yssavel na hindi na niya maitatago pa ang mga nangyari kay Jaxon. Nasa harap na kasi ang mga ebidensya. Kahit hindi siya magsalita, siguradong ikukuwento rin ito ni Skylar kay Jaxon. Kaya’t nagsalita na rin siya agad."Umiinom ako ng kape noon, at gusto ko sanang tumulong, pero ang galing talaga ni Skylar makipag-away. Ilang galaw lang, bugbog na si Barbara at hindi na ako nakasabat."Napangiti lang ng kaunti si Jaxon, pero halatang may halong lungkot at pagkadismaya sa mata niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Skylar at mabilis na lumakad palayo.Habang naglalakad, parang laging may bumabara sa dibdib niya, mabigat at masakit.Yung mga lolo na kilala niya noon, kahit hindi nila gusto ang manugang nila, mahal na mahal pa rin nila ang apo. Pero ang nanay niya, nandoon lang at pinanood ang apo niya na muntik nang mawala, hindi man lang gumawa ng paraan para tumulong. Dahil dito, sobrang nadismaya si Jaxon at bigla niyang napaisip kun
"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nang sabihin ng manager sa akin na may buntis na nakikipag-away sa itaas?"Medyo nanginginig ang boses ni Jaxon habang nagsasalita. Huminga siya ng malalim at muling nagsalita."Hindi ko kayang isipin kung anong maaaring mangyari sa atin kung may masamang nangyari sa baby natin habang nagkakagulo kanina."Nang marinig ni Skylar ang sinabi ni Jaxon, doon lang niya napagtanto kung gaano siya naging pabigla-bigla sa pananakit kay Barbara. Tama si Jaxon, kung may masamang nangyari sa baby nila, siguradong mababaliw silang dalawa."Sorry..." Malungkot na sabi ni Skylar habang hinahawakan ang braso ni Jaxon. Paos ang boses niya. "Honey, kasalanan ko. Parusahan mo ako. Kahit mabigat pa, tatanggapin ko."Sa isip niya, kailangan niyang maparusahan nang mabuti para matuto at hindi na maulit.Nang makita ni Jaxon ang luha ng pagsisisi sa mga mata ni Skylar, napabuntong-hininga siya nang masakit sa dibdib. Ipinarada niya ang kotse sa gilid ng kalsada at pinunas
Chapter 174: Iisang kwartoNANG makita ng director na nakatayo lang si Audrey at hindi sumasagot sa linya ng matagal, agad siyang nagbigay ng stop gesture, sumilip mula sa gilid ng camera at nagtanong, “Drey, bakit hindi ka sumasagot sa linya? Anong problema?”Ayaw talagang makipag-kissing scene ni Audrey kay Jeandric kaya’t medyo nainis siya at tinaas ang kilay. “Pwede bang palitan niyo na lang ako ng double? Ayokong umarte kasama ang taong ‘to.”“Ah eh…” Napatingin ang director kay Jeandric, halatang nahihirapan. Pero tiningnan siya ni Jeandric na parang sinasabi ng mga mata nito na: ‘Subukan mo lang akong palitan, sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik sa industry ng pelikula at telebisyon.’Agad na umiwas ng tingin ang director at kinausap si Audrey, “Drey, pagtiyagaan mo na muna. Yung double ng male lead, nasa ospital na rin. Pareho silang may sakit sa tiyan. Baka mamaya pati ako, kailangan nang pumunta sa ospital.”Malinaw na pahiwatig ito, si Jeandric ang dahilan kung bakit
Pagkasabi niya nun, agad siyang tumalikod at iniwas ang malamig niyang mukha sa lahat ng staff at umalis.Nakatitig si Jeandric sa likod ni Audrey habang palayo ito na halatang galit, saka niya dahan-dahang inangat ang kamay at hinawakan ang labi niya na may bakas pa ng halimuyak ni Audrey. Napangiti siya habang nakapikit ang mga mata.Sulit na sulit ang pagpunta niya rito sa Pampanga.Sumakay si Audrey sa mamahalin niyang van, huminga nang malalim, at unti-unting humupa ang galit sa puso niya.Hindi niya alam kung bakit sobrang galit siya kanina. Dahil lang ba sa halik ni Jeandric sa harap ng maraming tao?Pero alam naman niya na hindi lang ‘yon ang dahilan.Bumalik sa isip niya ang itsura ni Jeandric na nakasuot ng ancient costume. Naaalala niya ang sandali na tumalikod ito at tiningnan siya, bumalik agad ang kakaibang tibok ng puso niya.Galit siya sa sarili niya dahil nagpakilos siya ng damdamin para sa ibang lalaki bukod kay Jaxon.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at ki
Hindi siya natatakot kay Yssavel, pero magkaibigan talaga sina Jesse at Zedrick.Sige na nga. Pabor na lang kay Jesse.“Papasukin mo.”“Opo.”Napangiti ng kaunti ang katulong at agad lumakad papunta sa pintuan para isama si Beatrice papasok.Naupo si Skylar sa sofa, umiinom ng gatas habang nakatitig lang sa TV. Nagkunwaring walang naririnig habang papalapit si Beatrice.Napatingin si Beatrice sa katulong, halatang alanganin. Nginitian siya ng katulong at dahan-dahang nagsalita.“Second Young Madam, nandito na po si Madam Lim.”“Madam Lim?”Napakunot ang noo ni Skylar, halatang hindi natuwa sa tawag. Ibinaba niya ang baso at malamig na tiningnan ang katulong.“Sino raw si Madam Lim?”Hindi maintindihan ng katulong kung ano ang problema ni Skylar, pero natakot ito sa malamig na tingin niya. Hindi na ito nagsalita. Alam ni Beatrice na gusto siyang hiyain ni Skylar. Tama nga siya. Nagpatuloy si Skylar, at parang tinuturuan ang katulong.“Yung asawa ni Madam Beatrice, patay na, at ang ape
Chapter 226: Totoong may pakanaHINDI sinagot ni Jeandric ang tawag ni Harvey, sa halip ay tinitigan niya lang ang screen ng cellphone nang malamig. Tahimik lang siyang nanood habang paulit-ulit na tinatawagan ni Harvey si Audrey. Mahaba ang kanyang pasensya. Matapos tumawag nang sunod-sunod si Harvey sa loob ng sampung minuto, saka lang pinindot ni Jeandric ang power button para patayin ang cellphone.Bago pa tuluyang namatay ang phone, kumikislap pa rin ang tawag ni Harvey. Parang nakita pa ni Jeandric sa screen ang mukha ni Harvey na puno ng pag-aalala dahil hindi niya makontak si Audrey.Napangisi si Jeandric at nagsimulang manukso. Ganito ang resulta ng pang-aagaw ng mahal niya - mapapraning ka.Matapos patayin ang cellphone, inilagay ni Jeandric ang cellphone ni Audrey sa kanyang bag. Tapos, marahang yumuko si Jeandric para buhatin si Audrey at dinala ito na para bang isang napakahalagang kayamanan.Tulad ng inaasahan ni Jeandric, baliw na sa pag-aalala si Harvey sa mga oras na
Si Jeandric ang pumili ng kanta. Bago ito, at hindi pa naririnig ni Audrey. Pero pagpatugtog ng intro, agad siyang nabighani sa ganda ng melodya.Si Jeandric ang nagsimula. Siya rin ang kumanta ng unang linya.Pagkabigkas niya ng lyrics, parang may tinik na humarang sa lalamunan ni Audrey. Ang bigat sa pakiramdam.“Say something, I'm giving up on you... I'll be the one if you want me to... Anywhere, I would've followed you... Say something, I'm giving up on you.”Halatang ginamit ni Jeandric ang lyrics ng kanta para iparating kay Audrey na dapat na siyang bumitaw kay Jaxon.“...And I will swallow my pride... You're the one that I love... And I'm saying goodbye...”Pagkatapos ni Jeandric kumanta, inalis niya ang mic sa bibig niya at iniabot kay Audrey.Ngumiti si Audrey at umiling. “Hindi, ‘di ko pa narinig ‘tong kanta. ‘Di ko kakayanin.”“E di inom na lang tayo.” Hindi na siya pinilit ni Jeandric. Tumango si Audrey, iniwan ang mic, pero mabigat ang pakiramdam niya dahil sa lyrics ng k
Chapter 225: Ang may gawaHABANG gumugulong si Jaxon sa kama habang kayakap si Skylar, si Audrey naman ay nakaupo pa rin sa loob ng kotse ni Jeandric, malungkot na malungkot.Tumatama ang maliwanag na sikat ng araw sa mukha niyang sobrang maputla, na parang walang dugo. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng pagkawala ni Jaxon at Skylar para bang nagyelo ang puso niya at hindi na niya maramdaman ang kahit kaunting init.Nasa driver's seat si Jeandric at siya ang nagmamaneho. Malalim at seryoso ang tingin niya, at parang hindi rin niya alam kung saan siya pupunta. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa rearview mirror para silipin si Audrey. Nang makita niyang parang nawalan na ito ng gana sa buhay, lalo siyang nainis at napakunot ang noo.“Saan tayo pupunta ngayon?” Siguro dahil sa sobrang bigat ng katahimikan, napilitan na rin magsalita si Jeandric para maputol ito.“Ikaw na ang bahala.” Pumikit si Audrey na halatang pagod na, inayos ang upo niya at tumingin sa bintana.Lalo pang uminit ang
Chapter 224: DivorceNANG lumapat ang halik ni Jaxon, kumabog ang dibdib ni Skylar at bahagyang nanginig ang katawan niya.Masayang-masaya si Jaxon sa pagiging sensitibo ng katawan ni Skylar. Bahagyang umangat ang kanyang manipis na labi, lumitaw ang magandang ngiti. Huminto siya sa paghalik at sa malamig pero kaakit-akit na boses ay bumulong sa tenga ni Skylar."Kung ayaw mo akong tulungan maligo, ako na lang ang tutulong sayo."Nagsimula nang maging maloko si Jaxon. Napangiwi si Skylar, bahagyang kumurap ang kanyang mga mata na para bang may banta. Pagkalipas ng mga tatlong segundo, tinaas niya ang paa niya, at buong lakas niya itong ibinagsak sa paa ni Jaxon."Ugh!"Napakunot ang makakapal na kilay ni Jaxon. Kanina lang ay sobrang yabang ng mukha niya, parang siya lang ang may hawak ng sitwasyon, pero biglang namula at nanikip ang mukha niya sa sakit dahil sa mabilis na atake ni Skylar."Skylar, ikaw talaga…" galit na galit niyang sabi."Ikaw na lang ang maghugas niyan!" malamig na
Ngumiti lang si Yssavel at hindi sumagot. Naging sensitibo si Xenara at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang siyang nanood habang sumusulat si Yssavel. Maya-maya, naalala niya ang isang bagay. Hindi niya napigilan ang kuryosidad niya kaya maingat siyang nagtanong.“Ninang, pwede po ba akong magtanong?”“Sige, magtanong ka.”“Hindi na si Zeyn at ang tatay niyang si Juan ang namumuno sa Leeds Group ng pamilya Lacson-Leeds. Bakit sila pa rin ang pinili ninyong kakampi, hindi sina Yorrick at Clifford na sila na ang may kapangyarihan?”Pakiramdam ni Xenara, natural lang na makipag-alyado sa mas malakas. Kaya mas logical kung sila ang pinili.Medyo nag-iba ang expression ni Yssavel sa tanong na ito.Kung siya lang ang masusunod, gusto rin niya na sina Yorrick at Clifford ang kakampi. Pero ewan niya ba kung anong problema ng magtiyuhing 'yon. Noong nasa Amerika pa siya, ilang ulit siyang nag-try na makipag-ugnayan sa kanila, pero iniiwasan talaga siya. Kahit noong nagkita na sila sa public eve
Chapter 223: Little fairyMAGANDA at mainit ang sikat ng araw. Nasa balcony si Xenara habang sumasagot ng tawag sa phone. Pagkarinig niya ng balita mula sa spy niya, hindi napigilan ng kanyang mapulang labi ang ngumiti sa tuwa.“Sige, naiintindihan ko na. Ituloy mo lang ang pagmamanman. Tawagan mo agad ako pag may bago.”Masayang pinatay ni Xenara ang tawag, tumingala sa maganda at maaliwalas na tanawin sa hardin sa baba ng balcony, huminga ng malalim at masaya, tapos bumalik sa loob ng bahay.Ito ay ang study room ni Yssavel. Mahilig si Yssavel sa calligraphy. Sa ngayon, nakatayo siya sa harap ng mesa, ginagaya ang calligraphy work ng isang sikat na tao. Dahil sa seryoso at focus niyang itsura, tapos may dating pa siya na parang reyna ng bahay, sa unang tingin, mukha talaga siyang isang malaking artist na bihasa.Pagbalik ni Xenara mula sa balcony, halos paubos na ang tinta sa inkstone ni Yssavel. Agad siyang lumapit at nagsimulang gilingin ang tinta habang nagrereport.“Ninang, sak
Chapter 222: Hindi sinasabiTUMALIKOD si Jaxon at tumingin sa labas ng bintanang salamin sa sala. Nakita niyang nakaupo si Skylar sa sahig, hawak ang ulo, at nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Biglang nanlaki ang mata niya at dali-daling tumakbo papunta sa sala. Pero ilang hakbang pa lang siya, nakita na niya si Jeandric na buhat si Audrey habang papalapit mula sa sala.Masama ang itsura ni Jeandric. Para bang may may utang sa kanya ng daang bilyon na hindi pa nababayaran.Nakapulupot ang mga braso ni Audrey sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Natatakpan ng buhok niya ang mukha kaya hindi makita ni Jaxon ang itsura niya.Habang palapit si Jeandric sa kanya, napansin ni Jaxon na nanginginig din ang katawan ni Audrey tulad ni Skylar.Doon niya naisip na siguro ay nag-away sina Skylar at Audrey. Pero matalino siya at hindi na nagtatanong kung bakit. Tahimik siyang dumaan sa tabi ni Jeandric na pareho ring seryoso ang mukha.Nang magtagpo sila ni Jeandric, bahagy
Chapter 221: Friendship overNARAMDAMAN ni Audrey ang matinding sakit sa puso niya.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Skylar, "Kasi, ang mahal niya, hindi ikaw. Ako iyon."Parang kutsilyo ang bawat salita, mas masakit pa kaysa sa sampal na tinanggap niya mula kay Skylar.Matagal na niyang hindi kayang maglakas-loob na umamin kay Jaxon dahil alam niya sa sarili niya na ang mahal talaga ni Jaxon ay si Skylar. Takot siyang mabigo, takot siyang tanggihan, at higit sa lahat, takot siyang tuluyang mawala si Jaxon.Tama si Skylar, isa siyang duwag. Mas duwag pa kina Xenara at Barbara.Pag-isip niya nang ganito, namasa ang mga mata ni Audrey. Tapos, ngumiti siya nang pakunwari at tumingin kay Skylar na parang may hamon."Hindi ka naman si Jaxon, paano mong nasabing hindi niya ako gusto?"Tumingin si Skylar sa kanya, walang emosyon, pero may bahid ng pagmamayabang."Sinabi niya sa akin mismo. Noong birthday ni Yssavel, nung sinabi ni Barbara sa harap ng lahat na gusto mo si J