ログインItinuon ni Emily ang atensyon sa batang tahimik na naglalaro sa tabi nya, halos mag iisang oras na din silang nandito sa silid na pinagdalhan sa kanila ng kasambahay ng pamilya. Pero hanggang ngayon ay wala pa ni isa sa kanila ang bumabalik. Hindi nya inaakala na ganito pala kayaman ang asawa, ang buong akala nya lamang ay isang itong business man sa Maynila kaya may masaganang pamumuhay ito sa Laguna noon. Hindi pa pala nya talaga kilala ang lalaking pinakasalan at minahal nya, halos sa 4 taon nilang pagsasama ay tanging ugali at pangalan lang nito ang alam nya, ni hindi ito nagke-kwento ng tungkol sa pamilya nito. Huminga siya ng malalim. Marami pa ba syang ikakagulat?
"Nanay..."-Lumingon sya sa bata.
"Gutom na po ako."-Sabi nito, ngumiti naman si Emily at kumuha ng isang tinapay na binili nila kanina sa terminal ng bus. Inabot nya ito sa anak na agad naman nitong kinain.
"Wag masyado kumain ha, mamaya lang ay kakain na din tayo ng kanin."Bilin nya dito. Tumango anman ito at tinuloy ang pagkain ng tinapay. Nawalan naman ang atensyon nya sa bata ng bumukas ang pinto, pumasok ang kaninang matandang lalaki at babae, kasunod nito si Seb na kunot ang noo. Tumayo naman si Emily.
"Hija, may matutuluyan ba kayo?"-Tanong ng babae. Tumango sya.
"Opo, pansamantala kaming mangungupahan."- Tumango naman ang babae at tinuon ang atensyon sa bata. Ngumiti ito.
"Eros di ba ang pangalan mo?"-Tanong nito sa bata, tumingin naman si Eros at tumayo.
"Eros Sebastian P. Veluz po, I'm 6 years old po!"-Sabi nito. Lalo naman natuwa ang babae, lumapit ito sa bata at umupo para makapantay.
"Eros Sebastian. Ang gwapo mo namang bata, ako si Adelaida Veluz."-sabi nito, nanlaki namana ng mata ng bata.
"Hala! Parehas po tayo ng last name! ang galing!"-Manghang sabi nito. Natawa ng bahagya ang babae.
"Of course, parehas tayo, kasi ako ang lola mo."-Sabi nito. Lalong nanlaki ang mata nito.
"Ay! May lola na ako Nanay!!"-Sabi nito at tumingin kay Emily. Ngumiti naman si Emily sa reaksyon ni Eros.
"Ang galing naman! Edi para din kayo si Lola Merced! Bibigyan nyo din po ako ng biskwit!?"-Tanong nito, natawa naman lalo ang matanda.
"Oo naman! hindi lang biskwit."-Sabi nito, napapalakpak naman ang bata sa tuwa at niyakap ang babae. Ginantihan naman nya ng yakap ang bata.
"Mom, we're not sure about that, we still need to take the test."-Nabaling naman ang atensyon ni Emily sa asawa.
"I know, but how can you be so sure that he is not our blood? All of his features shouts it, he is a Veluz!"-Nalipat naman ang atensyon nya sa isang magandang babae sa likod, may pagkakahawig ito kay Seb. Ngumiti ito sa nakikita, isang batang kamukhang kamukha ng kapatid nya.
"Stay out of this Stacy."-Sabi ni Seb. The woman smirks and looks at her brother.
"How can I Seb? Knowing that you left a family behind? Left a wife, left a son? Ni isa sa amin walang nakaka alam? How can you take on your mind that your son is somewhere outside the metro?"-She said. Seb gritted his teeth at what she said. Her smirk widens.
"We are not sure about that."-He said.
"Oh, yeah, but what if the test tells us it is true? ano ang gagawin mo?"-She said.
"Shut up Stacey you're not helping!"-Saad ni Seb.
"Stop the two of you!"-Ma-awtoridad na sigaw ng matandang lalaki, agad naman tumigil ang dalawa sa bangayan. Itnuon nito ang atensyon kay Emily.
"Hija, if you won't mind, pwede bang dumito muna kayo sa bahay?"-Sabi nito.
"Are you kidding Dad!"-Sabi ni Seb. Lumingon naman ito sa lalaki.
"Stacey is right. Mas makakabuti kung dumito sila, If he's really a Veluz, he must be in this place."-Sabi pa nito. Hindi na muli umimik si Seb. Tumuon ang atensyon nito kay Emily.
"And young lady, Pwede ba kitang makausap? Sumunod ka sa akin."-Sabi nito, tumingin naman isi Emily sa anak na ngayon ay okupado dahil matandang babae, tumingin sa kanya ang babae at tumango.
"Go ahead Hija, ako na ang bahala sa kanya."-Sabi nito, tumango naman si Emily at sumunod sa lalaki.
******
"Hello there little boy."Tinignan ng bata si Stacey.
"Hello po."-Sabi nito. Umupo naman si Stacey sa harap ng bata.
"Ang cute, cute mo naman."-Sabi nito.
"Thank you po. Ako po si Eros Sebastian P. Veluz. 6 years old!"-Sabi nito. Tumawa naman ng mahina si Stacey dahil sa cuteness ng pamangkin nya.
"Yes, I heard you earlier, My name is Stacey Jane Veluz."-She said, Tumingin sa kanya ang bata. Nagtaka naman si Stacey.
"Ang galing mo naman po mag english."-Sabi nito. Muli namang natawa si Stacey.
"Maganda ka din po. Tska parehas din tayo ng Lastname!, Lola din po ba kita? Ang dami ko na pong lola!!"-Masaya nitong sabi.
Natawa naman lalo si Stacey, kasama din natawa ang Mama nya.
"Really cute and innocent. No, Ako ang Tita mo, Tita Stacey."-Sabi nito. Ngumiti naman ito ng malapad, kita tuloy ang dimple nito.
"Ay! May tita na ulit ako!! ang galing!, ang ganda ganda pa tsaka ang galing pa mag-english!"-Sabi nito. Niyakap nya ang babae na ikinatuwa ni Stacey. Humiwalay naman ang bata sa kanya at napansing tumingin ito sa lalaking nasa likod nya.
"Tatay!"-Sigaw ng bata at tumakbo papunta kay Seb. Yumakap ito sa binti ng lalaki. Nakatingin lang si Seb sa bata, hindi alam ang gagawin. Aaminin nya, may kung anong bagay ang nagsasabi sa kanya na it is indeed his son, Stacey is right, saan mang anggulo ang tignan, kamukhang kamukha nya ang bata. Naiinis sya sa sarili nya kung bakit hindi nya magawang tanggapin ito, sobrang gusto nyang yakapin at halikan ang bata, ngunit may bahagi sa utak nya na nagsasabing hindi nya dapat iyong gawin. Bakit ba hindi nya magawa? hindi nya ba matanggap na may anak sya sa iba? Na hindi ito nanggaling kay Angela?
"Kuya, why don't you hug him?"-Napatingin sya kay Stacey na nakatingin sa kanya, pati na din ang kanyang Ina. Binalik nya ang tingin nya ang atensyon sa bata.
Eros Sebastian. Yun ang pangalan ng bata. Umupo sya sa harap ng bata at tumingin sa mga mata nito. Mga mata na tila pamilyar pero hindi nya maalala kung kanino. Huminga siya ng malalim.
"Bata, hindi pa napapatunayan na ako ang tatay mo. Kaya wag mo akong tawaging tatay."-Sabi nito. Lumungkot naman ang mukha ng bata.
"Sabi ng nanay ko ikaw yun, may picture sya, nakita ko."-Sabi nito.
"Bata, wag ka munang umasa, impossible na may anak ako, isa lang ang babaeng mahal ko, at hindi ko din kilala ang nanay mo."
"Kuya! Don't be like that!"-Sabi ni Stacey, kinuha nito ang bata na tila iiyak na.
"Sebastian! Wag kang ganan sa bata!"-Sabi naman ng kanyang Mama.
"Ma, we should clear things to him, paano kung hindi nga? ayokong umasa sya."-Sabi nito.
"Bakit ba ang sarado ng utak mo? Akala ko matalino ka? E paano kung anak mo nga? gusto mo bang wag ka nya kilalanin? ang isuka nya na ikaw na ama nya ang hindi tumatanggap sa kanya?"-Sabi ni Stacey. Natigilan si Seb at tumingin sa batang ngayon ay naiyak na. Paano nga kaya? Gugustuhin nya bang kamuhiaan sya ng sarili nyang anak?
"I'll take care of it kung mangyari iyon."-Sabi nito.
"Bad ka! Hindi sinungaling ang nanay ko! Bad ka! Ayaw ko sayo!Isusumbong kita kay Sir Aron!"-Sabi nito. Nasaktan sya sa sinabi ng bata, paano kung anak nya nga ito? Ayaw sa kanya ng sarili nyang anak.
********
"Maupo ka Hija."-Sabi ng matandang lalaki. Naupo naman si Emily sa upuan sa tapat ng lamesa nito.
"Tatapatin na kita Hija. Pati ako ay nagulat sa mga sinabi mo. At syempre hindi mo maaalis sa akin ang magduda sa motibo mo. Sana ay naiintindihan mo, we are just very cautious at eveything. My son, Sebastian is a bit careless when it comes to women, lalo na noong naguumpisa pa lang siya sa trabaho, he's a happy-go-lucky man, at marami na ding pumunta dito at sinasabi na nabuntis sila ni Sebastian, pero lahat sila ay bigo itong patunayan. Pero ikaw, you brougth this child, that I can't deny na malaki ang hawig sa kanya. Pero as I said, we need to be sure of that, we need to make a test, to make sure. Sana ay hindi mo ikasama ng loob, kung apo ko nga sya, hindi ko pwedeng hayaang ilayo mo sya sa amin."-Sabi nito, tumango naman si Emily.
"Naiintindihan ko po ito, kahit na sino ay ganon din ang magiging reaksyon. Pero sinasabi ko po na hindi po ako sinungaling na tao, may prinsipyo po ako, kunsensya, lumaki po ako sa mga madre kaya malaki ang takot ko sa diyos. Kung sa legalidad naman po, kasal po kami ni Seb sa huwes, dala ko po ang marriage certificate namin, kung gusto nyo din po ay i-check nyo sa munisipyo ng Laguna. Kung iniisip nyo naman po na ang habol ko ay pera, wag po kayo mag alala, wala po akong pakialam doon."-Sabi ni Emily. Huminga naman ng malalim ang matanda.
"Kung gayon ay nagkakaintindihan na tayo. Dumito muna kayo sa bahay habang inaantay natin ang resulta, wag ka magalala sa gastusin, kami na ang bahala,"
"Pero kung hindi naman po nakaka hiya, pwede ko po bang itanong kung bakit hindi ako naaalala ni Seb? Alam ko po na may nangyari, bago po sya umalis ay nangako syang babalik sya, at alam nya na buntis ako nun kaya hindi pwedeng basta na lang sya mawawala."-tanong ni Emily. Tumingin sa kanya ang matanda at huminga ng malalim.
"Nasangkot sa isang aksidente si Sebastian, halos mag agaw buhay sya, ilang buwas din siyang comatose pero ng nagising sya ay wala na syang maalala sa mga taon na nakalipas. Kaya kahit kami ay walang ideya tungkol sayo at sa bata."-Sabi nito.
Tulad ng pinangako ni Seb, nanatili siya sa amin, nauwi siya araw-araw galing sa Manila para makasama kami ni Eros, at nasa bahay lamang siya kapag weekend. Nagiba na rin ang pakikitungo niya sa akin. Napangiti ako habang pinapanood ko sila ni Eros na naglalaro sa labas. Para na talaga kaming isang buong at masayang pamilya, ang pamilya na matagal ko nang pinangarap na maibigay kay Eros noon. Huminga ako nang malalim at bumalik sa aking paglilinis. Sana ganito palagi: masaya at tahimik ang buhay. Natungo ang atensyon ko sa cellphone na nakalagay sa side table ni Seb, at napansin ko na may tumawag. Kinuha ko ito at pumunta kung nasaan si Seb."Seb, may natawag yata sa'yo." — sabi ko dito habang iniaabot ang cellphone niya. Kinuha niya ito at natigilan siya nang makita kung sino ito."I-I'll just take this call." Sabi niya, pumunta siya sa bandang likod ng bahay para sagutin ang tawag. Nagtaka naman ako sa ikinilos ni Seb, pero binaliwala ko ito. Tinawag ko na lang si Eros para pumas
Nagising ako na may mabigat na bagay sa aking tiyan. Unti-unti akong nagmulat at nakita ko si Seb na mahimbing ang tulog sa aking tabi habang ang kanyang braso ay nakayakap sa aking hubad na katawan. Dahan kong tinanggal ang kanyang braso para makaalis sa kama. Gumalaw naman siya sa kanyang puwesto at lalong humigpit ang kanyang yakap."Where are you going?"-Antok nyang tanong sa akin"Umaga na, Seb. Kailangan ko nang asikasuhin si Eros."Sabi ko dito habang nagbibihis."Can't you stay for just a few minutes?"Tanong nya."Papasok pa sa school si Eros.."-Sabi ko habang inaayos ang aking damit."We should hire a nanny and maid."-Umupo ito sa kama."Hindi na kailangan Seb, kaya ko naman gawin yon, mag aaksaya lang tayo ng pera.", nang Matapos ako gn magbihis ay lumakad na ako sa pinto."Maghahanda lang ako ng almusal. Bumaba ka na rin." Sabi ko dito at tumuloy na sa ibaba para asikasuhin si Eros.*************************************Naging maayos naman ang araw namin, si Seb ang naghatid
Lumipas ang mga araw na maayos naman ang sitwasyon namin ni Seb. Araw-araw siyang napupunta sa Laguna galing Maynila para makasama si Eros. Dito na rin sa bahay siya natutulog, katabi ng anak, at kinabukasan ay naalis pagkahatid niya sa eskwela ni Eros. Napapahanga ako sa dedikasyon nya na mapalapit kay Eros kahit mahirap para sa kanya na magbiyahe ng ilang oras."Mukhang masaya ka?" Napalingon ako kay Aron at ngumiti."Masaya ako para sa anak ko,."-Sagot sa kanya, Pag alis kasi ni Seb at Eros ay pumunta ako sa isang shop para makausap si Aron."That's good, I can imagine E
Lumipas ang mga araw ngunit di umuwi si Seb. Si Eros man ay nagtatanong kung bakit hindi umuuwi ang kanyang ama. Ang tanging nasasabi ko lamang ay baka busy ito sa trabaho. Alam kong malungkot si Eros dahil nananabik pa rin ito sa ama."Nay, kelan po ba uuwi si Tatay?"-tanong ni Eros. Ngumiti ako at hinaplos ko ang mukha nya."Busy pa ang Tatay sa trabaho anak, pero sigurado akong uuwi din siya."-sabi ko dito.
Tulad ng dati ang pakiramdam ng mga labi ni Seb, malambot at mainit, mga labing labis kong pinanabikan ng mahabang panahon. Dahan dahang gumalaw ang mga labi niya sa aking labi, wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa aking nararamdaman. Ilang taon ko bang pinanabikan ang bagay na ito, pinangarap na muli ko itong maramdaman. Inilagay ko ang aking mga palad sa kanyang dibdib habang ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking bewang at mas inilapit ang aming mga katawan. "Mmmm..."-Napaungol ako ng ipasok niya ang kanyang dila sa aking bibig at mas pinalalim ang halik na tila sabik na sabik."Nay... gutom na po ako..."-Agad kaming naghiwalay ni Seb ng madinig naming parating si Eros. Halos parehas kaming kapos ng hininga at nagkatitigan."Nay..."-Tawag ni Eros na tuluyan ng pumasok sa kusina. Dahan dahan kong hinarap ang anak ko at tipid na ngumiti."M-Maluluto na Anak, antay ka lang ng konti."-Utal kong sabi. Bumalik ako sa aking ginagawa. Ramdam ko naman na nakatingin sa akin s
Mabilis dumaan ang mga araw at nakikita kong nagkakalapit nang husto ang mag-ama. Napakatiyaga ni Seb na suyuin si Eros at nagkakaroon naman ng resulta ang mga ito."Nay!"-Masayang tawag ni Eros habang bit-bit ang isang malaki paper bag, sinundo ito ni Seb mula paaralan. Marahil ay dumiretso ito doon mula sa Maynila."Ano ba iyang dala mo, anak?" tanong ko dito.
"Nay, uwi na lang po tayo sa Laguna."-Mahinang sabi ni Eros, tumingin ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nito na may bahid ng luha."'Nak, ayaw mo ba dito? Nandito ang Tatay mo, di ba gusto mo makilala si Tatay mo?"-Tanong ko dito. Umiling ito at tumingin sa sahig."Ayaw ko sa kanya, bad sya. Hind
"Nay, ayoko po doon."-Malungkot na sabi ni Eros sa kanya. Inaayos niya ang damit nito dahil pupunta sila sa mansion ngayon. Ngayon kasi sasabihin ang resulta ng DNA test sa pamilya ng asawa, hindi naman siya kinakabahan."Anak, hindi pwede."-Sabi niya. Lumungkot lalo ang mukha nito."Ayaw ko po, na
Seb just came from a long trip from Ilocos to accompany Angela in her press con, his presence is needed there since she's his fiance, hindi pa din niya nasasabi kay Angela ang tungkol kay Emily at sa bata since hindi pa naman lumalabas ang DNA results, he don't even have a plan because he knows tha
"Nanay! Ang galing oh!! May swimming pool din sila, parang yung sa resort nila Lyka, pero mas malaki yung kela Lola."-Sabi ni Eros na manghang manghang nakatingin sa swimming pool, alam niyang gustong gusto nito lumangoy ngunit nahihiya lamang dahil alam niya na hindi niya lubos na kilala ang mga t







