Share

3

Author: Yancii27
last update publish date: 2025-03-11 22:43:59

"Nanay! Ang galing oh!! May swimming pool din sila, parang yung sa resort nila Lyka, pero mas malaki yung kela Lola."-Sabi ni Eros na manghang manghang nakatingin sa swimming pool, alam niyang gustong gusto nito lumangoy ngunit nahihiya lamang dahil alam niya na hindi niya lubos na kilala ang mga tao dito.

"Do you want to swim?"-Napalingon sila pareho ng marinig ang boses ni Stacey. Ngumiti ito sa bata. Tumingin naman si Eros kay Emily at ngumiti ito. Binalik ni Eros ang tingin kay Stacey.

"Opo Tita!! Kaso baka po magalit kayo, kasi baka madumihan, tulad nung Nanay ni Lyka."-Sabi nito.

"Okay lang, dali magbihis ka na."-Sabi ni Stacey habang nakangiti sa bata. Tumingin ulit ito kay Emily na parang humihingi ng pahintulot. Tumango lamang si Emily at masayang tumakbo ang bata sa kanilang silid upang magpalit.

"He seems a happy child."-Nilingon ni Emily si Stacey na nakatingin pa rin kay Eros.

"Oo, maswerte din ako at lumaki siyang napakabait at matalino,."-Sabi ni Emily.

"And he won't be like that without a guidance. Though hindi kita gaanong kilala, I can see that you're a good person Emily, kita ko naman sa ugali ni Eros, magalang at mabait na bata."-Sabi nito. Ngumiti naman si Emily.

"Tita! Tara na po!"-Sigaw ni Eros habang tumatakbo patungong pool.

"Eros, dahan dahan lang.."-Mahinahong sabi ni Emily sa anak, nakangiti ito dahil sa nakikitang kaligayahan sa bata.

"Ay! Tita, hindi po ako marunong lumangoy, kaya po sa gilid lang ako."-sabi nito habang maingay na bumababa sa hagdan ng pool. Natutuwa si Stacey sa ka-cutan ng pamangkin. He seems so careful but you can see the excitement in his eyes.

"Don't worry, I'll teach you how to swim."-sabi nito. Nagliwanang naman ang mukha ng bata sa sinabi ni Stacey.

"Ay!! yehey!! Magugulat sila Lyka kapag umuwi ako sa Laguna na marunong na ako lumangoy!"-Sabi nito. 

"Eros, papasok lang si Nanay sa loob ha, wag malikot."-sabi ni Emily. Tumango naman ang bata. Nakangiting tumalikod si Emily at tumungo sa silid kung saan sila mananatili ni Eros.

"You seems so comfortable in here huh?"- Nilingon ni Emily si Sebastian na nakatingin sa kanya, may nakakalokong ngiti sa mukha nito na para bang kinukutya siya.

"Mabait naman kasi ang mga tao dito."-sagot ni Emily. 

"Kaya naman inaabuso nyo."-sabi pa nito.

"H-Hindi. Wala akong balak na ganon, gusto ko lang makilala nila si Eros, karapatan din naman ng bata iyon, ang makilala ang pamilya mo, at ikaw din."-Sabi pa nito.

"I know your kind Emily, pera ba gusto mo? Name your price, kayang kaya kong ibigay yan sayo, mabubuhay kayo ng anak MO ng maayos, umalis lang kayo dito at wag na magpakita."-Sabi pa nito.

"S-Sebastian, ano ba mga sinasabi mo, hindi ganon ang gusto ko, gusto ko lang na lumaki si Eros na kilala ka at ang pamilya mo!, wala akong masamang plano!"-Sabi nito, lumapit ang lalaki kay Emily at hinawakan ito sa braso ng mahigpit.

"B*llsh*t!! Laos na ang excuses mo babae!! Balak mong ipaako sa akin ang bastardo mo at kukunin ang pera? Well, you're stupid dahil alam ko ang plano ng mga manlolokong tulad mo!!"-sabi nito at tinulak si Emily. Natumba si Emily at tumama ang likod sa pinto ng kwarto.

"NANAY!!!"-He heard Eros shout, he turned his head and saw that Eros was running towards his mother.

"Nanay! Ayos lang po ba kayo!?"-tanong ni Eros sa ina.

"A-Ayos lang ako 'nak."-Sabi nito sa anak, tumingin naman si Eros kay Seb.

"Bakit nyo po tinulak si Nanay?"-Tanong nito sa ama. Seb just stared at the boy, he didn't understand what he is feeling when he stared at his eyes, para bang tumitingin siya sa sarili niya.

"Because she's bad, she's a liar."-He said. Nakita niya naman na sumimangot ang bata.

"Hindi bad si Nanay, hinid sinungaling si Nanay!"-Sigaw nito.

"Eros, wag mo sigawan ang Tatay mo."-Mahinahon nitong sabi sa anak. Seb smirk.

"Ganyan ba ang pagpapalaki mo sa bastardo mo? Hind marunong gumalang sa matatanda?"-Sabi nito. Napatingin si Emily sa kanya.

"Hindi bastos ang anak ko!"-sabi nito.

"If not then ano ang pinapakitang kagaspangan ng ugali yan? You raised him to be just like you, deceiving, pretending, nagpapanggap para makakuha ng pera, if I know you teach him to lie about who really his father----"-Agad namang natigil siya ng bigla siyang sinampal ni Emily.

"Tatanggapin ako ang panglalait at pangmamaliit mo sa akin, pero kahit kailan, hindi ko tatanggapin na bastusin mo ang pagkatao ng anak ko, ANAK mo siya!, hindi ko alam kung bulag ka lang pero hindi mo ba nakikita na kamukha mo siya? Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi at naririnig ng bata? Jusko naman Sebastian., anak mo si Eros! Kelan mo ba tatanggapin yon!"-Sigaw ni Eros.

Hinawakan ni Sebastian ang kamay ni Emily.  "I will not accept him! Hindi ko siya anak!! Mga oportunista lang kayo na sinisira ang buhay ko!! I am happy with my life pero ngayon naging magulo dahil sayo at sa bastardo mo!!"-Sabi nito at muling tinulak si Emily.

"Ang bad mo!! Ayoko sayo!! Bad ka!! Bad ka!! galit ako sayo!!!"-Sigaw ni Eros at tumakbo kay Seb, pinagpapalo niya ito. And there it is, a pain in his heart when he saw the sadness and anger in the boys eyes, gusto niya itong awatin at yakapin pero hindi niya magawa. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan.

"Bata, tumigil ka na bago pa ako mainis ng tuluyan sa iyo! Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi sayo ng Nanay mo, pero sasabihin ko sayo na hindi totoo lahat yon, sinungaling ang Nanay mo, hindi kita anak at hindi mo ako tatay, kaya mabuti pang tumigil na kayo."-Sabi nito at itinulak si Eros, sakto naman na napatukod ang tuhod nito sa sahid at nasugatan, lalong lumakas ang iyak nito dahil nasaktan ito.

"Kuya!!"-Dinig niya na sigaw ng kapatid, agad nitong dinaluhan si Eros ngayon ay nadugo ang tuhod.

"Nanay!!!!"-Sigaw nito, lumapit si Emily sa Anak at inalo ito. Bumaling naman si Stacey sa kapatid.

"What was that? Bakit mo sinasaktan ang magina mo? Kuya! Eros is just a child! Anak mo yan!"-Sigaw nito.

"Nabilog na talaga nila ang ulo mo? Kayo nila Mama?, oportunista sila! Pera lang ang habol ng mga yan."-Sabi nito. Umiling lang si Stacey.

"You're hopeless Kuya, Sana hindi mo pagsisihan ang mga ito sa huli, Eros is just a child, but he is smart, tatatak sa utak niya ang mga ginagawa mo sa kanya  at sa Nanay niya,"-Sabi nito at agad na dinaluhan ang magina, inaya niya ito sa kwarto para doon gamutin ang sugat ni Eros.

Napako naman sa kinatatayuan si Seb, hindi maalis sa isip ang sinabi ng kapatid. Why is he bothered by her words, he shouldn't, hindi niya anak ang bata at alam niya iyon sa sarili niya, kaya wala siyang dapat pagsisihan sa mga ginawa niya. Umiling lang ito at tumalikod paalis sa bahay.

***********

"Mabuti pa siguro na umalis na lang kami ni Eros."-Sabi ni Emily habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nakatulog ito sa kakaiyak at sakit ng tuhod. Awang awa siya sa anak, napaka bata pa nito para maranasan ang ganing bagay.

"No Emily, both of you deserves to be here"-Sabi ni Stacey, hindi niya masisi ang babae dahil na din sa nakita niyang pakikitungo ng kapatid sa mag ina.

"Ayokong masaktan pa si Eros, ang bata niya pa, ayaw ko din na magkaroon siya ng sama ng loob kay Seb."-Sabi pa nito. Tinitigan ni Stacey si Emily at ngumiti,

"You're very kind Emily, hindi ako magtataka kung minahal at pinakasalan ka ng Kuya, kung hinid lang dahil sa aksidente noon na kumuha ng ala-ala niya, sana masaya kayo ngayon."-Sabi nito, hindi na umimik si Emily at tinitigan lang si Eros.

"Okay, I'll talk to Mama and Papa. Ayos lang ba sa iyo na sa Condo ko muna kayo? I mean, hanggat hindi pa nalabas ang resulta."-Sabi nito.

"Hindi na siguro Stacey, doon na lang muna kami sa tiyahin ko, ayos naman doon."-Sabi nito.

"No, I insist, mas makakabuti sa inyo na wag muna makita si Kuya, tsaka gusto ko din makasama si Eros at mas makilala kita ng husto."-sabi pa nito. Hindi umimik si Emily.

"Please.."-Sabi pa nito. Tumango na lang si Emily. Mas mabuti siguro kung lalayo muna sila ni Eros.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Forgotten Wife   21

    Tulad ng pinangako ni Seb, nanatili siya sa amin, nauwi siya araw-araw galing sa Manila para makasama kami ni Eros, at nasa bahay lamang siya kapag weekend. Nagiba na rin ang pakikitungo niya sa akin. Napangiti ako habang pinapanood ko sila ni Eros na naglalaro sa labas. Para na talaga kaming isang buong at masayang pamilya, ang pamilya na matagal ko nang pinangarap na maibigay kay Eros noon. Huminga ako nang malalim at bumalik sa aking paglilinis. Sana ganito palagi: masaya at tahimik ang buhay. Natungo ang atensyon ko sa cellphone na nakalagay sa side table ni Seb, at napansin ko na may tumawag. Kinuha ko ito at pumunta kung nasaan si Seb."Seb, may natawag yata sa'yo." — sabi ko dito habang iniaabot ang cellphone niya. Kinuha niya ito at natigilan siya nang makita kung sino ito."I-I'll just take this call." Sabi niya, pumunta siya sa bandang likod ng bahay para sagutin ang tawag. Nagtaka naman ako sa ikinilos ni Seb, pero binaliwala ko ito. Tinawag ko na lang si Eros para pumas

  • The Forgotten Wife   20

    Nagising ako na may mabigat na bagay sa aking tiyan. Unti-unti akong nagmulat at nakita ko si Seb na mahimbing ang tulog sa aking tabi habang ang kanyang braso ay nakayakap sa aking hubad na katawan. Dahan kong tinanggal ang kanyang braso para makaalis sa kama. Gumalaw naman siya sa kanyang puwesto at lalong humigpit ang kanyang yakap."Where are you going?"-Antok nyang tanong sa akin"Umaga na, Seb. Kailangan ko nang asikasuhin si Eros."Sabi ko dito habang nagbibihis."Can't you stay for just a few minutes?"Tanong nya."Papasok pa sa school si Eros.."-Sabi ko habang inaayos ang aking damit."We should hire a nanny and maid."-Umupo ito sa kama."Hindi na kailangan Seb, kaya ko naman gawin yon, mag aaksaya lang tayo ng pera.", nang Matapos ako gn magbihis ay lumakad na ako sa pinto."Maghahanda lang ako ng almusal. Bumaba ka na rin." Sabi ko dito at tumuloy na sa ibaba para asikasuhin si Eros.*************************************Naging maayos naman ang araw namin, si Seb ang naghatid

  • The Forgotten Wife   19

    Lumipas ang mga araw na maayos naman ang sitwasyon namin ni Seb. Araw-araw siyang napupunta sa Laguna galing Maynila para makasama si Eros. Dito na rin sa bahay siya natutulog, katabi ng anak, at kinabukasan ay naalis pagkahatid niya sa eskwela ni Eros. Napapahanga ako sa dedikasyon nya na mapalapit kay Eros kahit mahirap para sa kanya na magbiyahe ng ilang oras."Mukhang masaya ka?" Napalingon ako kay Aron at ngumiti."Masaya ako para sa anak ko,."-Sagot sa kanya, Pag alis kasi ni Seb at Eros ay pumunta ako sa isang shop para makausap si Aron."That's good, I can imagine E

  • The Forgotten Wife   18

    Lumipas ang mga araw ngunit di umuwi si Seb. Si Eros man ay nagtatanong kung bakit hindi umuuwi ang kanyang ama. Ang tanging nasasabi ko lamang ay baka busy ito sa trabaho. Alam kong malungkot si Eros dahil nananabik pa rin ito sa ama."Nay, kelan po ba uuwi si Tatay?"-tanong ni Eros. Ngumiti ako at hinaplos ko ang mukha nya."Busy pa ang Tatay sa trabaho anak, pero sigurado akong uuwi din siya."-sabi ko dito.

  • The Forgotten Wife   17

    Tulad ng dati ang pakiramdam ng mga labi ni Seb, malambot at mainit, mga labing labis kong pinanabikan ng mahabang panahon. Dahan dahang gumalaw ang mga labi niya sa aking labi, wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa aking nararamdaman. Ilang taon ko bang pinanabikan ang bagay na ito, pinangarap na muli ko itong maramdaman. Inilagay ko ang aking mga palad sa kanyang dibdib habang ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking bewang at mas inilapit ang aming mga katawan. "Mmmm..."-Napaungol ako ng ipasok niya ang kanyang dila sa aking bibig at mas pinalalim ang halik na tila sabik na sabik."Nay... gutom na po ako..."-Agad kaming naghiwalay ni Seb ng madinig naming parating si Eros. Halos parehas kaming kapos ng hininga at nagkatitigan."Nay..."-Tawag ni Eros na tuluyan ng pumasok sa kusina. Dahan dahan kong hinarap ang anak ko at tipid na ngumiti."M-Maluluto na Anak, antay ka lang ng konti."-Utal kong sabi. Bumalik ako sa aking ginagawa. Ramdam ko naman na nakatingin sa akin s

  • The Forgotten Wife   16

    Mabilis dumaan ang mga araw at nakikita kong nagkakalapit nang husto ang mag-ama. Napakatiyaga ni Seb na suyuin si Eros at nagkakaroon naman ng resulta ang mga ito."Nay!"-Masayang tawag ni Eros habang bit-bit ang isang malaki paper bag, sinundo ito ni Seb mula paaralan. Marahil ay dumiretso ito doon mula sa Maynila."Ano ba iyang dala mo, anak?" tanong ko dito.

  • The Forgotten Wife   6

    "Nay, uwi na lang po tayo sa Laguna."-Mahinang sabi ni Eros, tumingin ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nito na may bahid ng luha."'Nak, ayaw mo ba dito? Nandito ang Tatay mo, di ba gusto mo makilala si Tatay mo?"-Tanong ko dito. Umiling ito at tumingin sa sahig."Ayaw ko sa kanya, bad sya. Hind

  • The Forgotten Wife   5

    "Nay, ayoko po doon."-Malungkot na sabi ni Eros sa kanya. Inaayos niya ang damit nito dahil pupunta sila sa mansion ngayon. Ngayon kasi sasabihin ang resulta ng DNA test sa pamilya ng asawa, hindi naman siya kinakabahan."Anak, hindi pwede."-Sabi niya. Lumungkot lalo ang mukha nito."Ayaw ko po, na

  • The Forgotten Wife   4

    Seb just came from a long trip from Ilocos to accompany Angela in her press con, his presence is needed there since she's his fiance, hindi pa din niya nasasabi kay Angela ang tungkol kay Emily at sa bata since hindi pa naman lumalabas ang DNA results, he don't even have a plan because he knows tha

  • The Forgotten Wife   2

    Itinuon ni Emily ang atensyon sa batang tahimik na naglalaro sa tabi nya, halos mag iisang oras na din silang nandito sa silid na pinagdalhan sa kanila ng kasambahay ng pamilya. Pero hanggang ngayon ay wala pa ni isa sa kanila ang bumabalik. Hindi nya inaakala na ganito pala kayaman ang asawa, ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status