MasukSeb just came from a long trip from Ilocos to accompany Angela in her press con, his presence is needed there since she's his fiance, hindi pa din niya nasasabi kay Angela ang tungkol kay Emily at sa bata since hindi pa naman lumalabas ang DNA results, he don't even have a plan because he knows that it is all a lie.
He park his car in the garage before entering the house, he was welcome by silence, napaka-tahimik ng loob ng bahay, very unsual, this past few days ay maingay ito since dumating si Eros, he shook his head, maybe he is sleeping.
"Ay Sir, nanjan na po pala kayo."-Bati sa kanya ng katulong.
"Yeah, where's Mama?"-tanong niya.
"Umalis ho e, wala naman sinabi kung saan pupunta."-Sagot nito.
"Okay."-Sabi niya at umakyat na sa kwarto niya para magpahinga.
*******************
Nagising si Seb sa pagkakatulog, para kasing may mali, he check on his phone and saw that it is already 3pm, bumangon siya at lumabas to got to the kitchen. Para siyang ewan na may hinahanap, parang may mali talaga.
"Ay Ser, gutom na po ba kayo? ipaghahain ko na po kayo."-Sabi ng katulong. Tumango lang siya dito.
"Where's the boy?"-He ask. Tumingin sa kanya ang katulong na parang naguguluhan.
"The boy, Si Eros."-Sabi niya.
"Ah!, naku ser, wala na po sila dito sa bahay, umalis na po,"Sabi nito. Nagulat si Seb sa sinabi nito.
"B-Bakit daw?Kelan pa? Bakit di ko alam?"-Tanong nito.
"Naku Ser, hindi ko po alam, umalis po sila nung pagkaalis nyo, hinatid pa nga po sila ni Mam Stacey,"-Sabi nito.
"Saan daw sila pupunta?"-tanong pa nito,
"Pasensya na Ser, hindi ko po talaga alam e."-Sabi niyo. Tumango lang si Seb at naglakad pabalik sa kwarto niya.
"Ser, ipaghahain ko pa po ba kayo?"-Tanong nito.
"No, hindi pa ako gutom,"-sabi nito at tuluyan nang pumasok sa kwarto.
************************
"Salamat ulit Stacey."-Sabi ni Emily. Masaya siya kasi nakikita niyang masaya din si Eros.
"That's nothing, I want to spoil Eros, halos buong buhay niya ay wala kami naitulong, ikaw lang lahat, kaya bumabawi lang kami."-Sabi nito. Laking pasalamat niya na tanggap si Eros ng pamilya ni Sebastian, mabubuti din ang mga ito.
"Nay, tignan mo ang galing ko na gumawa ng robot, gawa yan sa logo!!"-Tuwang tuwa na sabi ni Eros.
"Nak, Lego tawag dyan."-Sabi niya sa bata, napakamot na lang ng ulo si Eros at tumango.
"Ang galing Nay, ang daming laruan ko!!, Salamat po Tita Ganda!!"-Sabi ni Eros at yumakap kay Stacey.
"Owwww... ang sweet naman ng little boy namin."-She hug him back and shower him with kisses on the face, tawa lang ng tawa si Eros sa ginagawa ni Stacey,masayang nakatingin si Emily sa kanila.
"And what is happening here?"-Napalingon silang lahat bagong datin. Nakangiti ito habang pinagmamasdan sila.
"Lola!!!"-Masayang tumakbo si Eros sa matanda at agad na niyakap.
"How's my favorite boy?"-Sabi nito at hinalikan sa pisngi ang bata.
"Naglalaro po ako ng Le-go, nibili kasi ako ni Tita Ganda, tignan nyo po oh!! my Robot na ako!!"-sabi nito.
"Wow, ang galing naman, I bet you will be an engineer someday."-Sabi nito.
"Engihir? Ano po yon?"-Inosenteng tanong nito.
"Engineer, ung mga gumawa ng buildings and roads."-Sabi nito. Nakita naman niya na nagningning ang mga mata nito.
"Ay ang galing!! Sige po gusto maging ginginir!!"-Sabi nito, natawa naman ang matanda sa sinabi nito.
"Sige na apo, maglaro ka na doon."-Sabi nito, tumango naman si Eros at tumakbo pabalik sa mga laruan niya. Tumingin naman ito kay Emily.
"Emily, pasensya ka na talaga sa ginawa ni Sebastian, I don't have any excuse pero sana mapatawad mo siya."-Sabi nito.
"Ayoko sabihing ayos lang po ang nangyari, masakit para sa akin na masaktan si Eros ng ganon Ma'am."-Sabi nito. Ngumiti naman ang matanda.
"Tita na lang itawag mo sa akin."-Sabi nito, ngumiti si Emily at tumango.
"As long as hindi pa nadating ang result ng DNA test, dito muna sila ma, pero I doubt na negative yon, Eros features shout that he is indeed a Veluz."-Sabi ni Stacey.
"Wala naman pong kaso, masaya na po akong malaman na mabubuting tao ang pwedeng makasama ni Eros kung sakali."-Sabi nito.
"What about you? You're both married Emily."-sabi pa ni Stacey. Umiling si Emily.
"Sa papel lang, alam ko naman na hindi na ako mahal ni Seb, may anak nga kami, pero hindi ko ipipilit na makisama siya sa akin, ayaw kong makigulo sa kanila, tsaka ano ba naman ako kumpara kay Angela?"-Sabi pa nito.
"Don't compare yourself with that B*tch"-sabi nito.
"Stacey, your mouth."-Suway ng ina.
"I don't like her, she's a true gold digger."-Sabi pa nito. Umiling na lang ang Ina.
"Anyways, let's go prepare dinner, baka gutom na ang apo ko."-sabi nito at niyaya sila sa kusina.
****************
Nagpaalam si Emily na mamamasyal lang sila sa malapit na Park, naiinip na din naman kasi siya sa loob ng unit ni Stacey, She insist na samahan sila kasi baka daw maligaw sila, pero tinanggihan ito ni Emily.
Nakangiti siyang tumingin kay Eros na naglalaro kasama ang ibang bata.
"Hey Ems."-Napalingon siya ng madinig ang pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata nito.
"Aron? kamusta bakit ka nandito?"-Sabi nito na kita sa mukha ang saya.
"I'm okay, kamusta na? Bakit ka nandito?"-Tanong nito.
"Lumuwas kami para puntahan ang Asawa ko,"-Sabi nito, nakita naman niya na kumunot ang noo nito.
"Si Eros?"-tanong nito. Tinuro niya ang kumpol ng bata kung nasaan si Eros.
"What a coincidence, malapit lang ang bahay ko dito."-sabi nito habang pinagmamasdan si Eros.
"Sir Aron!!!"-Lalong lumapad ang ngiti nito ng madinig ang boses ng bata.
"Eros!!"-Sigaw din nito, pinagpag ni Eros ang sarili at tumakbo papunta sa lalaki at agad na tumalon. Sinambot naman agad siya ng Lalaki.
"Eros!! Nako kang bata ka."-Suway ni Emily.
"Miss na po kita Sir Aron!! Ang galing nandito na kayo!!"-sabi ng bata.
"Miss na din kita kulit!! Naging mabait ka ba?"-tanong ni Aron sa bata.
"Opo!! Opo!! mabait naman po ako palagi e!!"-sabi nito. Tumawa lang si Aron.
"Kamusta naman sa bahay ng tatay mo? Mababait ba sila?"-tanong nito. Humiwaly si Eros at tumango.
"Opo!! May Lolo at Lola na po ako!! ang bait nila, lagi nila ako nibibilhan ng biskwit at laruan."-masaya nitong sabi. "..tapos may tita din ako, si Tita ganda!! ang galing nya din po mag english, tapos ang ganda ganda pa!! Nibilihan niya din po ako ng Le-go, yung tulad kay Pat-pat!! ang galing ko na nga po gumawa ng robot e, sabi ni Lola magiging ginginer daw po ako, yung nagawa ng bilding tska rod, di ko po alam ung rod, pero magiging ginginer po ako, tapos may swimming pool din po sila, ang galing nga e, pwede ako mag swimming ng matagal!"-kwento nito, tumatango tango naman si Aron habang natawa.
"Pero kasi, si Tatay, ayaw niya sakin tska kay Nanay, sabi pa niya hindi niya daw ako anak, tsaka sinungaling daw po si Nanay, di naman po di ba sinungaling si Nanay ko diba? mabait kaya si Nanay, tapos nitulak niya si Nanay tska ako, kaya may sugat ako, ayaw ko na sa kanya Sir Aron, kasi masungit siya tapos bad pa sya kasi inaaway niya kami ni Nanay."-patuloy pa nito. Kumunot naman ang noo ni Aron at tumingin kay Emily.
"Eros..."-Suway nito sa bata.
"Emily, hayaan mo lang si Eros, it's better if he tells what in his mind,"-sabi nito. Huminga lang ng malalim si Emily. Binaba naman ni Aron si Eros at ginulo ang buhok nito.
"Eros, don't be mad at your Tatay okay? baka masama lang pakiramdam niya."-sabi nito, hindi umimik si Eros. "..go on, maglaro ka na doon ulit."-dagdag nito. Tumakbo si Eros papunta sa mga kalaro nya.
"Emily, what really is happening?"-Tanong ni Aron. Kinuwento ni Emily ang lahat dito.
"He shouldn't do that! Meron man o wala siyang naaalala, hindi dapat siya ganon umakto!"-gigil na sabi nito.
"Wala naman akong magagawa kung ganon siya, masaya na din ako at mababait ang pamilya niya, mahal na mahal nila si Eros."-Sabi ni Emily. Aron just look at Eros who is happily playing with other children. This child deserves a happy family, Emily deserves a man who will love, protect and cherish her, they deserve a better future. Masyado nang maraming pinagdaanan ang magina para mahirapan ng ganon.
Tulad ng pinangako ni Seb, nanatili siya sa amin, nauwi siya araw-araw galing sa Manila para makasama kami ni Eros, at nasa bahay lamang siya kapag weekend. Nagiba na rin ang pakikitungo niya sa akin. Napangiti ako habang pinapanood ko sila ni Eros na naglalaro sa labas. Para na talaga kaming isang buong at masayang pamilya, ang pamilya na matagal ko nang pinangarap na maibigay kay Eros noon. Huminga ako nang malalim at bumalik sa aking paglilinis. Sana ganito palagi: masaya at tahimik ang buhay. Natungo ang atensyon ko sa cellphone na nakalagay sa side table ni Seb, at napansin ko na may tumawag. Kinuha ko ito at pumunta kung nasaan si Seb."Seb, may natawag yata sa'yo." — sabi ko dito habang iniaabot ang cellphone niya. Kinuha niya ito at natigilan siya nang makita kung sino ito."I-I'll just take this call." Sabi niya, pumunta siya sa bandang likod ng bahay para sagutin ang tawag. Nagtaka naman ako sa ikinilos ni Seb, pero binaliwala ko ito. Tinawag ko na lang si Eros para pumas
Nagising ako na may mabigat na bagay sa aking tiyan. Unti-unti akong nagmulat at nakita ko si Seb na mahimbing ang tulog sa aking tabi habang ang kanyang braso ay nakayakap sa aking hubad na katawan. Dahan kong tinanggal ang kanyang braso para makaalis sa kama. Gumalaw naman siya sa kanyang puwesto at lalong humigpit ang kanyang yakap."Where are you going?"-Antok nyang tanong sa akin"Umaga na, Seb. Kailangan ko nang asikasuhin si Eros."Sabi ko dito habang nagbibihis."Can't you stay for just a few minutes?"Tanong nya."Papasok pa sa school si Eros.."-Sabi ko habang inaayos ang aking damit."We should hire a nanny and maid."-Umupo ito sa kama."Hindi na kailangan Seb, kaya ko naman gawin yon, mag aaksaya lang tayo ng pera.", nang Matapos ako gn magbihis ay lumakad na ako sa pinto."Maghahanda lang ako ng almusal. Bumaba ka na rin." Sabi ko dito at tumuloy na sa ibaba para asikasuhin si Eros.*************************************Naging maayos naman ang araw namin, si Seb ang naghatid
Lumipas ang mga araw na maayos naman ang sitwasyon namin ni Seb. Araw-araw siyang napupunta sa Laguna galing Maynila para makasama si Eros. Dito na rin sa bahay siya natutulog, katabi ng anak, at kinabukasan ay naalis pagkahatid niya sa eskwela ni Eros. Napapahanga ako sa dedikasyon nya na mapalapit kay Eros kahit mahirap para sa kanya na magbiyahe ng ilang oras."Mukhang masaya ka?" Napalingon ako kay Aron at ngumiti."Masaya ako para sa anak ko,."-Sagot sa kanya, Pag alis kasi ni Seb at Eros ay pumunta ako sa isang shop para makausap si Aron."That's good, I can imagine E
Lumipas ang mga araw ngunit di umuwi si Seb. Si Eros man ay nagtatanong kung bakit hindi umuuwi ang kanyang ama. Ang tanging nasasabi ko lamang ay baka busy ito sa trabaho. Alam kong malungkot si Eros dahil nananabik pa rin ito sa ama."Nay, kelan po ba uuwi si Tatay?"-tanong ni Eros. Ngumiti ako at hinaplos ko ang mukha nya."Busy pa ang Tatay sa trabaho anak, pero sigurado akong uuwi din siya."-sabi ko dito.
Tulad ng dati ang pakiramdam ng mga labi ni Seb, malambot at mainit, mga labing labis kong pinanabikan ng mahabang panahon. Dahan dahang gumalaw ang mga labi niya sa aking labi, wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa aking nararamdaman. Ilang taon ko bang pinanabikan ang bagay na ito, pinangarap na muli ko itong maramdaman. Inilagay ko ang aking mga palad sa kanyang dibdib habang ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking bewang at mas inilapit ang aming mga katawan. "Mmmm..."-Napaungol ako ng ipasok niya ang kanyang dila sa aking bibig at mas pinalalim ang halik na tila sabik na sabik."Nay... gutom na po ako..."-Agad kaming naghiwalay ni Seb ng madinig naming parating si Eros. Halos parehas kaming kapos ng hininga at nagkatitigan."Nay..."-Tawag ni Eros na tuluyan ng pumasok sa kusina. Dahan dahan kong hinarap ang anak ko at tipid na ngumiti."M-Maluluto na Anak, antay ka lang ng konti."-Utal kong sabi. Bumalik ako sa aking ginagawa. Ramdam ko naman na nakatingin sa akin s
Mabilis dumaan ang mga araw at nakikita kong nagkakalapit nang husto ang mag-ama. Napakatiyaga ni Seb na suyuin si Eros at nagkakaroon naman ng resulta ang mga ito."Nay!"-Masayang tawag ni Eros habang bit-bit ang isang malaki paper bag, sinundo ito ni Seb mula paaralan. Marahil ay dumiretso ito doon mula sa Maynila."Ano ba iyang dala mo, anak?" tanong ko dito.
"Nanay! Ang galing oh!! May swimming pool din sila, parang yung sa resort nila Lyka, pero mas malaki yung kela Lola."-Sabi ni Eros na manghang manghang nakatingin sa swimming pool, alam niyang gustong gusto nito lumangoy ngunit nahihiya lamang dahil alam niya na hindi niya lubos na kilala ang mga t
Itinuon ni Emily ang atensyon sa batang tahimik na naglalaro sa tabi nya, halos mag iisang oras na din silang nandito sa silid na pinagdalhan sa kanila ng kasambahay ng pamilya. Pero hanggang ngayon ay wala pa ni isa sa kanila ang bumabalik. Hindi nya inaakala na ganito pala kayaman ang asawa, ang
Inayos ni Emily ang anak mula sa pagkakahiga nito. Nasa byahe sila ngayon papuntang Maynila at nakatulog na ang kanyang anak. Hinaplos nya ang maamong mukha ng bata, talagang kamukhang kamukha nito ang kanyang tatay, tanging mata lamang ang nakuha nito mula sa kanya. Napangiti sya.Naaalala na nama
"Nay, uwi na lang po tayo sa Laguna."-Mahinang sabi ni Eros, tumingin ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nito na may bahid ng luha."'Nak, ayaw mo ba dito? Nandito ang Tatay mo, di ba gusto mo makilala si Tatay mo?"-Tanong ko dito. Umiling ito at tumingin sa sahig."Ayaw ko sa kanya, bad sya. Hind







