I hate how Spencer curve a smile on his lips nang nalaman niyang siya ang panalo sa pustahan namin. Napasimangot naman ako sa nagiging resulta. Kanina pa natapos ang movie, and here I am thinking at hindi pa rin naka-get over. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama, sadyang nanghihinayang lang ako sa isang linggong libre.
Kanina pa umuwi si Spencer at talagang tinapos namin ang movie, and after I watched the movie, many realizations hit me.Oo, hindi madali ang buhay; marami pa tayong dapat pagdaanan at ilalaban, marami pa tayong isasakrapisyo. At higit sa lahat, marami pa tayong mga taong makikila na hindi natin inaasahang sisira sa ating pagkatao. Life is all about survival and we are all a players in this game called 'life'. tho, that's life.Medyo malalim na rin ang gabi kaya Napagdesisyunan ko nang matulog, Pero bago ako humiga sa kama chineck ko muna ang social media accounts ko, wala naman ganap kaya nilapag ko na lang ang aking phone sa side table, ngunit bigla na lang itong nag-vibrate at bumungad ang text ni Spencer."Hoy, impakta! Ako ang magdecide kung kilan. Para hindi ka lugi, i-lilibre na rin kita. Ang yaman-yaman mo pero ang kuripot mo." Napangiti na lang ako sa aking nabasa.Maya-maya lang nag-virabrate ulit ang aking phone. "Gaga! I enjoyed," muling text niya at hindi na ako nag-abalang magreply dahil kakapagod mag-type. At the same time, nakakinis rin ako sa kaniya. Ang panget ng pangalang tinawag niya sa akin, sa ganda ng pangalan ko, tinawag lang ako ng gaga at impakta? nakakainis...Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may lalakarin ako. Gusto ko lang gumala sa mall since Saturday and I want also to buy some books and Make ups.Makakagala na ako ngayon dahil si mommy ay nasa business trip. Wala namang pake sa akin iyon, puro trabaho at kompanya lang naman ang kaniyang inaatupag. At kung may ginawa akong kagagahan na sa tingin niya ay makakasira sa pangalan niya. She will just come here para sermonan ako.It's already 9:00 am in the morning at tapos na akong magbihis. I only wear black jeans, white V-neck t-shirt, and white sneakers. I also put a light make-up on my face at saka tinali ang aking weavy na buhok."Saan ka pupunta?" tanong ni yaya Tina nang nakita niyang pababa na ako ng hagdanan. Si Yaya Tina ay para ko na ring ina, the way she care for me ay parang tinuturing niya rin akong anak. Mas naging magulang ko pa siya kaysa kay ni mommy."Saglit lang po ako roon, "maikling sagot ko at iniwan siya sa may sala nang hindi man lang hinintay ang kaniyang tugon.Kapapasok ko lang sa mall, medyo maraming tao dahil siguro sabado. Dumeritso agad ako sa book section, nais ko lang bumili ulit ng libro dahil malapit ko nang matapos mabasa 'yung isa. Tatlong books ang napili kong bilhin at pagkatapos kong mamili ay agad rin naman akong nagtungo sa counter para magbayad.Pagakatapos ay pumunta ako sa make up section ng mall para mamili ng make-up, ngunit bigla akong nakaramdam ng gutom dahilan para lumabas ako saglit at maghanap ng makakain.Nang papunta na ako sa isang food stall bigla na lang tumunog ang aking Cellphone dahilan para mapatingin ako sa aking cellphone."Hoy, babae! Bakit hindi mo kami sinama? Nandito pa naman kami ni Amalia sa bahay mo," napailing na lang ako sa text ni Spencer.Talagang araw-arawin niya ang pagdalaw sa bahay. Wala namang magandang gagawin sa bahay namin, pero palagi silang pumunta lalo na kung wala si mommy."Diyan lang kayo, 'wag kayong aalis. Pauwi na ako." O diba ganito talaga akoon the way na raw pero hindi pa tapos mamili. Agad ko naman si-nend at binalik ko ang Cellphone sa aking bulsa, at tinuloy ang paglalakad. Gusto ko lang silang mabulok kahihintay sa akin."A-aray!" napadaing ako at napahawak ako sa aking balikat dahil sa sakit ng pagkabangga, muntik na rin akong mapaupo sa sahig dahil sa lakas ng impak."Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" napatingin ako sa lalaking nagsalita sa aking harapan. Nakasout ito ng black hood at naka-cap. Tinignan niya lang ako na walang emosyong nakapinta sa kaniyang mukha. Pinanlilisikan ko naman ito ng tingin dahil sa inis ko."Haharang kasi!" dagdag pa niya dahilan para kumulo lalo ang aking dugo. kung wala lang kami sa mall siguro tinadyakan ko na ito dahil sa kayabangan. Kahit simpleng sorry lang hindi niyang magawang sabihin. Saan ba ang magulang nito? iyung anak nila walang manners."Tanga-tanga kasi," dugtong pa niya at dumeritsong naglakad nang hindi man lang pinulot ang plastic na nasa sahig.Napanganga na lang ako sa inakto niya. He's worst guy that I've ever met. Masyadong makapal ang pagmumukha at arogante."Hoy! Tangina mo!" sigaw ko sa lalaking patuloy pa ring naglalakad dahilan para makuha ko ang atensyon ng mga tao sa mall.What the hell! I make a scene again. Pinulot ko na lang ang plastic na sahig at tuluyang naglakad para lumabas ng mall. Wala rin akong pakialam kung ano ang sabihin nila dahil una sa lahat hindi ako nangingi-alam sa buhay nila. Umuwi na lang ako dahil na-bad trip ako."Kung mamalasin nga naman, isa naman bagsakan. Noong nagpaulan siguro si lord ng kamalasan, siguro sinalo ko lahat."----Papasok na ako ngayon ng bahay at nadatnan ko sila Amalia at Spencer na nakaupo sa sofa. Ang sama ng tingin nila sa akin, kung makatingin sila para akong isang criminal."What?" tanong ko at tinaasan sila ng kilay."Ayos din naman ng 'On the way' mo 'no? Dalawang oras? Coollen..... Ang layo siguro ng mall Spencer 'no? " Nanatili pa ring ganoon ang aking mukha na walang reaction, habang tinignan si Amalia na na-high blood dahil sa akin. Naiinis pa rin kasi ako sa lalaking walang mudo kanina."Oo nga," dugtong naman ni Spencer."Huwag niyo nga akong dramahan, badtrip ako ngayon ha!" sabi ko at sinalampak ang sarili ko sa sofa."Mas lalo kami, Coollen. Nakakapagod kayang maghintay, " sagot naman ni Amalia. Kahit kailan itong babaeng 'to hindi talaga magpapatalo."Hey, Can you just appreciate the art of waiting?" I said out of frustration, hindi ko alam kung saan ko iyon napulot, at basta na lang iyon lumabas sa aking bibig. At tama naman ang sinabi ko 'di ba? May magandang dulot naman ang paghihintay."Hahaha, appreciate? ikaw nga e, walang pasensiya! appreciate pa kaya?" Saka Humagalpak si Amalia ng tawa."Just shut up, Amalia. Ang ingay mo."Kaya napatigil si Amalia kasasalita. Nabalot rin ng katahimikan ang boung sala dahil sa pagsaway ko sa kaniya. Pero maya-maya lamang ay biglang nagsasalita si Spencer."Kaya nga hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa kaniya," at saka tumingin sa akin nang may ngiti sa labi, at the way siya ngumiti may anong kumukinang sa kaniyang mata, lalo mawawala ang kaniyang mata kapag ngumiti."Naghihintay ng tamang oras at panahon," dagdag pa rito."Bakit ka pa maghihintay if you can get that girl easily? you have the looks and charm, I think you get that girl in just one blink of an eye, right? " sabi naman ni Amalia and then she smirked."I'm not like you, Amalia. Iyan ang hinding-hindi ko gagawin, and I won't play dirty things. Sympre gusto ko rin iparamdam sa kaniya that she's precious 'cause I know women are so fragile and I don't want them to feel that they are easily to be replaced. " Napatingin ako ni Spencer, I just amazed how he cared for someone's feelings."Wow, Spencer! big word! pero maraming ka-flirt, at may love life ka na ba? " biglang tanong ni Amalia dahilan para humagalpak ng tawa si Spencer."Oo, kaya mainggit ka, Amalia." pangangasar ni spencer. Tapos ay lumingon naman sa akin si Amalia."Ano?" inunahan ko na siya. Naiirita ako kapag tinatanong nila ako tungkol sa mga ganiyan."wala naman, masama bang tumingin sa iyo," sabi niya at napairap."Nako Spencer hindi ako maiingit, marami ako niyan. Naiinis lang talaga ako sa h*******k na Jarred, hiniwalayan ba naman ako!" bulalas niya."Bakit? nasaktan ka ba?""Hindi naman, sadyang hindi ako sanay na sila ang makipag hiwalay sa akin, ang gusto ko kasi, ako ang makipaghiwalay sa kanila," pagmamaktol niya at talagang lang pinanindigan niya ang kaniyang pagkama-attitude niya."Ano ka Amalia? gold?" sabi ni Spencer na siyang ikinatawa ni Amalia.Nakaupo lang ako rito at nakinig lang sa kanilang mga bangayan. Hindi ako nakikisali dahil nakakapagod magsalita. Alam ko naman na itong dalawa ay hindi magpapatalo. Pinikit ko na lang ang aking mata dahil inaantok na ako, ngunit maya-maya lang biglang may pumitik sa aking noo."Tangina! Ang disturbo mo!" binukas ko ang talukap ng aking mata at nakita kong si Spencer na nakangiti."Tangina mo, Spencer!" sigaw ko."Gutom na kami ni Amalia, 'di ba Amalia?" Kalabit niya si Amalia at si Amalia naman ay tumango at nag-puppy eyes. Ang gago talaga ng babaeng ito, nag-puppy eyes pa hindi naman cute."Mukha kang asong ulol, " sambit ko rito."Pangit mo naman kabonding, Coollen!" pasigaw niyang sabi."At least maganda ako.""Kanina pa ako gutom, Coollen, " dagdag pa rito at hinimas-himas ang tiyan."Pakainin mo naman ang mga bisita mo, Coollen. " I just rolled my eyes to them. Ang sarap nilang palayasin, sila pa nga ang pumunta dito at ang lakas ng loob nila na magdemand. Nahiya naman ang nagmamay-ari ng bahay dahil sa sobrang feel at home nila."Nandoon si yaya sa kusina naghahanda ng pagkain." Agad namang tumayo si Amalia at naunang pumunta ng kusina. Sa aming tatlo siya talaga ang palakain at ang pinakamatakaw."Kumain ka na doon, " Sabi ko nang nakita ko pa rin si Spencer na nakaupo sa aking tabi."Anong ako!? tayo! "tugon niya sabay hatak sa akin papuntang kusina. Palagi niya talaga hinatak at hindi naman ako makapagreklamo dahil kilala ko ang isang 'to, gagawin niya talaga ang lahat, magawa lang ang gusto niya."Kumain ka, "sabi ni Spencer at pinaghila niya ako ng bangko at pinaupo. Siya na rin ang naglagay ng kanin at ulam sa aking pinggan. Para akong may sakit dahil kong itrato niya ako parang baldado."Ang sweet naman, kayo na ba? " Agad kong sinamaan ng tingin si Amalia. She's totally annoying, ang lahat na lang ng bagay na ginagawa ni spencer sa akin ay binigyan niya ng malisya."Gusto mo rin ba, subuan rin kita, mukha kang naiinggit, e," sarkastikong sabi ni Spencer. Palihim naman akong natawa.Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko naman si yaya magligpit ng mga piggan, habang sila Amalia at Spencer naman ay nasa sala nanonoud ng tv."Ako na lang ang tatapos dito, Coollen. Puntahan mo na lang ang mga kaibigan mo, " biglang sabi ni yaya, kaya agad ko naman siyang sinunod.Pinuntahan ko sila sa sala, patuloy pa rin ang kanilang bangayan, parang silang aso't pusa na hindi p'wede ipagtabi at sa nakikita ko ngayon, masaya na rin ako na makita silang masaya. They are my bestfriend and I should treasured them, sila na lang rin mayroon ako. Sobrang pasasalamat ko dahil nandito sila sa tabi ko. They never left me sa panahon kinakailangan ko sila, And I hope walang sisira sa aming pagkakaibigan.Nasa loob ako ng classroom at kasalukuyang nakikinig sa aming guro. Inquiries, Investigations and Immersion o (III) Ang tinatalakay namin ngayon. Ang subject na ito ay mahalintulad lang sa research,same lang naman sila ng process, at ngayon our teacher decided na by partner na lang daw ang gagawin namin para mas mapadali ang trabaho. Ang aming guro na rin ang pumili ng ipapareha niya para daw fair, maraming kaklase ko naman ang hindi nagustuhan ang kaniyang pamamaraan, ngunit wala kami magagawa dahil desisyon niya iyon.Ang iniisip ko ngayon ay namamahala na ako kung sino ang ipapartner sa akin. Ang nais ko lang naman ay iyong kayang gawin ang naka-asign na task at willing tumulong para hindi sakit sa ulo. kahit hindi ako good student minsan at hindi kagalingan katulad ni Rain nais ko ring maka-graduate kahit wala nang flying colors, ang mahalaga ay makausad. maya-maya lang ay tinawag na ng aming guro kung kusino ang iyong magkapareha, habang ako naman ay hinihintay ang aking pangala
Nang dumating na ako sa room, agad kong hinanap ang aking mata sina Rain at Spencer ngunit si Spencer lang ang narito, kaya agad akong tumabi sa kaniya at kinalabit siya."Nasaan si Rain?" bigla Kong tanong rito. Unting-unti niyang kinuha ang headset nasa kaniyang tainga at hinarap ako."Nasa office," tipid niyang sagot sa akin at binalik ang kaniyang headset sa tainga, Kaya napabuga ulit ako ng hangin. Wala si Archie ngayon dahil may praktis sa kanilang banda."Anong Mukha iyan, Colleen?" Biglang tanong sa akin ni Spencer. Hindi ko namalayan na tinitigan niya pala ako."Parang kanina ka pa balisa riyan," agad niyang Sabi kaya napakagat ako ng aking labi."Wala lang ito, si Mom Kasi hindi tumawag sa akin simula nang umalis sa para sa business trip." Nakita ko siyang huminga nang malalim bago tinampal ang aking noo."Hoy, huwag kang magsinungaling sa akin. I know you're lying," Sabi niya at tinitigan niya ako sa mata."Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko rito, ngunit ngumiti lang siya a
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Napasyahan ko munang Hindi magpahatid ulit sa aming driver. Nagpapahatid lang Kasi Ako Kay Mang Rudy kapag late na Ako at kapag nandito si mom. Alam niyo Naman kapag nandito si mom, parang Wala akong karapantang magsaya.Pagkatapos Kong mag-ayos, nagpaalam na ako ni Manang Elsa na ngayon ay nasa kusina at kasalukuyang naghahanda ng pagkain."Saan Ang punta mo ngayon? Bakit ang aga mo, may project ka bang tatapusin sa school?" Nakita Kong nakapamewang si Manang Elsa habang tinatanong Ako kung bakit ang aga ko ngayon."May asikasyhin lang po ako," Sabi ko rito at kumuha Ako ng Isang toasted na slice bread sa lamesa at hinigop ang kapeng nakalapag sa table."Hindi ka ba kakain ng agahan?" Biglang tanong ni Manang nang Nakita niya akong nagmamadali."Ayaw mo bang mag-agahan? Sayang Naman itong hinanda ko," dagdag niya at sumimangot."Hindi iyan sayang, may mga tao naman sa bahay para Kumain sa niluto mo," tugon ko rito at ngumiti nang matamis."S
Last subject na namin ngayon at Hindi ko nahagip ng aking paningin si Archie. Maya-maya lang kinalabit ako ni Spencer kaya nakuha niya atensiyon ko.“Hinahanap mo ba si Archie?” nakahalumbaba niyang tanong sa akin.“ah, Hindi palinga-linga lang ako” Sabi ko rito at tumingin sa unahan para makinig sa aming guro na ngayon ay nagsalita sa harapan.“I know you, kaya huwag ka na lang magsinungaling.” at tiinignan ko siya nang matalim.“Wala si Archie ngayon, may practice sila ng kanilang banda for the upcoming competition.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na lang siya pinansin.Pagkatapos ng subject namin, nagpaalam sa akin si Spencer na mauna na raw akong umuwi dahil may meeting sila ng kaniyang coach sa basketball. Maybe because may competition rin sa basketball.“May competition ka rin ba?” Inunahan ko nang tanungin si Rain dahil pansin ko sa kaniya panay basa at aral siya ngayon.“Hindi ko alam, pero if ever na mayroong competition for quiz bee sasali ako,” Sabi niya at ngumi
Chapter 22One week na ang nakaraan simula na nang matapos ang foundation week namin at sa loob ng one week parang nanibago ako sa routine ko. Simula ng natapos ang foundation week. Hindi na kami masyadong nag kausap ni Archie at si Spencer naman ang lagi kong kasama. Para bang umiwas siya palagi sa amin, pero palagi ko siyang nahuling nakatingin sa akin at sinusundan ang bawat galaw ko. At si mom naman ay nasa business trip ulit at ang kasal na sinasabi niya, ewan ko lang kung totoo iyon 'cause after I walked out that morning hindi na namin napag-usapan pa at mabuti na lang dahil ayaw kong pag-usapan pang muli. Nandito na pala ako sa school at kasalukuyan nasa cafeteria kami nakap'westo habang hinihintay namin ang oras ng aming klase. Kasama ko ngayon si Rain na ngayo'y panay basa sa kaniyang notes at si Spencer naman ay naka-headset at tinitignan ang kawalan, kaya may naisip akong kalokohan. "Hoy!" Pinitik ko ang kaniyang noo dahilan para mapatingin siya sa akin. "Saan ka n
Sumapit na ang takim silim at narito pa rin ako sa paaralan. Hindi pa ako umuwi simula kaninang umaga, parang ayaw ko nang umuwi dahil makikita ko lang ang pagmumukha ni mama, Kahit ganoon pa man na pinangunahan niya ang aking desisyon, ayaw ko pa rin umabot sa punto kamuhian ko siya dahil sa pagdedesisyon niya sa buhay ko.Opo, I understand her worries about me, but I hope she also understand that I have my own decisions too. I have my own life, and dreams too. I have my own happiness na nagkataon lang na hindi ko gusto and nais niya para sa akin.Kanina pa ako tinadtad ng message ni mom, but I didn't bother to reply her. As of now, I don't want to talk to her. I just wanted to enjoy this event, this moment, and this night. "Bakit ang tahimik mo? kanina ka pa diyan ha, may problema ba? Is there anything bothering you, maybe I can help, sabihin mo lang. " Napatingin ako sa gilid nang narinig ko ang mga katagang iyon, ngunit agad rin akong bumalik sa aking gawi.Tahimik akong nakaupo s