Share

chapter 3

Kinabukasan, nagising ako na masakit ang aking ulo, kaya mas pinili ko lang na humiga muna. Kinuha ko rin ang aking cellphone para tignan kung ano ang araw ngayon.

Wednesday ngayon at buti na lang suspended ako at nang makapagpahinga ako nang maayos. Sumasakit ang ulo ko kaiisip sa mga nangyari kagabi, pilit ko lang namn Inaalala ang mga pangyayari kagabi pero kahit anong pag-alala ko, hindi ko matandaan ang lahat. Ang tanging natandaan ko lang ay 'yung lumabas ako ng bar at hinatid ako ni Spencer, at hindi ko alam kung bakit nandoon siya sa bar dahil hindi naman namin siya sinama.

"Coollen!" naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang boses ni yaya sa labas ng aking kuwarto. Kaya pinili ko na lang hindi sagutin si yaya at nagkukunwaring tulog.

"Coollen! Open this door! " agad akong naalarma nang marinig ko na ang boses ni mom sa labas. Kaya napabangon ako na wala sa oras at kahit medyo nahihilo pa ako ay pinilit kong buksan ang pinto--- kahit naiinis pa rin ako sa kaniya.

Ngunit nang buksan ko na, isang malamig na kamay ang dumapo sa pisnge ko. Yes, for the first time, she slapped me and I guess, she is totally angry with me.

"How dare you!?" I don't know why she slapped me. I was just enjoyed last night. So, why would she angry with me? I never make a scandal, So, what’s the point of slapping me?

"Mom!"

Nagulat ako sa sampal at dahil doon nagising ang diwa ko.

"Pasaway ka talaga! Paano na lang kung hindi ka hinatid dito kagabi, ha? Anong mangayayari sa 'yo?!" sigaw lang ni mommy ang umalingawngaw sa loob ng silid. Pati si yaya ay napayuko nang nakita niyang sinampal ako.

"Nag-alala ka ba sa akin? Haha! I thought you were just here because of the stupid things I made that might ruined your name,”I said, then I plastered a fake smile on my lips.

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, magiging masaya ba ako dahil finally she notice me or maging malungkot dahil ipagmumukha na naman sa akin kung gaano ako ka walang k'wenta?

"Kahit kailan, wala ka talagang k'wenta! You know what? nagsisi ako na naging anak kita dahil wala ka namang naidulot ng mabuti sa pamilya!" sigaw niya.

I just stared at the blanky floor as I listen sa lahat ng kaniyang mga sinasabi. Ganon na ba kaliit ang tingin niya sa akin? Parang tinusuk ang aking puso, knowing your own mom did not trust you. Hindi naman ako magkakaganito kung pinaramdam niya na kumpleto ako. she always makes me feel that I'm not enough. she always sees my mistakes and I'm tired of those. she is so perfectionist to the point na walang paglalagyan ang mga kamalian ko. she always wants the best things without knowing I'm struggling.

My tears suddenly escape in my eyes, kahit anong pigil ko dito hindi talaga magpapigil, kusang tutulo and I hate crying in front of anyone, it feels like I'm so weak.

"Damn it!"

"Are you done, mom? Dahil kung wala ka nang sasabihin p'wede ka nang umalis," mahinahon kong sabi. Hindi ko magawang sigawan siya 'cause after all she's still my mom.

Hindi naman siya umimik at umalis na siya sa aking harapan kasama si yaya. Agad ko naman sinirado at ni-lock ang pinto.

Napaupo nalang ako sa may pintuan at minasdan na lang ang kabuan ng aking kuwarto habang patuloy pa ring tumutulo ang aking luha.

"Hahaha! yes I'm not enough and I think my surname doesn't deserve me." My tears are continue falling parang ulan na nag-uunahan at tila ayaw pang tumahan.

Nang nararamdaman kong medyo magaan na ang aking loob. I wipe my tears and face the mirror. Ngumiti ako nang pilit at bumalik sa kama para mahiga ulit. Gusto kong matulog ulit nang maibasan ang sakit ng aking nararamdaman, paulit-ulit na lang e, nakakasawa na.

Nagising ako ng 11: 30 am dahil nakaramdam ako ng gutom. Bumaba naman ako ng kuwarto para ipaghain ang aking sarili ng makakain.

Nang nasa kusina na ako, nadatnan ko si yaya na naghahanda ng pagkain for lunch. Tinignan ko lang siya at pagkatapos ay dumeritso sa refrigerator para uminom ng tubig.

"Coollen, kumain ka na," sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"Alam mo Coollen, intindihin mo na lang ang mommy mo. Ginawa niya man lang kung ano ang ikakabuti sa 'yo,” tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Hindi na lang ako umimik dahil pagod akong magpaliwanag dahil paulit-ulit na lang.

"Sige, kumain ka na riyan, may gagawin pa ako." May narinig naman akong mga yabag galing sa sahig at sapat na iyon para mapagtanto kong umalis na siya.

Agad naman akong naglagay ng pagkain sa aking plato at nagsisimula nang kumain. pagkatapos kong kumain ay nagtimpla ako ng kape at ito'y dinala sa kuwarto.

Nang nakarating na ako sa aking kuwarto, agad kong kinuha ang aking libro at nagsimula nang buklatin para magsimulang magbasa. Yeah, I use my time through reading books, nakakagaan kasi ng loob.

At kung sa tingin nila na mukhang walang akong marating sa buhay, pero I have many lessons I learnt that i only kept by myself.

Habang sa kalagitnaan ng aking pagbabasa bigla na lang tumunog ang aking cellphone dahilan para mapatigil ako sa pagbabasa.

"Hoy! Kumusta ka na? By the way, I'm on my way sa bahay niyo." Napakunot na lang ang aking noo habang binasa ang text galing ni Spencer.

"Huwag ka na lang pumunta, busy ako!" reply ko sa kaniya. Mayamaya lamang biglang nag-virabrate ang Cellphone ko.

"Nasa tapat na ako ng bahay niyo."

Kaya dali-dali akong sumilip sa bintana para kumpirmahin... at nakita ko siyang pinapapasok ni yaya.

bumaba ako ng kuwarto dala-dala ang aking baso na may lamang kape at nadatnan ko si Spencer na nakaupo sa sofa at naka cross legs.

"Anong ginagawa mo rito? ‘Di ba may pasok ka ngayon?" tanong ko pero agad naman itong umiling at ngumiti. Umupo na lang ako sa tabi niya at tinignan ang plastic na dala niya sa nasa isang maliit na mesa.

"Hindi ako pumasok ngayon," mahina niyang sabi.

"At bakit?" dugtong ko.

"Dahil wala ka! bored ang araw ko."

Parang abnormal lang, hindi siya pumasok dahil wala daw ako? bakit clown ba ako dahil kapag nakita niya ako magiging masaya ang araw niya?

"Ano naman itong dala mo? aanhin ko ang mga ito?" tanong ko rito, Mga junk foods at popcorn lang naman ang nasa loob ng plastic.

"Magmo-movie marathon tayo," diretso niyang sabi.

"Tigilan mo ako Spencer. Wala ako sa mood manood ng movies, kung gusto mo, ikaw na lang. "

"Hoy!" pinitik ni Spencer ang aking noo. "Huwag kang ganiyan babae ka, ni hindi niyo nga ako sinama kagabi tapos ngayon magrereklamo ka? Umabsent nga ako para rito," sabi niya.

"Okay, at sinong nagsabi sa iyo na 'wag kang papasok?"

"Tara na...ang daldal mo!" at hinigit niya ang aking kamay papunta sa kuwarto ko. Gago ba siya! ang harsh niya, e marunong naman akong magalakad mag-isa.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko rito nang nakarating na kami sa kuwarto ko.

"Bakit ka ba sigaw nang sigaw? ha!"

"Naiinis ako sa pagmumukha mo, Spencer!" At nakita ko siyang tumawa.

"H’wag ka, itong pagmumukha ito ay pinagpantasyahan ito sa school tapos sa iyo kaiinisan lang?" reklamo niya.

"Akala mo naman kung sinong guwapo," bulong ko.

"May sinabi ka?"

"Wala! " Ang hirap kapag may kaibigan kang mahangin.

Binuksan niya na lang ang pinto ng aking kuwarto at mauna nang pumasok, kung makaasta parang sa kaniya 'yung kuwarto." Ang linis naman ng kuwarto mo, Coollen, anong nakain mo?" bigla niyang tanong at ngumisi. Totoo naman, kasi dati kapag pupunta siya rito, mga kalat talaga ang kaniyang madadatnan at siya pa ang maglilinis.

"Ang dami mong alam!" sigaw ko at umirap sa kaniya.

"Mas lalong gumanda ang iyong kuwarto, parang kuwarto ng isang prinsesa," sabi niya nang umupo siya sa malambot kong kama.

"Prinsesa na walang korona," sabi nang ngumiti nang pilit. Kaya napatitig siya sa akin.

"Umiyak ka ba?” biglang tanong niya kaya napalingon ako sa ibang direksyon.

"Hulaan ko, pinagagalitan ka naman ni tita dahil sa ginawa mo kagabi."

"Magpapaalam ka nga kapag lumabas ka, nag-aalala lang siguro si tita kaya napagsabihan ka." Bakas sa kaniyang boses ang pag-alala. Yeah! he already knows that my mom is so strict.

"Gusto mo yakapin kita para maibasan 'yang nararamdaman mo?" nakita ko kung paano ngumisi nang nakakaloko si Spencer.

"Ang gago mo!" sigaw ko at saka binato siya ng unan. Kahit kailan talaga hindi nagbago, may saltik pa rin sa utak, but I love the way he cares for me.

"Ano panunuurin natin?" sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo, ikaw itong nagyaya tapos ako tanungin mo?!"

"How about Titanic?" sabi niya.

"P'wede ba Spencer, wala ako sa mood umiyak," tugon ko. Nakakapagod kayang umiyak, kanina pa kaya ako umiyak tapos paiiyakin niya ako ngayon?

"Me before You, magandang movie iyan," sabi niya.

"Spencer, broken ka ba?" wala sa isip kong tanong sa kaniya.

"Wala nga akong Jowa, tapos tatanungin mo akong broken? Sadyang ang saya lang kasing tignan kapag ang mga couple sa movie ay hindi nagkakatuluyan," aniya sabay halakhak.

Napangiti naman ako sa sagot niya. Honestly, this guy in front of me will never fail to make smile. Everytime he is around, para bang gumagaan ang aking dinadala dahil sa mga kalukuhan niya.

"You look like a moon when you smile," bigla niyang sabi dahilan para mawala ang ngiting nakaukit sa aking labi. Hindi ko siya maintindihan 'cause everytime he is on his serious mood hindi ko maiintindihan ang mga pinagsasabi niya or sadyang ako lang talaga ang walang utak?

Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang ang popcorn para kainin.

"Hoy! babae, h'wag mong ubusin iyan, wala pa tayong napiling movie nagsisimula ka nang kumain!"

"Ang bagal mo kasing maghanap,” bulyaw ko sa kaniya.

"May drinks ka bang dala?" tanong ko rito.

"Wala, magtimpla ka na lang ng juice sa baba. Kain nang kain ka riyan e," sagot naman niya.

Kaya padabog akong bumaba para magtimpla ng juice. Pagkatapos kong gawin ay bumalik na ako sa taas na may dalang dalawang baso.

"Hoy, Babae! Squid game napili ko," Sabi nang nakapasok na ako sa loob ng kuwarto. Nag n*****x lang kami at hindi naman ako nagrereklamo dahil hindi ko pa ito napanood at trending daw ito ngayon kaya na curious din ako.

Nagsimula na ang movie kaya umupo ako sa kama katabi niya, medyo mahaba ang movie. Habang nasa kalagitnaan kami nang panunuod biglang na lang nagsalita si Spencer.

"Coollen, 'pag nahulaan ko kung sino ang panalo at matitirang buhay sa movie ng Squid game. Let's have a date, hahhaha I mean a friendship date na tayong dalawa lang,” bigla niyang sabi.

"Ano, deal?” tanong niya kaya tumango na lang ako dahil hindi naman siya mahirap pakisamahan. Also, Spencer is a good guy.

"Hoy, Spencer, siguraduhin mo lang na mananalo ka dahil kapag hindi, i-ilibre mo ako ng one week." Nakita ko namang ngumisi siya.

"Deal!" sabi niya at inagaw ang popcorn sa aking kamay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status