Louelle's POV
Napatingin ako kay Dale. Kung hindi ko kilala ang lalaking ito, iisipin ko na may gusto ito sa akin. But that's impossible. Dale's been with me since I was 5 years old and he's 3 years older than me. At nananatili kaming magkaibigan sa paglipas ng panahon. Isa siya sa mga naging kasangga ko nang mga panahon na hindi ako maasikaso ni Papa dahil sa trabaho. Not that I care but I understand. Nakarating kami sa school ng maayos. Tumigil siya sa gilid medyo malayo pa sa entrance. Akmang lalabas na ako nang lumabas din siya. I rolled my eyes. Too much for a gentleman. Pinagbuksan ako ng pinto. 'Sunduin kita mamaya,' wika ni Dale. 'I'll go with you to buy phone later.' Tinitigan ko siya at parang wala lang naman dito. 'Fine,' I said then kissed his cheeks. Wala namang malisya. 'I'll see you later.' Itinaas ko ang kamay ko tanda pagpapaalam na. Bago nag-umpisang maglakad sa entrance ng school. Maaga pa naman, tingin ko ay wala pang 8am dahil maaga naman akong umalis ng bahay. Napagpasyahan kong tumambay sa garden ng school at magbrowse ng mga libro. Hindi man ako mawili sa pag-aaral pero kailangan pa din. Nang makarating ako sa garden, buti na lang wala pang masyadong tao. Umupo ako sa isa sa mga benches na may table at nagsimula na magbasa. Hindi naman talaga kailangan dahil madali lang naman para sa akin ang magsaulo pero syempre para di nila halata yun. Nagring na ang first bell nang mamalayan kong late ako sa first class ko. Shit. Nagmamadali kong inayos ang gamit ko. Kailangan kong makahabol sa class na yun dahil may quiz kami ngayon. Damn! Papasok na ako sa entrance ng school nang harangin ako ng ilang kalalakihan mukhang mga gangster sa ibang grupo. Kumunot ang noo ko pero kalmado kong inayos ang eyeglasses ko. As far as I know, I'm not doing anything to any of them. Maliban sa Classic 5. Dammit! Is this their doing? "Excuse me," malumanay na turan ko at sinubukan na dumaan. Pero hinarangan pa din ako. "Ikaw ba yung namahiya sa Classic 5?" Maangas na turan ng mukhang unggoy na leader ata nila. Kulay ba naman kasi ng buhok kulay pula tapos ang lago-lago pa ng buhok nito. Tsk. Damn those Classic 5! Ngitngit ko. Kung hindi nga lamang ako inutusan ng nanay ni Anghel Soriano na yon ay baka pinatulan ko na talaga ang kumag na iyon. But come to think of it, it is not worth my time entertaining those bastards. "Hoy! Tinatanong kita!" Asik sa kanya ng lalaking unggoy na leader nga yata nila. Nayayamot na ako sa kanya sa totoo lang. Bukod sa late na ako sa klase ko eh natilamsikan pa ako ng laway niya. Letse! Dahan-dahan kong pinunasan ang pisngi ko dahil sa laway niya. Ewww. "So what if I am? What will you do about it?" I muttered. "Eh loko pala ito eh," maangas din na turan nung kanang kamay ng leader ng mga unggoy. Kasi nasa kanan niya. Kulay dilaw naman ang buhok. "Hindi ko alam na pwede pala ang mga unggoy sa Yorkshire University?" Amused na turan ko. "May special zoo ba para sa inyo?" Tawa ko. Hindi ko lang mapigilan na mang-asar sa kanila. Kita ko naman na nagbago ang hitsura ng mga unggoy. Naging Gorilla na sila. Hahaha. OMG! Ako lang natawa sa joke ko. Well, if that's consider a joke. "Aba't nanghahamon ka talaga ha!" Galit na wika ng unggoy na leader nila. "Harangan ang dadaanan ng babaeng 'to!" Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ayaw ko naman talaga ng gulo pero kasi naman nakakaasar at nakakaalibadbad ang pagmumukha ng mga unggoy na ito. Bumuga ako ng hangin at napatingin sa itaas. There I saw Simon, pinakabatang myembro ng Classic 5, nakangisi habang pinagmamasdan kami sa baba. Gusto ba niyang makita na mabugbog ako ng mga gunggong na ito? Dream on, man! Akala siguro nito ay kaya na siyang tapak-tapakan nito porket nerd ang asta ko dito. Tsk. That's where he is wrong. I emotionlessly looked back at these stupid gangsters wannabe. She's sure that she's already marked absent on her first class. "Gusto niyo ng gulo? Wag tayo dito sa entrance," sabi ko na seryoso na. Nanghahamon talaga ako. Kasi napipikon na din ako eh. "Aba't matapang din pala ang isang ito eh," wika ng Leader ng mga unggoy. "Sige kung yan gusto mo," malisyosong turan nito bago tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Yuck. Sa tingin ng isang ito na makaka-score siya dahil hinamon ko siya. What does he, a monkey leader take me for? Ay oo nga pala, nerd nga pala ako dito. Pero wala akong pakialam. Nanggigil akong makapanapak ngayon eh. Nauna naman maglakas ang leader ng mga unggoy sumunod ang kanang kamay nito. Kasunod ako bago yung iba nilang mga alipores. Nasa lima pa ang nasa likod ko. Pero kaya ko naman ang mga tukmol na ito basta makalayo lang kaming konte at walang surveillance camera. I'll surely kick their ass. Nakarating kami sa pinakalikod na bahagi ng school. Walang mga surveillance cams. Mukhang wala namang balak kumilos ang mga ito dahil pinalibutan lang siya ng mga ulol. Nasa gitna kami ng leader nila. Para itong unggoy na nauulol. Kulang na lang ay lumabas ang dila at maglaway. Nag-init talaga ulo ko sa mga kagaya nitong mayayabang na unggoy na ito. Ibinababa ko lang ang bag at gamit ko bago humarap ulit sa unggoy. I stiffed when I felt him cup my behind. Para akong sasabog na bulkan dahil sa kahalayan ng gunggong. No one, I mean no one has done something to her like that, that is still alive. As if I would just let anybody harrass me. But damn this monkey. He dare. I stiffly looked at him. Nakangisi ang gunggong na akala mo ang laki ng naachieve niya. Doon ito nagkakamali. Sisiguraduhin ko lang naman na hinding hindi na nito magagamit ulit ang mga kamay at paa nito sa kabarumbaduhan.Simon's POV Nagmamadali kong sinundan sina Alfon kasama yung nerd girl. Gusto kong makita kung anong gagawing kagaguhan ng mga iyon para lang mapahiya ang babaeng yun. Sumosobra na kasi ito sa pagpapahiya sa kanila. No one messed the Classic 5 that left unscathed. She's too stupid to mess with us. Kaya kinontrata ko sina Alfon para turuan ng leksyon ang babaeng yun. Nakarating sila sa likod ng abandonadong building ng Yorkshire University. Nasa malayo lang ako para hindi masyadong halata na nakasunod ako. Hindi ko din masyadong makita dahil nakabilog ang 6 na lalaki kay Alfon at dun kay Nerdy girl. Pero it is enough to take a video, for my brothers to see that nerdy girl is bullied. Kitang kita ko na nahawakan ni Alfon ang pwetan ng babae pero mas nagulat ako nang bigkabg sumigaw si Alfon ng pagkalakas-lakas. "Shit!" Mura ko. Nakita ko kung paano napaluhod si Alfon dahil sa sakit. Hawak ni Nerdy Girl ang kamay ni Alfon at parang binali ito. Bago sipain sa pinakaiingatan naming mga lalaki. Fuck! Lahat na ata ng mura nasabi ko na. Dinaluhong ito ng mga kasamahan nina Alfon pero di man lang nakalapit ang mga ito. Pinangsangga pa nito si Alfon sa mga suntok na binibigay ng gang ni Alfon. Dammit! Pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig na din. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Paniguradong patay ako nito kay Anghel kapag nalaman niya din ito. Shit. Nagmadali akong makaalis doon para wala ng masabi si Nerdy girl o maabutan siya nito. Sana lang ay di ito magsumbong kina Anghel.Third Person's POV ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Les, tanging pagod ang naramdaman niya matapos ang mga pangyayari. Sinapo niya ang sintindo at marahan na hinilot ito. Her mind just can't cope with what she has done. She just wanted to end everything. Kesedohang tapusin niya ang sariling buhay para matapos na ang nararamdaman niyang pagod. But No! She just can't. Alam niyang may mas mahalaga pa siyang kailangan na gawin at pagtuunan ng pansin. She just sighed once again. Napansin naman ng bagong pasok na butler nila ang pagbuntong-hininga niya. Umiling-iling ito at dumerecho ng pasok habang dala ang tea na ginawa at dahan-dahan na inilapag ito sa harapan ng tila namomroblemang mistress. 'Ojōsama, nani ga mondai no yōdesu ka?' narinig ni Les na tanong ng butler na nasa harapan na pala niya. Hindi na niya ito namalayan dahil sa mga iniisip. "Nani mo shinpai suru hitsuyō wa arimasenga," wika ni Les na muling bumuntong hininga ulit bago siya kumuha ng tea na gi
Louelle's POV What's wrong with him? Tsk. Gusto ko lang naman na maging friends na talaga kami. I don't want to have anymore conflict with him. Umiling-iling na lang ako sa kaweirduhan nito at tiningnan ang oras sa phone ko. Napangisi naman ako dahil may oras pa ako para pumunta sa condo. Isesend ko na din kay Dale ang mga files na kailangan niya. And also to know how my half-sister is. I just can't believe that she's suffering her life now. Sana lang ay maging okay ito. I am happy that Cousin Cristine found my half-sister. I just hope na Papa will do everything to protect her and get her out of her misery. Unlike me who don't need it. Napahinga na lang ako ng malalim bago naglakad palabas ng Soriano Mansion, kailangan kong pumunta sa condo ngayon para malaman ang gagawin namin sa party. At kung sino ang makakasama ko doon. Kailangan mas prepared kami dahil hindi ako sigurado kung ano ang nasa loob ng misteryoso na club na yun. Bukod pa dun gusto kong malaman kung sino ang misteryos
Louelle's POV For the mean time, I forgot about my frustration when I've learned about my half sister. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng kapatid at kay Papa pa talaga. He's known from being strict and disciplined. Who would have thought that he also has that side of him. Hindi ko na din alam kung paano ako nakauwi basta binilinan kami ni Cristine na huwag munang guluhin ang mga plano nina Dale. Darating din naman daw kami sa araw na magkakakila-kilala kami. Pumasok na ako sa kwarto ko at nakita ko doon si Nana Celia na hindi mapakali na nagpapaikot-ikot sa sa paglalakad. "Nana," tawag ko dito nang hindi ko na makayanan ang pag-ikot nito. Lumapit ako dito para hawakan ito. Nagulat naman ito sa pagtawag at paghawak ko dito. Muntik pa akong tamaan ng sampal niya kundi lang mabilis ang reflexes ko. Nagulat din ako sa bilis ng reflexes nito. Pero alam ko kung bakit, hindi ito nagtagal sa family namin kung wala itong natutunan doon. "Lady Les!" Gulat na turan nito na humawak p
Elliot's POV Agad naming dinala si Anghel sa ospital nang makaalis na Sina Matsuo at Louelle. Wala na din akong naging oras para isiping Kung ano ang relasyon ng dalawang iyon. Mas mahalaga na naasikaso agad si Anghel dahil ito na ang pangalawang beses na nawalan Ito ng Malay. Para pala talagang amazona magalit ang Need na iyon. The last we didn't see how he was punched but now. Tsk. Baliw itong so Anghel lagi na lang ginagalit si Nerd. Hindi ko ba naman maintindihan dito sa bestfriend kong ito dahil lagi nitong inaasar si Louelle. Hindi ko na nga agad naisip kung anong relasyon nito kay Matsuo Takego, isa sa mga head leader ng Andrade Mafia Organization. It is quite weird na nandito ito sa Pilipinas and to see Louelle? Sino ba talaga ito para pahalagahan ng ganun nito. Anong relasyon nila sa isa't isa at parang close na close pa ang dalawa. At hindi ko naman maintindihan dito kay Anghel kung bakit nawalan na naman ito ng kontrol at inaway na naman si Louelle. This man was a pain in t
Third Person's POV Hindi ini-expect ni Louelle ang tutulong sa kanya. Ni hindi niya ini-expect na nandito pala ang lalaking ito sa Pilipinas. To think that he's here in La Sangre. He is surely doing something for the organization. Bukod pa doon, bihira itong umalis ng bansa dahil doon siya nagtetraining. *Flashback* Tumawag siya sa opisina ni Cristine pero wala agad sumagot. Inintay niya pa ang pangalawang try bago may sumagot. "The Queen's office, who's this?" Narinig niyang turan ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Hindi lang niya mapinpoint kung sino ito. Maybe her hearing skills has turned rusty. "May I speak with the Queen?" She asked as she opened the car window. Matino pa naman siya dahil ayaw niyang ma-suffocate. "May I know why?" Tanong pa nito. Medyo naiinip na ang dalaga kaya naman naiinis na siya. "Tell her, I'm outside La Sangre. I'm trapped in a car in the parking lot," wika niya sa kausap. "Oh, okay, I'll be there," hindi naman napansin ni Louelle an
Louelle's POV Hindi ko talaga maintindihan ang kaweirduhan ng lalaking ito. Kasalukuyan na kaming nakasakay sa kotse nito. Nagdadrive na pauwi ng mansyon nila. Napaisip naman ako dahil hindi ko pala naibigay kay Stanford ng number ko. In case na may kakailanganin ako, hihingi na lang ako ng permission kay Cristine. Wala naman kaming imikan ni Anghel dahil mainit ang ulo niya base na din sa pagkuyom ng kamao niya sa manibela ng kotse at ang nakakunot niyang noo. This guy is really weird pabago-bago ng mood niya. Tsk. "May mga kailangan ba tayong gawin sa club bukod sa nabanggit mo kanina?" I suddenly asked. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong tanungin siya noon. I just felt the need to, I guess? Hindi naman niya ako sinagot sa halip ay napansin kong lumampas kanu sa entrance ng subdivision nila. "Hey, where are we going?" I asked but he still doesn't answer. Ano na naman kayang problema ng lalaking ito? Pati ako dinadamay sa kainitan niya ng ulo eh. Nakauniform pa man din kami.
Anghel's POV I actually don't know what I'm up to. To just warmed up to her. Maybe because Dale told me to? And why do I find her beautiful without her eyeglass on a while ago? Napatingin ako kay Louelle na namimili ng gusto niyang milktea. Inayos nito ang suot na eyeglass na kabibili lang namin. "Miss, a cup of matcha and okinawa milk tea please then pa-add ng extra pearls," turan nito habang may kinukuha siya sa bag niya. "Would that be all, Maam?" Turan ng cashier sa kanya. Hindi ko naman agad namalayan na nakatitig na din pala sa akin si Louelle. Saka ko lang siya napansin nang makita ko na nakataas na ang kilay niya sa akin. "What's your order?" Tanong nito sa akin. "I'll have what you order," tanging sagot ko lang dito at umiwas na ng tingin. Medyo na-awkward na din ako sa babaeng ito eh. Tsk. Not so me. Bakit nga ba ako nag-eeffort sa babaeng ito? Eh una pa lang naman ay mainit na ang ulo namin sa isa't isa. Nang makita ko na nakuha na nito ang orders namin ay nauna na a
Louelle's POV Ipinagkibit ko na lang si Anghel. He's being weird but it works for me. Aayusin ko sana ang salamin ko pero naalala kong nalaglag pala ito nung magkabunggo kami ni Abegail. Sh*t, nakita ako ni Anghel na walang salamin. That's the only disguise that would do for me. Napabuntong-hininga na lang ako. Pwede siguro akong magpasama sa weird na iyon sa mall para bumili ng bagong eyeglass. Nagmadali na akong kinuha ang mga papers sa club room bago dumerecho sa pwesto ni Anghel. "Let's go," nakangiti kong wika dito bago sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Tinanggal ko ang suot kong ponytail kanina dahil wala na naman ang eyeglass ko pero mas bet ko pa din ang nakalugay talaga kahit may salamin ako. "Okay," composed na turan na nito. Hawak nito ang phone at tila ba may tinetext. Baka sina Gabe. Makikikopya na lang ako sa kanila kapag may sinulat o kung ayaw naman nila may mga naging acquaintances naman ako sa room sa ilang buwan ko ng estudyante, may mga mababait naman
Louelle's POV Nakahinga na ako ng maluwag ng lumipas ang isang linggo. Wala namang kakaibang nangyari at parang wala ding ginagawang kalokohan ang Classic 5. Inaayos ko na ang gamit ko para sa last class nang may tumigil sa desk ko. Pagtingin ko sa harapan ay si Anghel lang pala. Inayos ko lang ang salamin ko at kinuha na ang bag ko. "Louelle," tawag nito sa akin. "What?" Nakabusangot na tanong ko dito pero direcho lang din ako sa paglalakad. Alam ko naman na kasunod ko lang ito. "Are you free after last class? Dale told me to pick you up," wika nito pero parang normal lang naman ang pagsasalita nito hindi tulad ng nakaraan na laging mainit ang ulo. Tumigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya na parang sinusuri siya. Lumapit ako dito at kinapa ang noo niya. "May lagnat ka ba?" Tanong ko dito pero hinawi lang nito ang kamay ko. "Wala, okay," turan nito na tumingin sa may window. Napansin ko naman ang pamumula ng tenga nito kaya naisipan kong asarin pa ito. "Why ar