Share

Panakip Butas

Quelsy's Pov

Excited na akong matikman ni Kavin ang niluto kong pork adobo. Alam kong sobrang nakakaabala na ako sa mama ni Kavin pero sya naman ang may gusto na mag stay pa ako dito. Matutuwa daw kasi si Kavin pag nalaman nitong pinag luto ko sya ng dinner.

Habang hinihintay namin ni tita Kristen si Kavin dumating na din ang asawa nitong si Mr. Vincent Santiago. Agad akong nag bigay galang dito. After kong makipag kamay dito ay pumanhik din agad ito sa office nya sa mansion. Sobrang busy daw talaga ng papa ni Kavin. Iba talaga pag mga negosyante, mabuti nalang at maunawain ang mama ni Kavin.

Ilang sandali pa ay may pumasok na sa mansion. Mukang si Kavin na ito kaya sinalubong na namin ito ni Tita Kristen. Hindi nga ako nag kamali at si Kavin nga ito kasama nito si Yvonne. Kasama ba sa trabaho nya na ihatid pa si Kavin dito?

"Sinama ko na si Yvonne, papunta sana kami sa meeting kaya lang tumawag po kayo. Wala namang ibang mag hahatid sa kanya kaya sinama ko na sya dito." Wika ni Kavin at nag beso ito sa mama nya. Nang mag tama ang mga mata namin pa simply akong kumaway dito.

"Sandali lang, tatawagin ko muna ang daddy mo para sabay-sabay na tayo mag dinner." Wika ni tita Kristen dito. Naiwan kaming tatlo nila Kavin. Nakangiti lang ako habang nakatingin dito.

"Kamusta kana?" Tanong nito sakin.

"Okey na ako, salamat." Sagot ko dito.

"Mabuti kung ganun, sorry nga pala at pinapunta ka ni mom dito. Hayaan mo at hindi na ito mauulit. Siguradong hindi mo pa nababawi yung lakas na nawala sayo dahil sa accident." Wika nito, ramdam kong nag aalaala talaga sya sakin.

"Okey lang naman ako Kavin, masaya naman akong maka bonding ang mommy mo." Wika ko dito. Maya maya pa dumating na yung mag asawa kaya pumunta na kami ng dining area.

"Maupo na kayo." Wika ng dad ni Kavin kaya naupo na kami. Ang katabi ko sa upuan ay ang mama ni Kavin, katapat ko naman si Kavin.

"Amoy palang mukang masarap na, ikaw ba nag luto nito iha?" Nakangiting tanong sakin ng papa nito.

"Opo, special recipe ko po yan." Nakangiting sagot ko.

"Wow, lalo tuloy akong nakaramdam ng gutom. Ano pang hinihintay nyo, kumain na tayo." Wika nito at nag simula na nga kaming kumain.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Kavin sa unang subo. Mukang nasarapan ito kaya sumubo ulit ito. Salamat naman at maipag mamalaki ko ang adobo ko.

"Grabe, napakasarap naman nito iha. Swerte ng mapapangasawa mo kung ganito ka kasarap mag luto." Wika ng Daddy nito kaya nang laki yung tenga ko. Shhheeet kinilig naman ako sa sinabi nito.

"Nagustuhan mo ba iho, nag effort talaga si Quelsy na lutuin yan para sayo. Alam ko kasi na one of your favorite dish yan kaya yan ang pinaluto ko." Wika ni tita Kristen dito.

Nakatingin lang ako kay Kavin habang hinihintay ang reaksyon at magiging sagot nito.

"I really love it, thank you Quelsy." Nakangiting sagot nito kaya mas lumapad yung ngiti ko.

Mabuti nalang talaga at nagustuhan ni Kavin. Sulit yung pagod sa pag luluto, ngayon lang may nakapag appreciate ng luto ko. Noon kasi, kahit na ipag luto ko araw-araw ang pamilya ng tita ko, ni minsan walang nakapag sabi ng masarap kahit palagi naman nilang nauubos.

"By the way iha, anong pinag kakaabalahan mo Ngayon?" Tanong ni Mr. Vincent sakin.

"Nag tatrabaho po ako sa isang restaurant bilang waitress." Proud na sagot ko dito.

"Ganun ba, how about your parents?" Tanong ulit nito.

"Ulila na po ako since I was 16 years old. Namatay po ang parents ko sa car accident." Sagot ko dito habang nakatingin sa mga mata nya.

"S-sorry to hear that iha. Wala ka bang mga kapatid?" Muling tanong nito.

"Only child lang po ako, kaya mag isa ko nalang po tinataguyod ang sarili ko." Nakayukong sagot ko dito. Hindi ko talaga maiwasan na hindi malungkot sa tuwing pinag uusapan ang tungkol dito.

"Nakakalungkot naman kung ganun, if you don't mind iha. Anong pangalan ng parents mo?" Muling tanong nito.

"Celso and Queeny Guevara po." Nakangiting sagot ko dito.

"S-sounds familiar, but anyway nag enjoy talaga ako sa niluto mo." Nakangiting wika nito sabay inom ng tubig. Nakakataba naman ng puso itong pamilya ni Kavin. Feeling ko tuloy welcome na welcome ako sa family nila.

After namin kumain, nag stay pa kami ng ilang minuto sa dining area para mag kwentuhan.

"Mom and dad, malalim na po ang gabi. Tiyak na pagod na si Quelsy, she need to rest." Wika ni Kavin which is totoo naman. Napagod ako sa pakikipag kwentuhan sa mommy nya. Hindi ko pa kasi lubos na nababawi yung lakas ko. Medyo masakit pa nga ang katawan ko dahil sa lakas ng impact ng pag kakabangga sakin ni Kavin.

"Kung ganun son, ihatid mo na si Quelsy. Nandyan naman si Manong Joe para ihatid si Yvonne." Wika ni tita Kristen.

"Naku tita nakakahiya naman po kay Kavin, siguradong pagod din po sya. Kaya ko naman po umuwing mag isa." Nahihiyang sagot ko dito.

"No iha, mas mapapalagay ang loob naming mag asawa kung ihahatid ka ni Kavin. Tama ba ako Kavin?" Wika ng ama nito sabay tingin kay Kavin.

"Yes dad, ako na ang bahala kay Quelsy." Sagot nito sabay ngiti sakin kaya napangiti na din ako dito.

**Yvonne's Pov**

Pag kaalis ni Kavin at Quelsy ay hinila ako sa braso ni Mrs Santiago.

"Mukang nag eenjoy ka talaga bilang sex-tary ng anak ko." Nakangising wika nito sakin. Alam ko naman na mababa lang ang tingin sakin ng mommy ni Kavin. Bahala sya kung anong isipin nya tungkol sakin. Kahit i-down nya ako di ko susukuan ang anak nya. Baka pag nalaman nya kung anong ginawa ko para sa anak nya baka bigla nalang mag bago ang ihip ng hangin.

"Isipin nyo po kung anong gusto nyong isipin tungkol sakin. Pero malinis po ang intensyon ko kay Kavin." Sagot ko dito pero isang malakas na sampal ang natangap ko dito.

"How dare you to answer me like that. Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Alam ko naman na pera lang ni Kavin ang habol mo. Magkano ba ang gusto mo, ako na ang mag bibigay sayo layuan mo lang ang anak ko." Muling wika nito kaya nang liit ang mata ko.

"Hinding hindi nyo po mabibili ang pag-ibig ko para sa anak nyo. Kaya Mrs Santiago kung tapos na po kayo baka pwede na po akong umuwi." May paninindigan na sagot ko dito.

"Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo. I will make sure na mawawala ka sa landas ng anak ko!" Inis na wika nito. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya bago umalis.

Wala syang alam sa mga nangyayare, sige lang Mrs Santiago. Subukan mo akong galawin, tiyak na si Kavin ang makakalaban mo!

-

Pag labas ko ng gate ng mansion ay agad kong tinext si Kavin. Malaki na ang pinuhunan ko kay Kavin. Hindi ako papayag na mapatalsik lang ako basta-basta ng mommy nya. Kung kailangan kong pumatäy gagawin ko yun, basta ako lang ang mapangasawa ni Kavin. Titiyakin ko na magugustuhan din ako ng mommy nya. Kaya dapat kong makuha ng buo ang puso ni Kavin.

After 30 minutes na pag lalakad. Isang puting kotse ang tumigil sa harapan ko.

"Sh*t, sinaktan ka ba ni mom?" Pag aalalang tanong ni Kavin ng bumaba ito sa kotse nya. Pag kalapit nito sakin ay agad ako nitong niyakap.

Sa message ko kasi sa kanya ay sinabi kong binantaan ako ng mommy nya. Sinabi ko din dito na nag lakad lang ako palabas ng village nila. Alam nyang walang dumadaan na taxi dito dahil sobrang higpit ng management ng village nila kaya tanging mga private cars or personal car lang ang pinapapasok ng mga guard.

"Alam mo bang sobrang nag aalala ako sayo, okey ka lang ba?" Muling tanong nito.

Sobrang higpit ng yakap nito sakin. Ramdam kong sobra talaga syang nag aalala sakin.

"Let's go, ihahatid na kita sa condo mo." Wika nito sabay halik sa noo ko. Palihim akong ngumiti, alam kong may laban ako sa mommy ni Kavin.

**Kinabukasan**

Sabay kaming pumasok ni Kavin sa office, doon kasi ito natulog sa condo ko. Pag dating namin ng lobby ay may sumalubong saming mga pulis. Huminga ako ng malalim, inaasahan na namin ito ni Kavin at napaghandaan na namin kung ano ang mga sasabihin nito sa mga pulis.

"Good morning Mr. Kavin Santiago, I am Inspector Lieutenant Martinez. Maari po ba namin kayong makausap?" Nakangiting tanong nito kay Kavin.

"Nice to meet you Sir, doon nalang po tayo sa opisina ko." Nakangiting sagot ni Kavin dito.

Habang busy sa pag lalakad si Lieutenant Martinez at ang iba pang mga kasama nitong police ay tinext ko si Quelsy para papuntahin ito sa office. Malaki ang maitutulong ng babaeng yun sa kaso no Kavin. Sa ngayon gagamitin muna namin sya para makatakas sa krimen na ginawa ni Kavin.

-

Pag dating namin sa office ay nag simula na ang mga ito sa pag tatanong tungkol kay Annie.

"Yes, ako ang huling kasama nya sa club nung gabing yun. Pero nag karoon ako ng emergency noon kaya hindi kami natuloy sa pag alis. Ang totoo nga nyan nakabangga pa ako nung gabing yun. Mabuti nalang at maayos na ang kalagayan ni Ms.Guevara ngayon." Paliwanag ni Kavin dito. Sa itsura nya ngayon kalmado lang sya kaya hindi halatang nag sisinungaling ito.

Nasasagot naman nito ng maayos ang lahat ng mga katanungan sa kanya ng mga kapulisan. Sige lang Kavin, malalampasan mo din ito konting tiis lang.

Ilang sandali pa ay dumating na si Quelsy, saktong sakto ang dating nito. Agad ko itong nilapitan.

"Sabihin mo lang sa kanila yung mga nangyare nung gabing nabangga ka ni Kavin." Bulong ko dito.

"Quelsy, what are you doing here?" Gulat na tanong ni Kavin dito. Tumayo si Kavin para salubungin si Quelsy. Nag beso pa yung dalawa sa isat-isa.

"By the way Inspector Martinez, this is Ms Quelsy Guevara. Sya yung babaeng nabangga ko ng gabing yun." Pag papakilala ni Kavin dito.

Nag patuloy ang interview, maging si Quelsy ay tinanong na din ng mga kapulisan. Nang matapos na ang interview ay nag paalam na ang mga pulis dito. Nakahinga ako ng maluwag, mabuti nalang at naging maayos ang lahat.

"Ano bang nangyare, bakit may mga pulis dito, sino yung namat@y?" Tanong ni Quelsy.

"Wala yun, nag kataon lang na nakasama ko si Annie nung gabing nangyare yung krimen. Sa tingin mo ba makakaya kong pumatäy?" Nakakunot noo na tanong ni Kavin kay Quelsy. Agad naman na umiling si Quelsy. Mabuti nalang at mabilis mapaniwala ang babaeng ito.

Inikot namin ni Kavin si Quelsy sa company. Kitang-kita naman sa mga mata nito na masaya sya. Kung titingnan ang sweet nila sa isat-isa. Para bang sobrang tagal na nilang mag kakilala. Sinenyasan ako ni Kavin, kaya inawat ko na sila sa pag uusap.

"Sir sorry to interrupt you, may meeting ka pa kasi kay Mr Gomez." Wika ko dito kaya napatingin ito kay Quelsy.

"I'm sorry Quelsy, gusto pa sana kitang i-tour sa company namin kaso lang may meeting pa ako." Kunyare ay malungkot na wika ni Kavin dito.

"No, it's okey! Nakakahiya nga dahil naabala kita." Nakangiting sagot nito.

"Sorry talaga, next time babawi ako. Ms Yvonne, paki asikaso nalang si Quelsy. Make sure na maihahatid sya ng driver natin ng ligtas." Wika ni Kavin sakin. Paalis na si Quelsy ng bigla itong humalik sa pisnge ni Kavin. Parehas kaming nagulat sa ginawa nito. Kung pwede ko lang tong sabunutan ginawa ko na!

"Bye" Kinikilig na wika ni Quelsy kay Kavin habang nag lalakad kami paalis. Tiningnan ko si Kavin, kitang kita ko kung paano nito punasan ang pisnge nya. Palihim akong napangiti habang si Quelsy ay kinikilig pa din hanggang sa makarating kami ng lobby.

"Manong, ikaw na ang bahala kay Ms. Guevara." Wika ko sa company driver namin.

"Thank you Ms Yvonne." Nakangiting wika ni Quelsy sakin. Sana ito na ang huling pag kikita namin. Ito na din sana ang huling pag kikita nila ni Kavin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status