Share

The Governor's Affair
The Governor's Affair
Author: author.lavelle

PROLOGUE

Sa sandaling nakapasok na kami sa kwarto niya ay kaagad niyang inatake ng halik ang mga labi ko. Mabilis ang pagkilos nito at tila uhaw na uhaw, na para bang ilang taon siyang naghintay para mahawakan muli ako. Bagaman hindi ako sanay sa ritmo ng halik niya ay nagawa ko pa ring sumabay. 

Magkadikit ang mga katawan namin at ramdam ko ang pag-iinit niya. Napaungol ako nu'ng maramdaman ang palad niyang humaplos sa ilalim ng maikli kong palda. Naghiwalay ang mga labi ko sa biglaan niyang naging paghawak. Kinuha niya ang oportunidad na 'yon upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Malugod ko naman 'yong tinanggap. 

"Alessandro.." Lumabas ang isang halinghing sa bibig ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.

Ang kamay ko ay nakahawak sa likod ng leeg niya, idinidiin ito upang mas lalo ko pang maramdaman ang malalambot niyang labi sa balat ko. Tumakas ang isang ungol sa'king bibig kasabay ng mariin kong pagpikit sa mga mata nu'ng walang paalam siyang kumagat sa leeg ko.

"No marks, Alessan―Arghh!" Marahan ko siyang naitulak sa dibdib nung mas lalo niyang diniinan ang pagkagat. 

"Why?" Mababa ang timbre ng boses niya. Ang mga mata ay nakatitig sa'kin habang kumikislap ito ng pananabik. "You were seducing me the very first day you arrived here in La Mystika. Ngayong tuluyan mo kong naakit ay pagbabawalan mo 'kong markahan ka?" 

Isang sarkastikong ngisi ang gumuhit sa labi niya bago niya ako marahas na tinulak sa kama. Kaagad siyang pumatong sa itaas ko. Dinilaan niya ang parte ng leeg kong kinagat niya kanina. Napapikit ako sa kakaibang sensasyon. 

"Oh, Mister Governor."  Malakas ko siyang tinulak at pinagpalit ang posisyon namin. Ngayon, ako naman ang nasa itaas at siya ang nasa ibaba. Ramdam ko ang paninigas ng katauhan niya na inuupuan ko. "Sigurado ka ba dito?" 

Isa-isa kong inalis ang pagkakabutones ng suot ko sa nang-aakit na paraan hanggang sa kita na ng mga mata niya ang suot kong pangloob. 

"Paano ang asawa mo, Alessandro?" tanong ko habang nilalaro ang kwelyo ng suot niya. "Makakaya mo bang pagtaksilan ang pinakakamamahal mo para sa isang tulad ko?" 

Hinawakan niya ang kamay ko. "I am willing to risk it all, to cheat on my own beloved wife just to taste you, you seducer." 

Gumuhit ang tagumpay na ngiti sa labi ko at muli ko siyang hinalikan. Bumibigat ang hininga niya sa bawat pagkilos ng pang-upo ko sa matigas niyang pagkatao. Ang kamay niya ay humpalos sa hubad kong likuran at tumigil 'yon sa buhok, marahang sumasabunot saka muling kumagat. 

"Fuck, you're so hot," mura niya. 

Akmang tatanggalin na sana niya ang suot kong bra nu'ng bigla kaming nakarinig ng mga yabag mula sa labas. Kasabay nito ay ang pamilyar na tinig ng isang babae.

Imbes na kabahan ay ngumisi pa ako. "Nandito na ang asawa mo, Gov," sambit ko

Napabalikwas siya ng tayo dahilan upang makaalis din ako sa pagkakapatong sa kanya. Lumapit siya sa pinto ng walk-in closet saka 'yon binuksan. Hinila niya ako papasok du'n. Napuno ako ng pagtataka nung magtago rin siya kasama ko. 

"Gov, anong gi―" 

"Shhh.." Iniharang niya ang hintuturo sa labi ko. 

Ang pinto ng walk-in closet ay may mga butas, dahilan upang makita ko ang pagpasok ni Clara, sa loob ng kwarto. 

"Alessandro? Are you here, babe?" Hinanap nito ang asawa niya. 

Sa gitna ng panonood ko ay biglang pumosisyon si Alessandro sa likod ko. Itinaas niya ang suot kong palda saka biglaan akong pinasok. 

Isang malakas na pag-ùngol sa pinaghalong sakit at gulat ang lumabas sa bibig ko. Kaagad na tinakpan ni Alessandro ang mga labi ko ngunit huli na ang lahat dahil narinig 'yon ni Clara. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ng walk-in closet. 

"Sinong nandiyan?!" 

Bagaman nasa ganitong sitwasyon ay patuloy sa pag-ulos si Alessandro sa likod ko na parang demonyong nawalan na ng pakialam. Natatamaan ng mahaba at matigas niyang pagkatao ang sweet spot ko kaya't napapahalinghing ako. 

Habang lumalapit ang asawa niya, sa halip na kabahan ay sumilay ang isang matagumpay na ngiti sa labi ko 

Lahat ng nangyayari ngayon ay naaayon sa plano. 

Pinahirapan at ginawang impyerno ng mga taong 'to ang buhay ko at ngayon, ako naman ang magpapatikim sa kanila ng sakit na pinaramdam nila sa'kin. Kahit anong pamamaraan, kahit kailan ko pang ibenta ang katawan maging ang kaluluwa ay gagawin ko, makapaghiganti lang. Makita lang silang lahat na gumagapang sa lupa. 

Ngunit...  saan nga ba nagsimula ang lahat? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status