Share

KABANATA 4: Wedding Day

WARNING: This chapter may contain scenes not suitable for young readers. Skip if uncomfortable.

-

Kinabukasan, alas kwatro ako ng umaga nagising. Nu'ng lumingon ako sa gilid ko ay wala si Alessandro. Nag-iisa ako sa maluwag na kama. 

Masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko lalong lalo na sa gitna ng mga hita ko. May dugo rin akong nakita sa kumot na nagsisisilbing patunay na ang nangyari kagabi ay hindi lang basta panaginip o guni-guni ko lang.

Tinanaw ko rin ang kamay at napangiting nakasuot sa ring finger ko ang kumikinang na singsing.

Kahit nananakit ang buo kong katawan ay nakaya ko pa ring tumayo at lumabas ng kwarto, nagbabakasakaling hindi pa nakaalis si Alessandro. 

Dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto ko ay dumaan ako sa hagdanan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nung makita ko siyang lumalabas mula sa opisina ni Papa. Maingat at dahan-dahan niyang isinirado ang pinto habang hawak ang isang envelope.

"Alessandro?"

Nung marinig ang boses ko ay naalarma siya. Awtomatiko niyang itinago sa likod ang envelope at kinakabahang ngumiti sa'kin. 

"Gising ka na pala," sambit niya saka lumapit sa kinatatayuan ko. 

"Anong ginagawa mo sa opisina ni Papa?" 

"Actually I uh.. I got lost. Hinahanap ko kasi 'yong banyo," sagot niya saka hinaplos ang buhok ko. "Kamusta pakiramdam mo? Maaga pa naman kaya magpahinga ka na muna sa kwarto mo."

Sinamahan niya ako paakyat sa hagdan. Palihim kong sinilip ang kamay niya at wala akong nakitang envelope na siyang hawak niya kanina. Baka nagkamali lang ako. 

Nung makarating sa kwarto ay pinahiga niya ako sa kama saka kinumutan. 

"Ayoko man pero kailangan ko ng umalis, Maisie," maya-maya'y sambit niya. "Bawal akong makita ng mga magulang mo."

Nagdugtong ang mga kilay ko. "Magpapakasal tayo, Alessandro. Bakit hindi ka nila pwedeng makitang kasama ako?"

Ilang segundo bago siya nagsalita. "Sa ngayon, gusto kong ilihim mo na muna sa kanila ang tungkol sa'tin." 

Hindi ko maiwasang masaktan. "Bakit naman?" 

"Marami pa akong kailangang gawin. Gusto kong kapag sinabi na'tin sa mga magulang mo ay maayos na ang lahat. Sana maintindihan mo 'ko, Maisie." 

Naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari. Alam kong 'yon ang mas makakabuti kaya bagaman masikip sa dibdib ay sinunod ko ang gusto niya.

Nu'ng mga sumunod na araw ay hindi ko na muling nakita pa si Alessandro pero hindi naman naging problema 'yon kasi lagi naman siyang nagtetext at tumatawag. Naiintindihan ko naman na abala siya sa pangangampanya at sa pag-aayos ng kasal namin. Magaganap kaagad ang seremonya sa susunod na buwan at hindi na ako makapaghintay.

Sa kasalukuyang eleksyon ay nangunguna na ulit ang Papa ko ngunit lumipaa lang ang isang linggo ay naging pangalawa na muli siya. Nanguna ang mga Trinidad at naging napakalaki ng agwat ng porsyento. Nabahala ang buong pamilya ko. 

"Helena, nakita mo ba ang envelope sa opisina ko?!" Nagising nalang ako isang araw sa malakas na singhal na 'yon ni Papa. 

"Anong envelope tinutukoy mo, hon?" 

Lumabas ako ng kwarto at mula sa ikalawang palapag ng bahay ay pinanood kong mag-panic si Papa, binubuksan ang bawat cabinet sa bahay at hindi mapakali. 

"'Yong nilagay ko sa safe!" sigaw ni Papa. "Importante 'yon!" 

"Wala akong alam, Cesar! Hindi ako pumapasok sa opisina mo ng walang pahintulot, alam mo 'yan!"

Napahilamos sa mukha si Papa sa pagkasiphayo saka bigong umupo sa sopa. Kinuha niya ang phone at may tinawagan. 

"May malaki tayong problema. Ang envelope nawawala. Pinasok tayo ng kalaban!"

Libo-libong mga katanungan ang pumuno sa isip ko ngunit imbes na baliwin ng mga 'yon ay mas pinili ko nalang na hindi na isipin pa.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Hindi man kami madalas na nagkikita ni Alessandro ay lagi naman siyang tumatawag at nagtetext sa'kin. Naiintindihan ko naman kasi alam kong naghahanda siya para sa kasalan naming dalawa.

Wala pang nakakaalam sa mangyayaring pag-iisang dibdib namin ni Alessandro. Plano niyang maging surpresa ito sa buong bayan, maging sa pamilya ko at pamilya niya. Nu'ng kinwento niya sa'kin ng personal ang plano niyang mangyari ay hindi ko mapigilang ma-excite at kabahan sa magiging reaksyon ng mga magulang ko. 

Isang gabi nu'ng dumaan siya sa bintana namin upang bisitahin ako ay may dala siyang marriage contract. 

"Kailangan ba talagang ngayon na ako pipirma, Alessandro?" Ayon kasi sa mga napapanood ko at sa kaalamang mayroon ako ay pagkatapos ng seremonya pa magkakaroon ng pirmahan. 

"Oo, Maisie," sambit niya sabay upo sa gilid ko. Yumakap siya sa'kin saka hinalikan ang hubad kong balikat. "Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya ko. Mas mabuti ng nakapirma na tayo ng kontrata upang hindi nila tayo maipaglayo sa isa't isa. I won't be able to take it if that happens."

Napangiti ako sa matatamis niyang salita. Hinaplos nito ang puso ko at tinuldukan ang mga pag-aalinlangan. Kinuha ko ang ballpen tsaka pumirma. Matapos ay muli na naman niya akong hinalikan.

Gumanda ang daloy ng buhay ko sa mga sumunod na araw. Naging numero uno si Papa sa botohan sa tulong ng Lolo ko na na kasalukuyang senador ng bansa. Naging tahimik na rin ang isyu tungkol sa'kin dahil sa ginawang anunsiyo ni Alessadro.

Masyadong naging mabilis ang pagtakbo ng araw at bago ko pa mamalayan ay dumating na araw ng kasal namin ni Alessandro. Sa gabi bago ang seremonya, nu'ng pabalik na ako sa kwarto upang magpahinga, ay may nadatnan akong isang malapad at maputing kahon. Sa gitna ay naroon ang isang puting bulaklak.

"Galing yata 'to kay Alessandro," ani ko at napangiti.

Binuksan ko ang kahon at nu'ng makita ang laman ay halos mapaiyak ako sa tuwa. "Ang wedding gown ko." 

Kinuha ko 'yon mula sa kahon saka itinaas sa hangin. Malaki ito at puno ng mga kumikislap na bato. Malayo sa ordinaryo ang itsura. Tela pa lang ay alam kong ilang libo ang ginastos ni Alessandro para mapagawa ito. "Napakaganda!" Hindi ko mapigilang yakapin ang damit.

Sunod kong kinuha ang isang envelope saka binasa ang nakasulat na liham sa loob. 

'Hi, Maisie. I hope you liked the dress. Ngayon pa lang ay alam kong magiging maganda ka habang suot 'yan. I can't wait to have you finally as my wife. See you tomorrow. I love you.'

Abot langit ang saya ko nu'ng mabasa ang sulat niya. Hinaplos ko pa ang envelope gamit ang daliri. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko inaasahan na pagdating ko sa bayang 'to, bagaman sinalubong ng isang negatibong pangyayari ay nagsilbi naman 'yong blessing in disguise. 

Natulog ako nang may saya sa puso at ngitu sa labi. Gaya ng napag-usapan ay alas tres ako nagising. Naligo ako at sinuot na ang wedding dress. Matapos ay inayos ko ang buhok at naglagay ng make-up sa mukha. Habang tinitingnan ang sarili sa salamin, suot ang puting damit at nakaayos, ay walang kasing tamis ang ngiti ko. Agaw atensyon man ang malaking birthmark sa pisngi ko ay hindi naman nu'n natabunan saya ko. 

"This is it, Maisie. Ikakasal ka na sa taong pinakamamahal mo," sambit ko pa.

Kahit wala ang mga magulang ko ay dumaan pa rin ako sa back gate ng mansion upang makasigurado. Nu'ng makalabas ay naroon na ang dalawang tauhan na nakahandang maghatid sa'kin sa simbahan, kung saan naghihintay si Alessandro. 

Inalalayan ako ng dalawang tauhan upang makapasok sa backseat saka pinatakbo ang kotse ngunit hindi pa nga kami nakakalabas ng Trinidad Residence nu'ng biglang may humarang na itim na kotse sa harapan. 

Lumabas ang nagmamay-ari ng kotseng 'yon at lumabas si Lolo't Lola. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malakas na pagtambol ng puso ko sa kaba. Isang sorpresa ang planong kasalan namin ni Alessando. Hindi nila pwedeng malaman. 

"Manong, magdrive ka," utos ko dito. 

Tumango ang driver at mabilis na iniwasan ang kotseng nasa harapan. Nakita ko ang gulat na ekspresyon ng lolo't lola ko dahil sa naging pag-alis namin. Ngunit hindi pa nga kami nakakalayo ay dumating sina Mama at Papa. Humarang sila sa mismong daan. 

"Maisie!" Nanlamig ako nung malakas at kinatok ni Mama ang pinto. "Buksan mo 'to, anak!"

"Alam kong nariyan ka! Lumabas ka, Maisie!" Malakas at galit ang boses ni Papa.

Hindi sila tumigil at kinakain na ako ng kaba. Hindi ko na malaman ang gagawin ko. 

"Aabante ba tayo, Ma'am?" tanong ng driver sa'kin. 

Tiningnan ko sa bintana ang mga magulang ko na hinahampas na ang glass para lang mapalabas ako. 

Mariin akong pumikit saka kusa ko ng binuksan ang pinto. Nanlalamig ang katawan ko nung harapin ko sila. 

"Ma.. Pa.." 

Dinala nila ako pabalik ng mansion at doon na nagsimula ang gulo. 

"Maisie naman! Ano bang pumasok diyan sa utak mo at pumayag kang magpakasal kay Alessandro?!" pangaral sa'kin ni Mama

Nakatungo ako at walang tigil na ang pagtulo ng mga luha ko. Ramdam ko ang galit ng mga magulang ko, maging ang kanilang pagkadismaya sa'kin. 

"Wala pa tayong dalawang buwan dito at magpapakasal ka na?! At sa kalaban ko pa sa politika?!" 

"Ma, Pa.. Mahal ko si Alessandro at mahal niya rin ako," hagulgol ko. Tuluyan ng nasira ang make-up ko dahil sa mga luha.

"Anong mahal, Maisie?! May fiancè 'yong tao! Kailan mo lang siya nakilala! Saan ba kami nagkulang sa pangaral sa'yo?!" bulyaw ni Papa at nagpatuloy ako sa pag-iyak.

Tahimik lang si Lola at Lolo ngunit alam kong galit din sila sa ginawa kong desisyon. 

"Pa naman, makinig naman ho kayo sa'kin. Mahal ako ni Alessandro at alam kong tunay ang pagmamahal niya. Naghiwalay na sila ni Clara bago ako pumayag na magpakasal sakaniya.."

"Anong paghihiwalay ang sinasabi mo, Maisie?! Walang naghiwalay! Patutunayan mo ba talagang tama ang sinasabi ng taong-bayan sa'yo?! Na isa kang kabit?!"  

Nanlaki ang mga mata ko sa naging pagbulyaw na 'yon ni Papa. Pati siya ay nagulat din sa mga nasabi niya sa'kin. 

"Hindi niyo ako naiintindihan!" Pinunasan ko ang luha at matapang na tumayo. "Buong buhay ko walang gustong makipagkaibigan sa'kin, Pa. Lahat sila ayaw akong lapitan dahil anak ako ng isang politiko! Idagdag niyo pa 'tong itsura ko!" Sinubukan ko mang kalabanin ang mga luha ay hindi ko nagawa. "Hindi ko kailanman naranasan na mahalin! Kay Alessandro lang!" 

"Anak, ano bang sinasabi mo? Mahal ka namin ng Papa mo.." humahagulhol na ani ni Mama. 

"Anong mahal, Ma? Eh lagi nga kayong abala! Mas mahal niyo pa nga ang mga mamamayan kaysa sa'kin! Mas inuuna niyo pa nga sila! May mga pagkakataong kinailangan ko kayo ngunit asan kayo, Ma?! Nandoon at naglilingkod sa taong-bayan! Sana ay hindi ko nalang kayo naging magulang!" 

Sa huling pangungusap na binulyaw ko ay natigilan silang lahat. Tuluyan akong nagpadala sa sakit ng dibdib at hindi ko na nagawang pigilan ang bibig ko. Napuno ng sakit ang mga mukha ng magulang ko at kinain ako ng konsensiya. 

"Ma, Pa.. h-hindi ko sinasadya―"

"Agh!" 

Napalingon kaming lahat nu'ng biglang d*****g si Lolo. Naghiwalay ang mga labi ko nu'ng makitang may tama siya ng bala sa dibdib. Bagaman gulat din ay tumakbo kaagad si Papa upang masalo ang katawan niyang nanghihina.

"Mario―Agh!" Sumigaw si Lola ngunit natahimik siya nung sakaniya naman tumama ang bala. 

"Mamà, Papà!" Humagulgol si Mama at sabay lapit sa dalawang matanda. Hinawakan ng nanginginig niyang mga kamay ang dibdib ni Lola upang pigilan ang pagdurugo nu'n. "Anong nangyayari ,Cesar?!" Umiiyak na bulyaw ni Mama. 

"Tumawag ka ng ambulansya, Maisie!" Ang bulyaw na 'yon ni Papa ang siyang gumising sa'kin. Tumakbo ako papunta sa telepono at nagdayal kaagad ng numero. 

Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglang may kung sinong sumipa sa pinto at nagsipasok ang mga nakamaskarang mga tauhan. May dala silang armas na indikasyon na sila ang bumaril sa Lolo't Lola ko. 

"Sino kayo?!" 

Tumakbo kaagad ako sa likod ni Papa upang magtago. Patuloy ang paghagulgol ni Mama. 

"Pasensiya na. Napag-utusan lang, Sir Cesar," salita pa ng isang nasa gitna. "Itali ang mga 'yan!" 

Nagsimulang kumilos ang ibang nakamaskarang lalake papalapit sa'min. Humakbang si Papa upang pigilan ang kanilang paglapit.

"Mamatay muna ako bago niyo mahawakan ang mag-ina ko!" Kasabay ng pagbulyaw na 'yon ni Papa ay ang pag-atake niya.

"Cesar!" Malakas na umiyak si Mama kasabay din ng pagluha ko sa pag-aalala. 

Nakipag-agawan si Papa sa armas nila at nagtagumpay siya sabay tutok sa mga kalaban.

"Subukan niyong lumapit at pasasabugin ko 'yang mga ulo niyo!" Matapang ang boses ni Papa ngunit kasalungat nu'n ay ang panginginig ng kamay niya. 

"Ang tapang niyo, sir." Tumawa ang gitnang tauhan sabay kapit sa ulo ng baril na nakatutok sakaniya. "Iputok niyo! Iputok niyo kung kaya niyo!" 

Dumoble ang panginginig ng mga kamay ni Papa habang inaasar siya ng mga lalake. Patuloy lang ang pag-iyak namin ni Mama habang nangyayari ang lahat. 

"Oh bakit ayaw niyong iputok, sir?! Ang yabang yabang niyo eh hindi niyo nga halos kayang kumapit ng―Aghh!"

Isang malakas na putok ng baril ang pumailanlang sa bahay na siyang ikinasigaw ko. Binaril ni Papa ang kamay ng lalake. 

"Gago ka!" Isang malakas na suntok ang binigay niya kay Papa na ikinasanhi ng pagkawalan niya ng balanse at napahiga sa sahig. Kaagad na nagback-up ang ibang tauhan saka siya pinagtulungang bugbugin.

"Papa!" sigaw ko at nu'ng tumakbo ako papunta sa kanya ay hinawakan ako ng isang tauhan. Ganun din si Mama na sinubukan ding lapitan si Papa. 

"Cesar, asawa ko! Bitawan niyo ko!" umiiyak na sigaw ni Mama. 

"Papa! Tigilan niyo siya! Parang a-awa niyo na tama na..!"  hagulgol ko ngunit walang nakinig at patuloy lang ang pagbugbog nila kay Papa. 

"Ang ganda ng Misis, 'boss. Pwede bang galawin 'to?" Napalingon ako sa direksyon ni Mama nung magsalita ang nakamaskarang lalakeng nakakapit sakaniya. 

"Gawin niyo gusto niyo." 

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at takot.

"Eh eto? Mas masarap ang dalagita, boss." Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nung ako naman ang tinukoy ng lalakeng may hawak sa'kin. 

"Wag 'yan. Du'n na kayo sa asawa!" Hinila niya ako at inagawa mula sa lalakeng unang humawak sa'kin.

"Anong g-ginagawa niyo..?" Nanginig sa takot si Mama habang lumalapit na sakaniya ang tatlong lalake may masasamang balak. 

"Lumayo kayo sa Mama ko!" sigaw ko at sinubukang kumawala. "Huwag niyo siyang hahawakan!"

"Bitawan niyo ko..!" Hinawakan siya ng lalake saka itinulak papunta sa sopa. Nung sinubukan ni Mama na tumayo ay  hinawakan siya ng isang lalake sa braso. 

"E-Elena... " Nu'ng makuntento na ang mga tauhan sa pagbugbog kay Papa ay itinila nila ito sa upuan. 

Napahagulgol ako nu'ng makitang halos puno ng pasa ang mukha niya. Namantsahan ng dugo ang suot niya. Halos hindi ko na siya makilala.

"Bitawan niyo ko..! Aghhhhh…!"

"Mama!"  

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nung nagsimula ng pagsamantalahan ng mga lalake si Mama. 

"Elena.. lumayo kayo sa asawa ko..!" Bagaman nanghihina ay sinubukan pa ni Papang lumaban. Isang malakas na sapak ang ipinatikim sa kanya at sumemplang ang inuupuan niyang upuan. Initayo ito ng isa sa mga lalake saka pinwesto sa mismong harapan kung saan inaabuso si Mama. 

"P-Parang awa niyo na.. ahhh..! Tumigil kayo..! nagmamakaawa a-ako.. mhmm..!"

"Mama.! Bitawan niyo siya..! Bitawan niyo siya..!" Walang tigil akong sumigaw at umiyak na para bang makikinig sila sa'kin.

"Tigilan niyo na ang asawa ko..! Sakin kayo may galit..! Ako nalang ang patayin niyo..!" Dahil sa nakakaawa naming sitwasyon ay hindi na rin napigilan ni Papa na umiyak. "Nagmamakaawa ako huwag ang asawa at anak ko..!" 

Kasalungat ng pighati na'min ay ang malakas na pagtatawanan ng mga nakamaskarang lalake. Walang awa nilang pinagpasa-pasahan si Mama habang pinagtatawanan naman nila ang kalagayan ni Papa. 

"Swerte mo naman sa asawa mong 'to, Sir Cesar. Napakaganda! HAHAHAH!"

"Napagkamalan ko pang dalaga! HAHAHAH!"

"Baka pwedeng mapakiusapan si Madam  na tangayin nalang natin 'to!"

Madam? Sinong Madam ang tinutukoy nila? Siya ba ang nagpautos sa kanilang gawin 'to sa'min? Napakasama niya! 

Tumuyo na ang ibang mga luha ko sa pisngi ngunit patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga bagong butil. Ilang beses kaming nagmakaawa na tumigil na sila sa ginawa nilang kababuyan sa Mama ko ngunit hindi sila tumigil. Ilang sapak na din ang naibigay nila kay Papa hanggang sa halos na nila itong patayin. 

Mugto na ang mga mata ko at nanghahapdi na sa kakaiyak. Habang pinagmamasdan ang nakakaawang sitwasyon namin ay hindi ko mapigilang magtanong sa Diyos kung bakit. Mabubuting tao ang mga magulang ko. Bakit ipinaparanas sa kanila ito. 

Nu'ng tuluyan na silang magsawa ay iniwan nila si Mama sa sahig. Mahigpit nila akong itinali sa upuan.

Nagdala sila ng mga kahon-kahong gas tsaka nila binasa ang buong bahay namin. Matapos ay nagsindi sila ng posporo saka 'yon tinapon sa sahig. Kaagad na nagliyab ang apoy. Kasabay nito ay ang malalakas na tawa ng mga demonyo. 

"Paalam mga Trinidad." Nakangisi pang kumaway ang isang lalake saka nila isinirado ang pinto. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cheryl Tbausing
ang iksi nman ng story tas wla p rin update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status