LOGINFranco
"Sinabi ko na sayo, hindi ko tatanggalin si Georgina.” Hindi ko talaga maisip kung bakit ganun na lang ang pagpipilit ng aking ama na panatilihin sa tabi ko ang babaeng kagit na 'yon na ginawa na yatang hobby ang pambabara at pagsagot-sagot sa akin.
Isang oras na ang nakalipas ng makarating ako ng bahay.
“Hindi mo naman siguro balak na gawing kabit ang babaeng yon.”
“Franco!” bulalas ng aking ama. Kitang-kita ang disbelief sa kanyang mukha.
“Nagtatanong lang, alam ko naman na hindi mo magagawang saktan si Mommy.”
“Talagang hindi,” mabilis niyang tugon. Mula pagkabata ay nakita ko na kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa. Kahit ang buong probinsya ng Catanduanes ay nakita iyon. Kaya lang, wala na akong maisip na ibang dahilan para hayaang manatili sa tabi ko ang Georgina na 'yon.
"Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'yon, Dad,” sabi ko habang napapailing pa.
“Sigurado ako na mabait siyang bata, Franco. Bakit hindi mo iyon makita?” tanong naman ng aking ama. "Kahit ang mommy mo ay ganon din ang tingin. Isa pa, nakikita ko na hindi mo siya kayang utos-utusan. Sigurado ako na sasabihin niya sa akin ang lahat ng nangyayari sayo.”
“Ganon, bantay ko pala siya?” tugon ko.
“Ilang taon ka na, hahayaan mo na lang ba na lagi kaming mag-aalala ng Mommy mo sayo?”
"Wait, Dad. Don't tell me pinag-aasawa mo na ako.”
“Hindi ba pwede yon? Kailan ka mag-uuwi dito sa isla ng babae na ipapakilala mo sa amin ng Mommy mo bilang kasintahan?”
“Wala pa akong plano, Dad. May hinihintay pa ako.”
Kumunot ang noo niya ng marinig ang sinabi ko. Halatang hindi naniniwala.
“I already made a promise to someone na pakakasalan ko.”
Tinaasan naman niya ako ng kilay. Mas lalong nahalata na hindi siya naniniwala sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nilihis ang usapan.
“Wag kayong magmadali at darating din ako dyan. Sa ngayon, ang party muna mamayang gabi ang asikasuhin natin.”
Kung hindi ko sasabihin yon ay malamang na hindi rin kami matatapos sa pag-uusap.
Ang party ay thanks giving para sa success ng kumpanya namin na ako din ang namamahala na sinasabay ko sa pagiging gobernador dito sa probinsya ng Catanduanes.
Ang Cascara Holdings Inc. na ngayon ay Villareal Holdings na ay ang nangungunang holding company sa bansa. Ito rin ay negosyo ng pamilya ng aking ina na minana pa niya sa kanyang mga magulang na minana ko naman sa kanila ng aking ama na mula naman sa lahi ng politician dito sa Catanduanes.
Habang busy ang Mommy ko sa negosyo ay nasusuportahan pa rin niya ang political career ng aking ama.
Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang maging politiko, pero mahal ko ang probinsya at may kailangan pa akong lutasin dito.
Ayaw ko rin ipasa sa kamay ng ganid na pulitiko ang posisyon dahil mas lalong magiging kawawa ang mga naninirahan dito.
“Franco, siguraduhin mo nga ang desisyon mo. Pero kung magkakaroon ng pagkakataon ay talagang ipapakasal kita sa kahit na kaninong babae para lang umayos ka.”
Tumayo na ako at naglakad papunta sa hagdan. Mas mabuti pang magpahinga na lang muna ako para may lakas para mamayang gabi.
6 pm.
Hapon na ng magising ako wala ba naman akong tulog ng nagdaang gabi tapos nabitin pa kaya mabilis akong kumilos para mag-asikaso ng sarili para sa party.
At heto na nga ako sa malawak naming hardin na sigurado akong pinagkaabalahan ng husto ng aking ina sa tulong ng mga kasama sa bahay.
Napakaganda ng paligid at base sa mga nakasabit na mga ilaw sa mga puno at halaman na nakapalibot sa lugar ay sigurado akong magiging maliwanag pa rin ito kahit maghatinggabi.
May maliit na stage sa harapan at halatang handang handa para sa mga magpeperform.
May mga bisita ng nagsisidatingan na pawang kasosyo sa negosyo. Pagbaling ko ng tingin sa aming bahay ay palabas mula sa malaking sliding glassdoor ang aking mga magulang.
Nagtagpo ang aming mga mata kaya nakangiti akong bumati sa kanila ng tuluyan silang makalapit sa akin.
“Mabuti naman at hindi ka na kinailangan pang gisingin,” sabi ng aking ina.
“Bumawi lang ng tulog Mom…” tugon ko.
“Congratulations anak, napakalaki ng nagawa mo para sa kumpanya.” Napangiti ako sa sinabing iyon ng aking ina. Bakas sa mukha niya na talagang proud siya sa akin.
“Nagmana talaga sayo ang anak natin na yan, my loves.” Napangiwi ako sa endearment na yon ni Dad.
“Yang mukha mo nga Franco!” puna sa akin ng aking ina.
“Kasi naman Mommy, may binabagayan din ang endearment.”
“Sinasabi mo ba na wala na kaming karapatan ng ama mo na–”
“Okay, fine. Wala na akong sinabi.”
“Hayaan mo na ang anak natin, Cataleya. Inggit lang yan sa atin,” sabi ni Dad. “Mabuti pa ay simulan na natin ang kasiyahan.
Iniwan na nila ako para harapin ang mga bisita. Alam nila na wala akong hilig sa ganon. Mas gusto ko pang kausapin ang mga mamamayan ng Catanduanes kaysa ang mga negosyanteng ito.
Ewan ko ba, dito na nga sa isla ginanap ang pagdiriwang ay talagang nagpunta pa rin sila.
Napailing na lang ako at nagsimula na ring makipagkwentuhan sa mga nilalapitan kong bisita. Ako pa rin ang CEO ng kumpanya, tungkulin ko na istimahin sila.
Nagulat ako ng pagtingin ko sa aking wristwatch ay nakita kong alas onse na pala ng gabi. Pagkatapos ng hapunan ay hindi ko na nakaharap pa ang mga magulang ko at ng ilibot ko ang aking tingin ay nakita kong busy pa rin sila sa pakikipag usap.
Hindi ba matatapos iyon?
“Wait,” sabi ko sa waiter na nagdaan na may dalang tray at may nakalagay na inumin.
Kumuha ako ng isang kopita na may lamang alak at tsaka siya nagpatuloy na sa paglakad.
Inisang lagok ko lang ang alak at naramdaman ko ang pagguhit ng init sa aking lalamunan.
Hindi naman ako ganon kadaling malasing at mas lalong hindi pa ako lasing.
Pero ilang saglit ay parang naramdaman kong umikot ang aking paningin.
“Anak, okay ka lang?” tanong ni Mommy ng saktong mapadaan siya sa akin.
“Parang tinamaan na po yata ako, mabuti pa ay umakyat muna ako sa aking silid.”
“Ganon ba? Ang aga pa may tama ka na agad?” nagtatakang tugon ni Mommy. “Anyway baka dahil pagod ka pa rin. Halika at samahan na kita, may kukunin rin lang ako sa kwarto.”
Hindi na ako tumanggi at sumabay na ako sa kanya. Hinatid pa niya ako sa aking silid bago tumuloy sa kwarto nila ni Dad.
Nang maiwan ako ay parang tila naging maalinsangan na ang pakiramdam ko. Hinubad ko ang coat na suot ko at sinunod na tinanggal ang necktie.
Pero parang init na init pa rin ang pakiramdam ko kaya tuluyan ko ng hinubad ang aking damit para sana maligo ngunit pansamantala muna akong naupo bago nahiga sa kama dala ng hilo.
Hindi ako sigurado kung gaano na ako katagal sa pagkakahiga. Basta narinig ko na lang ang pintuan na bumukas.
“Gov, pinapakamusta po ni Ma'am Cataleya ang pakiramdam niyo. Baka daw gusto niyong uminom ng gamot,” sabi ni Georgina.
Nag-angat ako ng tingin sabay dahan dahan na bumangon.
“G-Gov, bakit na naman kayo nakaburlesk dyan?” gulat niyang tanong. Pero hindi ko yon pinansin at basta na lang akong tumayo at nilapitan siya.
“Damn, ang ganda mo yata ngayon…” Hindi ko alam kung saan nanggaling yon pero ng makita ko ang bahagyang nakaawang na bibig niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na kuyumusin siya ng halik.
Franco“This is your room,” malamig kong sambit, kahit pilit kong pinaamo ang boses ko habang marahan kong itinutulak ang pinto.Lumikha iyon ng bahagyang kaluskos nang tuluyan kong mabuksan ang silid na siyang ginagamit ni Georgina dito sa condo. Saglit akong nanatili sa bungad, nakatingin sa loob na para bang kailangan ko munang kumbinsihin ang sarili kong tama ang ginagawa ko bago ko tuluyang hayaan si Joanne na pumasok.Bago man ako umuwi galing sa kumpanya kanina, pinalipat ko na sa mga cleaner ang lahat ng personal na gamit ng dalaga papunta sa sarili kong silid.Napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang maalala ko kung paano ako muntik nang mapaisip kung tama ba talaga ang desisyong iyon. Napabuntong-hininga ako nang patago at bahagyang kinusot ang sentido ko. Wala naman akong ibang choice. Hindi ko rin naman inaasahang biglang lilitaw si Jo ngayon, lalo na sa sitwasyong wala pa rin akong ideya kung nasaan si Georgina.Tatlo lang ang kwarto rito: ang master bedroom na ginagamit
Third Person“She’s Joanne Mercader,” pormal ngunit may halong pag-aalangan na sabi ni Mon habang itinatapat ang kaniyang kamay sa babaeng katabi niya.Bahagya pang kumunot ang noo ni Mon habang tinitingnan ang babae, na para bang kahit siya ay hindi pa rin lubos na makapaniwala na matapos ang napakahabang panahon ng paghahanap ay nasa harapan na nila mismo ang taong matagal nang pinaghahanap ni Franco.Tahimik lamang si Joanne.Nakatayo ito sa tabi ni Mon habang mahigpit na nakakapit ang dalawang kamay sa laylayan ng kaniyang damit. Halata sa kaniyang mukha ang pagkalito habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa mga taong nasa loob ng silid. Hindi niya alam kung bakit siya dinala roon o kung ano ang koneksiyon niya sa lalaking seryosong nakatayo sa kaniyang harapan.Matapos matanggap ang krusyal na tawag ni Mon na sinasabing natagpuan na nila ang babaeng matagal na nilang pilit na hinahanap, tila biglang nawala sa isip ni Franco si Georgina.Wala nang ibang mahalaga sa sandaling iyo
Third PersonSa wakas ay nakabalik na rin sa Manila si Franco.Tatlong linggo ang lumipas bago siya tuluyang nakalabas muli ng isla, na nangangahulugang ganoon na rin katagal na nasa Manila si Georgina.Nang malaman niyang muling pumunta sa Manila si Georgina nang hindi man lamang ito nagpapaalam sa kanya, gustong-gusto niyang agad itong sundan. Kung maaari lang sana, kinabukasan ay nasa Manila na rin siya. Ngunit hindi ganon kadali ang lahat. Napakarami niyang responsibilidad sa kapitolyo at sa shipping company na hindi niya basta-basta maaaring iwanan.Mula umaga hanggang gabi ay halos sunod-sunod ang meetings, reports, documents, at mga problemang kailangan niyang asikasuhin. Halos wala na siyang sapat na oras para huminga, lalo na para basta na lamang umalis ng isla nang walang sapat na paghahanda.Ngayon na sa wakas ay nakabalik na siya at nasa loob na ng sarili niyang condominium, hindi pa rin niya magawang maging kampante.May kung anong hindi magandang pakiramdam na mabigat na
Third PersonIsang marahas na hampas ng libro sa ibabaw ng makapal na wooden desk ang biglang bumasag sa katahimikan ng malawak na silid. Umalingawngaw ang malakas na tunog sa buong opisina, kasabay ng bahagyang pagyanig ng ilang gamit na nakapatong sa mesa. Maging ang basong may tubig sa gilid ng desk ay bahagyang gumalaw dahil sa lakas ng pagkakahampas.“Damn this Franco!” galit na galit na sigaw ni Anton, halos lumabas ang mga ugat sa kanyang leeg habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamao. Kita sa kanyang namumulang mukha ang matinding inis, at maging ang kanyang paghinga ay kapansin-pansing bumigat. “Ano bang pumapasok sa utak ng batang 'yon?”Napapikit siya nang mariin at ilang sandali ring hindi nagsalita, na para bang pinipigilan lamang niya ang sarili na muling sumabog. Ngunit kahit anong pigil niya, hindi niya maalis sa isip ang mga plano ni Franco para sa expansion ng kumpanya.Hinding-hindi niya gusto ang mga ambisyosong plano ng lalaki para sa shipping company. Sa tot
Georgina“Georgina, about Franco…”Natigil ako sa pagsubo ng pagkain at marahang nag-angat ng tingin kay Reed. Halos kasabay niyon ay ibinaba ko ang kutsara ko sa tabi ng plato.Pagkakita ko pa lamang sa labis na kaseryosohan sa mukha niya, alam ko na agad na napakahalaga at napakalalim ng kanyang sasabihin. Wala na roon ang dating relaxed niyang expression habang kumakain kami.Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, at seryoso ang pagkakatitig niya sa akin na para bang pinag-iisipan niyang mabuti kung paano niya sisimulan ang pag-uusap.“What about him?”Hindi agad sumagot si Reed.Sa halip, ilang segundo muna niya akong pinagmasdan bago siya bahagyang sumandal sa kanyang silya. Pinaglaruan niya sandali ang hawak niyang kutsara, tila nagdadalawang-isip kung itutuloy ba niya ang tanong na nasa isip niya.“Do you actually believe na may kinalaman ang pamilya niya sa nangyari sa pamilya ninyo?”Bahagya akong natigilan.Parang may malamig na batong biglang dumagan sa aking dibdib.Hindi ko
Georgina“How do you feel?” nag-aalalang tanong ni Reed habang nakasandal ako sa malambot na upholstery ng reclining chair sa loob ng silid.Nasa kanyang private research laboratory kami ngayon para muling kuhanan ako ng sapat na dami ng dugo. Malamig ang temperatura sa loob ng silid dahil sa patuloy na pag-andar ng air-conditioning, ngunit hindi iyon sapat para mawala ang bigat na nararamdaman ko sa katawan.May bahagyang kirot pa sa aking braso kung saan ipinasok ang karayom kanina, at tila may mabigat na bagay na nakapatong sa aking ulo.“I’m fine,” sagot ko sa mahinang tinig habang dahan-dahang ginagalaw ang aking mga daliri sa kamay. Sinubukan kong ngumiti upang hindi na siya lalo pang mag-alala, ngunit kahit ang simpleng pag-angat ng mga labi ko ay tila nangangailangan ng lakas.Sa kabila ng aking sagot, pakiramdam ko ay tila nanlalambot ang aking mga tuhod at medyo umiikot ang aking paningin. May ilang sandaling kailangan kong ipikit ang aking mga mata upang maibalik sa normal







