LOGINFranco
“Fuck, Georgina!” sigaw ko habang dali-daling binunot ang aking pagkalalaki bago nagsimulang hanapin ang brief at pantalon na kanina’y buong giliw kong hinubad na parang wala nang bukas.
Napatingin ako sa sahig. Tangina. Nasaan na nga ba ‘yung brief ko?
“Gov naman!” sigaw ni Georgina na personal kong katulong slash bantay-sarado slash kontrabida sa buhay ko, habang nakatayo sa may malapit sa poste na papunta ng kitchen na parang principal na nakahuli ng estudyanteng nagyoyosi sa likod ng gym.
“Ilang hakbang na lang ang kwarto niyo! Bakit dito pa sa sala? Baka akala ng CCTV, may live show kayo!”
Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Putcha, may CCTV nga pala. Hindi ko na naisip kanina dahil nga medyo madilim naman.
“Sino siya?” gulat na tanong ng babaeng kanina lang ay parang pusa na nakakunyapi sa sandalan ng sofa, ngayon ay parang naliligaw na tupa, habang hawak-hawak ang kanyang dress na parang wala siyang ideya kung saang butas dapat ipasok ang kamay.
“’Yun pa o, panty mo,” sabat ni Georgina sabay turo sa manipis na telang itim na parang pamunas lang ng salamin. “Baka maiwan mo eh gawin pang souvenir ng amo ko. Ayaw kong labhan 'yan."
Bwisit talaga ang bibig ng babaeng ito? Saan ba nakuha ng aking mga magulang ang Georgina na 'to?
“Bakit ba gising ka pa?” iritado kong tanong habang sinusubukan kong ipasok ang isang paa sa pantalon, na parang ayaw makisama sa akin ngayon.
“Nakita mo na, Gov. Nakalimutan mo na naman, no?” Tumitig siya sa akin na parang nanay kong ilang beses nang sinabi na huwag isawsaw ang kamay sa ketchup bottle. Nakahalukipkip pa ito, at sinusundan ng tingin ang bawat kilos ko.
“Bakit nga kasi?!” Kumulo na ang dugo ko. Kung hindi lang ako n*******d ay baka nasakal ko na ‘tong babaeng ‘to. "Tsaka 'yang mga mata mo! Kung saan saan mo tinitingin!"
"Kasalanan ko pa ngayon dahil nakita ko ang talong mo pati na ang lubot mong kakulay ng hating gabi?"
"Lubot ko? Kakulay ng hating gabi? Hoy Georgina, kahit ingudngod ko ang mukha mo dito eh hinding hindi ka mauulingan no!" malakas kong sabi at tuluyan ng nakalimutan ang babaeng kasama ko. "Sagutin mo ang tanong ko. Bakit gising ka pa? Don't tell me hinihintay mo ko!"
"Kakaloka, ba't naman kita hihintayin eh hindi mo naman dala yung kama?" Umiikot na naman ang mga mata niya ng magsalita. "Hindi ba’t ilang beses ko nang sinabi? Maaga tayong pinapauwi ng daddy mo sa isla!” Pabuga niyang sagot habang nagkakamot ng kili-kili na tila hindi nakakaramdam ng hiya kahit na may kaharap na lalaki.
Natigilan ako. Oo nga pala.
“Eh, anong oras pa lang ah?” Pilit kong tanggi sabay tingin sa aking wristwatch at kinakabit ang butones ng pantalon ko na ayaw pa yatang magkasya.
“Gan’to po talaga ako nagigising ‘pag pabalik na ng isla. Nagluluto pa ako ng agahan para sa mga bodyguard niyo. Eh ikaw, nagluluto ng eskandalo!” sabay irap.
Bwisit. Bakit nga ba nakalimutan ko na rin ‘yon?
“Excuse me,” sabat ng babae habang sinusubukang ayusin ang suot na damit na para bang puzzle. “Where’s your room?”
Pasimpleng lumingon ako sa kanya, sinubukang ngumiti kahit halata na ang pagkayamot sa mukha ko.
“I’m so sorry. I just remembered— I had something urgent. I’m afraid I need to send you out.”
“Out? Not home?” maarteng tanong niya na hindi naman uubra sa akin. Hindi pa ako nakapaghatid sa bahay ng kahit na sinong babae na nabembang ko. Lalo na siya na hindi naman natuloy.
Kitang-kita ko ang pag-ikot ng mata ni Georgina bago tumalikod at naglakad papunta sa kusina, habang nagsasalita pa ito nang hindi lumilingon.
“Kung gusto mo, Gov, ipag-pack ko siya ng tinapay. Para may baon pa pauwi,” sabi bita sabay pindot sa switch ng ilaw sa kusina na nadaanan niya.
Nagngitngit ako sa inis dahil sigurado akong nakangisi siya or making faces habang sinasabi iyon dahil hindi ko nakikita ang mukha niya.
“No, thanks.” Napatingin ako sa nagsalitang babae na hindi ko alam ang pangalan at wala na rin naman akong balak alamin. “I’ll go ahead.”
Nagsimula na itong maglakad papunta sa pintuan at nakita kong may dinampot siya sa sahig na napag-alaman kong purse niya.
Ako naman ay dinampot ang long sleeve polo at sinuot bago pumunta sa kusina kung saan nadatnan ko si Georgina na tila nagsasaing na.
“Ay kalabaw! Ano ba naman Gov, akala ko sa kwarto na kayo dumiretso!” Hawak pa ng bruha ang kanyang dibdib na akala mo naman talaga ay gulat na gulat ng mapatingin sa akin. Pinatong niya ang kaserola sa kalan at binuksan iyon.
“Kailangan nating mag-usap,” sabi ko.
Natigilan siya at nanatiling nakatingin lang sa akin. Ang seryoso ng kanyang mukha, siguro ay alam na niya na talagang hindi ko na nagugustuhan ang kinikilos niya.
Hindi sa minamaliit ko siya at ang trabaho niya. Pero gusto kong ipaalala sa kanya na katulong siya dito kaya hindi pwede ang paraan niya ng pagsasalita at pakikitungo sa akin.
“Kailanman ay hindi ako tumingin sa katayuan ng kahit na sino, pero ayaw ko sa paraan ng pakikipag-usap mo sa akin,” seryoso kong sabi. “Sa susunod na umasta ka pa rin ng kagaya ng pag-asta mo kanina ay talagang sisisantehin kita.”
Hinintay ko na magsalita siya. Maigi na yung ganito na pinagsabihan ko muna siya kaysa naman basta ko na lang tanggalin sa trabaho.
“Alam niyo, Sir,” sabi niya makalipas lang ang ilang saglit. Ewan ko, pero may palagay akong hindi pa rin maganda ang lalabas sa bibig niya.
“Kapag nabitin kayo, huwag niyo akong idamay. Na-pollute na nga ang innocent eyes and mind ko eh sa akin niyo pa ibubunton ang init ng ulo niyo sa baba. Sige na ho, pumunta na kayo sa kwarto niyo at ilabas niyo sa banyo lahat ng frustrations niyo habang nagluluto ako ng almusal. Gutom lang din ‘yan.”
Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya lalo at tinalikuran niya na ako para kumuha ng lulutuin sa ref. Did she just ignore me?
Franco“This is your room,” malamig kong sambit, kahit pilit kong pinaamo ang boses ko habang marahan kong itinutulak ang pinto.Lumikha iyon ng bahagyang kaluskos nang tuluyan kong mabuksan ang silid na siyang ginagamit ni Georgina dito sa condo. Saglit akong nanatili sa bungad, nakatingin sa loob na para bang kailangan ko munang kumbinsihin ang sarili kong tama ang ginagawa ko bago ko tuluyang hayaan si Joanne na pumasok.Bago man ako umuwi galing sa kumpanya kanina, pinalipat ko na sa mga cleaner ang lahat ng personal na gamit ng dalaga papunta sa sarili kong silid.Napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang maalala ko kung paano ako muntik nang mapaisip kung tama ba talaga ang desisyong iyon. Napabuntong-hininga ako nang patago at bahagyang kinusot ang sentido ko. Wala naman akong ibang choice. Hindi ko rin naman inaasahang biglang lilitaw si Jo ngayon, lalo na sa sitwasyong wala pa rin akong ideya kung nasaan si Georgina.Tatlo lang ang kwarto rito: ang master bedroom na ginagamit
Third Person“She’s Joanne Mercader,” pormal ngunit may halong pag-aalangan na sabi ni Mon habang itinatapat ang kaniyang kamay sa babaeng katabi niya.Bahagya pang kumunot ang noo ni Mon habang tinitingnan ang babae, na para bang kahit siya ay hindi pa rin lubos na makapaniwala na matapos ang napakahabang panahon ng paghahanap ay nasa harapan na nila mismo ang taong matagal nang pinaghahanap ni Franco.Tahimik lamang si Joanne.Nakatayo ito sa tabi ni Mon habang mahigpit na nakakapit ang dalawang kamay sa laylayan ng kaniyang damit. Halata sa kaniyang mukha ang pagkalito habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa mga taong nasa loob ng silid. Hindi niya alam kung bakit siya dinala roon o kung ano ang koneksiyon niya sa lalaking seryosong nakatayo sa kaniyang harapan.Matapos matanggap ang krusyal na tawag ni Mon na sinasabing natagpuan na nila ang babaeng matagal na nilang pilit na hinahanap, tila biglang nawala sa isip ni Franco si Georgina.Wala nang ibang mahalaga sa sandaling iyo
Third PersonSa wakas ay nakabalik na rin sa Manila si Franco.Tatlong linggo ang lumipas bago siya tuluyang nakalabas muli ng isla, na nangangahulugang ganoon na rin katagal na nasa Manila si Georgina.Nang malaman niyang muling pumunta sa Manila si Georgina nang hindi man lamang ito nagpapaalam sa kanya, gustong-gusto niyang agad itong sundan. Kung maaari lang sana, kinabukasan ay nasa Manila na rin siya. Ngunit hindi ganon kadali ang lahat. Napakarami niyang responsibilidad sa kapitolyo at sa shipping company na hindi niya basta-basta maaaring iwanan.Mula umaga hanggang gabi ay halos sunod-sunod ang meetings, reports, documents, at mga problemang kailangan niyang asikasuhin. Halos wala na siyang sapat na oras para huminga, lalo na para basta na lamang umalis ng isla nang walang sapat na paghahanda.Ngayon na sa wakas ay nakabalik na siya at nasa loob na ng sarili niyang condominium, hindi pa rin niya magawang maging kampante.May kung anong hindi magandang pakiramdam na mabigat na
Third PersonIsang marahas na hampas ng libro sa ibabaw ng makapal na wooden desk ang biglang bumasag sa katahimikan ng malawak na silid. Umalingawngaw ang malakas na tunog sa buong opisina, kasabay ng bahagyang pagyanig ng ilang gamit na nakapatong sa mesa. Maging ang basong may tubig sa gilid ng desk ay bahagyang gumalaw dahil sa lakas ng pagkakahampas.“Damn this Franco!” galit na galit na sigaw ni Anton, halos lumabas ang mga ugat sa kanyang leeg habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamao. Kita sa kanyang namumulang mukha ang matinding inis, at maging ang kanyang paghinga ay kapansin-pansing bumigat. “Ano bang pumapasok sa utak ng batang 'yon?”Napapikit siya nang mariin at ilang sandali ring hindi nagsalita, na para bang pinipigilan lamang niya ang sarili na muling sumabog. Ngunit kahit anong pigil niya, hindi niya maalis sa isip ang mga plano ni Franco para sa expansion ng kumpanya.Hinding-hindi niya gusto ang mga ambisyosong plano ng lalaki para sa shipping company. Sa tot
Georgina“Georgina, about Franco…”Natigil ako sa pagsubo ng pagkain at marahang nag-angat ng tingin kay Reed. Halos kasabay niyon ay ibinaba ko ang kutsara ko sa tabi ng plato.Pagkakita ko pa lamang sa labis na kaseryosohan sa mukha niya, alam ko na agad na napakahalaga at napakalalim ng kanyang sasabihin. Wala na roon ang dating relaxed niyang expression habang kumakain kami.Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, at seryoso ang pagkakatitig niya sa akin na para bang pinag-iisipan niyang mabuti kung paano niya sisimulan ang pag-uusap.“What about him?”Hindi agad sumagot si Reed.Sa halip, ilang segundo muna niya akong pinagmasdan bago siya bahagyang sumandal sa kanyang silya. Pinaglaruan niya sandali ang hawak niyang kutsara, tila nagdadalawang-isip kung itutuloy ba niya ang tanong na nasa isip niya.“Do you actually believe na may kinalaman ang pamilya niya sa nangyari sa pamilya ninyo?”Bahagya akong natigilan.Parang may malamig na batong biglang dumagan sa aking dibdib.Hindi ko
Georgina“How do you feel?” nag-aalalang tanong ni Reed habang nakasandal ako sa malambot na upholstery ng reclining chair sa loob ng silid.Nasa kanyang private research laboratory kami ngayon para muling kuhanan ako ng sapat na dami ng dugo. Malamig ang temperatura sa loob ng silid dahil sa patuloy na pag-andar ng air-conditioning, ngunit hindi iyon sapat para mawala ang bigat na nararamdaman ko sa katawan.May bahagyang kirot pa sa aking braso kung saan ipinasok ang karayom kanina, at tila may mabigat na bagay na nakapatong sa aking ulo.“I’m fine,” sagot ko sa mahinang tinig habang dahan-dahang ginagalaw ang aking mga daliri sa kamay. Sinubukan kong ngumiti upang hindi na siya lalo pang mag-alala, ngunit kahit ang simpleng pag-angat ng mga labi ko ay tila nangangailangan ng lakas.Sa kabila ng aking sagot, pakiramdam ko ay tila nanlalambot ang aking mga tuhod at medyo umiikot ang aking paningin. May ilang sandaling kailangan kong ipikit ang aking mga mata upang maibalik sa normal







