GeorginaAng shipping company na tinutukoy ni Sir Kiko—iyon mismo ang kumpanyang pag-aari ng pamilya ko. Ang kumpanyang itinayo ng dugo, pawis, at halos buong buhay ng mga magulang ko. Ang kumpanyang inalagaan, pinalago, at ipinaglaban sa gitna ng bagyo, ng lugi, ng intriga.Ang kumpanyang nawala sa amin sa isang iglap—at sa pagkawala nito, parang hinila rin palabas ang hininga nina Mommy at Daddy hanggang tuluyan silang hindi na muling bumangon.How dare he—how dare he—na banggitin iyon na para bang isa lamang iyong bagay na puwedeng ipamigay. Na para bang simpleng regalo na puwedeng iabot, na parang isang kahon na puwedeng itali ng ribbon at ipasa para lang matakpan ang isang kasalanan.Parang walang bigat. Parang walang kasaysayan. Parang walang dugong dumikit sa bawat piraso ng papel, sa bawat kontrata, sa bawat barkong umalis at bumalik sa pantalan na iyon.Ramdam ko ang pag-init ng dibdib ko. Parang may sumisiksik na hangin sa lalamunan ko. Isang higanteng kamay na unti-unting hu
Last Updated : 2026-07-08 Read more