“Congratulations, Ms. Chua!” Malaki ang ngiti ni Amanda dahil siya ang hinirang na Gobernador sa bayan ng Alfonso kung saan siya ipinanganak. Landslide ang nasabing eleksyon dahil halos lahat ng tao sa Alfonso ay s’ya ang binoto. Marami ang natuwa dahil siya ang naging Governor ngunit iilan din ang nagalit lalong-lalo na iyong nagboto sa kalaban niya. Ngayon ang unang araw ng kaniyang termino kaya dapat lang na maging produktibo ang araw na ito. “Salamat sa suporta niyo, hindi ako mananalo kung wala kayo,” ngiting sambit ni Amanda sa kaniyang ka-alyado. “Kayo lang ang nakikita naming walang halong bahid ng korapsyon at puro ang paglilingkod sa bayan kaya deserve niyo ang posisyong ito,” saad ng isa sa mga trabahante sa kapitolyo. Ngumiti lamang si Amanda sa sinabi nito at magalang na tumango. Masaya siya dahil siya ang nanalo ngunit mayroong kaba pa rin sa puso niya dahil mas malaki na ang responsibilidad kaysa dati. Dati ay nasa munispyo lamang siya ngunit ngayon ay sa buong lal
RAMDAM niya ang malamig na simoy ng hangin na bumalot sa kaniyang katawan. Napaigtad siya nang marinig ang kulog sa madalim na kalangitan. Hindi niya napansin na ilang oras na rin pala siyang nakatambay sa puntod ng kaniyang ama. Dali-dali siyang nagpaalam at sumakay sa kotse para hindi siya abutan ng malakas na ulan. Ayaw niyang magkasakit dahil kinabukasan ay may duty siya sa kapitolyo. “Shit!” mura niya nang saktong bumuhos ang ulan habang pinapaandar niya ang kaniyang kotse. Aalis na sana siya ngunit para bang may nahagip siya sa gilid ng kaniyang mata, parang pigura ng isang tao, nakatingin ito sa loob ng sasakyan niya. Nang lumingon siya sa deriksyong iyon ay bigla itong nawala. Bigla siyang kinabahan ngunit pinilit niyang maging kalmado. Agad niyang pinaandar ang kotse at hindi na lamang pinansin ang taong nakita. Siguro ay guni-guni niya lang iyon. Tama, sobrang dami lang kasi ng iniisip niya kaya kung ano-ano na ang nakikita niya. Nang makarating siya sa isang intersection
NAGISING siya dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa kaniyang pisngi. Bigla siyang umungol dahil sa matinding sakit sa katawan. Nilibot niya ang kaniyang paningin, nagulat siya dahil nasa kwarto na niya siya. Bigla siyang napabalikwas dahil sa kalituhan. Bakit nasa sariling kwarto na siya? Hindi ba nasa bahay siya ng isang estranghero? At ano nga ulit ang pangalan niya? Bigla niyang tinampal ang kaniyang noo dahil nakalimutan niyang tanungin ang lalaki. “Diyos ko, anak! Bakit mo naman tinatampal ang noo mo? Hindi ka pa okay alam mo ba iyon?” tanong ng kaniyang ina kaya nagulat siya. Eksato kasing pagpasok nito ay nakita siyang tinampal niya ang sarili niya.“P-Paano po ako n-nakauwi rito?” tanong niya sa kaniyang ina. Napahinga ito ng malalim at napaiwas ng tingin. “Mas mabuti pang kumain ka na muna ng almusal, mamaya na natin iyon pag-usapan,” seryosong wika ng kaniyang ina ngunit nagmatigasa siya. “Mom, gusto ko pong malaman ang totoo ngayon na,” saad niya ngunit hindi siya pina