Share

Kabanata 2| Save by a stranger

RAMDAM niya ang malamig na simoy ng hangin na bumalot sa kaniyang katawan. Napaigtad siya nang marinig ang kulog sa madalim na kalangitan. Hindi niya napansin na ilang oras na rin pala siyang nakatambay sa puntod ng kaniyang ama. Dali-dali siyang nagpaalam at sumakay sa kotse para hindi siya abutan ng malakas na ulan. Ayaw niyang magkasakit dahil kinabukasan ay may duty siya sa kapitolyo.

“Shit!” mura niya nang saktong bumuhos ang ulan habang pinapaandar niya ang kaniyang kotse. Aalis na sana siya ngunit para bang may nahagip siya sa gilid ng kaniyang mata, parang pigura ng isang tao, nakatingin ito sa loob ng sasakyan niya. Nang lumingon siya sa deriksyong iyon ay bigla itong nawala. Bigla siyang kinabahan ngunit pinilit niyang maging kalmado.

Agad niyang pinaandar ang kotse at hindi na lamang pinansin ang taong nakita. Siguro ay guni-guni niya lang iyon. Tama, sobrang dami lang kasi ng iniisip niya kaya kung ano-ano na ang nakikita niya.

Nang makarating siya sa isang intersection ay agad na pinara siya ng mga traffic enforcers. Binuksan niya ang bintana at nang makilala siya nito ay agad siya nitong binati.

“Magandang gabi po. Ms. Governor. Kumusta po ang unang araw niyo sa trabaho?” ngiting tanong ng isang matandang lalaki. Kahit basang-basa at umuulan ay nakangiti pa rin ito sa kaniya.

“Mabuti naman ho, Tatay. Ano pong mayroon?” tanong niya.

“Naku, Ms. Governor, pasensiya na po dahil hindi kayo makakadaan dito, naka-block na po ang daan at bahang-baha na po kasi dulo. Sa isang daan na lamang po kayo, mas ligtas po kayo roon,” suhestiyon nito na kaniya namang tinanguan.

“Sige po, Tatay. Maraming salamat po. Heto po payong, kailangan niyo po ito.” Kinuha niya ang isang folding umbrella sa kaniyang malaking bag at inabot sa matanda.

“Naku, Ms. Governor. Baka kailangan niyo po ito, huwag na po,” nahihiyang wika ni Tatay sa kaniya. Umiling lamang siya at ngumiti ng matamis.

“Sa inyo na po ito, Tatay. Mas kailangan niyo po iyan.” Wala namang nagawa ang matanda kung ‘di ay kunin ang payong na binigay niya. Nang makapag-paalam siya ay agad siyang dumiretso sa isa bang rutang tinuro ng matanda. Napangiwi at napakuyom siya dahil itong daan na dadaanan niya ay dinaanan na rin nila ilang taon na ang nakalipas. Ngayon na lamang siya babyahe rito kaya wala siyang choice.

Huminga siya ng malalim at tinahak ang daan

papunta sa mansion nila. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang makitang malapit na siya sa pinangyarihang trahediya na labis niyang kinakalimutan hanggang ngayon. Napakuyom siya ng kamao at napakagat ng labi dahil pinipigilan niyang maiyak. Bumalik na naman ang trauma niya kaya sobrang nangingnig ang kalamnan niya.

Subalit gano’n na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang may makitang tao sa gitna ng kalsada. Kita niya ang baril na nakatutok sa kaniya kaya bigla siyang kinabahan. Gusto niyang maaninag ang mukha subalit hirap siyang makita iyon dahil may maskara itong suot. Itim na maskara na sobrang pamilyar sa kaniya. Suot ng mga kalalakihang pumatay sa kaniyang ama!

Nakaramdam siya ng galit at mas binilisan pa ang drive. Nayanig ang mundo niya nang tumama ang baril sa kanang gilid banda sa may tenga niya kaya mabilis siyang napayuko. Yumuko siya para hindi siya matamaan ng bala at pilit na sinisilip ang daan papunta sa taong bumabaril sa kaniya.

Nakarinig siya nang biglang putok at alam niyang gulong niya iyon. Napamura siya dahil alam niyang mababangga siya. Nagpagewang-gewang ang kaniyang kotse kaya di na niya ma-handle ang manabela hanggang sa tuluyan siyang bumungga sa puno.

Nakaramdam siya ng papanakit ng katawan. Hilong-hilo siya at napapapikit ng mariin. Biglang humapdi ang kaniyang noo kaya napahawak siya roon, nang tiningnan niya ang kamay ay bigla siyang nagimbal.

“Shit!” mura niya nang makitang may dugo ito.

Bubuksan na sana niya ang pintuan nang makarinig ulit siya ng putok ng baril. Nagulat siya nang tinamaan ang right side mirror ng kaniyang kotse kaya agad siyang lumipat ng labasan. Mabilis siyang tumakbo sa madilim na kagubatan para makatakas sa lalaking gusto siyang patayin.

Halos nanginging siya sa sobrang lamig dahil sa ulan at kaba. Hindi niya alam kung katapusan na niya ba o ano. Pilit niyang kinakapa ang baril sa kaniyang tagiliran subalit wala siyang makapa. Damn it, baka naiwan pa niya sa kotse niya.

“Napakabobo talaga.” Tumago siya sa isang puno at rinig niya ang pagsipol ng tao sa ‘di kalayuan. Napapapikit siya dahil sa sobrang frustrations.

Tatakbo na sana siya subalit biglang may humila sa kaniya. Tinakpan nito ang kaniyang bibig subalit nagpupumiglas siya.

“Shhh. I’m here to help. Don’t worry,” bulong nito kaya napahinga siya ng maluwag.

“Follow me,” saad ng lalaki sa kaniya at hinila siya kung saan. Ilang minuto rin siyang nagpatangay sa estranghero. Halos hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa patak ng ulan na dumadampi sa kaniyang mga mata.

“S-Saan mo ako dadalhin?” bulong na tanong niya ngunit hindi siya nito pinansin. Hanggang sa nakarating sila sa isang bahay kubo. Hula niyang ito ang bahay niya. Agad silang pumasok doon at mabilis na sinarhan ang pinto. Sa pagharap ng lalaki ay bigla siyang napanganga.

Hindi sa gulat kung ‘di sa mukha nito. Sobrang gwapo naman kasi ng binata at hindi niya iyon maipagkakaila. Sobrang kinis ng mukha nito, mahahaba ang pilikmata, makapal ang kilay, may asul na mga mata, mapupulang labi at… Bigla siyang napalunok nang makita ang hubad na pangangatawan nito sa taas. Shit! Ang sarap ng mga pandesal na nakaukit sa kaniyang katawan. Kinagat niya ang kaniyang labi dahil para bang nahihipnotismo siya sa lalaki.

“Miss? Hoy, miss? Are you okay? Can you stop drooling?” tanong nito sa kaniya kaya napabalik siya sa realidad.

“What? Huh?” utal-utal na tanong niya sa lalaki. Kanina ay takot na takot siya na baka ngayon na ang katapusan ng kaniyang buhay, tanggap na niya na baka susunod na siya sa kaniyang ama sa langit subalit ngayon para bang binigyan siya ng panibagong buhay. Nasa langit na ba siya? Bakit parang ang liwanag ata ng taong ito sa patingin niya?

“Shit! You’re bleeding kaya siguro nakatulala ka na,” nag-aalalang sambit nito sa kaniya. Kaagad siyang hinila nito at pinaupo sa isang sofa.

“Stay there, I’ll get a first aid kit. Damn!”

Tiningnan niya lang ito nang walang imik-imik. Hanggang sa makabalik ito ay tulala pa rin siya. Bawat dampi ng bulak sa kaniyang sugat ay napapa-aray siya.

“Sino ba iyong taong gustong pumatay sa iyo? Mabuti na lang at lumabas ako baka kung ano na ang nangyari sas iyo. Baka nga ay patay ka na ngayon. Ano ang pangalan mo?” tanong nito sa kaniya. Napayuko siya, sasabihin niya ba ang totoo?

“Amanda Violet Chua…” Biglang natigil ang kamay ng lalaki sa ere.

“Huwag mong sabihing ikaw ang Governor ng lalawigan ng Alfonso?” gulat na tanong nito, napakagat siya ng labi dahil nakita niya nang mas malapitan ang kulay bughaw na mga mata nito. May lahi ba ito? Ano kaya ang lahi niya? Magpapalahi kaya siya rito? Tangina, Amanda maghunos-dili ka.

“A-Ako nga iyon,” kinakabahang saad niya sa lalaki at napaiwas ng tingin.

“Damn, kaya pala may tumutugis sa iyo. Mabuti at narito ako, ligtas ka rito sa lungga ko,” saad nito. Roon niya lang natitigan ang katawan nito, napakunot siya dahil puno ito ng peklat. Gusto niyang magtanong subalit nahihiya naman siya.

“S-Salamat sa tulong mo. Huwag kang mag-aalala bibigyan kita ng pabuya dahil sa ginawa mo sa akin. Ilan ang gusto mo?” she said bluntly kaya napatawa ang lalaki.

“Kayo talagang mga mayayaman, para sa inyo ang lahat ay nadadaan sa pera. Hindi ko kailangan ng pera, Ms. Governor.” Sumeryoso ang mukha nito kaya bigla siyang kinabahan. Nakakatakot pala ito kapag seryoso. Sumeryoso rin siya animo’y nasa business setting sila ngayon na kailangang makuha ang pinakaimportanteng deal.

“Puwes ano ang gusto mo?” tanong niya sa lalaki. Bigla itong nag-isip at hinimas-himas pa ang baba kaya agad siyang napalunok. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at napatango.

“Not bad,” ani nito habang tumatango.

Bigla siyang nailang at mabilis na niyakap ang sarili.

“Anong iniisip mo? Kung ano man ang naiisip mo, hindi puwede!” sigaw niya sa lalaki kaya bigla itong tumawa. Akala niya ba papatol siya sa kaniya, gwapo lang siya pero may delikadesa rin siya. Hindi niya hahayaang makuha siya ng isang lalaking hindi niya pa lubos kilala.

“Mukhang ikaw ang may maruming isip, Ms. Governor.” Sinilid niya ang mga gamit sa first aid kit box at itinabi iyon sa mesa.

“Gusto ko… Gusto ko ng trabaho, Ms. Governor, iyong pera kasi madaling maubos. Kapag trabaho naman puwede kang makapag-ipon. Baka may ekstrang trabaho sa kapitolyo puwede mo ba akong ipasok doon?” tanong ng lalaki. Napanganga siya dahil sa sinabi nito. Tama rin naman siya, ang pera mdaling maubos. Napagtanto niyang mautak din itong lalaking nagligtas sa kaniya.

Biglang naisip niya ang isang bagay. Paano kung gawin niya itong Bodyguard niya. Tutal matikas naman ito, maganda ang pangangatawan. Mukhang batak sa labanan dahil sa mga peklat nitong katawan. Para ngang leader ito ng gang kung hindi lang dahil sa inosente nitong mukha ay iisipin niya iyon.

“Be my Bodyguard, then,” seryoso niyang sabi sa lalaki. Lumawak ang ngiti nito sa kaniya at tumango. Agad na kinuha nito ang first aid kit at tinalikuran siya.

“Job accepted, Ms. Governor.”

Natawa siya nang mahina at napailing. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya sa lalaki. Siguro nakaramdam siya ng kaligtasan sa kaniya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Salamat po sa pagbabasa ...️
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
ganda ng story author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status