MAINIT ang ulo ba bumalik sa sala si Danica. Gusto niyang umalis ngunit hindi siya makalusot sa bantay. Sinindak na niya ito sinuhulan ngunit ayaw pa rin siyang palabasin. Si Brandon ay hindi na niya makausap matino dahil hindi umano ang kalagayan nito. Gusto niyang mapuntahan si Natasha at ilipat sana ng pinagtataguan.Sobrang nag-eenjoy si Rita dahil sa nakiktang galit sa mukha ni Danica. Kulang na lang ay sumabog ito dahil hindi magawa ang gustong gawin. Ito ang gusto niya, ang baliwin lalo ang babae dahil sa galit...."DADDY Gaven, saan po tayo pupunta?" tanong ni Sean, nasa beyahe na sila at kasama ang kapatid."Dadalawin lang natin ang Lolo Kanor mo at nagising na siya. Then sunod nating pupuntahan ay ang kakambal mo at lola."Masayang tumango si Sean, gusto niya sanang dalawin din ang ina. Ngunit nakausap niya kanina ang ama at sinabi nitong hindi magandang makita ni Natasha ang ina nilang nakaratay pa sa hospital bed.Tahimik lang si Natasha hanggang sa makarating sila sa hos
"ANO ang gagawin ko riyan?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Rita, habang nakatingin sa cellphone na inaabot sa kaniya ni Danica."Tawagan mo si Steven at kumustahin si Nicole." Pagalit na utos ni Danica."Bakit ako?"Naglapat ang mga labi ni Danica at pinigilang hilahin ang buhok ni Rita. Bakas pa sa labi nito ang ngiting nang-aasar. "At sino ang puwedeng gumawa maliban sa iyo?"Lalong-nag-e-enjoy si Rita sa nakikitang galit sa mukha ni Danica. "Bakit, hindi mo na ba kayang marinig mismo ng iyong tainga kung ano na ang kalagayn ng dati mong matalik na kaibigan?" nang-aasar niyang tanong dito."Punyeta, puwede bang huwag nang maraming tanong? Tawagan mo na at sabihin din na payagan na akong makalabas ng bahay!" Halos lumuga na ang mga mata ni Danica dahil sa galit."Bakit naman kita susundin? Tiyak na pupuntahan mo lang si Nicole at papatayin." Nakalabi na aniya."Bitch, inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" tumaas na ang timbre ng boses ni Danicq dahil sa pagkapikon kay Rita."Ano po
PAWISANG napabalikwas ng bangon si Danica mula sa masamang panaginip. Iginala niya ang tingin sa paligid at mataas na pala ang araw. Mabilis na kinuha qng cellphone nang maalala ang panaginip. Masama kutob niya at ang panaginip ay nilingkis siya ng ahas."Ma'am kailangan po namin ng pera at may sakit ang anak ko."Nadagdagan lamang ang pagkasira ng gising ni Danica pagkabasa sa message ng taong nag-aalala sa batang bihag niya. Kahapon pa ito humihingi ng pera sa kaniya ngunit hindi niya mapadalhan dahil hindi siya makalabas. Wala namang credit line or application online na maaring makatanggap ng pera ang mga ito."Masama rin ang kalagayan ni Brando at wala nang panggastos sa kaniyang gamot. Kapag hindi po kayo nagpadala hanggang bukas ay benta namin ang batang ito sa kaniyang ama."Pakiramdam ni Danica ay nanlaki ang kaniyang ulo pagkabasa sa bagong message ng tauhan. Galit niyang tiwanagan ito."Mabuti naman at magparamdam na kayo.""Pinagmamalakihan mo ba ako?" singhal niya sa lalak
"BAKIT ka hindi makapali? Hindi ka ba natutuwa at ramdam mo na ngayon ang pag-alala ni Kuya Steven sa iyo? Ayaw ka niyang palabasin at iniisip niya ang iyong kaligtasan." Pinalungkot pa ni Rita ang tono pero nakangiti kay Danica."Hindi ko kailangan ang opinion mo!" angil ni Danica pero sa mahinang tinig lamang dahil nasa paligid lang si Steven."Ayaw mong samahan kita ngayon? Ikaw din, baka magtaka si Kuya kapag nakitang hindi kita dinadamayan.""Leave me alone!" Nanlisik na ang mga mata ni Danica dahil sa gigil kay Rita."May problema ba kayong dalawa?"Biglang nag-iba ang timpla ng mood no Danica nang marinig ang tinig ni Steven. Pero ayaw pa rin niya itong kausapin at gusto niyang iparamdam sa lalaki na galit siya at nagseselos kay Nicole."Kuya, bakit kasi dito mo inuwi si Nicole? Kawawa naman ang kaibigan ko. Hindi mo manlang ba isinasaalang-alang ang kaniyang damdamin bilang iyong fiancee?"Kung noon ay natutuwa si Danica sa pagtatangol sa kaniya ni Rita, ngayon ay kinaiinisan
"HEY, ayos lang ako." Nakangiting hinawakan niya ang palad ni Steven."Bakit hindi mo ako tinawag? Paano kunh hindi agad ako nakabalik? Alam mong baliw ang babaeng iyon at gusto kang mawala sa kaniyang landas!"Napalabi si Nicole at galit pa rin ang binata. Sa kanilang dalawa ay mukha ito ang totoong may phobia. Hinila niya ito sa braso at pinaharap sa kaniya. Ang seryuso pa rin nito kahit ngumiti na siya rito. Nang umiwas ng tingin ito sa kaniya ay sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang palad. Mabilis na kinintalan ng halik ang labi nito.Napabuntonghininga si Steven sa pagitan ng halik nila ng dalaga. Mabilis na natunaw ang galit at pag-alala dahil sa halik nito. Pinalalim niya ang halik sa labi nito at parang uhaw na sinibasib ng halik at ginalugad ang loob ng bibig nito gamit ang kaniyang dila."Uhmm, Steven!" Tinampal niya da balikat ang binata nang maglumikot na rin ang isang kamay nito sa loob ng kaniyang t-shirt, habang ang halik ay bumaba sa kaniyang halik.Isang mala
Mabilis na tinurukan sa braso ng nurse si Danica. Ilang segundo pa ay unti-unti itong nanghina at dilat ang mga matang nakatitig sa lahat."Iyan ang nababagay sa isang katulad mo. Iupo niyo na iyan sa wheelchair." Utos ni Gaven sa tauhan.Binuhat ni Steven si Nicole, at inupo ito sa sofa bago hinarap si Gaven. "Talagang plano mong paralisahin si Danica?""Hindi ko kasi mapaghindian ang lola mo at mga bata. Gustong pumunta rito at makita kayo." Paliwanag ni Gaven.Tumakbo palabas ng bahay si Rita nang malaman na naroon ang mga pamangkin. Agad na tumulo ang kaniyang mga luha nang makita ang tatlong hawak kamay at naglalakad na papasok ng bahay. Una niyang niyakap ay si Natasha at binuhat ito.Nahihiya pa rin si Natasha at overwhelmed sa pinapakitang pagmamahal ng lahat sa kaniya.Walang kurap ang nakamulagat na mga mata ni Danica, nang makita si Natasha, at buhat ni Rita. Tahimik na napaluha siya at hindi magawang ibuka ang bibig. Maging ang mga paa at kamay ay hindi niya rin maigalaw. S
"Daniela, anak, iligtas mo ako! Huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa iyo!" pagmamakaawa ni Danica, nang ilabas na siya mula sa basement.Niyakap ni Nicole ang anak at alam niyang nalulungkot ito at naaawa kay Danica. Ang dalawang anak ay hindi na nila pinalabas pa upang hindi makita ang huli."Daniela, kapag hindi mo pinigilan ang daddy, hindi mo na ako makita kahit kailan!" Pananakot ni Danica sa bata habang pinanlalakihan ito ng mga mata.Naaawang tinitigan ni Daniela ang kinilalang ina. Malungkot siya dahil ito pa rin naman ang kinalakhan niyang ina."Sorry pero bad ka. Mula noon ay tinatakot mo po ako. Magbago na po kayo upang mapatawad nila Daddy at Lola."Nang tumawa si Danica ay itinalikod na ni Nicole ang anak at ayaw niyang makita nito ang mukhang nasisiraan ng bait na ang babae."Ilayo niyo na iyan dito at sa kulungan ang diritso. Hindi totoong nababaliw na ang babaeng iyan." Utos ni Steven sa pulis na may hawak kay Danica."No... Kayo ang dapat makulong dahil sinaktan nin
"KAILANGAN ko ba talagang magsuot ng ganito?" reklamo ni Nicole kay Danica habang sinusuri ang sariling reflection sa malaking salamin na nasa harapan nila. Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Danica habang tumatango sa matalik na kaibigan. " You look perfect!" nangni-ningning ang mga matang puri niya dito. Napalabi si Nicole at hindi pa rin satisfied sa suot niya ngayon. Halos lumuwa na ang malulusog niyang dibdib dahil sa lalim ng ukab ng suot niyang dress. Bukod sa mahaba rin ang slit sa gilid niyon na nagpapalabas sa makinis at mahaba niyang hita sa bawat hakbang ng mga paa, hapit na hapit din iyon sa kaniyang katawan. "Oh c'mon! Dapat ka nang masanay magsuot ng ganiyang damit. Alalahanin mo, nagta-trabaho ka na sa isang malaking kompanya. Asahan mo na magkaroon ng gathering na katulad ng pupuntahan natin." May punto si Danica, hindi niya rin ito mapaghindian ngayon dahil malaki ang utang na loob niya dito. Ito ang tumulong sa kaniya upang makapasok sa isang tanyag na