"KAILANGAN ko ba talagang magsuot ng ganito?" reklamo ni Nicole kay Danica habang sinusuri ang sariling reflection sa malaking salamin na nasa harapan nila. Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Danica habang tumatango sa matalik na kaibigan. " You look perfect!" nangni-ningning ang mga matang puri niya dito. Napalabi si Nicole at hindi pa rin satisfied sa suot niya ngayon. Halos lumuwa na ang malulusog niyang dibdib dahil sa lalim ng ukab ng suot niyang dress. Bukod sa mahaba rin ang slit sa gilid niyon na nagpapalabas sa makinis at mahaba niyang hita sa bawat hakbang ng mga paa, hapit na hapit din iyon sa kaniyang katawan. "Oh c'mon! Dapat ka nang masanay magsuot ng ganiyang damit. Alalahanin mo, nagta-trabaho ka na sa isang malaking kompanya. Asahan mo na magkaroon ng gathering na katulad ng pupuntahan natin." May punto si Danica, hindi niya rin ito mapaghindian ngayon dahil malaki ang utang na loob niya dito. Ito ang tumulong sa kaniya upang makapasok sa isang tanyag na
PAGBALIK ni Nicole sa bulwagan ay abala na ang kaibigan sa pakipag-usap sa iba pang kaibigan nito. Natutuwa siya sa nakikitang achievement ng kaibigan ngayon. Sa dalawang taon nitong pagkawala ay masasabi niyang malaki na ang pinagbago ng katauhan nito. Pero ang ugali nito ay ganoon pa rin na nagustohan niya. Humble at friendly pa rin at hindi nakakalimutan lumingon sa pinanggalingan. Inabala ni Nicole ang sarili sa pagmasid sa palagid habang abala ang kaibigan. Naipagpasalamat niya at hindi na siya muli nilapitan ni Xander. Nakita niyang kasama nito si Rita na nakipag-usap din sa ibang bisita ng mga ito."Hi, are you alone?" bati ng isang lalaki kay Nicole.Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nicole at tinanggap ang kamay ng lalaki na gustong makipagkaibigan sa kaniya."My name is Ralph, the manager of this hotel." Pakilala ng lalaki sa dalaga.Bumilog ang maliit na bibig ni Nicole at napahanga siya sa katikasan ng lalaki. "Nicole." Maiksi niyang pakilala sa sarili dito bago ngu
HINDI mapilit ni Danica ang sarili na makatulog. Ang katabi niyang kaibigan ay tulog na samantalang siya ay binabagabag pa rin ng mga alalahanin. Marami na siyang naisakripisyo at hindi hahayaang mawala na lang lahat ng pinaghirapan. Muling umukil sa kaniyang isipan ang kasunduang namagitan sa kanilang dalawa ng estokadang abuela ni Steven."Isang taon ang ibibigay ko sa iyo upang maibigay ang gusto ko. Kailangan bago matapos ang palugit na iyan ay mabigyan mo ako ng apo mula kay Steven. Kapag nabuntis ka na ay madali na lang e arrange ang kasal ninyong dalawa." "Fuck that old woman!" she cursed in her mind. Hindi sapat ang pagiging malapit niya kay Rita para mangyari ang lahat ng gusto niya. Toso ang matanda at nagmana dito si Steven. "Ahhhhh!" impit na hiyaw ni Danica pero naipit iyon sa kaniyang lalamunan dahil ayaw niyang makalikha ng ingay at baka magising si Rita. Napasabunot ang dalawang kamay sa sariling buhok dahil sa inis na nadarama. One month ago lang niya nalamang may
MAGULO ang isipan na nagpahatid si Nicole sa isang taxi driver pauwi sa bahay ng kaniyang mga magulang. Hindi niya alam paano at saan magsimula upang magkaroon ng linaw ng lahat ng naganap sa hotel. Biktima lamang din siya pero walang maniniwala dahil kahit sa sarili ay hindi niya rin alam paano ipaliwanag na napunta siya sa silid ni Steven. Lalo na ang bagay na nangyari sa kanila ng binata.Gusto ng sumabog ng kaniyang puso dahil sa pinaghalong emosyon. Siya ang agrabayado kung tutuusin dahil nawala ang pinakakaingatan niyang puri sa isang iglap lamang. Ang malala pa ay hindi niya asawa o boyfriend ang taong nakauna sa kaniya.Naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad na nakatukod sa kaniyang hita. Naipagpasalamat na lamang niya at mabait ang driver. Pinahiram pa siya nito ng jacket nang mapansin na nilalamig siya."Nandito na po tayo, Ma'am." Untag ng driver sa kaniyang pasahero nang tumapat sila sa adress na ibinigay nito sa loob ng subdivision."Salamat po." Inabot niya sa driver
Lumipas ang mahigit isang buwan na naging tahimik ang bubay ni Nicole. Naging secretary siya ni Mang Kanor na ngayon ay tinatawag niyang Tatay. Tumigil na rin ito sa pagmamaneho ng taxi dahil nagawa na umano nito ang misyon, ang makaligtas ng buhay ng babaeng napariwara ang buhay. At siya nga iyon at itinuring siyang anak nito. Wala siyang inilihim dito maliban sa kung sino ang nakagalaw sa kaniya."Mukhang namumutla ka, hindi ka ba nakapag-almusal?" nag-aalalang puna ni Kanor kay Nicole.Hindi magawang sumagot ni Nicole sa ginoo dahil nakaramdam siya ng panlalamig sa mga kamay at paa. Pero pinagpapawisan siya gayong hindi naman mainit ang paligid."Ang mabuti pa ay dalhin na kita sa hospital upang masuri ang iyong kalagayan."Nang lumapit sa kaniya si Mang Kanor ay biglang naduwal si Nicole. Hindi niya nagustohan ang pabangong gamit nito gayong dati pa niya iyon naaamoy. Tutop ang sariling bibig na tumakbo siya papasok ng bathroom.Malungkot na sinundan ng tingin ni Kanor ang dalaga.
"ALAM kong pinapahanap mo ang kaibigan ko." Mahinahon ngunit may himig galit ang boses ni Danica sa pakipag-usap kay Steven.Naging matiim ang tinging ipinukol ni Steven sa nobya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kunsensya para dito bilang nobyo niya. Wala itong ginawang masama sa kaniya kundi ang mahalin siya at ang kaniyang kapatid. Nawalan na rin siya ng oras dito bilang nobyo nito at ngayon ay nalaman pa ang pagpapahanap niya sa kaibigan nito.He felt guilty dahil nanatili ito sa kaniyang tabi sa kabila ng nangyari sa kaniya at kaibigan nito. Tama ito na pinahahabap niya si Nicole. Gusto lamang niyang makasiguro na hindi ito nabuntis. Kung mabuntis man ay hindi siya makakapayag na maging bastardo ang bata at lumaking hindi siya kilala."Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa inyong dalawa dahil umamin siya sa akin." Tukoy ni Danica kay Nicole."Where is she?" mabilis na tanong ni Steven dito. Ayon sa kaniyang assistant ay hindi na pumasok ng kompanya ang babae mula nang ara
MAPAIT na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nicole pagkarinig sa conversation sa pagitan ng mga magulang at Danica. Kalaunan ay tumawa siya ng pagak na ipinagtaka ni Soledad. Ang akala nito ay nasisiraan na siya ng bait."Ganiyan ka rin ba sa sarili mong anak?" nang-uuyam na tanong ni Nicole kay Soledad."Wala akong anak kaya huwag mo akong tanongin." Inis na sagot ni Soledad dito.Muling tumawa si Nicole sa ginang."Kaya pala magkasundo kayo ni Danica. Siguro nagnakaw ka rin ng anak ng iba kaya ka nawalan ng trabaho?" pagpatuloy niyang pang-aasar sa ginang.Galit ang nararamdaman ngayon ni Nicole at dissapointment para sa mga magulang. Hindi manlang nag-alala ang mga ito sa kaniya kahit para sa maging apo ng mga ito. Hindi manlang ng mga ito pinahahalagaan ang kaniyang damdamin. Mas naawa pa kay Danica kaysa sa kaniya at hindi naisip na maaring kailangan niya rin ang mga ito sa kalagayan niya ngayon.Sa halip na magalit ay ngumiti ng pang-aasar si Soledad sa babae. Nasaktan siya sa sin
"ANO ba naman iyan? Matanda ka na talaga at naging ulyanin!" pang-aasar ni Gardo sa ginang."Kung iyang binubunganga mo riyan ay tinutulongan mo akong maghanap?" angil ni Soledad dito habang hinahanap sa paligid ang cellphone. Hindi na niya matandaan kung saan iyon nailapag dahil nataranta na kanina."Mamaya mo na iyon hanapin, ito na muna ang gamitin mo!" Inabot ni Gardo ang kaniyang cellphone sa kasama.Nanatiling nakapikit lang si Nicole pero alam niyang bini-video siya ni Soledad. "Pakiusap, alagaan niyong mabuti ang aking anak. Alam kong hindi na ako magtatagal..."Mabilis na pinutol ni Soledad ang pag-record sa video bago pa madugtongan iyon ni Nicole."Pero sana ay buhayin ninyo ang tatlo kong anak." Pagpapatuloy na pakiusap ni Nicole sa dalawa habang lumuluha. Pero wala siyang nakuhang tugon sa dalawa."Ako na ang magdadala sa bata dahil hindi ka naman marunong magmaneho. Hanapin mo ang cellphone mo at tawagan si Ma'am Danica para ipaalam na hindi maganda ang lagay ng bata." N