Share

The Heir’s Forbidden Obsession
The Heir’s Forbidden Obsession
Author: Senyorita Echa

Kabanata 1

last update publish date: 2026-10-21 14:09:39

Mainit at mamasa-masa ang simoy ng hangin sa maynila, ngunit para kay Solenn, ang pagbaba sa eroplano ay tulad ng paghakbang nang diretso sa gitna ng isang bagyo.

Nanginig ang telepono sa kanyang palad sa sandaling lumapag ang kanyang mga paa sa terminal. Sinagot niya ito agad, at ang bumungad ay galit na boses ng kanyang matagal nang kaibigan at kasosyo sa negosyo.

"Ang kapal talaga ng mukha ng walang hiyang 'yan!" sigaw ni Zara De Leon mula sa kabilang linya. "Nasa Top-Pick Network ako kanina para pag-usapan ang script natin ng nabalitaan kong yung fiancé mong si Tristan, nagpapasarap ngayon sa Royal Club kasama yung bagong sikat na artista nilang si Dawn Legaspi! Malapit na ang pamamanhikan at kasal ninyo, pero kung makipagparada siya sa mga artista sa publiko, parang walang balak magpakasal!"

Si Tristan Perez ang tagapagmana ng Perez Real Estate, isang kilalang playboy na palaging sangkot sa mga tsismis at iskandalo sa telebisyon at radyo. Bagama't itinuturing na nouveau riche o bagong yaman lang ang pamilya Perez kumpara sa mga luma at maharlikang pamilya sa lungsod, sapat pa rin ang kanilang kayamanan para dagsain ng mga socialite at influencers na gustong makatuntong sa mataas na lipunan.

"Ganyan talaga ang mga lalaking spoiled," kalmadong sagot ni Solenn habang hinihila ang kanyang maleta sa gitna ng siksikan at maingay na tao sa airport, sabay ayos ng kanyang sunglasses. "Hayaan mo muna siyang magpakasaya sa playground niya."

Napabuntong-hininga si Zara sa pagtataka. Sa dalawang taon niyang pagkakakilala kay Solenn, isang matalino at napakagandang babae na tinanggihan ang napakaraming manliligaw habang nag-aaral sa abroad, hindi niya talaga mawari kung bakit tinitiis nito ang kahihiyang ibinibigay ni Tristan. Bakit siya papayag na itali ang sarili sa isang tulad nito?

"Sa kabilang banda… nabalitaan kong si Mr. Charlie Diaz, yung boss ng SH Entertainment na bumili ng script natin, nasa Royal Club din daw ngayong gabi." Pag-iiba ni Zara ng topic.

"Talaga?" walang ganang tanong ni Solenn. "Kailan pa nagkaroon ng pambayad ang isang 'yon para makapasok sa ganong karangyang lugar?"

"Wala nga siyang pera," pabulong na sabi ni Zara. "Naghahanap siya ng investor ngayong gabi. Ang balita, nakakuha raw siya ng tsansang makipagkita sa CEO ng Fox Capital Partners."

Biglang humigpit ang hawak ni Solenn sa kanyang telepono. Napahinto siya ng bahagya sa paglalakad sa gitna ng maraming tao, at parang nabara ang hininga niya sa kanyang lalamunan.

Fox Capital Partners ang pinakamalaking investment bank sa bansa, isang dambuhalang kumpanya na humahawak sa galaw ng pera sa buong Asya. At ang namumuno rito ay walang iba kundi si Hunter, ang ikalawang anak ng pamilya Vergara, ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang tao sa high society ng maynila.

Ang pagbanggit pa lang sa pangalang iyon ay sapat na upang manginig ang buong katawan ni Solenn.

"Sabi ng mga tao sa industriya, tatlong buwan daw nakiusap at lumapit si Mr. Diaz bago sa wakas ay pumayag ang boss," patuloy ni Zara, nang hindi namamalayan ang pagkabagabag ni Solenn. "Kapag nagpundar ang Fox sa atin, biglang yaman at sikat ang Cloud Studio natin."

Inayos ni Solenn ang kanyang sarili at muling naglakad nang mabilis, lumilikha ng ritmo ang tunog ng kanyang mataas na takong. "Kung ganun, sana nga magtagumpay siya."

Dahil mas alam niya kaysa kanino man kung gaano kasungit, kahirap hingan ng pabor, at i-please ang lalaking iyon.

"Teka, nakatapak ka na ba sa labas ng airport?" napansin wakas ni Zara ang ingay ng kalsada. "Susunduin na ba kita?"

"Huwag na, Ate Zara," sagot ni Solenn habang isinasara ang p***o ng nasakyang taxi. "May nasakyan na ako."

Mula sa kabilang linya, narinig ni Zara ang address na ibinigay ni Solenn sa drayber kaya napasigaw ito. "Teka… pupunta ka sa Royal Club?!"

Sumandal si Solenn sa upuan ng sasakyan at inayos ang kanyang buhok. Habang mabilis na umaandar ang sasakyan, gumuhit ang isang malapad na ngiti sa kanyang mga labi. "Oras na para hulihin ang nambababae."

Ang Royal Club ay isang napaka-eksklusibong lugar para lamang sa mga pinakamayaman. May membership f*e ito na umaabot sa milyun-milyong piso, kaya't hindi man lang ito mahahakbangan ng mga ordinaryong mamamayan.

Mabilis na nakapasok si Solenn matapos ibigay ang membership card number. Hindi na niya pinansin ang gulat na tingin ng receptionist at tuloy-tuloy na humakbang sa marangyang bulwagan.

Tumingin siya sa kanyang telepono at nilagpasan ang mga pinakamataas na palapag, kung saan naroon ang mga totoong mayaman at makapangyarihang tao sa lipunan na hindi man lang kayang pantayan ni Tristan, at diretsong umakyat sa VIP room sa ikasampung palapag.

Paglapit niya sa silid, bahagyang nakabukas ang mabigat na p***ong gawa sa mahogany. Rumaragasa mula sa loob ang tawanan, kalansing ng mga baso, at mababaw na kwentuhan. Itataas na sana niya ang kanyang kamay upang itulak ang p***o nang marinig niyang nabanggit ang kanyang pangalan.

"Uy, Mr. Perez, 'di ba ngayon ang dating ng fiancée mong galing ibang bansa? Bakit hindi mo man lang sinundo sa airport?"

"Sinundo?" puno ng kayabangan ang boses ni Tristan. "Sino ba siya para sunduin ko? Kung hindi lang dahil sa tito niyang halos magpalimos sa ama ko para lang makakuha ng kontrata sa negosyo, wala siyang karapatang makatapak sa p***o ng pamilya namin."

"Tama ka d'yan! Nabalitaan ko ring ulila na 'yan ng kinupkop lang noong isang taon para lang gamiting pambayad-utang sa lipunan," dagdag ng isa pa upang makausap si Tristan. "Ang mga babaeng walang kinagisnang malakas na pamilya, madaling pasunurin. Walang lakas ng loob magreklamo."

"Oo nga! Ilang beses mo na siyang pinagtaksilan, pero anong ginawa niya? Nagtago lang sa abroad na parang pagong na ayaw lumabas sa shell niya!"

"Tama na. Tumigil na kayo," pabebe na boses ng isang babae ang sumingit. "Hindi naman maganda na pinag-uusapan ninyo ng masama ang ibang babae."

"Bakit naman? Hindi ka man lang niya mapapantayan kahit sa isang hibla pa ng buhok mo," malambing na sabi ni Tristan kay Dawn habang pinapaupo ito sa kanyang kandungan at hinahawakan ang baywang nito. "Ano, ayaw mo bang magpakasal sa akin at maging Mrs. Perez?"

Natawa si Dawn at dahan-dahang itinulak ang dibdib ni Tristan. "Hmm, ayoko nga… nakakatamad kaya ang magpakasal."

Lalong gumaan ang loob at tumaas ang ego ni Tristan sa sagot na iyon, kaya't yumuko siya upang halikan ang dalaga.

Isang mabagal at direktang palakpak ang umalingawngaw mula sa p***o, kasunod ang unti-unting pagpasok ng isang napakagandang babae.

Natahimik ang buong silid. Nakatayo si Solenn sa may p***o, ang kanyang maputing balat, maitim na buhok, at matangkad na tindig ay agad na nangibabaw sa ganda ng lahat ng babae sa loob ng kwarto, kabilang na ang artistang nakaupo sa kandungan ni Tristan.

Biglang huminto si Tristan sa paghalik kay Dawn at nanlaki ang mga mata sa gulat. "Solenn?!"

Sa mga litrato lang niya nakita ang kanyang fiancee. Ngunit nang makita niya ito nang personal, hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa labis na paghanga.

"Napakasayang palabas naman nito," pambungad ni Solenn, malamig ngunit napakalambing ng boses habang lumilitaw ang dalawang maliliit na biloy sa kanyang pisngi. "Huli sa aktong nambababae ang fiancé ko. Wow!"

Nabalot ng takot at katahimikan ang silid. Kapag kumalat ang ganitong iskandalo, tiyak na masisira ang pangarap ng pamilya Perez na makapasok sa mataas na lipunan.

Biglang natauhan si Tristan at galit na tumayo mula sa sofa. "Kailan ka pa dumating?!"

"Sakto lang sa oras para marinig ang mga magaganda ninyong kwento tungkol sa akin," natutuwang sagot ni Solenn habang itinaas ang kanyang cellphone. "At saktong-sakto lang para ma-record ng kasama ko ang lahat ng nangyari."

Lalong nagdilim ang mukha ni Tristan. "Pinagbabantaan mo ba ako?"

Bahagyang itinagilid ni Solenn ang kanyang ulo, matamis ngunit matalim siyang ngumiti. "So, Mr. Perez… kakanselahin ba natin ang kasal ng tahimik, o gusto mong ipahiya ko na lang ang pamilya mo sa buong bansa?"

"Ipapatigil mo? Akala mo ba matatakot ako sa'yo? Akala mo ba sa ganyang drama mo ay magiging sunod-sunuran ako sa'yo?"

Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Solenn at ang hubog ng katawan nito bago muling lumitaw ang bastos na ngiti sa kanyang mga labi. "Sabagay… kailangan kong aminin na mas maganda ka pala sa personal kaysa sa litrato. Maging mabait ka lang at pagsilbihan mo ako ng maigi, baka i-consider ko pang gawin kang asawa—"

Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin, isang baso ng malamig na alak ang mabilis na naisaboy ng diretso sa kanyang mukha.

"Solenn!" galit na sigaw ni Tristan habang napapikit dahil sa hapdi ng alak sa kanyang mga mata.

Inilapag ni Solenn ang baso sa lamesa ng may katatagan.

"May patakaran ako," mahinahong sabi ni Solenn ngunit bakas ang panganib sa kanyang mga mata. "Hindi ako tumatanggap ng basura."

Ipinakita niyang muli ang kanyang telepono saka siya tumalikod at mabilis na lumabas. Sa likod niya, narinig ang malakas na pagkabasag ng baso sa sahig.

Habang naglalakad siya sa tahimik na hallway, mabilis siyang nagtipa ng mensahe sa kanyang telepono.

Solenn: Tapos na ang misyon. Na-send ko na ang bayad, at sa'yo na ang female lead role sa susunod naming script.

Agad na may lumabas na reply sa screen.

Dawn Legaspi: Salamat, Ate Sol! Galit na galit si Tristan. Gagawa na ako ng dahilan para makatakas!

Ipinasok ni Solenn ang kanyang telepono sa bag habang may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. Ang pamilya Perez ay may mataas na pride at ayaw na ayaw ng iskandalo; kapag naipit si Tristan, siya mismo ang magmamakaawang ikansela ang nakatakda nilang kasal. Hindi pwedeng si Solenn ang magsimula dahil magagalit ang pamilya niya, pero madali niyang maiipit si Tristan para ito na ang kusang sumuko.

Habang nag-iisip, lumiko siya sa pangunahing VIP corridor, at bigla siyang nabangga sa isang matangkad at may matitigas na dibdib ng lalaking nakasuot ng mamahaling amerikana.

Sa lakas ng pagbangga ay halos napaatras siya, ngunit isang pamilyar at kakaibang amoy ang agad na pumasok sa kanyang ilong, isang amoy na nagpagising sa bawat ugat sa kanyang katawan.

Napatigil si Solenn. Nanlalamig ang kanyang mukha’t mga kamay at bumilis ang tibok ng kanyang puso, na parang ibong nakakulong sa hawla na nagwawala dahil gustong kumawala.

Ang katatagan at tapang na ipinakita niya kanina ay biglang naglaho. Hindi man lang niya maangat ang kanyang ulo para tumingin sa lalaking nabangga niya.

Kusa na namang nagbalik sa kanyang isip ang mga alaala na matagal na niyang pinilit ibaon, ang matigas na dibdib kung saan siya nauntog, ang matangkad na mga binti na minsan na niyang naupuan, at ang napakalakas at nakakalunod na presensya ng lalaking minsan ay naging buong mundo niya.

Huminto ang matangkad na lalaki nang mga dalawang segundo. Nang walang sinasabi kahit isang salita, dumaan ito sa tabi niya at nagpatuloy sa paglalakad gamit ang mahahabang hakbang.

"Mr. Vergara," tanong ng assistant na nakasunod sa kanya. "Kilala niyo po ba siya?"

Sa gitna ng tahimik na hallway, isang malalim, malamig, at walang pakialam na boses ang umalingawngaw at umabot sa mga tainga ni Solenn: "Hindi."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heir’s Forbidden Obsession   Kabanata 5

    Biglang napaupo ng tuwid si Solenn sa kama, gulat sa sarili niyang napanaginipan.Panaginip lang pala!Sa kanyang panaginip, kasama niya si Hunter.Tinapik niya ang kanyang noo at napahawak sa kanyang mukha habang bumabalot dito ang labis na kahihiyan at pag-iinit ng pisngi.Solenn! Solenn! Tama na, okay? Talagang wala ka nang pag-asa!Kapag pumasok na si Hunter sa isip niya, agad na nagiging pilyo at nakakahiya ang kanyang mga iniisip!Tumunog ang kanyang telepono sa tabi. Nang tingnan niya ang screen, nakita na naman niya ang nakakainis na pangalan ng kanyang tiyuhin. Ang kaninang mabilis at kinakabahang tibok ng kanyang puso ay agad na lumamig, at ang init sa kanyang katawan ay tuluyang napawi."Hello?" Ang galit na sigaw ni Miguel ang agad na sumambulat sa kabilang linya. "Umuwi ka rito ngayon din!"Ang subdivision at bahay ng pamilya Ortega ay matatagpuan sa gilid ng lungsod. Karamihan sa mga nakatira doon ay tulad din ni Miguel—hindi naman sobrang yaman, ngunit kailangang magpan

  • The Heir’s Forbidden Obsession   Kabanata 4

    Walang balak si Solenn na magpakatanga para lang amuin si Tristan at suyuin ang ego nito at agad na ibinaba ang telepono.Subalit alam niyang hangga't hindi pa opisyal na nakakansela ang kanilang kasal, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magtiis at pakisamahan ang pamilya Perez.Dahil ang bagay na pinakagusto niyang makuha ay hawak ni Miguel, at siya lang ang tanging nagmamay-ari nito. Wala siyang sapat na kakayahan para kalimutan ang kasunduan nila. Ngunit kung ang mismong tagapagmana ng pamilya Perez ang kusang makikipagkalas, mas mapapadali ang lahat para sa kanya.Matapos mag-check in sa reception desk, inakyat niya ang kanyang maleta patungo sa kanyang kwarto.Bahagyang huminga ng malalim si Solenn. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang payat na mga daliri sa kanyang ilong at inamoy ang mga ito. Nandoon pa rin ang amoy ni Hunter. Sa isang maikling oras ng pagsakay lang sa kotse nito, naiwan na agad sa kanya ang bakas ng pabango ng lalaki.Bata pa lang siya ay kapansin-pansi

  • The Heir’s Forbidden Obsession   Kabanata 3

    Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, direktang tumingin si Solenn sa kanyang mga mata.Naka-black suit siya nang walang kurbata, at ang kanyang puting polo ay bahagyang nakabukas ang ilang butones, na nagpapakita ng magandang hubog ng kanyang leeg at dibdib.Ang kaswal na pananamit na ito ay malinaw na nagpapakita ng isang bagay: wala siyang kaunting pakialam sa paanyaya ni Mr. Diaz. Hindi man lang niya ito itinuring na mahalagang bagay.Nanghinayang si Solenn para sa kanyang kasosyo. Paano nga ba naisip ni Mr. Diaz na makipagkasundo sa isang taong tulad ni Hunter na napakasungit at imposibleng mapapayag ng ganun lang kadali?Sira agad ang malaking pag-asa ni Zara.Hindi agad sinagot ng lalaki ang pambabastos niyang pagbati. Ang mga mata nitong tulad ng sa lawin ay nakatitig lang sa kanyang mukha. "Kailan ka pa nakabalik?"Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ang titig ng lalaki ay malalim at walang katapusan.Dahil sa takot sa sariling kahinaan, mabilis niyang iniwas ang kanyang

  • The Heir’s Forbidden Obsession   Kabanata 2

    WARNING / MATURE CONTENT (18+)Ang kabanatang ito ay naglalaman ng eksenang angkop lamang sa mga mambabasang may sapat na gulang (SPG/Explicit Scenes). Reader discretion is advised.Malinaw pa rin sa alaala ni Solenn ang gabi ng tag-init na iyon, doon din sa Royal Club, sa pinakamataas na VIP suite.Tahimik at bakante ang malawak na silid, puno ng amoy ng mamahaling matamis na alak.Nang gabing iyon, dala ng lakas ng loob mula sa epekto ng alak, umupo siya sa kandungan ni Hunter.Sa ilalim ng nagniningning na chandelier, kitang-kita ang napakaguwapong mukha ng lalaki na parang inukit at ginawa ng perpekto. May pangangatawan din itong madaling malaman kung anak-mayaman ito. Isang tingin pa lamang ni Solenn sa lalaki ay sapat na upang mapabilis ang tibok ng puso niya.Ang kanyang mainit na hininga ay parang humahalik sa leeg ng lalaki. Namumula ang pisngi, malabo at medyo umiikot na rin ang kanyang paningin dahil sa tama ng alak, at ang buo niyang mundo ay umiikot na lang sa lalaking na

  • The Heir’s Forbidden Obsession   Kabanata 1

    Mainit at mamasa-masa ang simoy ng hangin sa maynila, ngunit para kay Solenn, ang pagbaba sa eroplano ay tulad ng paghakbang nang diretso sa gitna ng isang bagyo.Nanginig ang telepono sa kanyang palad sa sandaling lumapag ang kanyang mga paa sa terminal. Sinagot niya ito agad, at ang bumungad ay galit na boses ng kanyang matagal nang kaibigan at kasosyo sa negosyo."Ang kapal talaga ng mukha ng walang hiyang 'yan!" sigaw ni Zara De Leon mula sa kabilang linya. "Nasa Top-Pick Network ako kanina para pag-usapan ang script natin ng nabalitaan kong yung fiancé mong si Tristan, nagpapasarap ngayon sa Royal Club kasama yung bagong sikat na artista nilang si Dawn Legaspi! Malapit na ang pamamanhikan at kasal ninyo, pero kung makipagparada siya sa mga artista sa publiko, parang walang balak magpakasal!"Si Tristan Perez ang tagapagmana ng Perez Real Estate, isang kilalang playboy na palaging sangkot sa mga tsismis at iskandalo sa telebisyon at radyo. Bagama't itinuturing na nouveau riche o b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status