Kanina pa nang gigil si Denver sa mga tauhan niya. Simpleng utos lang hindi pa kasi magawa ng mga ito. Ang laki ng binabayad niya sa mga tauhan niya tapos sasablay lang. Sobra siyang naiinis na hindi niya maipaliwanag ang kanyang sarili. Parang gusto niyang pumatay sa galit niya. Nang makapasok ang limang tauhan niya agad niyang nilabas ang barili niya. Isa-isa niyang tinutukan ang mga ito ng salitan. Kita ang takot at nginig ng mga tuhod nito. At tila nagmamaka awa sa kanya may ilang lumuhod pa. Pero hindi siya maawain na tao.. "Boss, hindi na mauulit." wika ni Peter. "Bull shit! Talagang di na mauulit. Palitan mo yang mga bobo mong tauhan. Mga inutil, isang babae lang hindi niyo pa makuha." gigil na bulyaw niya sa mga tauhan na nasa harapan. Anumang oras ay kakalabitin na niya ang gatilyong hawak. "Boss hwag naman ganyan. Babawi kami ng mga tauhan ko. Pag bigyan mo na kami at hindi ka na namin bibiguin." takot na wika ni Peter. Pero hindi siya dapat matakot at kilala naman n
Habang natagal ang mga buwan lalong naobsessed si Denver kay Kattie, at wala siyang pakialam kahit na may asawa pa ito at anak. Ilang buwan niya ring pinag isipan ang mga hakbang na gagawin niya mapasakamay niya lang ang babaeng pinaka aasam asam nito. Kagaya ng nakita niya itong kasama ang asawa na si Jericson. Halos mainis talaga siya at sirang sira ang buong gabi niya. How he wish na sana sila na lang dalawa nito. He drank alone while thinking about Kattie. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ng ilang sandali. Hanggang sa nakita niya na ito na inaasikaso siya nito, inaalagaan at pinapaliguan. Sobrang exaggerated na nga kaso hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman. Natigil lang ang pag iimagine niya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Ringing..... Tumayo siya at kumunot ang noo ng kunin ang kanyang cellphone habang inaalam kung sino nga ba ang tumawag na sumira ng kanyang imagination. At ng nakita niya ang name ni Lex nainis siya. "What??" tanong nito.
One Month Later.. Balik na ng MGCorp si Jericson. Handa na siyang humarap sa lahat. Habang si Kattie naman ay aasikasuhin na ang JGCorporation. Natapos na rin ang renovation at ready na silang bumalik sa operasyon. Habang nasa MGCorp si Jericson may mga taong na hindi naman inasahan na makikita niya. Nagmeet na sila ni Denver. Hindi niya gusto ang kagaspangan ng ugali nito kanina. Hindi niya malaman kung bakit iba ang pakikitungo nito sa kanya kumpara sa iba. Wala naman siyang natatandaan na may nagawa siya ritong mali. Para umasta ito ng ganoon sa harapan niya kanina. Kong wala lang sila sa conference room kakausapin niya ito at magtatanong kaso naisip niya na baka wala lang sa mood ang lalaki kanina kaya ganon. Pagpapasensyahan niya na lang ito. Well in fact natuwa siya na part na ito ng mga board members. Nasa loob siya ng opisina ng tumawag si Kattie. Sinagot niya ang tawag ng kanyang asawa. Sinabi lang nito na sabay na silang umuwi at dadaanan siya nito sa MGCorp kapag m
Walang pasok si Kattie sa MGCorp at sinadya niya iyon ng mabalitaang nagbalik na si Nicholo at Denver sa MGCorp kaya gusto niyang iwasan ang mga ito, dahil alam naman niya na gulo lang nag hatid ng dalawa sa buhay niya. Maaga siyang nagising para magprepared ng breakfast ng mag-aama niya. Papasok na kasi sa school si Kenjie at si Janica naman ay mamaya pa magigising. At ang asawa naman niya ay magwo walking pa sila para mas gumanda ang paglalakad nito at medyo nagbabalanse pa rin kasi ito sa paglalakad. Medyo napuruhan kasi ng bahagya ang paa nito sa car accident kaya hirap pa ito kapag naglalakad. Nakapag teraphy naman na ito kaso lang may mga times na parang ma a out of balance ang kanyang asawa kaya nandyan siya para alalayan lang ito. Pagkatapos niyang magluto ng breakfast. Bumaba na ang anak niyang si Kenjie at nakangiting bumati sa kanya. "Good Morning, Mom." wika nito. "Good Morning, son. How's your sleep?" tanong niya habang nagpeprepared siya ng makakain nito at ang pa
Nailbas na nga niya sa ospital ang kanyang asawa. At sa bahay na lang ito magpapatuloy sa pagpapagaling at magpapalakas. Ang mahalaga mauuwi na niya ito. Nasa Mansyon na sila at sumalubong ang kanilang mga anak sa daddy nito. Makikita at mahahalata mo sa mga bata na namiss nila ang daddy nila. Hinayaan niya ang mga bata na yakapin ito pero saglit lang rin at pagod ito at kailangan ring magpahinga. Maingat na inalalayan niya ang asawa papanhik sa itaas hanggang sa kanilang kwartong mag-asawa. "Finally, I'm home." wika ni Jericson. "Yes, love. Finally you're here." sagot naman ni Kattie sabay yakap rito. Hinalikan niya rin ito ng mabilisan lamang at alam naman niya na kailangan pang magrest ng asawa niya. "Mahiga ka na love. Kailangan mo ring uminom ng gamot para tuluyan ka ng gumaling. Mabuti at malaki ang progress mo kaya nakauwi na tayo. "Love, may pasok pa. Sige na kaya ko naman dito. Iwan muna lang sa table ang mga gamot na kailangan kong inumin." wika nito. "Ok, lov
Natahimik ang buhay ni Kattie ng ilang linggo ng walang Nicholo na sumulpot at Denver na papansin. Hindi niya rin kasi alam kung paano pa pakikitunguan ng maganda ang lalaki gayong may hindi na sila magandang pagkakaunawaan. Hindi nga niya nabanggit ito sa kanyang asawa at baka maiba pa ang interpretasyon nito sa nangyari. Wala naman itong nagawang masama so far kaya hayaan na lang niya. Iiwasan na lang niya ito kung sakaling magkrus muli ang kanilang landas. Buong araw nasa MGCorp siya at gabi na siya nakauwi ng bahay dahil dumaan pa siya sa ospital para asikasuhin ang running bills ng asawa. Lalo na't isang linggo na lang malapit na itong madischarged. Pagpasok niya sa loob ng Mansyon sinalubong siya ni Mila. "Besh, kaya pa ba?" tanong nito. "Kaya pa naman besh. At kakayanin para sa family ko. Kamusta ang mga bata, gising pa ba sila?" tanong niya. "Actually, si Janica iyak ng iyak kanina at hinahanap ka pero nakatulog na rin ng ihele ng nanny niya." sagot nito. Napaupo s