Share

Kabanata 4

Penulis: Luzzy0317
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-14 16:52:28

"Nevermind! Alam mo Nicholo hindi ko akalain na tanga ka! Wala kang balls.." panunuya ko sa kanya para malaman niya ang katangahan niya.

"Kattie, until now you're such a freaking liar. Bakit ka pa ba bumalik dito? At talagang sinama mo pa ang anak mo ng bunga ng kataksilan mo sa akin. Disgrasyadang babae--" hindi ko na siya pinatapos pa para insultuhin niya ang pagkababae ko.

Slap...

Isang nakabibinging sampal ang ginawad ko rito. Hindi ko hahayaang laitin niya kaming mag-ina. Wala siyang alam kasi tanga siya. Tanga siya dahil nagpaniwala siya sa sulsol ng ahas kong step sister. Bagay na bagay silang dalawa ni Eden parehas silang basura sa paningin ko.

"Damn you!!" bulyaw niya. At doon na lumabas ang magaling kung ahas na evil step sister.

"Kattie, what's wrong with you?? Bakit mo sinaktan ang fiance' ko???" galit na galit na sigaw ni Eden na gustong sumugod pa sa akin ngunit mabilis siyang inawat ni Nicholo.

"Stop it babe. Don't waste your energy to her. Halika pumasok na tayo sa loob ng makapag usap na tayo sa nalalapit nating kasal." saway nito.

"Wow! Congratulations!" bati ko sabay palakpak. "Ikakasal na pala ang ahas. Ay mali aso kasi sanay ka naman kumain hindi ba ng mga tira tira ko???" pang-aasar ko rito. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. At tama yan gustong gusto ko yan dahil kulang pa yan sa lahat ng atraso niya sa buhay ko. Hindi ko malilimutan ang gabing pinahamak niya ako. Ang tanga ko lang dahil buo ang tiwalang binigay ko sa kanya.

"What did you say?? Sumosobra ka ng babae ka! Bakit ka pa ba bumalik balik dito? Bumalik ka kung saang lupalop ka ng mundo naroon. Hindi ka namin kailangan dito." sigaw niya at halatang nababaliw na siya.

"Bakit masakit bang marinig ang katotohanan? Eden, na naghihintay ka lang ng buto na tira tira ko. At isa pa sampid ka lang naman sa pamilya namin. Hindi ka tunay na anak ng Daddy. You don't have any flesh of blood running in my Dad's blood. So, paano mong nasabing hindi ka sampid? In the first place you're not legally adopted." wika ko at malaking sampal sa pagmumukha niya iyon.

"Anong sinabi mo, bawiin mo iyan. Legal akong tagapagmana ni Daddy. Isa akong Johnson." sigaw niya at sa pagkakataong ito naghihysterical na siya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya. Wala siyang kaalam alam sa lahat.

"Hindi ko na babawiin pa ang mga sinabi ko." natatawang sagot ko sabay walk out.

"Mommy, who are they?" tanong ng anak ko. Sa sobrang galit ko muntik ko ng maalala na kasama ko pala si Ken. He heard everything mabuti na lang talaga hindi siya masyadong maalam sa tagalog.

"They are nothing son. Shall we go now? Your Mamita Ellie miss you so much." yakag ko rito.

"Really? I miss Mamita too, Mom." nakangiting wika ng anak ko.

"Yes, son." nakangiting sagot ko at pinapasok ko na siya sa loob ng sasakyan. Pinaharurot ko na rin palayo ng Mansyon. Maling mali na nagpunta pa ako sa lugar na iyon. Hindi na nila ginalang ang anak ko lalo na si Dad apo niya ang anak ko. Pero, ngayon kakalimutan ko na rin rin siya. Kakalimutan kong may Daddy pa ako..

Habang nagdadrive ako muling pumasok sa akin ang lalaking nakasabay namin sa plane.. Hindi ko lubos maisip na magku krus muli ang landas namin. Pero, hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya dahil ayokong kunin niya sa akin ang anak ako. Masaya na kami ni Kendrick na dalawa lang, nabuhay at napalaki ko siya ng maayos ng walang katuwang sa buhay kaya alam kong hindi ko siya kailangan..

Maya maya lang nakarating na kami ng Tagaytay kung saan nakatira si Tita Ellie ang kaisa-isang kapatid ng Mommy ko. Kaya siya ang takbuhan ko kapag nag aaway kami ng Daddy lalo na nang muling nag asawa ito. Hindi ko matanggap noong una kaya tila pinaunawa sa akin ni Tita Ellie ang lahat. Buong akala ko mabait ang step Mom ko at step sis ko ayon pala hindi. Nagtatago sila sa pagbabalat kayo nila na parang tupa ayon pala mga tigre na anumang oras ay lalapain ako. Katulad ng ginawa nila kaya napatalsik ako sa Mansyon at sobrang sakit sa akin ng malaman na ang Daddy ko na siyang dapat ang maging kakampi ko ay siya pang nagtalikdan sa akin.

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay ni Tita Ellie at kung hindi pa ako tinapik ng anak ko hindi ako babalik sa reyalidad.

"Mommy, I think we're here now." aniya. Kaya napalingon ako sa labas at tama ang anak ko nasa tapat na nga kami ng gate ng bahay ni Tita Ellie. Siya lang ang nakatira dito dahil hindi nag asawa si Tita Ellie simula ng namatay ang fiancee niya. Si Tito Ronaldo, her first and last boyfriend.

Bumaba na kami ng kotse inalalayan ako ng anak ko. Imbes na ako ang aalalay sa kanya siya ang umalalay sa akin. Napaka sweet talaga ng anak ko.

Hindi alam ni Tita Ellie na darating kami ngayon sinadya kong hindi ipasabi sa kanya para ma surpresa namin siya. The last time na nagkita kami e, 5 years old pa lang si Kenjie bago kami mag migrate sa America...

Nag doorbell ako at lumabas ito. Nanlaki ang mga mata niya. "Kattie, hija ikaw ba yan???" gulat na gulat na wika nito at napatakbo pa palapit sa amin.

Nang mabuksan niya kami ng anak ko niyakap ko siya at napatingin siya sa anak ko. "Is this Ken???" tanong nito ng kumawala sa pagkakayakap sa akin.

"Yes, Tita Ellie." nakangiting sagot ko.

"Wow! Ang laki na ng apo ko. Dati rati ang liit pa nito ng huling kita namin ah. Ngayon pa binata na siya...

Nakatulala ang anak ko at tila iniisip ang sinabi ng kanyang Lola..

"She said that you're already big boy now." wika ko.

"Ay! Sorry! Apo english spokening dollar ka pala." biro ni Tita Ellie. Mas lalong napanganga ang anak ko.

"Shall we??" aya ko sa kanila.

"Ay! Oo tara sa loob at nagluto ako ng kare-kare na paborito mo hija. Namiss kasi kita kaya parang kasama na rin kita. Hindi ka naman nagpasabi ng nasundo sana kita." ani nito.

"Naku! Hindi na kailangan Tita Ellie, kaya ko naman saka gusto talaga kitang isurpresa." wika ko.

Nang makapasok kami sa loob napangiti ako at tila hindi nagbago ang itsura ng loob ng bahay nito sa limang taon nang huli ko itong nabisita. Medyo nagtagal rin kasi kami ng anak ko dito sa bahay niya noon. Siya lang ang nasandalan ko ng panahong down na down ako at halos kamuhian na ako ng sarili kong ama. Siya ang nandyan para turuan akong lumaban at bumangon para sa anak ko. Kapag naaalala ko ang lahat ng iyon naiiyak ako ng sobra at napapa isip na napaka swerte ko na kahit maagang nawala si Mommy nandyan si Tita Ellie para maging Mommy ko rin..

Nang nasa hapag na kami at nakukwentuhan habang nakain. Tahimik ang anak ko at hindi man lang namamansin marahil wala siyang maintindihan sa usapan namin ng kanyang lola. Kaya maya maya lang nagpaalam na rin ito at naiwan na lamang kaming dalawa ni Tita Ellie..

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Bratinela17
Ang bait naman ni Tita Ellen ni Kattie.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 149

    Masaya si Jericson na muling nagkasama silang dalawang mag-asawa. Sa palagay niya naman wala na siyang hihilingin pa. Magkatabi silang mag-asawa sa kama. Kasalukuyang tulog pa si Kattie sa tabi niya habang hinahaplos niya ang buhok nito. Buong akala niya hindi na darating pa ang araw na ito sa kanilang dalawang mag-asawa. Pero masaya siya na dumating pa. Nang nalaman niya na may kinakasamang iba ang kanyang asawa sobra siyang nasaktan at akala niya ay wala na siyang pag-asa rito pero ng dumating ito sa kumpanya niya nabuhayan siya ng pag-asa at ng malaman niya ang totoo sobra niyang saya. Nang magmulat ng mata si Kattie ngumiti siya sa kanyang asawa. "Love, bakit?" tanong ni Kattie. "Wala lang love, naalala mo na pala ang tawagan natin." ani ni Jericson. "Medyo lang love pero hindi pa lahat malinaw sa akin." sagot niya. "Ok lang yan love ang mahalaga kahit paano may naalala ka na sa nakaraan mo." sagot nito. "Wait kailan ba tayo uuwi love at namimiss ko na rin ang mg

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 148

    Matapos ang yakapan ng dalawa dinala ni Jericson si Kattie sa labas ng building at pinasakay ng kotse. Nag drive siya papalayo hanggang sa dinala niya ito sa tahimik na lugar kung saan sila makakapag usap ng maayos na dalawa. Medyo naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari. Umiiyak pa rin si Kattie ng makarating sila sa Baguio.. Dito niya dinala ito para malamig at tahimik naman ang lugar. Nag check-in sila dito para mas makapag usap sila ng masinsinan. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ba hinayaan na kitang magsama kayong dalawa.. Pumayag na akong kalimutan mo kami..Tapos ngayon gumaganyan ka. Ano ba talagang nangyayari sayo?" tanong ni Jericson kasi miski siya ay hindi niya talaga naiintindihan ito. "Alam ko na ang lahat ng totoo. Hindi pa man nabalik ang alaala ko pero nakita ko na kung ano ang totoo." naiiyak na sagot ni Kattie. Pautal utal pa siya dahil umiiyak siya. Nasayang ang mga araw na sana ay kasama ko kayo ng mga anak natin. Sorry, hindi ko talaga alam." sagot ni K

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 147

    Kinagabihan habang nakain ng dinner hindi maiwasang mag open ni Kattie kay Denver tungkol kanina sa naging bisita nito ng wala pa ang kanyang asawa at bago sila mag pang-abot na dalawa. "Honey, siya nga pala kanina may nag punta dito na mga lalaki hinahanap ka at isa parang galit siya ng nakita ako." panimulang kwento ni Kattie sa kanyang asawa. "Oh! Tapos, may sinabi ba siya honey o ibinilin sa akin?" tanong ni Denver sa pag-aakalang kakilala niya lang ito. "Wala naman honey, pero nagtataka ako sa isang lalaking galit na galit sa akin. Sinumbatan pa nga niya ako na iniwan ko raw sila ng mga anak namin." sagot ni Kattie. Bigla naman natigilan si Denver sa pagkain ng marinig ang huling sinabi ni Kattie sa kanya. "Sinong lalaki? Nabanggit ba nito ang pangalan niya sayo?" tanong ni Denver dahil malakas ang kutob niya na natunton na ni Jericson kung nasaan silang dalawa ni Kattie at tiyak siyang babalik ito para guluhin silang dalawa kaya hindi siya papayag. "Hindi e, ang weir

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 146

    Patuloy ang buhay ni Jericson kahit wala pa rin ang kanyang asawa hanggang sa muli siyang naktanggap ng tawag mula kay Peter sa kanyang private investigator. Sinagot niya agad ito at sinabi sa kanya na magkita sila mamaya at may mahalaga itong sasabihin sa kanya. Pumayag siya at nakipag kita siya dito. Nagkita sila sa bandang Laguna medyo malayo ito sa kanyang lokasyon ngayon pero handa siyang dumayo malaman niya lang ang katotohanan sa pagkawala ng kanyang asawa. Tinatahak niya na ang daan patungong SLEX dahil ito lang naman ang alam niyang mabilis na way para makarating siya ng Laguna. Pagpasok niya ng SLEX tuloy tuloy ang kanyang byahe hanggang nakarating siya ng Nuvali. Dito kasi sila magkikita ni Peter naghanap lang siya ng mapapark-an na maayos at tinawagan na niya ito. "Nandito na ako, nasaan ka?" tanong niya. "Nandito na rin ako Mr. Miller." sagot naman nito. "Ok. Hanapin mo lang ang land cruiser na sasakyan ko." bilin niya bago i-off ang tawag. Maya maya lang naki

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 145

    Kanina pa bored si Kattie sa rest house kung saan sila naka stay ni Denver. Hindi pa rin siya nakaka alala at hinayaan niya na lang na gumawa sila ng bagong memories. Ngayon nga naghahanda siya sa pag uwi nito. Pinagluto niya ulit ng hapunan. Nag prepared rin siya ng something extra special para rito. Alam naman niyang pagod ang kanyang asawa sa mga inaasikaso nito. Kahit ganon na nasa rest house lang siya masaya naman siya. Nang sumapit ang hapon at naghahanda na nga siya sa pagdating nito. Nakapag luto na siya at nakapag handa ng biglang tumawag ito. "Honey, hindi ako makakauwi ng maaga. Kumain ka na at hwag muna akong hintayin pa." wika nito. Hindi na siya nakasagot lalo nag baba na rin ito ng tawag.. Inis na inis siya sa kanyang asawa pero gayunpaman iniintindi na lang niya rin ito. --- Habang nasa office si Denver sarap na sarap siya sa pag kain ng kanyang secretary sa kanya.. Ilang linggo na siyang nagtitiis na walang sex life dahil umasa siyang ibibigay ito ng k

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 144

    Nang magsimula ang palabas kitang kita niya ang pagtutok ng mga mata ng kanyang anak sa screen. Tahimik at ayaw man lang magpaistorbo nito kaya hinayaan niya na lang ang mga ito sa gustong gawin. Habang siya naman ay masayang nakatunghay sa mga ito. At natutuwa siyang nag e-enjoy ang kanyang mga anak. Maganda ang movie na kanyang napili. May mapupulutang aral talaga kahit na cartoon character. Nang matapos ang isang palabas nakatulog na ang kanyang prinsesa kaya naman si Mila na ang nag akyat rito para magpatuloy sa panunuod ang mag-amang si Jericson at Ken. Habang nanunuod sila biglang nagring ang cellphone ni Jericson kaya napalabas ito ng tent para alamin kung sino nga ba ang natawag sa kanya dis oras na ng gabi. Nang ma-i-check niya ito si Peter pala kaya agad niya itong kinausap. "Boss, kanina habang hinihintay ko lumabas sa airport si Mr. Denver Monasterio, biglang may kasunod itong babae pagkatapos inakbayan niya pa." panimula nito. "Babae? Nakilala mo ba kung sino ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status