Share

1

Penulis: elsewhere225
last update Tanggal publikasi: 2026-11-03 13:17:18

Chapter One

"You have to marry Dominic Del Gaia, Arabella."

Hindi pa man ako tuluyang nakauupo ay iyon na agad ang bungad ni Papa. Napahinto ako sa paghila ng upuan at napatingin sa kaniya, umaasang may kasunod pa siyang paliwanag. Ngunit nanatili lamang siyang nakasandal sa swivel chair niya, seryoso ang mukha at walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan.

"Excuse me, Papa?" parang mali ata ang narinig ko.

"You heard me."

Dahan-dahan akong napatingin sa mga taong naroroon sa office niya. Narito ang mga kapatid niya, sina Auntie Isandra at Auntie Zenny, pati si Uncle Max. Naroon din ang lola ko at ang pinsan kong si Isadora.

Si Isadora ang mas nakakuha ng pansin ko. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang tissue habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi. Namumula ang kaniyang mga mata, at paminsan-minsan ay sumisinghot siya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya, pero mukhang matagal na siyang umiiyak.

"What's going on?" maingat kong tanong.

"There's a problem, and you're going to help us solve it," sagot ni Papa.

Lalong kumabog ang dibdib ko.

"What problem, Papa?"

"Isadora doesn't want to marry Dominic."

Napatingin ako sa pinsan ko. Kaya ba siya umiiyak ay dahil doon?

"Isadora?"

Umiling siya habang muling pinupunasan ang kaniyang pisngi.

"I'm sorry, Arabella. I just can't do it."

"Why?"

"Because I'm not ready to get married. I still have so many things I want to do. I want to travel, establish my own business, and experience life. I don't want to spend the rest of my twenties being someone's wife."

Napatango ako nang bahagya. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Hindi biro ang magpakasal, lalo na kung hindi mo pa nararamdamang handa ka na.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako ang kailangang pumalit sa kaniya.

"So, what happens now?" tanong ko.

"You'll take her place," diretsong sagot ni Papa.

Napatingin ako sa kaniya.

"Me?" naituro ko pa ang sarili ko para lang makatiyak kung tama ang narinig ko.

"Yes. You're going to marry Dominic."

Agad akong umiling.

"No, Papa."

Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"What did you just say?"

"I'm sorry, but I can't agree to this."

Napahampas siya sa mesa.

"Arabella!"

Napapitlag ako sa lakas ng boses niya. Agad kong pinagdikit ang mga labi ko, ngunit hindi ko binawi ang sinabi ko.

"Why can't you agree? Give me one good reason."

"Because I have plans of my own, Papa. I still have dreams I want to pursue. I'm not ready to get married."

Katulad ni Isadora ay marami pa rin akong goal.

"That's not a valid reason."

Napatitig ako sa akin ama nang marinig ko ang sinabi niya.

"But it's my life, Papa."

Nagpalitan ng tingin ang mga tiyahin ko. Si Auntie Zenny ay napailing habang si Auntie Isandra naman ay bahagyang umayos ng upo.

"Don't be selfish, Arabella," saway ni Auntie Isandra. "This isn't just about you."

Napatingin ako sa kaniya.

"I'm not trying to be selfish, Auntie. I'm only asking you to consider my feelings, too."

"Your feelings?" ulit ni Auntie Zenny. "What about the family's reputation? What about the agreement we've made with the Del Gaias?"

"Then why can't we find another solution?"

"There is no other solution," sagot ni Papa. "The marriage will push through, and you'll be the one marrying Dominic."

Napahigpit ang pagkakasalikop ng mga daliri ko.

"But why does it have to be me?"

Bakit ako? Bakit ako ang kailangan sumalo ng responsibilidad na nakaatang kay Isadora? Bakit kailangan ako na lang lagi ang pinapasalo kapag ayaw gawin ni Isadora ang mga bagay-bagay?"

"Because Isadora refuses to do it."

Napatingin ako sa pinsan ko. Tahimik na lamang siya ngayon, nakayuko at hawak ang tissue sa magkabilang kamay.

"Then why can't she be given more time?" tanong ko. "Maybe the wedding can be postponed. We can talk to the Del Gaia family and explain the situation."

"That's enough," malamig na sabi ni Papa. "We're not going to beg them to understand us."

"But---"

"Do you want to embarrass this family?"

Umiling ako.

"No, Papa."

"Then stop making things difficult."

Napayuko ako sandali. Gusto kong ipaliwanag na hindi ko naman layuning sirain ang kasunduan ng dalawang pamilya. Gusto ko lang sanang magkaroon ng pagkakataong magdesisyon tungkol sa sarili kong buhay.

Pero tila walang puwang para sa paliwanag ko.

"Papa, please," muli kong sabi. "I have dreams, too. I don't want to get married just because someone else doesn't want to."

"Are you saying you refuse to help your family?" sa pagkakasabi niya no'n ay para bang napaka-selfish kong tao. Hindi. Hindi ako gano'n. Alam ng lahat kung gaano ako mapagbigay. Pero iyong gusto nila ngayon ay hindi ko kayang tanggapin na lang.

Hindi ako agad nakasagot.

"That's not what I mean."

"Then what do you mean?"

Huminga ako nang malalim.

"I want to have a choice."

Biglang tumayo si Papa mula sa kaniyang upuan.

"Choice? You think this is about what you want? You're an Alcantara, Arabella. You have responsibilities, and this is one of them."

"Isadora is also an Alcantara, Papa."

Natahimik ang lahat.

Naramdaman kong mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong hindi dapat ako nagsalita nang ganoon, pero hindi ko na rin kayang itago ang nararamdaman ko.

"She has dreams, and you're allowing her to pursue them. Why can't I have the same opportunity?"

"Because she's not the one we're asking to marry Dominic anymore," sagot ni Auntie Zenny.

Napatingin ako sa kaniya.

"That's exactly what I'm trying to say. Why am I the only one who has to give up everything?"

"Arabella, enough," mariing sabi ni Papa.

"But, Papa—"

"I said enough!"

Natahimik ako.

Nang muli akong tumingin sa kaniya, wala akong nakitang kahit kaunting pag-aalinlangan. Hindi man lang siya nagpakita ng interes na alamin kung bakit ganoon na lamang ang pagtutol ko.

Para sa kaniya, sapat nang sabihin niyang kailangan kong magpakasal.

"May I at least ask you to consider my other plans?" mahina kong tanong. "I've always wanted to learn about Mama's company."

Napakunot ang noo ni Papa.

"What does that have to do with this?"

"I want to understand how she built it. Gusto kong matutunan kung paano niya pinatakbo ang negosyo at kung paano niya iyon pinalago. I've been reading about the company for years. I want to be involved, even if I have to start from the bottom."

"Why?"

"Because it's the company Mama built, Papa."

"Your mother is gone, Arabella. You should stop living in her shadow."

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.

"I'm not trying to live in her shadow. I just want to continue what she started."

"Do you even know what it takes to run a company?"

"I know I still have a lot to learn. That's why I'm asking for an opportunity."

Napailing si Uncle Max at natawa nang bahagya.

"An opportunity? What makes you think you're capable of managing a company?"

"I never said I was capable of managing it right away, Uncle. I only want to learn."

"Then learn how to manage a household."

Natahimik ako.

"Women like you should stay at home. Your responsibility is to serve your husband, take care of your children, and maintain your household. You shouldn't be dreaming about running a company."

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.

"But Mama—"

"Your mother was different," putol ni Uncle Max. "And just because she built the company doesn't mean you can do the same."

"Max is right," dagdag ni Aunt Isandra. "You should focus on your future as a wife. The company is already being managed by people who know what they're doing."

"But I can learn from them."

"Why insist on something that isn't meant for you?" tanong ni Aunt Zenny.

Hindi ako nakasagot.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang nila maliitin ang pangarap ko. Hindi naman ako humihingi ng posisyon. Hindi ko hinihinging ibigay sa akin ang pamamahala ng kumpanya. Ang gusto ko lang ay pagkakataong matuto at patunayan ang sarili ko.

Pero kahit iyon, hindi nila kayang ibigay.

"Papa, please." Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. "I'm asking you as your daughter. Please don't force me into a marriage I'm not ready for."

Saglit akong tinitigan ni Papa bago sumagot.

"Don't use that excuse on me. You're getting married, Arabella. That's final."

"But I don't even know Dominic that well."

"You'll get to know him after the wedding."

"What if we don't get along?"

"Then you'll learn how to make your marriage work."

"What if—"

"Stop asking questions!"

Napaatras ako nang bahagya.

"You're not being asked to approve this arrangement. I'm informing you of our decision. You'll marry Dominic, and I expect you to do your part without causing any more trouble."

Nanginginig ang mga daliri ko habang pinipigilan ang mga luha.

Hindi niya ako tinawag para kausapin. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong pag-isipan ang bagay na ito. Wala man lang siyang tinanong kung gusto ko ba, kung handa na ba ako, o kung may iba akong gustong gawin sa buhay.

Ipinatawag niya ako para ipaalam ang desisyon nila.

At wala akong karapatang tumanggi.

"Is that clear, Arabella?" tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango.

"Yes, Papa."

"Good. I expect you to behave properly when you meet the Del Gaias. Don't embarrass me."

"Yes, Papa."

Tumalikod ako nang bahagya para itago ang mga luhang tuluyan nang namuo sa aking mga mata.

Sa lahat ng taong naroroon, walang kahit isa ang nagtanong kung ayos lang ba ako.

Walang nagtanong kung ano ang nararamdaman ko.

Ang mahalaga lang sa kanila ay pumayag ako.

Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas sa office ni Papa. Basta ang alam ko, diretso akong umakyat sa second floor at pumasok sa silid ko.

Pagkasara ko ng p***o ay saka lamang ako napahawak sa dibdib.

Masakit.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang bigat na nararamdaman ko. Para bang may nakadagan sa dibdib ko at kahit anong pilit kong huminga ay hindi iyon nawawala.

Lumapit ako sa dressing table at naupo. Sa harap ko ay naroon ang litrato ni Mama, nakangiti habang suot ang isa sa mga paborito niyang business suits.

Matagal ko siyang tinitigan.

Siya ang nagtatag ng kumpanyang patuloy na nagpapayaman sa pamilya namin. Siya ang nagsimula ng lahat. At nang mawala siya, si Papa at ang mga kapatid niya ang namahala sa negosyo.

Lumaki akong naririnig ang kuwento tungkol sa tagumpay ni Mama. Kung paano niya sinimulan ang kumpanya, kung paano siya nakipaglaban sa mundo ng negosyo, at kung paano niya nagawang palaguin iyon kahit maraming taong nagduda sa kakayahan niya.

Kaya mula pagkabata, iyon na ang pangarap ko.

Gusto kong matutunan ang lahat ng ginawa niya. Gusto kong malaman kung paano niya pinatakbo ang negosyo. Gusto kong makapasok sa main office at makita mismo ang mga taong patuloy na nagpapatakbo sa kumpanyang iniwan niya.

Hindi ko hinihinging ibigay sa akin ang lahat.

Gusto ko lang ng pagkakataon.

Pero bakit ganoon kadali para sa kanila na ipagkait iyon sa akin?

Napatingin ako sa litrato ni Mama. Unti-unting pumatak ang luha ko sa pisngi.

"Mama, I wanted to be like you."

Pinunasan ko ang pisngi ko, pero mas marami pang luha ang sumunod.

"I wanted to learn everything you built. I wanted to make you proud."

Napahawak ako sa frame.

"But they won't even let me try."

Mas masakit isipin na ang sarili kong ama ang isa sa mga taong ayaw akong makitang umunlad.

Nakikita ko naman kung paano tratuhin ni Papa ang mga pinsan ko. Kapag may gusto si Isadora, nakikinig siya. Kapag may problema ito, agad siyang nag-aalala. Kapag may nagawa itong pagkakamali, madalas ay pinapalampas niya lang.

Pero kapag ako?

Laging may mali.

Kapag nagtatanong ako, sinasabihan akong masyadong maraming tanong. Kapag nagpapahayag ako ng saloobin, tinatawag akong matigas ang ulo. Kapag sinusubukan kong ipaliwanag ang sarili ko, nagagalit siya.

Minsan, kahit hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali, ako pa rin ang kailangang humingi ng tawad.

Hindi ko naman hinihinging mahalin niya ako nang higit sa iba. Hindi ko hinihinging ibigay niya sa akin ang lahat ng gusto ko.

Gusto ko lang maramdaman na anak niya rin ako.

Na kahit minsan, kaya niya akong pakinggan nang hindi agad nagagalit.

Na kaya niya akong tingnan nang hindi puro pagkakamali ang nakikita niya.

Pero ngayong araw, muli niyang ipinakita sa akin kung gaano kaliit ang halaga ng gusto ko sa kaniya.

Pinagpasyahan nilang ipakasal ako kay Dominic dahil ayaw ni Isadora. At dahil ako ang mas madaling utusang sumunod, sa akin nila ipinasa ang responsibilidad.

Walang nagtanong kung may sarili rin akong mga pangarap.

Walang nag-isip kung handa na ba akong magpakasal.

Wala man lang nakaisip na baka gusto ko ring maranasan ang kalayaang ipinaglalaban ni Isadora.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang ibinaba ang kamay ko.

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa piling ni Dominic Del Gaia. Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang pagsasama namin o kung magiging mas mahirap ang buhay ko pagkatapos ng kasal.

Ang alam ko lang, may mga bagay akong kailangang isuko kahit hindi ko naman ginustong mawala ang mga iyon.

At ang pinakamasakit sa lahat, ang taong inaasahan kong unang magtatanggol sa akin ay siya pang nagtanggal ng karapatan kong pumili.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Heiress Returns for Revenge   2

    Chapter TwoTatlong beses nang kumatok sa pinto ko si Isadora bago ko tuluyang ibinaba ang librong kanina ko pa pilit binabasa. Hindi naman talaga ako makapag-concentrate. Mula nang sabihin ni Papa na kailangan kong pakasalan si Dominic Del Gaia, pakiramdam ko ay may mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko.“Come in.”Dahan-dahang bumukas ang pinto. Sumilip muna ang ulo ni Isadora bago siya pumasok, mahigpit na hawak ang dalawang kamay sa harap ng kanyang katawan. Namumula ang mga mata niya, at kahit pilit niyang itinataas ang mga sulok ng kanyang labi, hindi niya maitago ang bigat ng nararamdaman niya.Napabuntong-hininga ako.“Arabella, I’m sorry.”Iyon na naman.Umupo siya sa gilid ng kama ko, saka ako tiningnan na para bang may nagawa siyang kasalanang hindi na niya kayang itama.“I’m really sorry. Hindi ko naman ginustong mapunta sa iyo ang lahat ng ito. If only I had agreed to the marriage, you wouldn’t have to go through this.”Lumipat ako ng upo at sumandal sa headboard. “Isa

  • The Heiress Returns for Revenge   1

    Chapter One"You have to marry Dominic Del Gaia, Arabella."Hindi pa man ako tuluyang nakauupo ay iyon na agad ang bungad ni Papa. Napahinto ako sa paghila ng upuan at napatingin sa kaniya, umaasang may kasunod pa siyang paliwanag. Ngunit nanatili lamang siyang nakasandal sa swivel chair niya, seryoso ang mukha at walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan."Excuse me, Papa?" parang mali ata ang narinig ko."You heard me."Dahan-dahan akong napatingin sa mga taong naroroon sa office niya. Narito ang mga kapatid niya, sina Auntie Isandra at Auntie Zenny, pati si Uncle Max. Naroon din ang lola ko at ang pinsan kong si Isadora.Si Isadora ang mas nakakuha ng pansin ko. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang tissue habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi. Namumula ang kaniyang mga mata, at paminsan-minsan ay sumisinghot siya.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya, pero mukhang matagal na siyang umiiyak."What's going on?" maingat kong tanong."There's a problem, and you're going to he

  • The Heiress Returns for Revenge   Prologue

    PROLOGUE"Fuck me, Dom! I want more... more! Gawin mo sa akin ang hindi mo ginagawa sa asawa mo. Putangina! Ang sarap... ang sarap."Isang linggo akong hindi umuwi sa bahay dahil gulong-gulo na ako sa relasyon naming mag-asawa. Ilang buwan na kaming may problema. Nagsimula iyon nang maging masikreto si Dominic pagdating sa phone niya. Unti-unti rin siyang naging mailap, palaging late umuwi, at tila nawalan na ng interes sa akin.Noong una, inisip kong baka nasa akin ang problema. Baka ako talaga ang may pagkukulang sa kaniya. Pero nang pag-isipan ko ang lahat, na-realize kong ginagawa ko naman ang lahat para maging perpektong asawa kay Dominic.Kahit arranged marriage lang ang lahat, sinubukan kong gawin ang lahat para mag-work ang marriage namin. Naging okay namam kami no'ng una pero bigla na lang nagbago ang lahat.Ngayon, alam ko na ang sagot kung bakit bigla na lang itong nagbago.Nasa loob mismo ng kuwarto naming mag-asawa ang sagot."Putangina, Dominic! Isagad mo pa. More! Ang s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status