Share

THR 3

"Handa akong panatilihing sariwa ang sarili kong mga sugat para lang maipaghiganti ang pagkamatay ng matalik kong kaibigan na itinuring akong isang kapamilya."

Klea Francine's POV

MAKALIPAS ang isang buwan ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan makikita ko ang pagpatak ng kauna-unahang luha ni Xynon na bunga ng paghihiganti ko.

Bago pa man magsimula ang seremonya ng kasal nina Xynon at Joanne ay palihim kong tinagpo ang bride sa kanyang silid. Tamang-tama lang ang pagpasok ko dahil siya na lamang ang tao sa kwarto. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng kanyang sarili.

"Saan kaya nagpunta si bakla? Hindi pa tapos ang makeup ko nilayasan na agad ako," saad ni Joanne habang nag-aayos ng kanyang mukha.

Inutusan ko kasi Axie na landiin ang makeup artist ni Joanne kaya eto ang kinalabasan.

"Oh Klea anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Joanne.

Napakaganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang puting wedding gown na suot niya at kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Hindi na ako nagtataka kung bakit humaling na humaling sa kanya si Xynon. Bukod sa mabait siya ay may angkin din siyang karisma.

Ngumiti ako at pagkatapos ay may ibinulong ako sa kanya. Nakita ko ang paglaki ng kanyang singkit na mga mata at ang pagpatak ng kanyang mga luha. Nasira na rin ang makeup niya dahil sa tuloy-tuloy na panunubig ng kanyang mga mata. Dali-dali niyang hinubad ang wedding gown at tatakbong lumabas ng silid dala ang kanyang mga gamit. Nakalimutan na niyang magdamit ng ayos bago lumabas sa sobrang sama ng loob. Nakaputing sando lang siya at nakaputing shorts.

Napapalakpak ako sa aking nasaksihan. Hindi ko alam na ganito lang pala siya kadaling papaniwalain. Pinunit ko ang ultrasound result na hawak ko pagkatapos ay dali-dali kong isinuot ang wedding gown ni Joanne. Buti na lang at halos magkakatawan kami. Nagmakeup ako at nagsuot na ng puting bridal veil para matakpan ang mukha ko. Tinawagan ko si Tito Wensley para sabihing handa na ako. Ang pag-aakala ng Pastor na magkakasal sa amin ay ako talaga ang bride dahil iyon ang sinabi sa kanya ni Tito Wensley. Nag volunteer kasi si Tito na siya na ang mag-aasikaso ng lahat at pumayag naman ang dalawa ni Xynon sa pag-aakalang pinakaregalo na iyon sa kanila ni Tito. Well, the most painful kind of betrayal is a family member's breach of trust.

Napabuntong hininga ako. Halos isang linggo rin akong naging abala para paghandaan ang araw na ikagugulantang ng katawang lupa at kaluluwa ni Xynon.

Pumabor sa akin ang lahat. Hindi ko akalain na madali palang masilaw sa salapi ang Papa ni Xynon. Ang pagiging desperado niyang mabayaran agad ang balanse niya kay Emil ang nagtulak sa kanya para pumayag siyang ibenta sa akin ang kanyang panganay na anak. Napapayag ko rin naman ang Papa kong si Don Lenel dahil kilala niya si Xynon at matalik niyang kaibigan si Tito Wensley. Isang tao lang ang nahirapang akong kumbinsihin at iyon ay si Axie pero di nagtagal ay umoo na rin siya kapalit ng pagsasabi ko sa kanya ng dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. We have sent an email invitation to all the guests kaya aware sila na ako ang bride at hindi si Joanne. We have executed our plan well.

Halos hindi ko maitago ang galak na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Lumalakad na ako palapit kay Xynon. Naaaninag ko ang kanyang mga ngiti. Sayang lang dahil agad din iyong mapapalitan ng luha at pagkadismaya. Sinigurado kong hindi niya agad ako makikilala.

Matapos ang processional, bridal march at introduction ay isinagawa na namin ang exchange of vows. Si Xynon ang unang bumasa ng kanyang vow.

"Sa loob ng halos tatlong buwan ay napamahal ka na agad sa akin. Siguro sasabihin ng iba na, "Sobrang bilis naman! Magpapakasal na agad kayo?" Ang masasabi ko lang sa kanila: love comes unexpectedly like a thief who wants to rob someone's house. Hindi basehan kung gaano na kayo katagal nagsasama o magkakilala para pakasalan mo ang isang tao. ANG TANGING BASEHAN LANG AY ANG NARARAMDAMAN MO. The moment na nakita kita at nakausap, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Halos parehas tayo ng hinaing sa buhay.. ng pinagdaanan at ng paninindigan. I found you attractive not because of your physical appearance, but because of your good heart. At sa araw na ito, masaya at proud akong sabihin sa lahat na MAHAL NA MAHAL KITA. Salamat sa pagpayag mo na magpakasal sa akin. Habang buhay kitang mamahalin at aalagaan. Mahal na mahal kita Joanne."

Umiiyak si Xynon sa harapan ko ngayon. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa babaeng yon. Kaya pala. Kaya pala nagawa niyang iabandona ang kaibigan ko. Hindi lang siya taksil kundi isa rin siyang traydor. Hindi ko hahayaang maging masaya ka Xynon.

"Hindi ko akalain na ikaw ang mapapangasawa ko."

Pagkasambit na pagkasambit ko noon ay nakita kong kumunot agad ang kanyang noo. Alam na niya siguro na hindi si Joanne ang nasa harapan niya ngayon.

"Asahan mong sasamahan kita hanggang kamatayan. Mahal kita Xynon."

Nagimbal si Xynon sa kanyang narinig. Sa pagkakataong ito ay alam na niya na iba ang babaeng pinakasalan niya.

"Mr. Wade Xynon Landicho, you may now kiss the bride," wika ni Father.

Nanginginig ang mga kamay ni Xynon habang unti-unting inaalis ang bridal veil na suot ko. Nang tuluyan na niyang makita ang mukha ko…

"WHAT THE F…"

Bago pa siya makapagsalita ay hinalikan ko na siya. Dinig na dinig ko ang pagsigaw ni Tito Wensley at Papa.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

Walang pumalakpak kundi silang dalawa. Bigla akong itinulak ni Xynon. Napaupo ako sa sahig habang tumatawa ng malakas.

"I am just dreaming. Hindi ito totoo." Sinampal ni Xynon ang kanyang sarili para makumpirma na hindi siya nananaginip.

"Mr. Wade Xynon Landicho. Now you are officially mine." I said cheerfully while picking myself up.

"Nasaan si Joanne? Anong ginawa mo sa kanya? NASAAN SIYA?" Xynon bent out of shape when the situation already sank in his mind.

I just give him a smile as an answer. Sobrang saya ko sa pagkakataong ito. Seeing him like this makes my heart flutter.

Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga bisita at nang hindi niya natagpuan si Joanne ay agad niyang tinungo ang daan palabas ng bulwagan. Halos mabasag ang eardrums ko sa kakasigaw niya ng pangalan ng babaeng mahal na mahal niya. Napabaling ang tingin ko sa bunso niyang kapatid ni Waine. Maya-maya pa ay nilapitan niya ako.

"Nasaan si Ate Joanne? Bakit ikaw ang nandyan? Bakit mo ginawa yon kay Kuya Wade?" sunod-sunod na tanong ni Waine.

"Waine mas okay na wala kang alam para di ka maguluhan," tanging naitugon ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng bata.

"Hindi mo kilala si Kuya Wade. He's like a monster when he's angry. You are going to regret this later on. Save yourself before it happens."

I can't imagine na masasabi yon ng isang batang kagaya ni Waine. He's like Xynon when we were little - parang matanda na magsalita.

Umalis  na ang mga tao at tanging kami na lang nina Papa at Tito Wensley ang natira sa bulwagan.

"Brace yourself Klea. You will be on the news later. Ihanda mo na ang statement mo at magpapatawag ako ng press con to clarify this issue. Ayokong madamay ang negosyo natin sa biglaan mong desisyon na ito. You should at least face the consequences of your action," prangkang sabi ni Papa.

"Don't worry Papa. I can handle this. Matagal ko nang pinag-isipan at pinlano ang lahat ng ito. Tito Wensley, I think you should contact your son. Make sure na hindi siya magpapakamatay. Ayoko pang maging widow."

I have left the place where I chose to sacrifice myself for the sake of vengeance. Bago ko pa man paghandaan ang paghihiganti ko, alam ko na sa sarili ko na hindi lang libingan ni Xynon ang hinuhukay ko, kundi pati na rin ang libingan ng aking sarili.

Ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban. Alam kong hindi basta-basta ang taong kinalaban ko dahil simula pa lang ay alam ko na kung paano siya makitungo sa mga taong kinasusuklaman niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Glenda Doctor
Go Klea Francine!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status