Share

THR 4

Author: Docky
last update Last Updated: 2022-02-16 17:41:17

"When I express affection towards a man, he is at a disadvantage." 

Klea Francine's POV

PAGKATAPOS ng kasal namin ni Wade, samut-saring alegasyon ang sinagot ko sa harap ng kamara. Well, I am Klea Francine Singrimoto and nothing scares me now. Matapang kong tinuldukan lahat ng mga katananungang ibinato sa akin and everything went well according to my plan.

Kinausap naman ng masinsinan ni Tito Wensley si Wade pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na iniwan siya ng babaeng pinakamamahal niya sa araw mismo ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa halip na maawa siya kay Joanne ay kinasuklaman pa niya ito dahil sa kasinungalingang sinabi sa kanya ng sarili niyang ama. I love how money and power blinded his Dad.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit namin ni Wade at ngayon ay nasa kitchen naman ako para ayusin ang mga cooking at eating utensils. Kakalipat lang namin ng bahay. My Dad gave us a house and lot as his present while Tito Wensley advised us to have a child already. I can't even imagine myself kissing this man in a passionate way. I loathe him and nothing can change that.

"Klea pasensya ka na ha. Salamat nga pala sa pagsalo mo sa akin noong araw na iyon. I thought you ruined my wedding pero mali ako. Sinabi na sa akin ni Papa ang lahat. Sorry kasi ikaw yung napagbuntunan ko ng galit. Bakit mo nga pala ginawa yon?" pagtatakang tanong ni Wade. Ngayon lang kami nagkausap ng ganito dahil sobrang busy namin pareho.

"Ang alin?" maang-maangan kong tanong.

"Why did you agree to become a substitute bride?" Nakatitig siya ng diretso sa akin at nakaabang sa isasagot ko.

"I just thought I have to save you from shame. Isa pa, Tito Wensley asked me if I will be willing to do so para raw di ka mapahiya sa harap ng maraming tao. Umoo lang ako. I forgot to think other things like matatali ako sa'yo after ng seremonyas but..," huminto ako saglit at ngumiti. 

"Gusto naman talaga kita in the first place so hindi naman ako lugi," pagpapatuloy ko.

Kumunot ang noo ni Xynon sa sinabi ko. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at inagaw sa akin ang hawak kong mga plato, dahilan para magpatong ang aming mga kamay.

"I love Joanne. Please bear with me if hindi ko kayang suklian ang pagtingin mo. Hindi madaling mag move on. Hindi ko kayang kalimutan na lang basta ang nararamdaman ko para kay Joanne." He said in a husky voice.

I can feel his pain. Mahal na mahal niya talaga si Joanne. Walang araw na hindi siya naglalasing. Walang gabing hindi niya napapanaginipan si Joanne. Sa tuwing ipinapakita niyang mahal na mahal niya ang babaeng iyon, lalo akong nanggigigil na ipaghiganti si Shana. I am praying that his agony will last for a long time.

"Don't worry I can wait naman. As of now, you should focus on healing your own scars so that you can be ready to receive what I am about to give you," nakangiti kong sambit habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata.

He is about to kiss me nang bigla kong ipinaling sa ibang direksyon ang mukha ko. Mabilis din 'tong isang 'to ah! Kakasabi niya lang na mahal niya si Joanne pero hahalikan niya ako? What the fuck.

Inalis ko ang pagkakapatong ng mga kamay ko sa mga kamay niya at itinuloy ang pag-aayos ng mga gamit sa kusina.

Napaubo si Xynon bago tuluyang lumakad palayo sa akin. Umupo siya sa upuan at pinanood na lang ako habang abala ako sa paglilinis.

"You still look the same. You haven't changed except on the way you dress. Ikaw pa rin ang first love kong si Francine," he said out of nowhere.

"Wag mo nang ipaalala sa akin ang nakaraan. Nagsisisi ako dahil I rejected you before and I even left you waiting for nothing after," mabilis kong tugon.

I didn't accept his love that time dahil babaero siya. He's not serious. He's just finding someone who's going to play fire with him and I hate those kind of men.

What he said next surprised me.

"Hindi na kita nahintay noon kaya sinundan na lang kita sa States at nagulat ako kasi kayo na pala nung personal bodyguard mong si Axie. I planned to surprise you pero kabaligtaran ang nangyari. Ako yung nasurpresa sa nasaksihan ko," bulong niya pagkatapos ay tumingin siya sa may bintana na para bang inaalala ang nakaraan.

"WHAT DID YOU SAY?" I suddenly screamed thinking that I had heard it wrong.

"Sinundan kita sa States noon. Hindi ko naman alam na masasaktan lang pala ako sa dadatnan ko." Iniiwas pa rin niya ang pagtingin sa kinaroroonan ko.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam na sinundan niya pala ako noon. So ibig sabihin he's serious?

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi naman naging kami ni Axie. Close lang talaga kami pero walang kami," pagpapaliwanag ko. Teka bakit ba ako nag-eexplain sa kanya?

"Eh bakit mo siya hinalikan noon?" He asked while raising his eyebrows.

"Aksidente ang nangyari. We are both drunk pero walang nangyari after that dahil nahimasmasan naman agad kami."

Biglang gumuhit ang kurba sa kanyang mukha. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ngumiti matapos ng kasal namin.

"I thought kayo so I entertain myself after arriving here in the Philippines at doon ko nakilala si Shana...yung ex-fiance ko na nagsuicide," malungkot niyang wika.

Napatikom ang mga kamay ko nang marinig ko ang pangalan ng best friend ko.

"Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya?" I queried.

"Mabait naman siya. She's a wife material until she became possessive. Nasakal ako sa kanya. Palagi niya akong pinagdududahang may babae hanggang sa isang araw, I found myself loving another woman while I'm in relationship with her. Tumagal ng mga buwan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na makipaghiwalay sa kanya," he uttered while tapping the table.

Hindi na ako muling nagtanong dahil malinaw na sa akin ang lahat. He's a cheater. WALANG SAPAT NA RASON PARA LOKOHIN NIYA ANG KAIBIGAN KO. Pwede naman siyang makipaghiwalay ng maayos kung ayaw na niya but he just used it as an excuse to deceive my best friend.

Nanubig bigla ang mga mata ko. I miss Shana. Wala nang nangungumusta sa akin. Wala nang nagpapatawa sa akin kapag sobrang down ko. Wala nang sumusuway sa kapilyahan ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Hey Francine bakit ka umiiyak?" seryosong tanong ni Xynon.

"I remember my Mom. She's been cheated by my Dad so many times and I get traumatized by it. Bakit ganon kayong mga lalaki? You can freely leave the relationship if you're not happy anymore. Bakit inaantay niyo pang magkamali kayo at makasakit bago kayo umexit? Your excuses are all invalid." Sumabog na ang emosyong pilit kong hinahawakan ng mahigpit. Kumawala na sa aking bibig ang mga salitang noon ko pa gustong itanong kay Papa.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga braso ni Xynon sa katawan ko. Niyakap niya ako mula sa likod at bumulong..

"Men are not perfect. Sometimes, we can't control ourselves. Takot din kami. Takot kaming bitawan ang bagay na matagal na naming iniingatan."

"KAYA PINAGSASABAY NIYO NA LANG GANON BA HA?" sigaw kong tanong sa kanya.

"I'm sorry. I became too emotional," ani ko bago ako umakyat sa aming kwarto. Iniwan ko siyang tulala na tila ba may malalim na iniisip. I am sure si Joanne na naman yon.

Mag-asawa na kami pero ayokong magtabi kami sa iisang kama kaya naman two single beds and pinalagay ko sa silid namin. I'm still a woman and he's a man. Ayokong may mangyari sa amin since this marriage has its ending. I will leave him the moment that he loves me more than himself.

After few minutes ay pumasok na rin si Xynon sa kwarto. Tahimik lang kaming nakahiga pareho. Pipikit na sana ang mga mata ko nang marinig ko ang malutong na pagmumura ni Xynon.

"WHY ARE YOU CALLING ME AFTER WHAT YOU'VE DONE? NAKOKONSENSYA KA BA O TUMAWAG KA LANG PARA ICHECK KUNG HUMIHINGA PA AKO O PARA SIGURADUHING NAGDUDUSA AKO SA MGA ORAS NA ITO? ITO BA ANG GANTI MO NANG MALAMAN MONG ISINABAY KITA SA ISANG BABAE HA? ANO PINAGSABAY MO RIN BA KAMI NI RICCI? MAGKASAMA BA KAYO NGAYON? SIYA BA ANG PINAKASALAN MO? SUMAGOT KA JOANNE!"

Bigla akong na-excite. Let's see kung mas paniniwalaan ni Xynon si Joanne kaysa sa sarili niyang ama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Glenda Doctor
Xynon wag ka maniwala kay Joane haha
goodnovel comment avatar
Lendon Perdiguerra
patay ka tumawag na ang ex haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR THE END

    Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 55

    "Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 54

    "The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 53

    "You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 52

    "Sometimes, someone who survived the strongest storm in his life became merciless and cold-hearted."KLEA FRANCINE POVI removed my sunglasses as I stared at an ideal family. It’s been five years since they killed my loved ones.“Ma’am Klea, tumatawag po si sir,” ani ng katulong kong si Aling Rosa.Kamukhang-kamukha talaga siya ng dati kong katulong…I mean, ng lola ko. Bumuntong hininga ako at nginitian siya.“Tell him that I will call back later,” utos ko kay Aling Rosa.“Sige po ma’am, masusunod po,” tugon niya sabay labas ng aking kwarto.Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang tanawin. Kinuha ko ang kopita sa may mesa at nilagyan iyon ng red wine. I swayed the goblet before I took a sip. Tingnan mo nga naman, ikinasal na pala si Joanne kay Ricci at ngayon ay may isa na silang anak na babae. They looked perfectly fine and happy. I smirked. Now, I have something to ruin.Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na kasi naalis ang paningin ko sa mag-anak na Costa habang nakaupo ako sa

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 51

    "Living without your loved ones is more painful than death itself."KLEA FRANCINE'S POVDahil sa pagsabog na iyon ay nagkagulo sa hospital. Kaniya-kaniyang dampot ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang hakot ng mga pasyente. Hindi sila magkamayaw sa gagawin samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Xynon habang nakatulala."Francine, kailangan na nating lumabas dito. Hindi na ligtas na manatili pa rito," narinig kong sabi ni Xynon.Habang hinahanap ko ang sarili ay napaupo ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakayuko ako habang hawak-hawak ko ang aking dalawang tainga. Napatunghay lang ako nang marinig ko ang aking pangalan."Long time no see, Klea Francine!"Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "R-Ricci?" bulong ko.Isa pang putok ng baril ang aking narinig. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng ugat sa aking posisyon. Naalala ko si Axie. Umagos mula sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong itinatago buhat nang bumalik ang akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status