Share

Sumbrero

The man just laughed at me. "Naunsa ka maam? Tinuod ba na?" Naano ka maam? Totoo ba yan?

I can't control my temper. Nahihirapan na ring akong mag-Bisaya. "Yes. I'm dead serious. Now tell me where she is."

Napatikom ang lalaki. I'm sure he understood me, right?

He lead me inside the mansion and called out, "Lola Nanding! Naa nga gapangita sa imo!"

"Lola Nanding! May naghahanap sa iyo!"

Isang matandang babae ang lumabas sa pinto ng mansyon. "Ngano man, Phoenix? Kinsa?" She stopped when she saw me. Tiningnan ko lang ang matanda at napangiti sya. "Ano man, Phoenix? Sino?"

"Sereia?" The old woman smiled warmly at me and gently hugged me. "Ang ganda ganda mo na! Naalala mo pa ba ako, langga?"

"Ahm.." Hindi ako makasagot. Who is she?

She chuckled. "Ay oo nga pala, bata ka pa noon. Ako pala si Nanding. Tawagin mo nalang akong Lola Nanding. Bakit ka napadpad dito? Tara, punta tayo sa kusina. Gusto mo ng kape, iha?" Hindi pa ako nakakagot ng hinawakan nya ako at pinapunta sa kusina nya. Naupo ako sa silya at ganun rin ang matanda. Buti naman at nagtatagalog ito.

"Phoenix, ipaghanda mo nga kami ng kape." Sabi ng matanda sa lalaki na nakasumbrero. Tumango ito at umalis. "Ano pala ang kailangan mo sakin, iha?"

I bit my lower lip. I should have waited for mom! "Paano nyo po ako nakilala?" I ask first.

"Syempre kilala kita, apo! Naalagaan kita nung bata ka pa eh! Noong 2 years old ka ata nun kaya di mo matandaan."

Really? I don't know that. Hindi nabanggit sakin ni mommy or ni lolo.

I sent her a smile. "Ah ganun po ba? Kaya pala....may tanong pa po ako...Kayo na po ba ang may-ari ng mansyon na ito?"

"Oo, iha. Bakit?"

"Gusto ko pong bilhin ang lupain na pinabili ng lolo ko."

Natigilan ang matanda sakin. "At bakit naman iha?"

"May plano po kasi akong negosyo at taniman ang lupaing ito pero kahapon ko lang nalaman na ipinabili pala ni lolo ang lupain noong nakaraang taon pa. Kaya ngayon, pumunta ako para makausap ka."

"Ay talaga ba iha? Pumunta kasi ang lolo mo sakin at napagkataong may pera ako nung panahong iyon. Sorry iha. Pero kasi kaya ko lang to binili ay dahil sa apo ko."

Tama tama, ang lalaking nakasumbrero ay naglapag ng kape sa aming harapan.

"Ano po yun Lola Nanding?"

"Gusto kasi ng batang ito bilhin ang lupain mo." Nagulat ako sa narinig. Lupain nya? She faced me. "Kung ako ang tatanungin mo, payag naman ako. Pero kasi nasa pangalan ng apo kong si Phoenixang titulo ng lupain kaya sa kanya ka dapat mamaalam." She sighed. "Apo ko nga pala, si Phoenix." She pointed at the guy. "Sa tingin ko sya dapat ang kausapin mo dyan, iha. May aasikasuhin pa ako sa tindahan ko." Tumayo ang matanda at umalis. Naiwan kaming dalawa ng lalaki sa kusina. Silence filled the room when he broke it. "Sereia right?"

"Yes." I nodded.

"Hindi ako papayag."

"Marunong kang magtagalog?"

"Oo naman. Paano mo nasabing hindi ako marunong?"

"Kala ko lang kasi." Pinahirapan pa ako ng lalakiing to.

"Bakit naman hindi ka papayag?" Tanong ko.

"Mana sakin to ni Lola Nanding." He firmly said.

I sighed. "Hindi ko naman to hinihingi. Bibilhin ko to. May pera ako pambili."

His jaw clenched, controlling his anger. "Hindi yan ang tinutukoy ko."

I gritted my teeth. "Pwede kong doblehin ang pagbayad ko. Atsaka ang lupain lang naman ang bibilhin ko. Kung gusto mo sayo pa rin ang mansyon."

He crossed his arms in front of him and leaned closer. "Hindi mo ako madadala sa pera, Miss. Sereia. I have already planned out my business here and its starting to grow. So if I were you, I will mind my own fucking business."

Napangiwi ako sa mura nito. What is this guy's problem?

"At bakit mo ba gustong bilhin ang lupain ko?" Tanong nya.

I contemplated what to answer. I clearly know the answer, I just don't want to explain it. "This is precious to me. Ang raming alaala na nangyari dito. At gusto kong magnegosyo."

He raised his eyebrows. "Yan lang?"

My eyebrows met. "Anong yan lang? Pagmamay-ari ng lolo ko to at gusto ko itong ibalik."

"Well, princess. Malabo na yang mangyari dahil sa pagkakaalam ko, wala akong nilagay na 'For Sale' sign sa labas. Akin ito at ako ang magdedesisyon kung ipabebenta ko to o hindi."

I gritted my teeth. Damn this man. Nakakainis!

I sighed. Calm down self, you are an elegant young lady. "Hinding hindi mo talaga ipabebenta?" Mahinahon kong tanong.

"Hindi."

Psh. "Edi sayo na! Lamunin mo! Pagnabankrupt to, hindi ako magdadalang isip na kunin to."

Tamang tama ay tumunog ang aking phone at nakitang si mommy ang tumatawag. Buti nalang may signal na rito at may kuryente na hindi katulad dati.

"Anak?"

"Yes mom?" I excused myself from the guy and left the room.

"Sorry anak. Hindi ako makapunta jan. Alagaan ko kasi ang lola mo. Parang nanghihina nanaman."

It's been a year since ganyan si lola. I sighed. I'm strong, I don't need mom's help. I should face this by myself. "Okay, mom. Take care, sana gumaling na si lola."

"Oh, you're dad called. He was furious about your reaction, Sereia."

"Yeah, yeah. Ako na bahala kumausap sa kanya."

"Oh sya sige. Ingat jan ah? Teka, nakausap mo na ba ang may-ari?"

"Opo. Kaibigan daw ni lolo ang may-ari. Si Lola Nanding. Kilala nyo po ba?"

"Si Lola Nanding? Anak, close kami nyan dati! Kamusta na sya? Sobrang namiss ko na sya! Pupunta ako jan bukas kapag maayos na ang lola mo!" Excited nyang sagot. Why does mom knows her when I don't? It's like I'm missing out on something.

"Pero ma, nasa pangalan ng apo ni Lola Nanding ang titulo. But don't worry, gagawa ako ng paraan."

"I know you can handle that. Don't push yourself too much. Alagaan mo sarili mo ha?"

"Opo."

"I need to hang up, bye."

Pumunta ako balik sa kusina at nakitang wala na ang lalaki. Nakita ko si Lola Nanding na nakaupo na sa sala. I quickly approached her and said, "Lola Nanding? Mukhang hindi po pumayag ang apo nyo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status