NAKATITIG si Eleand sa mata ni Winzi. Her silver eyes glimmered as she gave her a warning. Agad itong humarap sa kanya nang may pumasok na nakaitim na babae kasama ang isang lalaki. Naririnig niya sa utak ang sinasabi ni Winzi. Mariin itong nakahawak sa magkabilang balikat niya.
Don’t look at her. Just look at me.
Hindi naman siya nagmatigas pa at sumunod rito. Alam niya ang panganib. Kusang nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding takot dahil sa presensya ng nakaitim na babaeng dumating. Her voice was dangerous but sweet. Normal lang siguro iyong katangian ng isang diwata.
Naririnig niya ang mahinang tawa ng babae. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang tingnan ito. Thanks to the gift of fae eyes, he could vividly see the woman. Wala sa sariling pinag-aralan niya ang itsura nito. Maybe it was because of the magic, he was instantly drawn.
There she was, moving with lethal grace, wearing a shimmering black gown encrusted with crystal beading. Her hair, black as night was coiled and braided in a crystal crown atop her head. Her pointed ears, with a delicate silver earrings glittered in the light. Kitang-kita niya ang eleganteng kurba ng leeg nito. Kaso ang likuran lang ng babae ang nakikita niya. He silently wished to see her face.
Bahagya itong humarap sa balikat nito kaya nakita niya ang gilid ng pisngi ng babae. Her complexion was like an alabaster. He could tell that her beauty was a weapon itself.
Deadly.
Sayang lang at hindi ito lumingon paharap sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakadama siya ng panghihinayang nang tuluyan itong maglaho sa paningin niya.
Saka lang siya binitawan ni Winzi. Biglang nawala ang tension sa paligid nang mawala ang dalawang diwatang iyon.
“Who the hell are they?” bulalas ni Eleand nang makahuma. Ibinaba na nina Ahldrin at Zanti ang hawak nilang espada.
“Zenus and Rieska.” si Zanti ang sumagot.
“You mean, Rieska the Faerie Queen?” Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. Ang inaasahan niyang sinaunang diwata ay pangit ang itsura. Katulad sa mga kontrabidang nakikita niya sa pelikula. He even imagined her like an old witch flying in her broom. Again, he was wrong. Hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng mukha nito pero sigurado siyang napakaganda nito. An ancient goddess of death, because her beauty was lethal enough to shake this world.
“Siya nga.” wika ni Aserah at tumingin sa kanya, “alam niyang nandito ka Eleand. Mukhang kailangan mong magsanay para maproketsyunan ang iyong sarili laban sa mga alagad ni Rieska. Huwag kang lalabas ng palasyo nang walang kasama.”
Tumango siya. “I understand.”
“Ako na ang magsasanay sa kany,” presinta ni Winzi.
“No way!” Eksaheradang tumingin siya sa babaeng katabi, “I want Zanti to train me.” Nakikita na niya ang sariling pinapahirapan nito. Training with Winzi would be a torture. Magkakaroon lang ito ng dahilan para pagbuhatan siya ng kamay. This witch loved to terrorize him.
Sumagot naman si Zanti. “I want to, but I will be in Argia for the council meeting.”
“Pasalamat ka nga at ako ang magtuturo sa’yo. You should consider it an honor.” Inirapan siya ni Winzi.
Natigil sila sa pag-argumento nang biglang lumitaw si Nahil. Nakabuka ang mga pakpak nito at may koronang bulalak. She looked puzzled. Bakas iyon sa magandang mukha nito.
“I found two dead bodies in the Spring Region—heavily mutilated. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang kumitil sa buhay nila. They were rotten and barely recognizable.” ani Nahil. Itiniklop nito ang pakpak.
Nagkatinginan sina Eleand at Zanti. Tungkol dito din ang dapat na sasabihin nila kung hindi lang sila naabala kanina.
Nagsalita si Zanti. “We found a dead body as well in the mountain boundary of Summer and Autumn Region.”
“Maybe the Alundra did those killings.” sabat ni Ahldrin.
“No, I checked the wounds. Sigurado akong hindi isang Alundra ang gumawa. There was a scent of dark magic in there.” sabi ni Zanti na sinabayan ng marahang pag-iling.
“Siguradong may kinalaman ito sa pagbabalik ng sinaunang diwata. Hindi kaya, siya mismo ang pumapatay?” ani Winzi na wari ay napapaisip.
Sumagot si Aserah. “Maybe, but Rieska won’t kill that way. She can annihilate an entire city, but she will not mutilate her victim.”
“Maybe she wanted to be more creative this time.” Pagbibiro ni Winzi pero walang ni isang natawa. Napayuko na lang ito at humingi ng paumanhin.
“I’ll send more warriors to search what kind of creature murdering our people.” wika ni Ahldrin.
“Do it.” tipid na wika ni Aserah. Bumaling ito sa kanya, “Eleand, come with me in the library. May mahalaga akong sasabihin sa’yo.”
Tumango si Eleand. Akala niya ay maglalaho sila, pero lumabas ito mula sa throne room at tahimik siyang nakasunod.
NATAGPUAN ni Eleand ang sarili na hawak ang isang makapal na libro. Iginiya siya ni Aserah sa gilid na bahagi ng napakalawak na library. Mayroong magkailang diwata na seryosong nagbabasa roon habang tamabak ang sangkaterbang aklat sa mesang kinauupuan ng mga ito.
Eleand could have a rough estimate that the books in the library could be millions. Mayroong hagdan paibaba hanggang sa underground at puro mga nakasalansang libro ang naroon.
“That book contains the basic spells a mortal can wield. Dating ginagamit ng mga mortal ang aklat na ‘yan para matutong gumamit ng mahika para maipagtanggol ang sarili sa mga masasamang diwata.”
“Really?” maang na nakatingin sa aklat si Eleand. Mukhang may bago siyang paglilibangan habang nandito siya. Kapag nakabisado niya ang laman ng librong ito, kayang-kaya na niyang maipagtanggol ang sarili.
“Pero kailangan mong mag-ingat sa pag-aaral ng mahika. Magic can be dangerous for humans. Kung may pagpipilian lang ako para maipagtanggol ka sa lahat ng oras. But Erganiv is not a safe place for the likes of you. Lalo na ngayong maraming banta sa labas ng palasyo.”
“Why are you doing this to me? I heard that harboring a mortal here is against your law.” Narinig niyang sinabi iyon ng Sinaunang Reyna kanina. Ayaw naman niyang siya ang maging dahilan para ito ay maparusahan sa ginawang pagliligtas sa kanya.
Nag-iwas ng tingin si Aserah, “I owe your ancestors a lot during the great fae war. Sabihin na lang natin na nagtatanaw lang ako ng utang na loob.”
“Maraming salamat. I will do everything to protect myself. I will train hard, gagawin ko ang lahat para maging bihasa sa paggamit ng mahika.”
“Fariyah will train you; she is well versed using this kind of magic.”
“Excuse me, who?” nagkunot ang kanyang noo. Mukhang hindi niya kilala ang naatasang magturo sa kanya. Gusto niyang matuwa na hindi si Winzi ang makakasama niya, pero paano kung higit na brutal ang diwatang tinutukoy ni Aserah?
“She is the priestess governing the Winter Region. You will stay at her temple starting tomorrow. Babalik ka lang rito kapag nakabisa mo na ang laman ng aklat na ‘yan.” May pinalidad sa timbre ng boses nito.
Darn. Gusto niyang magreklamo na sana ay huwag na lang siyang umalis sa palasyo. But he was just a nobody here. Hindi naman sa kanya lang umiikot ang buhay ng mga diwatang nandito. Magiging pabigat lang siya dito sa palasyo lalo na at maraming panganib na nakaamba ngayon.
“Okay then. I’ll be in the Winter Region for my magic training.” Taas noong wika niya. Desidido siyang matuto. Lalo na at iyon lang ang tanging paraan para mapahaba ang buhay niya.
“One more thing, it seems that the amulet is not functioning when Rieska is around. I will create an illusion for your appearance to look like us.” Itinaas nito ang kamay at akmang ipipitik ang daliri.
“Wait—wait, what do you mean? Ano ba ang magiging itsura ko?”
“Huwag kang mag-alala, sa mata lang ng diwata ka magiging katulad namin. You will have pointed ears like us, ‘yon lang naman. Mas mabuti na ang nag-iingat. Hindi lahat ng diwatang makakaharap mo ay galing dito sa Noyuh. Rieska might squeal about your stay here. Iyon ang kailangan nating paghandaan.”
Bigla siyang kinilabutan sa narinig. Wala namang problemang humaba ang kanyang tainga lalo pa at ilusyon lang naman. Pero ang isipin na gagawan siya nang masama ng sinaunang diwata ay binalot ng takot ang katawan niya.
“Do what must be done. Hindi ako tatanggi, I will do my part as well. Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa akin.” Napayuko siya.
“Okay. Now, close your eyes.”
Agad naman siyang tumalima at ipinikit ang mata. Naramdaman niya ang pagdaloy ng malakas na enerhiya sa kanyang katawan. Nang magmulat siya ng mata, pakiramdam niya ay walang namang nabago sa kanya.
“The illusion spell is just temporary. Kailangan mong matutunan ang mahikang iyan sa sarili mo para malaya kang makagalaw dito kagaya ng isang ordinaryong diwata.”
“So be it. Babalik ako dito sa palasyo kapag magaling na ako sa paggamit ng mahika.”
“Definitely, because Ahldrin will train your hand-to-hand combat skills.”
Tumango na lang siya. Sa isang iglap ay biglang naglaho sa harap niya ni Aserah. Naiwan siyang napapailing habang blangkong nakatingin sa librong hawak niya.
Ano naman kaya ang laman nito? He was curious. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na buksan ang aklat.
Agad na kumunot ang noo ni Eleand nang bumungad sa kanya angnakaguhit na tila mukha ng isang lobo gamit ang itim na tinta. There were ancient inscriptions that he couldn’t understand. Dali-dali niyang inilipat ang pahina at tumambad sa kanya ang mga sinaunang lenggwahe. Paano niya naman matututunan ang nilalaman niyon kung wala naman siyang naiintindihan sa mga nakasulat? Baka pinaglalaruan lang siya ni Aserah para umalis na siya dito sa palasyo.
Inis na sinara niya ang aklat at marahas na nagbuga ng hangin. Pero parang may kung anong puwersang nagsasabi na muli niyang buksan ang aklat.
He scanned the pages for the second time. Nakita niya sa isang pahina na naguhit ang buwan. The moon was waxing crescent. Dinama niya ang larawang nakaguhit. Pati ang sinaunang letrang hindi naman niya maintidhan.
What the heck is this?
To his great astonishment, the ancient inscriptions moved! Muntik na niyang mabitawan ang aklat. At nang muli niyang tingnan ang paniha, nagulat siya dahil nakasulat na iyon na modernong alpabeto at nababasa niya.
Chambre...Siego...Niptoumi...
Biglang nagdilim ang kanyang paningin.
NAGISING si Eleand na nasa loob ng kanyang silid sa gintong palasyo. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. He saw something. Bloodbath. Nakita niya ang mga taong nakahandusay habang naliligo sa sarili nilang dugo. He had a frightening and unpleasant dream. Marahil ay epekto ito ng pagbisita ng sinaunang reyna dahil nakita niya ang babae sa panaginip niya. Her face was blurred. Pero alam niyang ito ang may kagagawan niyon. Darkness was everywhere. Hawak ng sinaunang reyna ang isang duguang espada. The pommel was a black diamond in the hilt of her sword. Walang bakas ng awa ang babae nang patayin nito ang napakaraming kawal. Shit. Ilang ulit siyang lihim na napamura. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. “Thank the heavens, you’re awake.” Nilingon niya si Winzi na iniluwa mula sa terrace ng kanyang kuwarto. Mukhang kanina pa ito nandito sa loob habang natutulog pa siya. “What happened?” kunot-noong tanong niya. Bukod sa masamang pa
ILANG sandali pang pinagmasdan ni Eleand ang mga diwatang nagkalat sa labas. Hawak niya ang aklat ng mahika. Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng malaking pintuan ng gintong palasyo. Ang ibang diwata ay nakatunghay sa kanya, at ang iba naman ay tila walang pakialam dahil abala sa kanilang mga ginagawa. He would always look forward to getting back here.He had a lot of things going in his mind, but he made sure that his goals were clear. He had to survive and endure everything to be able to wield strong magic. Napakalaking hamon ito para sa kanya, pero wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang lahat ng bagay para makauwi siyang buhay sa kanyang pamilya.“Are you ready?” wika ni Winzi mula sa likuran niya. He was surprised because of the white furr cloak she wore.Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya kaya pinaikot nito ang mata at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Bakit na naman?” Itinago niy
“TAKE it easy, he won’t bite.” Natatawang wika ni Winzi.This witch was lying. Papunta sa dereksyon nila ang Harewyn at nakahanda na siyang patamaan ito ng kanyang pana. Kung hindi lang ito biglang nagbagong anyo at naging isang lalaki. Isang nakapakaguwapong diwata. His pointed ears and tanned skin were impeccable. There was a triangle mark on his forehead. Mahaba ang kulay pulang buhok nito at kulay berde ang mata.“Mukhang may mga bisita ako.” Nakangiting wika nito sa kanilang dalawa. Bumaling it okay Winzi at kumindat, “Hello, Princess. I’m glad you paid a visit.”Winzi blushed. Gusto niyang matawa sa reaksyon ng babae. Ngayon ay alam na niya kung anong klaseng diwata ang gusto nito—wild faerie beast.“Papunta kami sa templo ni Fariyah, kaya naisipan kong dumalaw dito. Kumusta ka Harewyn?” ani Winzi na abot hanggang tainga ang ngiti.“I’m q
KINAKABAHANG humakbang si Eleand papasok sa malaking pintuan ng templo. Bahagyang yumuko kay Winzi ang anim na kawal na nakabantay. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob at bumulaga sa kanya ang malawak na bulwagan. It was a massive entrance room with six large blue chandeliers hanging on the ceiling. Bawat maliit na detalye ng mga disenyo sa pader ay kulay ginto.Sa gitna ng bulwagan ay mayroong malaking estatwa ng babae. It was made of ice. The sculpture was holding a lance. Ito kaya ang estatwa ni Fariyah?“That is the ice statue of Veira, the goddess of winter,” wika ni Winzi. Inikot nito ang mata sa malaking estatwa at nagpatuloy. “She is Fariyah’s ancestor.”“Nice.” He was indeed amazed. Mukhang may pinanggalingan pala talaga ang mga mythology na pinaniniwalaan ng mga tao.Kapwa sila natigilan nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang isang babae. She wore white hooded swirling go
Enkille provided him the breakfast when he woke up in the morning. Ipinakita din nito ang isang walk-in closet na naglalaman ng maraming damit panlalaki. There where winter clothers and armour.“Today, I suggest that you wear armors and fighting suit. Because Fariyah will try to test your strength, physically and mentally. Good luck!” Nakangiting wika ng babae matapos niyang mag-almusal.“Battle armor? Is that necessary? I couldn’t fight the High Priestess with my strength alone. I thought I needed to learn magic first.”“Is that a complaint? You have to endure everything. Hindi madaling aralin ang mahika lalo na sa isang mortal kaya kailangan mong tagtagan ang loob mo.”“I’m not complaining. I am just stating a fact.” Nakibit siya ng balikat.Agad naman itong umalis para makapaghanda siya. She gave him some advice for his first day of sparring with the priestes
BUMUNGAD kay Eleand ang nag-aalalang mukha ni Enkille. A blue light emitted from her hand, and he was gently pressing his stomach. Wala siyang damit pang-itaas pero nakapagtatakang hindi siya makaramdamang lamig. Naroon siya nakahiga sa loob ng kanyang silid. The faerie was using her healing magic.“Wait, hold on. I'm almost done.” anang babae kasabay ng buntong hininga.“Buhay pa ako?” Hindi siya mapapaniwala dahil sa lalim ng sugat niya at sa dami ng dugong nawala sa kanya. Mukhang hindi pa siya nauubusan ng suwerte.Sinikap niyang bumangon at naupo sa kama.“Luckily yes, you called my name. You were dying.” Napapailing nitong saad.“Mukhang papatayin talaga ako ni Fariyah, ano naman ang laban ko sa isang tulad niya?” Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang likod at tiyan nang marahas siyang nagbuntong-hininga.“Turn around. I stopped the bleeding from your b
NAKATAYO si Enkille sa tabi ni Eleand nang magmulat siya ng mata. Dama pa din niya ang malakas na tibok ng kanyang pulso. Parang nababaligtad ang sikmura niya dahil sa masamang panaginip niya. He saw an entire army being slaughtered. The Faerie Queen was there again, unleashing hell.“You have to master the Protexerium even in your sleep, until you breathe with it. Hanggang hindi mo nagagawa ‘yon, patuloy kang susundan ng bangungot na ‘yan.” Malumanay na saad ni Enkille. She was scrutinizing him with her arms crossed.“Bakit ko ba nakikita ang sinaunang reyna? It seems that her power is lurking over me.” Nanghihina siyang naupo sa kama. He looked at the window, it was almost dawn.“Kailan nagsimula ang mga panaginip mo?”Sandali siyang nag-isip. “I think it was the time that I saw the Faerie Queen in the Golden Palace.”Wala na siyang ibang maisip na da
ILANG ulit na napasigaw si Eleand hindi dahil sa takot kundi sa tuwa. He spreaded his arms wide letting the snow fell in his body. Paikot-ikot sila sa himpapawid at kitang-kita niya ang malawak na kabundukan na nasasakupan ng Velidia. The Winter Region was so magical above.“Look at that mountain, it’s the part of the winter region but it looks barren and dry.” Itinuro niya ang isang malaking bundok sa bahaging timog ng Velidia.“That’s the Steri Volcano, we call it the unforgiving mountain. Walang nabubuhay na kahit anong halaman sa bundok na ‘yan at walang pagkukunan ng tubig.”“I can see that it’s dangerous.” Napatango-tango na lang si Eleand. Hindi niya gugustuhing umapak sa bulkang iyon.Bahagyang tinapik ni Enkille si Arrano. “Fly higher!”Sumunod naman ang alaga nito. Habang pataas sila nang pataas nararamdaman ni Eleand ang pagiging malaya. I