AGAD na yumuko si Ahldrin nang madatnan nila ni Nahil si Aserah na nakaupo sa trono. She wore her green off-shoulder gown embroidered with gold. Suot nito ang gintong korona na may malaking ruby sa harapan. Aserah was the Lady of Noyuh. Ito ang may pinakamataas na katungkulan sa buong Noyuh na siyang namamahala sa buong kaharian.
“Naidispatsa na namin ang Alundra,” wika ni Ahldrin matapos magbigay galang.
Tumayo si Aserah mula sa trono. “Mabuti.”
“Nakapagtataka lang kung paano nakatakas ang halimaw mula sa kulungan,” sabat ni Nahil. She was her second in command and he was third. Wala naman sa kanyang problema kung anong posisyon ang ibigay sa kanya. Malaki ang utang na loob niya kay Aserah dahil sa pagtanggap nito sa kanya sa nasasakupan nito.
He originally came from Gwiazda. Siya ang bunsong anak ni Lord Lavino, na siyang namamahala sa kaharian ng gabi at bituin. Pero pinili niyang iwan ang kanyang nasasakupan dahil mas pinili niya ang buhay na malaya. Hindi niya maatim na makipagpatayan sa kanyang mga kapatid para sa trono. Hindi siya interesadong pamahalaan ang Gwiazda. His brothers thought that he was a threat because of his skills in combat.
Nagpapalit-palit siya ng lugar sa loob ng limandaang taon. Halos nalibot na niya ang buong Erganiv pero dito sa Noyuh niya natagpuan ang katahimikang inaasam. When Aserah offered him to be his General, he gladly accepted her offer. He has been serving Aserah for more than two centuries.
“Sumunod kayo sa akin. May mahalaga tayong pag-uusapan.” wika ni Aserah. She was poised and calculated as always. Ni minsan ay hindi niya ito nakitang may kahinaan. Ito ang tipo ng pinuno na handing ibuwis ang buhay para sa kanyang nasasakupan.
Sabay silang tumango ni Nahil at sabay-sabay silang naglaho sa loob ng throne room. For a moment, they were inside the Council Chamber. Agad niyang nakita ang malaking mapa na nakalagay sa mahabang mesa.
“Pinag-aralan ko kung paano nakawala ang Alundra, gayundin kung bakit nitong mga nakaraang araw ay maraming mga mapanganib na nilalang na naglipana sa Noyuh. I believe this is not just minor incident,” ani Aserah na pinagmamasadan ang mapa.
“Iyan din ang iniisip ko. Walang sinumang nakakawala sa bilangguang iyon kung walang nagmanipula. If my theory is correct, then we are dealing with a very dangerous creature,” wika ni Nahil. Tumabi ito kay Aserah may itinuro sa mapa.
Lumapit din si Ahldrin at tiningnan ang dereksyong tinuturo ni Nahil. Nakita niyang napatango-tango ito bago nagsalita.
“Ang Kastilyo ng Buhangin ay napapagitnaan ng tatlong kaharian at malayo sa Argia. Kung maraming mga kakaibang nilalang ang naglipana sa Noyuh nitong mga nakaraang araw, tiyak na mayroon din sa Alsache at Gwiazda. Ang kagubatan ng Noyuh na nasasakupan ng Tag-init at Taglagas ang pinakamalapit kaya dito natin unang natagpuan ang mga nilalang.” Paliwanag ni Nahil. Tila may naglalarong alitaptap sa mga pakpak nito.
“I will talk to the guards on duty in every border. Tiyak na may alam sila sa mga nagaganap. The situation is a bit threatening for the lesser faeries,” seryosong wika ni Ahdrin.
Sa katunayan, ito talaga ang aasikasuhin niya pagkatapos maganap ang Lunar Trifecta. They were busy that night on the Artem festival in honor to the moon. Pero mas nagulantang sila nang sabihin ni Aserah na may mortal na nakapasok sa lagusan ng Noyuh. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung paano iyon nangyari.
Totoong nagbubukas ang mga portal ng Erganiv sa gabi ng Lunar Trifecta na bibihira lang mangyari. Pero imposibleng makapasok ang isang hamak na mortal. Or else, there must be a hole in the invisible wall barrier. Ayaw niyang isipin ang posibilidad na iyon. Dahil kapag nagkataon, madali silang mapapasok ng kalaban at tiyak na magkakaroon ulit ng digmaan.
“There will be a council meeting in Argia a few days from now. Magtitipon doon ang lahat ng pinuno ng bawat kaharian. Kayo na muna ang bahala rito, kami ni Zanti ang pupunta pati ang mga tagapamahala ng apat na rehiyon ng Noyuh.”
Tumango si Ahldrin. Gagawin din niya ang pag-iimbestiga dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang nataasang gumawa niyon.
Saglit silang natigilan nang biglang bumulaga sa kanyang harapan ang makapal na itim na usok. Iniluwa doon ang isang lalaking nakasuot ng itim na hood at may dalawang espadang nakasukbit sa likuran nito.
“Zanti! Where the hell have you been?” bulalas ni Nahil.
Yumuko si Zanti kay Aserah bago binalingan ni Nahil at nakakalokong ngumiti. “Why Nana? Did you miss me?”
“In your dreams!” Inirapan ito ni Nahil.
Nakakunot na lang ng noo si Ahldrin. Sanay na siyang makita ang bangayan ng dalawa. They were doing that for hundred years now. Mula nang magsimulang manilbihan si Zanti sa Kaharian ng Noyuh bilang pinakamalupit na assasin at spy.
Pero agad din namang nagseryoso si Zanti. “I gathered all the information we need.”
Tahimik silang nakinig sa mga sinabi ni Zanti.
SAMANTALA sa labas ng palasyo, malapit nang maubusan ng pasensya si Winzi sa lalaking kasama. Kung bakit naman kasi sa kanya ibinilin ang walang kuwentang mortal na ito. Marami pa siyang ibang mahalagang aasikasuhin kumpara sa pagbabantay dito. Pero dahil galing mismo sa kanilang pinuno ang utos kaya wala siyang magagawa.
“Ano ba? Bilisan mo!” Iritadong wika niya. Halos hindi pa ito nangangalahati sa hagdan paakyat sa palasyo. Nararamdaman niya ang presensya nina Ahdrin at Nahil sa loob kaya tiyak na nakabalik na ang mga ito.
She heard him cursed. “Have you forgotten that I’m just a mere human?”
Marahas siyang nagbuntong hininga habang hinihintay itong makaabot sa kanya. Kung tutuusin dapat ay kanina pa siya nakapasok sa loob kung hindi lang ito sobrang kupad.
“You’re wasting my time. Hurry up!” Pinalakihan niya ito ng mata.
“I just don’t understand, why can’t we just vanish like we did earlier in the mountain? Hindi ako magrereklamo kahit nakakahilo. I’m trying to catch up though, but this stairway is just insane!”
Namilog ang kanyang mata sa narinig. “We can’t use Vanire here because Aserah forbid it. Proteksyon iyon sa mga nagnanais pumasok dito nang walang pahintulot.”
“Vanire?” Kumunot ang noo nito.
“Vanire ang tawag sa kapangyahirang maglaho.” Inirapan niya ito at bumulong, “stupid!”
Nakita niya ang pagkuyom nito ng kamao at pagtangis ng bagang. Malamang narinig nito ang sinabi niya.
“You’re a foul-mouthed witch. I wonder if this place taught you that, at least humans are well-mannered.”
Inis niyang hinarap ang lalaki at pinanlakihan ng mata. “I am not a witch! I am part of Aserah’s inner circle. Sige, subukan mong sumagot pa sa akin at tutusukin ko ‘yang mata mo.” Pananakot niya rito na akmang gagawin ang ang sinasabi.
Hindi ito kumibo pero nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. He clenched and unclenched his fist again. Nagpatuloy ito sa pag-akyat sa hagdan. Wala silang kibuan hanggang marating nila ang malaking pintuan.
Pasimple niyang tiningnan ang lalaking kasama. Nagbuga ito ng hangin pero sa tingin niya ay hindi naman ito napagod. Mamaya hihilingin niyang iba ang tumingin dito dahil baka maubos ang kanyang pasensya. Iyon kasi ang katangiang kinulang siya.
Tama naman kasi ang sinabi niya kanina. The golden palace was heavily warded with ancient spell. Kaya walang sinumang nagtangkang sumalakay mula nang matapos ang matinding digmaan sa pagitan ng Erganiv at Muhler.
Pero hindi totoong hindi nila nagagamit ang Vanire dito. Aserah and her inner circle could do it anytime. Tanging sila lang ang nakakagawa niyon dito dahil sila ang pinakamatataas na opisyal ng Noyuh. Kaya lang hindi niya magawang maglaho dahil isang mortal ang kasama niya. Hindi niya alam ang magiging epekto kung sakaling susubukan niya. She couldn’t take risk. She was given an order to bring this mortal in one piece. Kahit gusto niyang iniinis ang mortal na ito.
“Why it seems the place is empty? There should be guards everywhere,” wika ng mortal nang papasok sila sa malaking pintuan. Kanina pa nito pinag-aaralan ang paligid.
“’Yan ang akala mo.” Gusto niyang pagtawanan ang itsura ng mukha nito. She could smell fear and amusement at the same time. Kahit hindi niya pasukin ang isip nito at kitang-kita sa klase ng ekspresyon nito.
Hindi ito kumibo at tahimik lang na sumunod sa kanya. Tinungo nila ang silid na alam niyang kinaroroonan ng mga kaibigan niya at ng pinunong pinagsisilbihan niya.
SA LOOB ng throne room, tahimik na pinakinggan ni Aserah ang ulat na dala ni Zanti. Pinigil niya ang magbuga ng hangin dahil sa mga narinig. Nakakalungkot isipin pero mukhang kailangan nilang maghanda sa nagbabadyang digmaan kung sakaling hindi nila magawan ng paraan ang mga nangyayari.
Si Aserah ang namamahala sa kabuuan ng Noyuh matapos ang malaking digmaan nila laban sa mga Muhlerian. Kasama siya sa mga bumuo ng mahika para mabuo ang pader na pumuproteksyon sa buong Erganiv.
Isa siya sa mga nakipaglaban sa digmaan noon na siyang kumitil sa mga kaibigan niya at sa kanyang buong pamilya. The Muhlerians slaughtered her entire family.
But it happened a long time ago. And she would not waste her immortal life thinking about the past. Gagawin niya ang lahat para maipagtanggol ang kanyang nasasakupan. Kahit buhay pa niya ang maging kapalit.
“Rieska is back...”
Pauli-ulit na umukilkil sa kanyang utak ang sinabing iyon ni Zanti. That explained everything. Kung bakit may mga nakawalang bilanggo, at kung bakit maraming mga kakaibang nilalang na naglipana sa iba’t-ibang rehiyon ng Noyuh.
Rieska. Lihim siyang napalunok. Even whispering her name was a threat. Because she was once the powerful queen of Erganiv.
No. There was no such thing as Queen of Erganiv now. Pantay-pantay ang lahat ng mga pinuno sa bawat kaharian. Kaya sila nanatiling mapayapa sa nakaraang mga taon dahil walang nalalamang sa kapangyarihan. But now that Rieska was back, she knew that soon their world would be in chaos.
Hindi siya natatakot makipaglaban. Pero natatakot siya sa maraming buhay na maaaring mawala kapag nagkaroon ulit ng digmaan. At para sa kanyang nasasakupan, hindi siya puwedeng magpakita ng anumang kahinaan.
Lahat sila natiligan sa pagsasalita nang biglang iluwa mula sa pintuan si Winzi kasama ang mortal. Yumuko si Winzi sa kanya samantalang abala naman sa pagtingin sa paligid ang lalaking mortal bago nagsalubong ang kanilang mata. Ilang sandali itong kumurap at waring pinag-aralan ang kanyang itsura.
“Yuko! Magbigay galang ka sa pinuno.” Sapilitan itong pinayuko ni Winzi at wala itong nagawa kundi sumunod.
“Please...don’t kill me.” wika ng mortal. May panginginig sa boses nito at ramdam niya ang matinding takot.
“Puwede kang manatili dito hangga’t hindi ko pa nagagawan ng paraan kung paano ka makakabalik.” Taas noong wika niya.
Marami siyang plano sa mortal na ito. At sana ay hindi niya pagasisihan sa bandang huli ang kanyang naging desisyon.
RAMDAM ni Eleand ang panginginig ng kanyang kalamnan nang magsalubong ang mata nila ni Aserah. There was something about her, something ancient. A goddess. Iyon ang tamang description sa itsura nito. Her golden hair was swirling in curls. Bagay na bagay dito ang suot na korona. Her eyes were emerald green with a ring of gold!Napapalibutan siya ng mga nilalang na wala siyang itulak kabigin pagdating sa kagandahan ng hitsura. Their curved and pointed ears, glowing skin, and colourful bright eyes were impeccable. But no matter how perfect they look; he knew that they were also deadly. Isang pagkakamali niya lang, tiyak na sa kabilang buhay siya pupulutin.“T-Thank you,” sinikap niyang huwag mabulol nang marinig ang sinabi ni Aserah.Hindi na niya muling sinalubong ang mata nito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Itinutok na lang niya ang mata sa gintong chandelier na nakasabit sa kisame. He noticed that the room h
"SLOW DOWN!" Elida was reaching for the seat belt. Kitang-kita ni Eleand ang pagkataranta sa mukha ng kapatid. Pero nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Then there was a loud thud! Nakita niya ang duguang katawan ng kapatid. He saw the tears from her eyes; it was red because of blood dripping from her injured head. Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya bago ito tuluyang pumikit. “Elida!” he screamed. Panaginip lang ang lahat pero bakit parang totoo? Humihingi ng tulong sa kanya ang kapatid. Shit. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang bintana. Madilim na. Nagkalat ang mga bituin sa langit at nakasilip na ang bilog na buwan. Mukhang mahabang oras siyang nakatulog mula kanina. I need to find Elida. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas sa kuwarto. Mabuti na lang at walang ibang nilalang siyang nakita habang pababa sa grand stair
NAGISING si Eleand kinabukasan dahil sa kaluskos ni Lifa. Nakita niyang galing ito sa loob ng banyo. Nagsalita ang babae nang makita nitong gising na siya.“Inihanda ko na ang pampaligo mo. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili dahil sasabay ka sa almusal ng pinuno.”Hindi siya nagdalawang isip na bumangon nang marinig ang sinabi ni Lifa. Minsan pa siyang nagulat nang makita ang loob ng banyo. The bathroom was spacious enough to be his bedroom. Mayroon itong pool size na Jacuzzi! Wala siyang ideya kung anong uri ng mahika ang ginamit dito pero kailangan na niyang maligo para makasabay sa almusal.Mabilis siyang nagbihis matapos maligo. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung ano ang isusuot. He chose the light blue tunic and black pants. Napangiti din siya nang makita ang mga nakahilerang sapin sa paa. Pinili niyang isuot ang itim na boots. He did not wear cloak because the morning temperature was
HINDI itinago ni Eleand ang pagkamangha nang marating nila ang kabundukan ng Autumn Region. Mahigit isang oras na silang naglalakad pero hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap nila. Kahit saan siya tumingin lahat ng halaman at puno ay taglagas. The leaves were red and yellow while the other trees were bald. Nagkalat sa lupa ang makukulay na dahon ng mga punong kahoy.“Anong klaseng hayop ba ang huhulihin natin?” Hindi siya nakatiis na magtanong. Mabuti na ang alam niya para hindi siya magulat kung kakaiba ito.“We are not hunting animals. Manghuhuli tayo ng Migus para mas challenging.” Nakangiting wika ni Zanti.“What is that?” kunot-noong tanong niya. Pangalan pa lang nagdududa na siya. Sa klase ng ngiti ni Zanti parang gusto niyang kabahan.“That is a lesser faery living in shadow. You’ll see, mabibilis sila kaya masusubukan ang galing natin sa pangangaso. We just need to
NAPATAYO si Aserah mula sa pagkakaupo sa trono dahil sa pagdating ni Zanti kasama si Eleand. Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang paningin ang humahangos na mukha ni Winzi at si Ahldrin na duguan ang braso.“Ano ang nangyari sainyo?” tanong ni Aserah na hindi itinago ang pagkunot ng noo.“Naglilibot ako sa Rehiyon ng Tagsibol at may nakita akong nakakatakot na pangitain,” wika ni Winzi na hindi kumukurap.“Anong pangitain?” tanong ni Ahldrin. Binitawan na nito ang nagdurugong braso at nakita niyang unti-unti nang naghilom ang mga sugat nito. Ang mga diwatang dugong bughaw ay may kakayahang pagalingin ang sarili. Except when they were heavily wounded. Natatagalan bago makabawi ng lakas kapag grabe ang tama sa katawan.“Nakita ko ang Sinaunang Reyna kasama ang isang lalaking alagad niya dito sa loob ng palasyo.”Tumango si Aserah sa narinig. Lihim siyang nagtangis ng bagan
NAKATITIG si Eleand sa mata ni Winzi. Her silver eyes glimmered as she gave her a warning. Agad itong humarap sa kanya nang may pumasok na nakaitim na babae kasama ang isang lalaki. Naririnig niya sa utak ang sinasabi ni Winzi. Mariin itong nakahawak sa magkabilang balikat niya.Don’t look at her. Just look at me.Hindi naman siya nagmatigas pa at sumunod rito. Alam niya ang panganib. Kusang nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding takot dahil sa presensya ng nakaitim na babaeng dumating. Her voice was dangerous but sweet. Normal lang siguro iyong katangian ng isang diwata.Naririnig niya ang mahinang tawa ng babae. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang tingnan ito. Thanks to the gift of fae eyes, he could vividly see the woman. Wala sa sariling pinag-aralan niya ang itsura nito. Maybe it was because of the magic, he was instantly drawn.There she was, moving with lethal grace, wearing a shim
NAGISING si Eleand na nasa loob ng kanyang silid sa gintong palasyo. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. He saw something. Bloodbath. Nakita niya ang mga taong nakahandusay habang naliligo sa sarili nilang dugo. He had a frightening and unpleasant dream. Marahil ay epekto ito ng pagbisita ng sinaunang reyna dahil nakita niya ang babae sa panaginip niya. Her face was blurred. Pero alam niyang ito ang may kagagawan niyon. Darkness was everywhere. Hawak ng sinaunang reyna ang isang duguang espada. The pommel was a black diamond in the hilt of her sword. Walang bakas ng awa ang babae nang patayin nito ang napakaraming kawal. Shit. Ilang ulit siyang lihim na napamura. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. “Thank the heavens, you’re awake.” Nilingon niya si Winzi na iniluwa mula sa terrace ng kanyang kuwarto. Mukhang kanina pa ito nandito sa loob habang natutulog pa siya. “What happened?” kunot-noong tanong niya. Bukod sa masamang pa
ILANG sandali pang pinagmasdan ni Eleand ang mga diwatang nagkalat sa labas. Hawak niya ang aklat ng mahika. Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng malaking pintuan ng gintong palasyo. Ang ibang diwata ay nakatunghay sa kanya, at ang iba naman ay tila walang pakialam dahil abala sa kanilang mga ginagawa. He would always look forward to getting back here.He had a lot of things going in his mind, but he made sure that his goals were clear. He had to survive and endure everything to be able to wield strong magic. Napakalaking hamon ito para sa kanya, pero wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang lahat ng bagay para makauwi siyang buhay sa kanyang pamilya.“Are you ready?” wika ni Winzi mula sa likuran niya. He was surprised because of the white furr cloak she wore.Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya kaya pinaikot nito ang mata at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Bakit na naman?” Itinago niy