MABILIS na sumusunod si Nahil sa himpapawid kasama si Ahldrin. Both of them were chasing the Alundra. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa seryosong mukha ng kasama. He was tracking the scent of the beast.
Hindi na siya nagtaka dahil alam naman nilang lahat na ang lalaki ang pinakamagaling na tracker sa buong Erganiv. He was the General of the Land and Aerial Army of Noyuh. Sanay na sanay itong makipaglaban maging sa lupa man o sa himpapawid.
“Hurry!” Ahldrin shouted.
“All right,” bulong ni Nahil na nakangiti.
Erganiv was magically created ten thousand years ago using ancient spells that caused a continental drift. Sinadya itong buuin para sa katahimikang inaasam ng mga diwata kaya hiniwalay ang Erganiv sa kontinenteng nasasakupan ng Alegerio. Ito ang napagdesisyonan ng mga malalakas na diwatang dugong bughaw na nagtataglay ng kapangyarihang lumikha. Dahil napakalaking pinsala ang nilikha sa kontinente ng Alegerio sa nangyaring digmaan.
Dati ay malayang nakikipaghalubilo ang mga diwata sa mga mortal. Ngunit may isang kontinenteng nagnais na sakupin ang mundo—ang Muhler. Ito ang tahanan ng mga higante at mga makapangyarihang diwata na gumamagmit ng itim na salamangka. Kaya nagkaisa ang mga tao at diwata noon na labanan ang kasamaan ng mga Muhlerian.
Naganap ang matinding digmaan na kumitil sa libu-libong mortal at diwata. That was the Great Fae War and after that the treaty was formed; the wall barrier was built. The human king asked to cut the ties between their world and the fae kingdom. Ito ang naging kagustuhan ng hari upang mabuhay ang mga mortal nang tahimik. That was the main reason why humans cannot see Erganiv and other places related to magic.
All of them were living in peace until now. Halos walang nakatala sa kasaysayan tungkol sa pangyayaring ito sa mundo ng mga tao. But there was a theory about Muhler—the lost continent in the Pacific, and other theories regarding the continental drift.
Napaangat ang isang kilay ni Nahil nang lumingon sa gawi niya si Ahldrin. Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito.
“I found the beast!” Kinuha ni Ahldrin ang espada mula sa scabbard na nakalagay sa likod nito.
“I’ll handle it on foot. If it escapes, then it’s your turn.” She winked. Tumango naman ang lalaki at hinayaan siyang bumaba sa lupa. Alam naman nito ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban. Hindi lang ang isang hamak Alundra ang makakatalo sa kanya.
Napangiti si Nahil. Huminga siya nang malalim at mariing pumikit upang pag-aralan ang kilos ng Alundra. Kitang-kita niya ang marahang paggalaw nito sa loob ng naglalakihang mga baging. They were in the mossy forest. Ang mga malalaking punong nakapaligid sa kanila ay hitik sa lumot ang katawan pati sa mga sanga. Mukhang naramdaman ng halimaw ang kanilang presensya kaya bahagya itong natigilan.
Alundra was a beast in human’s body except its scorpion tail loaded with poison. Mayroon itong matatalas na pangil na kalutad sa isang tigre, mahabang sungay katulad sa usa, at matatalim na kuko katulad sa agila.Ito ay resulta ng paggamit ng pinagbabawal na mahika makapaminsala sa mga naninirahan sa Eragniv.
Galing pa sa mga Muhlerian ang uri ng salamangkang gamit para makagawa ng isang Alundra. Ang mga ganitong uri ng nilalang ay nakakulong sa Kastilyo ng Buhangin. Ngayong may isang nakatakas tiyak na may nangyaring hindi maganda.
The prison was heavily warded; maybe someone let them go on the loose. Tiyak na mayroon pang ibang halimaw na nakalabas kung tama ang kanyang hinala. Dahil mahigit isandaang taon nang walang ganitong uri ng halimaw ang naglipana sa Erganiv.
“There you are,” ngumiti si Nahil. Sa isang iglap ay nasa harap na niya ang halimaw. Nagsukatan sila ng titig. Nanlilisik ang kulay pula nitong mata. She knew that it was ready to kill.
“Medyo kulang ako sa praktis ngayon, shall we play?” Nakakaloko siyang ngumiti. Biglang nawala sa pinagkukublihan nito ang Alundra at mabilis itong pumaikot-ikot sa kanya. Para itong sumasabay sa hangin sa sobrang bilis.
Pinakiramdaman ni Nahil ang gagawin nito kaya dahan-dahan niyang kinuha ang katamtamang laki ng kutsilyong nakalagay sa kanyang tagiliran. Inasahan na niya ang pag-atake ng Alundra kaya mabilis siyang naglaho at lumitaw sa likuran nito.
Hindi siya nagdalawang isip na isaksak ang hawak na patalim sa leeg ng halimaw at ginilitan ito. Nagpakawala ito ng malakas na ungol na tila humihingi ng saklolo. She blew a little amount of wind to its tail and it was suddenly on fire. Umaakma kasi iyong tutusukin siya.
“That was quick.” Tinanggal niya sa leeg ng halimaw ang hawak na kutsilyo. Bumulwak ang kulay itim na dugo nito kaya nagmantsa iyon sa kanyang kamay at damit. Biglang lumitaw si Ahldrin sa harapan niya.
“What took you so long?” He looked bored as usual. Nanonood lang ito sa kanya sa hindi kalayuan.
“I don’t want to use magic but, you see, I cheated.” Namilog ang kanyang mata. Isa siyang diwata ng kagubatan at kabisado niya ang lahat ng elemento. Mula sa paggamit ng apoy, hangin, tubig, at lupa. Salamat sa kanyang namayapang ina na tinuruan siyang hasain ang kanyang kakayahan sa paggamit ng apat ng elemento.
Nahil originally came from the Spring Region of Noyuh. Every Fae in Erganiv could use a specific kind of magic. Depende kung saang lugar ito nanggaling, pero hindi kasing lakas tulad ng mga matataas na uri ng diwata at mga dugong bughaw.
Nahahati ang Noyuh sa apat na rehiyon at may kanya-kanyang uri ng panahon. Ang Tag-araw sa Hilaga, Taglamig sa Silangan, Taglagas sa Kanluran at Tagsibol sa Timog.May dalawang kaharian naman sa labas ng Noyuh—ang Alsache na siyang namamahala sa buong katubigan, at ang Gwiazda naman na siyang nagsasaayos ng dilim at mga bituin. Napapagitnaan ng Noyuh, Alsache, at Gwiazda ang kabisera ng Erganiv—ang Argia. Ito ang namamahala ng liwanag. Everything in Erganiv was in order, from day and night, and the different seasons of the weather, because of magic.
Kung ang isang diwata ay naninirahan sa taglamig na bahagi ng Noyuh, siguradong bihasa itong kontrolin ang niyebe. Pero hindi nga lang kasing lakas ng isang dugong bughaw.Pasalamat na lang si Nahil na kahit isa siyang bastarda, ang kanyang ama ay isang dugong bughaw at siyang Heneral ng hukbong sandatahan ng Argia. Her half-brothers and sisters were living in the Palace of Lights. Hindi siya malapit sa mga ito dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman na minsang pinagtangkaan ng mga ito ang buhay niya.
“Hey! Are you listening? Did the Alundra cast some spell on you?” seryosong tanong ni Ahldrin. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.
“Of course not! That beast brought some bad memories from the past.” Totoo sa loob niyang sabi. Bata pa siya noon at nag-aaral pa lang sa paggamit ng mahika nang minsang habulin siya ng isang halimaw na kasing bangis ng Alundra—ang Wareca. Pinaglaruan siya ng kanyang mga kapatid sa ama sa gitna ng kagubatan. Nagmakaawa siyang iligtas sa kamay ng halimaw pero pinagtawanan lang siya. She was bitten on her shoulder. Thanks to her mother who just came in time. She brought her to the Great Healer to recover.
He sighed. “What a waste of time. Wala tayong panahong maglaro ngayon. You know the threats across the borders.” Ang tinutukoy nito ay ang namumuong tension ngayon sa pagitan ng tatlong kaharian at ng Argia dahil sa bagong upong pinuno doon.
“Alam ko. Sa tingin mo ba gugustuhin kong magkaroon ulit ng digmaan? I don’t want that to happen. We are living in peace here. Pero ngayong may nakawalang bilanggo sa Kastilyo ng Buhangin, nakapagtataka kung paano ito nangyari.” Mariin siyang napailing at nagbuga ng hangin.
“We’ll ask Winzi about that.”
Nagkibit na lang siya ng balikat bilang sagot. Winzi was a seer. Nakikita nito ang mga bagay na maaring maganap. Pero nakapagtatakang nitong mga huling araw ay bibihirang lumabas ang mga pangitain ni Winzy. Kaya kailangan nilang alamin ang dahilan ng ilang pagbabagong nagaganap sa Erganiv.
“Let’s go back to the Golden Palace.” Yakag niya sa lalaki.
Tumango si Ahldrin. Binalot ng itim na liwanag ang buong katawan nito. At sa isang iglap ay nagbago ito ng pananamit. He was wearing his black warrior suit this time. It was made of black diamonds and onyx like scales. His wings were tucked in place. Hindi ito humaharap sa kanilang pinuno na hindi maayos ang itsura.
Sabay silang naglaho sa gitna ng kagubatan.
AGAD na yumuko si Ahldrin nang madatnan nila ni Nahil si Aserah na nakaupo sa trono. She wore her green off-shoulder gown embroidered with gold. Suot nito ang gintong korona na may malaking ruby sa harapan. Aserah was the Lady of Noyuh. Ito ang may pinakamataas na katungkulan sa buong Noyuh na siyang namamahala sa buong kaharian.“Naidispatsa na namin ang Alundra,” wika ni Ahldrin matapos magbigay galang.Tumayo si Aserah mula sa trono. “Mabuti.”“Nakapagtataka lang kung paano nakatakas ang halimaw mula sa kulungan,” sabat ni Nahil. She was her second in command and he was third. Wala naman sa kanyang problema kung anong posisyon ang ibigay sa kanya. Malaki ang utang na loob niya kay Aserah dahil sa pagtanggap nito sa kanya sa nasasakupan nito.He originally came from Gwiazda. Siya ang bunsong anak ni Lord Lavino, na siyang namamahala sa kaharian ng gabi at bituin. Pero pinili niyang iwan ang
RAMDAM ni Eleand ang panginginig ng kanyang kalamnan nang magsalubong ang mata nila ni Aserah. There was something about her, something ancient. A goddess. Iyon ang tamang description sa itsura nito. Her golden hair was swirling in curls. Bagay na bagay dito ang suot na korona. Her eyes were emerald green with a ring of gold!Napapalibutan siya ng mga nilalang na wala siyang itulak kabigin pagdating sa kagandahan ng hitsura. Their curved and pointed ears, glowing skin, and colourful bright eyes were impeccable. But no matter how perfect they look; he knew that they were also deadly. Isang pagkakamali niya lang, tiyak na sa kabilang buhay siya pupulutin.“T-Thank you,” sinikap niyang huwag mabulol nang marinig ang sinabi ni Aserah.Hindi na niya muling sinalubong ang mata nito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Itinutok na lang niya ang mata sa gintong chandelier na nakasabit sa kisame. He noticed that the room h
"SLOW DOWN!" Elida was reaching for the seat belt. Kitang-kita ni Eleand ang pagkataranta sa mukha ng kapatid. Pero nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Then there was a loud thud! Nakita niya ang duguang katawan ng kapatid. He saw the tears from her eyes; it was red because of blood dripping from her injured head. Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya bago ito tuluyang pumikit. “Elida!” he screamed. Panaginip lang ang lahat pero bakit parang totoo? Humihingi ng tulong sa kanya ang kapatid. Shit. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang bintana. Madilim na. Nagkalat ang mga bituin sa langit at nakasilip na ang bilog na buwan. Mukhang mahabang oras siyang nakatulog mula kanina. I need to find Elida. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas sa kuwarto. Mabuti na lang at walang ibang nilalang siyang nakita habang pababa sa grand stair
NAGISING si Eleand kinabukasan dahil sa kaluskos ni Lifa. Nakita niyang galing ito sa loob ng banyo. Nagsalita ang babae nang makita nitong gising na siya.“Inihanda ko na ang pampaligo mo. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili dahil sasabay ka sa almusal ng pinuno.”Hindi siya nagdalawang isip na bumangon nang marinig ang sinabi ni Lifa. Minsan pa siyang nagulat nang makita ang loob ng banyo. The bathroom was spacious enough to be his bedroom. Mayroon itong pool size na Jacuzzi! Wala siyang ideya kung anong uri ng mahika ang ginamit dito pero kailangan na niyang maligo para makasabay sa almusal.Mabilis siyang nagbihis matapos maligo. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung ano ang isusuot. He chose the light blue tunic and black pants. Napangiti din siya nang makita ang mga nakahilerang sapin sa paa. Pinili niyang isuot ang itim na boots. He did not wear cloak because the morning temperature was
HINDI itinago ni Eleand ang pagkamangha nang marating nila ang kabundukan ng Autumn Region. Mahigit isang oras na silang naglalakad pero hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap nila. Kahit saan siya tumingin lahat ng halaman at puno ay taglagas. The leaves were red and yellow while the other trees were bald. Nagkalat sa lupa ang makukulay na dahon ng mga punong kahoy.“Anong klaseng hayop ba ang huhulihin natin?” Hindi siya nakatiis na magtanong. Mabuti na ang alam niya para hindi siya magulat kung kakaiba ito.“We are not hunting animals. Manghuhuli tayo ng Migus para mas challenging.” Nakangiting wika ni Zanti.“What is that?” kunot-noong tanong niya. Pangalan pa lang nagdududa na siya. Sa klase ng ngiti ni Zanti parang gusto niyang kabahan.“That is a lesser faery living in shadow. You’ll see, mabibilis sila kaya masusubukan ang galing natin sa pangangaso. We just need to
NAPATAYO si Aserah mula sa pagkakaupo sa trono dahil sa pagdating ni Zanti kasama si Eleand. Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang paningin ang humahangos na mukha ni Winzi at si Ahldrin na duguan ang braso.“Ano ang nangyari sainyo?” tanong ni Aserah na hindi itinago ang pagkunot ng noo.“Naglilibot ako sa Rehiyon ng Tagsibol at may nakita akong nakakatakot na pangitain,” wika ni Winzi na hindi kumukurap.“Anong pangitain?” tanong ni Ahldrin. Binitawan na nito ang nagdurugong braso at nakita niyang unti-unti nang naghilom ang mga sugat nito. Ang mga diwatang dugong bughaw ay may kakayahang pagalingin ang sarili. Except when they were heavily wounded. Natatagalan bago makabawi ng lakas kapag grabe ang tama sa katawan.“Nakita ko ang Sinaunang Reyna kasama ang isang lalaking alagad niya dito sa loob ng palasyo.”Tumango si Aserah sa narinig. Lihim siyang nagtangis ng bagan
NAKATITIG si Eleand sa mata ni Winzi. Her silver eyes glimmered as she gave her a warning. Agad itong humarap sa kanya nang may pumasok na nakaitim na babae kasama ang isang lalaki. Naririnig niya sa utak ang sinasabi ni Winzi. Mariin itong nakahawak sa magkabilang balikat niya.Don’t look at her. Just look at me.Hindi naman siya nagmatigas pa at sumunod rito. Alam niya ang panganib. Kusang nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding takot dahil sa presensya ng nakaitim na babaeng dumating. Her voice was dangerous but sweet. Normal lang siguro iyong katangian ng isang diwata.Naririnig niya ang mahinang tawa ng babae. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang tingnan ito. Thanks to the gift of fae eyes, he could vividly see the woman. Wala sa sariling pinag-aralan niya ang itsura nito. Maybe it was because of the magic, he was instantly drawn.There she was, moving with lethal grace, wearing a shim
NAGISING si Eleand na nasa loob ng kanyang silid sa gintong palasyo. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. He saw something. Bloodbath. Nakita niya ang mga taong nakahandusay habang naliligo sa sarili nilang dugo. He had a frightening and unpleasant dream. Marahil ay epekto ito ng pagbisita ng sinaunang reyna dahil nakita niya ang babae sa panaginip niya. Her face was blurred. Pero alam niyang ito ang may kagagawan niyon. Darkness was everywhere. Hawak ng sinaunang reyna ang isang duguang espada. The pommel was a black diamond in the hilt of her sword. Walang bakas ng awa ang babae nang patayin nito ang napakaraming kawal. Shit. Ilang ulit siyang lihim na napamura. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. “Thank the heavens, you’re awake.” Nilingon niya si Winzi na iniluwa mula sa terrace ng kanyang kuwarto. Mukhang kanina pa ito nandito sa loob habang natutulog pa siya. “What happened?” kunot-noong tanong niya. Bukod sa masamang pa