Share

Chapter 7 – SHELTER

RAMDAM ni Eleand ang panginginig ng kanyang kalamnan nang magsalubong ang mata nila ni Aserah. There was something about her, something ancient. A goddess. Iyon ang tamang description sa itsura nito. Her golden hair was swirling in curls. Bagay na bagay dito ang suot na korona. Her eyes were emerald green with a ring of gold!

Napapalibutan siya ng mga nilalang na wala siyang itulak kabigin pagdating sa kagandahan ng hitsura. Their curved and pointed ears, glowing skin, and colourful bright eyes were impeccable. But no matter how perfect they look; he knew that they were also deadly. Isang pagkakamali niya lang, tiyak na sa kabilang buhay siya pupulutin.

“T-Thank you,” sinikap niyang huwag mabulol nang marinig ang sinabi ni Aserah.

Hindi na niya muling sinalubong ang mata nito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Itinutok na lang niya ang mata sa gintong chandelier na nakasabit sa kisame. He noticed that the room had a motif of green and gold.

Kulay berde ang makapal na carpet na nasa sahig. Ginto naman ang kulay ng mahabang mesa na napapalibutan ng mga upuan. The tapestries were a combination of green and gold as well. Bawat sulok ng silid na iyon ay bakas ang ranghiya. Even jade diamonds were just mere decorations on the wall with different ancient symbols.

“Who is he?” tanong ng lalaking nakaitim na hood, “human? How the hell did you come here?” dagdag pa nito.

“Zanti, enough.” wika ni Aserah at binalingan si Winzi, “Sige na Winzi, bring him to his room.”

Tumango si Winzi at hinila siya sa siko palabas. Sumunod naman siya sa babae at gusto niyang magreklamo nang makita ang mataas na grand staircase kung saan sila aakyat.

“Don’t tell me we’re going to climb that stair again?” Hindi niya napigilang bulalas. Bagama’t sanay naman ang katawan niya sa exercise, kaso mula nang umakyat sila sa mataas na hagdan kanina sa bungad ng palasyo ay nakaramdam siya ng panghihina.

“Isn’t obvious?” wika nito na nakaangat ang isang kilay. Kung nagkataong tao lang itong si Winzi baka kanina pa niya pinatulan ang pagiging maldita nito sa kanya. For God’s sake, he was Eleand Altierra, multi-billionaire business tycoon! Malas niya lang dahil sa mundong ito, hindi ang kagustuhan niya ang masusunod.

 Naiintindihan naman niyang ayaw lang talaga siyang kasama ni Winzi. All he could do was to behave. Iyon lang ang paraan para mapanaili niya ang kanyang kaligtasan habang nandito siya sa Erganiv.

“Baka naman may room kayo dito sa ibaba?” hirit pa niya. Pero agad din niyang itinikom ang bibig nang pinanlakihan siya nito ng mata.

“Sabi ko nga,” naibulong niya sa hangin.

Binilisan niya ang hakbang paakyat hanggang sa abot ng kanyang makakaya. Siguro kaya siya nanghihina dahil isa lang siyang tao. Nandito siya sa mundo ng mga diwata kaya iba ang epekto sa kanyang katawan.

“Pshh.” He heard Winzi clicked her tongue. Ano na naman kaya ang problema ng babaeng ito?

“Nanghihina ka kasi gutom ka na.” Namimilog ang matang wika ni Winzi.

“What? How—” Oo nga pala, nababasa ito ang iniisip niya.

Damn this witch! Naikuyom niya ang kamao.

“Shut up! Narinig ko ‘yon. Gusto mong pilipitin ko ‘yang dila mo?” She gave him a warning look.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Bakit ba niya nakalimutan ang kakaibang kakayahan nitong kasama niya? Siguro kailangan na niyang tanggapin na mula ngayon ay hindi na siya magkakaroon ng privacy. Given Winzi who could read his thoughts. Ano pa ba ang itatago niya?

Narating niya ang kanyang magiging silid. May tinawag si Winzi na isang babae at narinig niyang ito ang mag-aasikaso ng kanyang mga pangangalilangan sa pagkain at pananamit.

“From now on, this is going to be your room. Itong si Lifa ang mag-aasikaso sa’yo, sabihin mo lang sa kanya kung may kailangan ka.” Itinuro nito ang babaeng katabi. She was dark skinned faerie with raven black hair. Kung hindi lang nakikita ang pahaba nitong tainga ay iisipin niyang tao ito.

“Salamat.” Totoo sa loob niyang sabi.

“Maghahanda ako ng pagkain mo.” ani Lifa na tumalikod na bago pa man siya makapagsalita.

“Okay, now you’re on your own.” Nagkibit ng balikat si Winzi at akmang tatalikod bago muling nagsalita, “Stay alive as long you can.” She wickedly grinned.

Bubuka pa lang ang bibig niya para magsalita pero bigla na lang itong nawala sa paningin niya. Para itong biglang sumabay sa hangin pababa sa hagdan.

Now what? Naitanong niya sa sarili. Ilang ulit siyang nagbuga ng marahas na hininga. He congratulated himself for staying alive upto now. Kanina habang paakyat sila sa palasyo ay kung anu-ano na ang iniisip niya. He was even thinking that he was near to his death. Pero ngayong nasa loob siya ng maranghiyang kuwarto, tama si Winzi. Kailangan niyang sikaping mabuhay sa abot ng kanyang makakaya.

He surveyed his room. It was really massive. Halos tatlong doble ang laki niyon sa master’s bedroom niya sa California. The bed was huge. Kakasya doon ang apat na tao na hindi magkakadikit. Mayroon ding malaking dining table malapit sa terrace.Napansin niyang iba ang kulay ng silid na ito kumpara sa kabuuang kulay ng palasyo na ginto at berde.

His room had a winter theme. Puti at asul ang kulay ng makakapal na kurtina sa bintana. But he still noticed the delicate design of gold ice flakes on the tapestries. Napakalaki din ng pabilog na chandelier na may palamuting asul na mga dyamante.

Lumapit siya sa bintana ilang metro ang layo sa higaan. Tahimik niyang inilibot ang mata sa kabuuan ng kagubatang nakapaligid. Nakita niyang tirik na ang araw sa labas.

Elida. Muli ay nagbuntong-hininga siya. Ilang ulit pa siyang nagdasal sa kaligtasan ng kapatid. Sana ay pareho silang napunta sa kakaibang mundong ito. Pero paano kung hindi? Paano kung siya lang ang masuwerteng nakaligtas samantalang naiwan ito sa mundo nila?

Natigil siya sa pagmuni-muni nang makita si Lifa na may dalang tray na may lamang pagkain. Bigla niyang naramdaman ang pagkalam ng sikmura nang pumasok sa kanyang ilong ang mabangong amoy ng pagkain.

“Kumain ka muna bago magpahinga. Dadalhin ko dito ang mga damit na kakailanganin mo.” Inilapag ni Lifa ang dalang pakain sa dining table at umalis na.

Hindi na siya nag-alinlangang maupo sa harap ng pagkain. There were lots of fruits and veggies. Parang kusang naglalaway ang bibig niya nang makita ang malaking piraso ng roasted meat. Akma na siyang susubo ng pagkain nang matigilan siya.

Wait, he should not eat their food. Naisip niya ang mga kuwento ng lola niya sa kanilang magkakapatid tungkol sa mga diwata at engkanto. Na huwag na huwag silang titikim ng pagkain mula rito kahit gaano man kasarap iyon, dahil hindi na sila makakabalik pa.

Muling kumalam ang kanyang sikmura. Ilang minuto pang nagtalo ang kanyang damdamin kung kakainin ba iyon o hindi. Until he heard Winzi’s voice around his head.

Eat it, stupid!

Bintawan niya ang hawak na kubyertos at mariing napapikit. Baka pinaglalaruan lang siya ng isip. Pero muli niyang narinig ang boses ni Winzi.

Do you want to starve yourself to death? Don’t worry, that is...a slice of human meat.

Lalo siyang nawalan ng gana dahil sa narinig. Hinila niya palayo ang tray ng pagkain. Hindi bale nang mamatay siya sa gutom. Naririnig pa niya ang nakakalokong tawa ni Winzi sa utak niya.

Akma siyang tatayo sa upuan nang biglang sumulpot si Nahil sa harapan niya. Her wings were nowhere in sight.

“Don’t listen to her. That is a roasted lamb. Kailangan mong kumain kung gusto mong mabuhay. I can say that our foods here are pretty much the same just like in your world, except that ours are more delicious.” Nakangiting wika ni Nahil.

“A-are you sure? Makakabalik pa ba ako sa mundo namin kapag kumain ako ng pagkain n’yo?”

Bahagyang natawa si Nahil. “Silly mortal legends. Of course, you can.”

Ilang sandali niyang tinantiya ang sinabi ni Nahil. Muling kumalam ang sikmura niya. Naririnig pa niya ang nakakalokong tawa ni Winzi.

“Winzi, stop it!” saway ni Nahil. Tumigil naman si Winzi.

Lumapit si Nahil sa kanyang tagiliran at hinawakan siya sa balikat. “C’mon Eleand, if you want to survive you need to trust us.”

“I can trust you, but that Winzi witch I don’t think I can.” Tiim ang bagang na wika ni Eleand.

Ngumiti si Nahil. “Go, eat.”

Tumango siya at muling hinawakan ang kubyertos. Dahan-dahan siyang kumain habang nakamasid si Nahil sa kanya. Mukhang totoo ang sinasabi ng babae na masarap ang pagkain nila. The roasted lamb was indeed tasty.

“Thank you, Nahil.” Ngumiti siya nang maramdaman ang pagkabusog.

“You’re welcome. You need to rest.”

Tumango si Eleand. Hinawakan siya ni Nahil sa noo at bigla niyang naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mata. Bigla itong nawala sa paningin niya. Tumayo siya mula sa dining table at tinungo ang kanyang higaan. He dozed off before he realized it.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status