"SLOW DOWN!" Elida was reaching for the seat belt.
Kitang-kita ni Eleand ang pagkataranta sa mukha ng kapatid. Pero nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Then there was a loud thud! Nakita niya ang duguang katawan ng kapatid. He saw the tears from her eyes; it was red because of blood dripping from her injured head. Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya bago ito tuluyang pumikit.
“Elida!” he screamed.
Panaginip lang ang lahat pero bakit parang totoo? Humihingi ng tulong sa kanya ang kapatid.
Shit. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang bintana. Madilim na. Nagkalat ang mga bituin sa langit at nakasilip na ang bilog na buwan. Mukhang mahabang oras siyang nakatulog mula kanina.
I need to find Elida. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas sa kuwarto. Mabuti na lang at walang ibang nilalang siyang nakita habang pababa sa grand staircase. Baka natutulog na ang kanyang mga kasama.
Tahimik siyang nakiramdam sa paligid ng malawak na palasyo. Mabuti na lang at natandaan niya ang daan palabas kaya sinikap niyang humakbang na hindi lumilikha ng ingay. Alam niyang imposible ang kanyang gagawin pero mas mabuti na ito kaysa manatili siya rito nang walang ginagawa. Umaalingawngaw pa rin kasi sa kanyang utak ang paghingi ng tulong ni Elida.
Few more steps. Ilang ulit siyang napalunok. Kaunting hakbang na lang at makakarating na siya sa malaking pintuan palabas. Mabuti na lang walang ibang tao at mga bantay kaya tiyak na hindi siya mahihirapang makaalis.
Napasuntok siya sa hangin nang makalabas siya sa malaking pintuan. This must be his lucky night. Malalim na ang gabi pero nakabukas pa ang pintuan ng gintong palasyo. Ganito ba talaga kawalang pakialam ang mga diwata pagdating sa kanilang seguridad?
This is it! Nakagiting humakbang si Eleand sa walang katapusang hagdan paibaba. Ngayon ay kailangan niyang makaabot sa malaking gate ng palasyo. Kapag nagawa niya iyon ay siguradong makakatakas na siya. Bahala na kung saan siya mapunta pagkatapos niyang makalabas.
Ilang hakbang pa at nasa ibaba na siya. Napangiti siya nang marating niya ang pinakaibaba ng hagdan.
Great! Now, to the gate. Maingat siyang humakbang papalayo sa palasyo habang pinapakiramdaman ang paligid. Wala namang kakaiba maliban sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Lagaslas lang ng tubig mula sa talon ang naririnig niya.
Naging abala siyang pagmasdan ang kumikislap na tubig mula sa talon. It was mesmerizing because fireflies seemed dancing along with the water.
Kaso nagulat siya pagpihit niya nang mabunggo niya ang isang bagay. Nanlaki pa ang mata niya nang mapagtanto kung ano ang nabangga niya. Hindi pala ‘ano’, kundi ‘sino’.
“Damn!” Napamura siya sa pagkagulat at muntik na siyang mapatalon. Then he cursed even more when he saw Winzi’s wicked grin. The crescent moon emblem on her forehead glowed under the moonlight.
“At saan ka pupunta?” Her arms crossed. Nakaangat ang isang kilay nito. She was not wearing her blue robe with a hood. This time she was in her purple night gown. Nakatirintas ang mahabang puting buhok nito.
“I need to find my sister.” Naikuyom niya ang kamao. Akala niya makakatakas na siya. Pero ngayong nakita niya ang bruhang ito biglang nawala ang katiting na pag-asang inipon niya.
“You imbecile!” may babala sa timbre ng boses nito. Walang pasabing hinila siya nito sa siko at sa isang kisap lang ng kanyang mata ay nasa harapan na sila ng pintuan ng palasyo.
“What the heck!” Bigla siyang inatake ng nerbyos. Nakita niya ang nanlilisik na mata ni Winzi. Her playful silver eyes were gone. Dahil mapanganib ang klase ng kislap nito ngayon.
“You don’t even know what creatures roam around here at night. Ang lakas naman ng loob mong tumakas! I didn’t know that humans are so dumb. Ilang ulit bang dapat ipaalala sa’yo na para mabuhay ka, kailangan mong mag-ingat?” Marahas nitong binitawan ang pagkakahawak sa kanyang braso.
Muli niyang naramdaman ang panginginig ng kanyang kalamanan. Bumubuka lang ang kanyang bibig pero walang katagang lumalabas. Sigurado siyang hindi mangingimi si Winzi na saktan siya kapag nagkamali siya ng salitang sasabihin. He knew this witch had impossible temper. Hindi niya gugustuhing salubungin iyon dahil gusto pa niyang mabuhay.
“I-I dreamed about my sister. She needs my help.” Sa wakas nakapagsalita rin siya kahit nauutal.
Huminga nang malalim si Winzi para bang sinisikap na habaan ang pasensya. “Alam mo ba kung saan matatagpuan ang kapatid mo, aber? Sigurado ka bang nandito siya na Noyuh? Hindi mo alam kung gaano kalawak ang Erganiv.”
“I just don’t know what to do.” He sounded hopeless.
“Sa susunod na tumakas ka, dudurugin ko ‘yang mga paa mo at nang matuto ka.” Nangangalaiti nitong sabi.
“I-I’m sorry.” Pabulong niyang sabi.
Namilog ang mata ni Winzi. “The next time around try to use some common sense. Tatakas ka din naman lang gabi pa.Sana umaga na lang, para maliwanag ‘di ba?”
Hindi siya kumibo. Kung papatulan niya ang babaeng ito baka mas ikapahamak pa niya.
“Geez, you’re really an idiot!” Nanggigigil na wika ni Winzi na akmang susuntukin siya. Naipikit na lang niya ang mata at inihanda ang sarili sa pinsalang maaaring idulot ng kamao ni Winzi. Lalo pa at biglang kumislap ang isang magic circle mula sa kamay nito.
“Winzi, tama na ‘yan.” sabi ng malamyos na tinig.
Pagmulat ni Eleand ng mata ay tumambad sa kanya ang nagniningning na mukha ni Aserah. She wore a mint green tunic paired with black pants and leather boots. Nakatirintas ang buhok nito at wala itong suot na korona. She held a bow and an arrow as if she just got back from a hunt.
Yumuko si Winzi at bahagyang umatras nang maglakad si Aserah sa gawi niya. Wari ay pinag-aralan nito ang kanyang mukha bago ito nagsalita.
“Sumama ka sa akin.” Malumanay na wika ng Pinuno ng Noyuh. Humawak ito sa balikat niya at naramdaman ni Eleand ang simoy ng hangin na bumalot sa kanyang katawan. Namalayan na lang niyang nasa loob sila ng council room na pinanggalingan nila kanina.
AGAD na lumuhod si Eleand sa paanan ni Aserah. Hindi siya mangingiming humingi ng tawad kahit na ilang ulit basta mapatawad lang siya nito sa kanyang ginawa.
“I’m really sorry.” Nanatili siyang nakaluhod at nakatingin sa leather boots ng babae, “I didn’t mean to escape. Nag-aalala lang talaga ako sa kalagayan ng kapatid ko.”
“Get up.”
Naramdaman niya ang paghawak ni Aserah sa kanyang balikat kaya nag-angat siya ng tingin. Dahan-dahan siyang tumayo at sinalubong ang magandang mata ng diyosa. Then he heard how his heart fluttered when she smiled at him. Ilang ulit siyang napakurap nang makita ang ngiting iyon. There was something magical about her smile. Hindi niya nakuhang makapagsalita agad.
“Halika rito at tingnan mo ito.” Lumapit ito sa malaking mapa na nakalatag sa mesa. Tumingin ito sa kanya bago nagsalita.
“Ito ang mapa ng buong Erganiv. Nabanggit na ba nila sa’yo ang buong Erganiv ay hindi nakikita ng isang ordinaryong tao? Nahahati ito sa apat na kaharian.”
Tahimik na pinakinggan ni Eleand si Aserah habang sinusundan ang mga sinasabi nito sa mapa. Hindi niya akalain na napakalawak pala ng Erganiv. Kung tutuusin at para itong isang maliit na bansa. Kaya pala ganoon na lang ang galit ni Winzi kaninang nahuli siya nitong tumatakas. Sobrang laki pala talaga ng Noyuh. It was divided in four different seasons. Ang gintong palasyong kinaroroonan niya ay nasa tag-init na bahagi—the Summer Region.
He was even more surprised to see that Argia, the Capital City of Erganiv was the smallest in terms of land area. The Faeries must have weird rules.
Parang nabasa ni Aserah ang tinatakbo ng isip niya kaya napangiti ito. Muli na naman niyang nahuli ang sariling napapanganga sa ngiting iyon.
“Maaring ang Argia ang pinakamaliit na bahagi ng Erganiv pero ito naman ang pinakamoderno. If you are lucky enough to visit there, you will see that Argia has the most modern civilization. Higit na mas moderno ang Argia kahit ikumpara ito sa mundong pinanggalingan mo. That makes them powerful. Halos lahat ng mga may dugong bughaw ay sa Argia piniling manirahan. Not just because it was modern, but because it was the safest.”
Napatango so Eleand. Napako ang mata niya sa kaharian na nasasakupan ng tubig, ang Alsache. Hindi kaya dito matatagpuan ang mga sirena? Just like how it was depicted in the imagination of humans.
Muli ay nagsalita si Aserah. “Sa Alsache matatagpuan ang Palasyong Kristal. The Alsacheris—their people are the most gifted healers,” itinuro nito ang kaharian sa Hilaga na katabi ng Noyuh, “And Gwiazdans are known for their shape shifting abilities.”
“How about the people of Noyuh?” Ito talaga ang kanina niya pa gustong itanong. Kung may iba-ibang katangian ang bawat diwata galing sa magkakaibang kaharian. Ano naman kaya ang kakayahan ng mga nakatira dito sa Noyuh?
“My people are capable of controlling the four elements—the earth, wind, water, and fire.”
“Whoa!” Ilang sandaling natulala si Eleand. Ilang ulit muna niyang itinatak sa isip ang mga sinabi ni Aserah. Ngayon pa lang ay sigurado siyang hindi niya gugustuhing tumakas ulit. Ano ba naman ang laban ng isang katulad niyang hamak na tao lang kumpara sa mga diwatang naninirahan sa Erganiv? Escaping was a suicide.
“Susubukan kong mahanap ang kapatid mo kung sakaling nandito siya sa Erganiv. Dito ka muna habang naghahanap ako ng paraan kung paano ka makakabalik sa mundo ng mga mortal.”
Lihim siyang napalunok, “Totoo bang makakabalik lang ako kapag muling lumabas ang asul na buwan?”
Tumango si Aserah. “There are other ways, pero kakailanin kong kumbinsihin ang lahat ng pinuno ng apat na kaharian na buksan ang lagusan patungo sa mundo mo. Dahil bawat pinuno ang may hawak ng kapiraso ng susi. But I can’t risk that. Dahil ang pagkupkop sa isang mortal ay labag sa batas ng Erganiv.”
Napanganga si Eleand sa narinig. Then he was really doomed. Kailangan talaga niyang hintayin ang pesteng blue moon para makabalik. Kaya naman pala may kasabihan sa mundo ng mga tao na “Once in a Blue Moon” dahil maghihintay nang matagal bago mangyari. Malay ba naman niyang siya ang magdudusa sa totoong kahulugan niyon?
“I will try my best to be alive until Blue Moon.”
Tumango si Aserah. Nagliwanag ang kamay nito na para bang maraming alitaptap ang naglalaro doon. Nakita niya na may hawak itong isang kwintas.
“I will give you this amulet. The pendant is the Emblem of Noyuh, with a jade diamond in the middle. It will conceal your human scent, and this will give you a gift of faerie eyes.” Inilahad nito sa kanya ang gintong kuwintas na may katamtamang laging pendant.
“W-what do you mean?” atubili niyang tinanggap ang amulet.
“You will know once you wear it.” Ngumiti si Aserah at ipinitik ang mga daliri. Sa isang iglap namalayan na lang niyang nasa loob na siya ng kanyang kuwarto. Naabutan niya si Lifa na nag-aayos ng maraming damit sa malaking closet. Napailing na lang ito nang makita siya.
NAGISING si Eleand kinabukasan dahil sa kaluskos ni Lifa. Nakita niyang galing ito sa loob ng banyo. Nagsalita ang babae nang makita nitong gising na siya.“Inihanda ko na ang pampaligo mo. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili dahil sasabay ka sa almusal ng pinuno.”Hindi siya nagdalawang isip na bumangon nang marinig ang sinabi ni Lifa. Minsan pa siyang nagulat nang makita ang loob ng banyo. The bathroom was spacious enough to be his bedroom. Mayroon itong pool size na Jacuzzi! Wala siyang ideya kung anong uri ng mahika ang ginamit dito pero kailangan na niyang maligo para makasabay sa almusal.Mabilis siyang nagbihis matapos maligo. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung ano ang isusuot. He chose the light blue tunic and black pants. Napangiti din siya nang makita ang mga nakahilerang sapin sa paa. Pinili niyang isuot ang itim na boots. He did not wear cloak because the morning temperature was
HINDI itinago ni Eleand ang pagkamangha nang marating nila ang kabundukan ng Autumn Region. Mahigit isang oras na silang naglalakad pero hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap nila. Kahit saan siya tumingin lahat ng halaman at puno ay taglagas. The leaves were red and yellow while the other trees were bald. Nagkalat sa lupa ang makukulay na dahon ng mga punong kahoy.“Anong klaseng hayop ba ang huhulihin natin?” Hindi siya nakatiis na magtanong. Mabuti na ang alam niya para hindi siya magulat kung kakaiba ito.“We are not hunting animals. Manghuhuli tayo ng Migus para mas challenging.” Nakangiting wika ni Zanti.“What is that?” kunot-noong tanong niya. Pangalan pa lang nagdududa na siya. Sa klase ng ngiti ni Zanti parang gusto niyang kabahan.“That is a lesser faery living in shadow. You’ll see, mabibilis sila kaya masusubukan ang galing natin sa pangangaso. We just need to
NAPATAYO si Aserah mula sa pagkakaupo sa trono dahil sa pagdating ni Zanti kasama si Eleand. Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang paningin ang humahangos na mukha ni Winzi at si Ahldrin na duguan ang braso.“Ano ang nangyari sainyo?” tanong ni Aserah na hindi itinago ang pagkunot ng noo.“Naglilibot ako sa Rehiyon ng Tagsibol at may nakita akong nakakatakot na pangitain,” wika ni Winzi na hindi kumukurap.“Anong pangitain?” tanong ni Ahldrin. Binitawan na nito ang nagdurugong braso at nakita niyang unti-unti nang naghilom ang mga sugat nito. Ang mga diwatang dugong bughaw ay may kakayahang pagalingin ang sarili. Except when they were heavily wounded. Natatagalan bago makabawi ng lakas kapag grabe ang tama sa katawan.“Nakita ko ang Sinaunang Reyna kasama ang isang lalaking alagad niya dito sa loob ng palasyo.”Tumango si Aserah sa narinig. Lihim siyang nagtangis ng bagan
NAKATITIG si Eleand sa mata ni Winzi. Her silver eyes glimmered as she gave her a warning. Agad itong humarap sa kanya nang may pumasok na nakaitim na babae kasama ang isang lalaki. Naririnig niya sa utak ang sinasabi ni Winzi. Mariin itong nakahawak sa magkabilang balikat niya.Don’t look at her. Just look at me.Hindi naman siya nagmatigas pa at sumunod rito. Alam niya ang panganib. Kusang nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding takot dahil sa presensya ng nakaitim na babaeng dumating. Her voice was dangerous but sweet. Normal lang siguro iyong katangian ng isang diwata.Naririnig niya ang mahinang tawa ng babae. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang tingnan ito. Thanks to the gift of fae eyes, he could vividly see the woman. Wala sa sariling pinag-aralan niya ang itsura nito. Maybe it was because of the magic, he was instantly drawn.There she was, moving with lethal grace, wearing a shim
NAGISING si Eleand na nasa loob ng kanyang silid sa gintong palasyo. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. He saw something. Bloodbath. Nakita niya ang mga taong nakahandusay habang naliligo sa sarili nilang dugo. He had a frightening and unpleasant dream. Marahil ay epekto ito ng pagbisita ng sinaunang reyna dahil nakita niya ang babae sa panaginip niya. Her face was blurred. Pero alam niyang ito ang may kagagawan niyon. Darkness was everywhere. Hawak ng sinaunang reyna ang isang duguang espada. The pommel was a black diamond in the hilt of her sword. Walang bakas ng awa ang babae nang patayin nito ang napakaraming kawal. Shit. Ilang ulit siyang lihim na napamura. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. “Thank the heavens, you’re awake.” Nilingon niya si Winzi na iniluwa mula sa terrace ng kanyang kuwarto. Mukhang kanina pa ito nandito sa loob habang natutulog pa siya. “What happened?” kunot-noong tanong niya. Bukod sa masamang pa
ILANG sandali pang pinagmasdan ni Eleand ang mga diwatang nagkalat sa labas. Hawak niya ang aklat ng mahika. Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng malaking pintuan ng gintong palasyo. Ang ibang diwata ay nakatunghay sa kanya, at ang iba naman ay tila walang pakialam dahil abala sa kanilang mga ginagawa. He would always look forward to getting back here.He had a lot of things going in his mind, but he made sure that his goals were clear. He had to survive and endure everything to be able to wield strong magic. Napakalaking hamon ito para sa kanya, pero wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang lahat ng bagay para makauwi siyang buhay sa kanyang pamilya.“Are you ready?” wika ni Winzi mula sa likuran niya. He was surprised because of the white furr cloak she wore.Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya kaya pinaikot nito ang mata at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Bakit na naman?” Itinago niy
“TAKE it easy, he won’t bite.” Natatawang wika ni Winzi.This witch was lying. Papunta sa dereksyon nila ang Harewyn at nakahanda na siyang patamaan ito ng kanyang pana. Kung hindi lang ito biglang nagbagong anyo at naging isang lalaki. Isang nakapakaguwapong diwata. His pointed ears and tanned skin were impeccable. There was a triangle mark on his forehead. Mahaba ang kulay pulang buhok nito at kulay berde ang mata.“Mukhang may mga bisita ako.” Nakangiting wika nito sa kanilang dalawa. Bumaling it okay Winzi at kumindat, “Hello, Princess. I’m glad you paid a visit.”Winzi blushed. Gusto niyang matawa sa reaksyon ng babae. Ngayon ay alam na niya kung anong klaseng diwata ang gusto nito—wild faerie beast.“Papunta kami sa templo ni Fariyah, kaya naisipan kong dumalaw dito. Kumusta ka Harewyn?” ani Winzi na abot hanggang tainga ang ngiti.“I’m q
KINAKABAHANG humakbang si Eleand papasok sa malaking pintuan ng templo. Bahagyang yumuko kay Winzi ang anim na kawal na nakabantay. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob at bumulaga sa kanya ang malawak na bulwagan. It was a massive entrance room with six large blue chandeliers hanging on the ceiling. Bawat maliit na detalye ng mga disenyo sa pader ay kulay ginto.Sa gitna ng bulwagan ay mayroong malaking estatwa ng babae. It was made of ice. The sculpture was holding a lance. Ito kaya ang estatwa ni Fariyah?“That is the ice statue of Veira, the goddess of winter,” wika ni Winzi. Inikot nito ang mata sa malaking estatwa at nagpatuloy. “She is Fariyah’s ancestor.”“Nice.” He was indeed amazed. Mukhang may pinanggalingan pala talaga ang mga mythology na pinaniniwalaan ng mga tao.Kapwa sila natigilan nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang isang babae. She wore white hooded swirling go