Share

Chapter 1

Author: Late Bloomer
last update Last Updated: 2024-01-03 17:55:54

"WHAT?" Naguguluhang tanong ni Amber sa lalaking kausap niya ng mga oras na iyon sa telepono.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga sinasabi nito sa kabilang linya, but one thing is for sure nakakaloka ang bagay na ito.

She's been a registered egg donor for six years of her life, pero ni minsan ay hindi pa din siya nakakapag donate ng kaniyanv egg.  She's an educator but she doesn't want to teach sa school so nag- online teaching muna siya habang naghahanap siya ng ibang magiging trabaho niya dahil wala naman talaga sa pagtuturo ang puso niya.

She heaved a heavy sigh at napapikit ng mariin habang nasa tenga niya pa rin ang kanyang cellphone. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

Will she accept his offer? To carry his own child on her womb? Like for real? She would become the mother of the baby.

Makakaya niya ba na gawin iyon kapalit ng napakalaking halaga na naghihintay sa kanya?

Napamulat siya ng kanyang mga mata, wala naman sigurong masama na gawin niya iyon dahil sa kabilang banda ay makakatulong naman siya sa pamilya niya lalo pa ngayon at kailangang kailangan ng kapatid niya ng pera para sa tuition fee nito.

Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntung hininga bago sumagot rito.

"Okay, I will accept your offer but payment first." Saad niya rito.

Akala niya ay tututol ito ngunit wala siyang narinig na anumang pagtutol mula rito.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay tinatanong na nito ang bank account niya kung saan nito ipapasok ang pera.

ILANG oras na ang nakalipas mula ng matapos silang mag- usap ng bago niyang kliyente ay nakatitig lamang siya sa kanyang kisame habang nakahiga.

Tama nga ba ang naging desisyon niya na tanggapin ang offer nito?

Napapikit siya ng mariin at pagkatapos ay napabuga na lamang ng hangin.

Bahala na, bulong niya sa kanyang sarili pagkatapos.

-------

TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Amber. Mabilis niyang kinapa ang nagwawalang alarm clock sa kanyang tabi habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.

Hindi niya alam kung bakit siya nag-alarm noong araw na iyon, wala naman siyang binabalak na puntahan. Agad niyang pinatay ito at itinakip ang unan sa kanyang mukha. Hindi na siya nag-abala pang imulat ang kanyang mga mata upang tingnan kung anong oras na.

Papunta na ang kanyang tulog nang muli na naman siyang magambala dahil sa tunog naman ng kanyang cellphone. Pinilit niyang hindi pansinin iyon dahil napakaaga pa para sa kung sino man ang tumatawag sa kanya.

Magsasawa din ito, sa isip isip niya. Isa pa ay siya na lamang ang tatawag rito mamaya at idadahilan na naka silent ang cellphone niya at hindi niya narinig na nag- ring ito. Hindi niya inabala ang kanyang sarili na bumangon upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya hanggang sa matapos na ang tawag.

Akala niya ay hanggang doon na lamang iyon at hindi na ulit ito tatawag ngunit laking gulat niya ng muli na naman niyang marinig ang ring ng kanyang cellphone.

Wala siyang nagawa kundi tanggalin ang unan na nakatakip sa kanyang mukha at inis na inis na bumangon. Hinagilap niya ang kanyang cellphone sa ilalim ng unan na nasa kanyang tabi pagkatapos ay tinitigan ang screen.

Ang kapatid niya ang tumatawag sa kanya sa ganun kaagang oras at hindi niya alam kung bakit. Wala siyang ka ide- ideya kung bakit siya nito tinatawagan samantalang nausap niya lamang ang mga ito kahapon ng umaga.

Nasa Bicol ang kanyang mga kapatid at mga magulang. Tatlo lamang silang magkakapatid at  pare- parehas na mga babae. Mas nakababata ang kanyang mga kapatid at siya ang panganay.

Sobrang hirap ng kanilang buhay kaya nagsumikap siyang mag- aral. Kumuha siya ng kursong edukasyon kahit na hindi naman talaga iyon ang gusto niyang kuhaning kurso niya sa kolehiyo. Nasulsulan lamang siya na kumuha niti dahil na rin sa tulak ng kanyang ina at ng kanyang ama dahil napakadami daw benepisyo kapag naging isang guro siya.

Sinunod niya naman ang mga ito at nag- aral ng mabuti upang makapagtapos. Nag- apply siya ng mga scholarship upang makapag - aral lamang at kumuha ng sideline niyang trabaho upang may panggastos siya sa kanyang pag - aaral. Ang kanyang ama ay isang karpentero lamang na kung saan ay hindi ganun karegular na mayroon itong trabaho. Patigil- tigil ang mga gawa nito kaya halos ang kinikita nito ay kulang pa para sa araw - araw nilang pangkain ng mga kapatid niya.

Ang nanay naman niya ay simpleng may bahay lamang at ang kanyang mga kapatid ay nasa high school pa lamang at hindi pa naman makatulong upang magtrabaho.

Ito ang naging inspirasyon niya upang magsikap na makapagtapos ng kanyang pag- aaral, upang maabot ang bagay na gusto ng mga magulang niya para sa kanya.

Ngunit ng makapagtapos siya at makapasa sa Licensure examination at nag- umpisa ng magturo sa isang public school ay doon niya nalaman na hindi talaga iyon ang bagay na gusto niya kaya nag- quit siya sa pagtuturo.

Mabuti na lamang at mabait sa kanya ang Diyos at hindi siya pinabayaan. Noong mga panahong naghahanap siya ng magiging bago niyang trabaho ay doon naman may nag- message sa kanya kung gusto niya daw bang maging isang egg donor.

Hindi naman ito ganun kahirap na gawin at isa pa ay napakasaya ng kanyang pakiramdam kapag may mga mag- asawa siyang natutulungan upang magkaroon ng anak.

At doon siya humahanga sa mga lalaking nagiging kliyente niya dahil marunong silang tumanggap ng mga flaws ng mga asawa nila. Kadalasan kase ang mga lalaki ay naghahanap ng iba kapag hindi sila mabigyan ng mga asawa nila ng anak.

Napapangiti siya sa tuwing masasalubong niya ang mga ito kung saan umbok na ang tiyan at masaya na namumuhay bilang mag- asawa at hindi nagbabago ang pagmamahal nila sa isat isa sa kabila ng lahat.

Kung tutuusin ay napakadami na niyang anak, dahil halos buwan- buwan ay may nagiging kliyente siya. Ngunit ang iba naman sa mga iyon ay confidential at hindi niya nakikita ang mga mukha kaya hindi niya nakikilala ang mga ito.

Inilagay niya ang kanyang cellphone sa tapat ng kanyang tenga pagkatapos ay pumikit. Inaantok pa talaga siya.

"Ate..." Boses iyon ng kapatid niyang sumusunod sa kanya. Bakas sa boses nito ang pagpigil na hindi maiyak, ang aga aga ay ganuon ang tono ng boses nito.

Biglang napamulat siya ng kanyang mga mata dahil sa pagkabahala. Hindi naman dati ganito ang kapatid niya na tatawag ng ganito kaaga kaya marahil ay may problema.

"Ate si Tatay-----" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nag- umpisa na itong humikbi sa kabilang linya.

Siya naman ay napakunot at napakamot na ulo. "Anong si tatay? Napano siya?" Agad niyang tanong dito ngunit hindi pa din nito nagawang sumagot dahil patuloy pa rin ito sa kanyang pag- iyak.

"Alice? Nanjan ka pa ba? Anong nangyari kay Tatay?" Sunod- sunod na naging tanong niya at pagkatapos ay bigla siyang nakaramdam ng pagsikip ng kanyang dibdib. Nasisiguro niya na hindi maganda ang balitang hatid ng kapatid niya.

"Ate si Tatay..." Pag- uumpisa nito habang humihikbi. "Ate inatake siya." Hanggang doon na lamang ang naging pag - uusap nila ng kapatid niya dahil nabitawan niya ang kanyang cellphone.

Para siyang lutang sa mga oras na iyon dahil sa balitang natanggap niya sa umagang iyon.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Agad siyang bumaba ng kanyang kama at nagmadaling naghanap ng kanyang jacket. Ni maghilamos ay hindi na niya nagawa dahil sa sobrang pagmamadali upang makapunta sa ospital.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Hired Mother   Chapter 16.4

    Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo.Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn.Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya?Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya.Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga anak n

  • The Hired Mother   Chapter 16.3

    “Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wa

  • The Hired Mother   Chapter 16.2

    Napalunok siya nang pumasok sa isip niya iyon. Hindi niya ugaling magpantasya ng mga lalaki pero bakit ang lalaking ito ay ganun na lamang ang naging epekto nito sa kaniya. Hindi siya makapag- isip ng maayos.Hanggang sa muli na naman dumako ang kaniyang tingin sa mga mata nito at sa puntong iyon ay may emosyong kung ano na ang makikita doon ngunit hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya magawang mag- iwas ng tingin rito. Tila hinihigop pa rin siya ng mga mata nito.Hanggang sa nakita niyang unti- unti na itong humakbang palapit sa kaniya na ikinakapit niya ng mahigpit sa damit niya. Tila nag- slow motion ang lahat sa kaniya ng makalapit ito sa kaniya.Halos ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isat- isa at ramdam na ramdam na niya ang paghinga nito sa mukha niya. Hindi niya alam pero nanatili pa rin siya sa kaniyang ayos at hinayaan lamang ito sa ginagawa nito.Nakita niya ang paglunok nito bago nito unti- unting ibinaba ang mukha.

  • The Hired Mother   Chapter 16.1

    Nakakain pa rin naman siya kahit papano kahit nawala na ang gutom niya pagkatapos niyang makaharap ang lalaking iyon, ngunit nasisiguro niya na kung nanatili lamang ito doon ay malamang sa malamang na hindi talaga siya makakakain.Sa totoo nga lang ay pinilit lamang niya ang kaniyang sariling kumain upang kahit papano naman ay malagyan ng pagkain ang kaniyang tiyan. Hindi naman maganda na matulog siyang kumakalam ang kaniyang sikmura.Nanatili muna siya sa kaniyang kinauupuan at tinititigan ang mga pagkaing nasa lamesa. Kanina lamang ay takam na takam siya sa mga ito na halos tumulo pa ang kaniyang laway ngunit naglaho ang lahat ng iyon nang makatitigan niya ang malalamig na mata ng lalaking iyon.Nahila siya mula sa kaniyang pag- iisip nang makarinig siya ng isang tikhim. Bigla siyang napaayos ng kaniyang upo at pagkatapos ay napa- angat siya ng kaniyang ulo. Akala niya ay ang lalaking iyon na naman ang makikita niya ngunit ang isang kasambahay ang nakita niyang nakatayo malapit sa k

  • The Hired Mother   Chapter 15

    6: 30 na nang gabi ngunit nasa loob pa rin siya ng kaniyang silid. Hindi pa siya lumalabas simula ng magising siya kanina. Wala naman kase siyang alam na mapuntahan isa pa ay hindi pa niya alam ang pasikot- sikot sa bahay na iyon.Naka- sandal siya sa kama at pinipindot ang remote ng tv ng mga oras na iyon. Dahil nga boring na boring siya ay manunuod na lamang siya ng pelikula kesa sa mamatay siya sa pagkabagot doon.Ilang sandali pa ay nakapili na rin siya sa wakas ng papanuurin niya. Paano ba naman kanina pa siya namimili ng papanuurin niya sana kaso napipilian siya dahil magaganda ang mga mapapanuod.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na ang pelikula ngunit napahimas siya sa kaniyang ng bigla niyang naramdamam ang pagkulo nito. Nagugutom na siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kasambahay kapag bumaba siya at sinabi niyang nagugutom na siya. Baka isipin ng mga ito ay nagiging bossy siya, e hindi naman siya ang boss doon.Napa- buntung hininga na lamang siya. Sa

  • The Hired Mother   Chapter 14

    Naramdaman niya ang pagtulo ng laway niya kaya dali- dali niya itong hinigop pabalik sa loob ng bibig niya at iyon ang naging dahilan ng pagkagising niya.Naalimpungatan siya dahil rito kaya pabalikwas siyang bumangon mula sa kama at kinusot- kusot ang kaniyang mata. Ilang sandali pa ay napahikab siya dahil parang hindi pa rin sapat ang tulog niya.Anong oras na ba? Tanong niya sa kaniyang sarili at pagkatapos ay napakamot sa kaniyang ulo. Unti- unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang tingnan kung anong oras na. Tiningala niya ang orasang nakasabit sa dingding.5:30 na ng hapon. Hapon na pala, nasabi niya sa kaniyang isip. Ilang oras din pala siyang natulog ngunit tila ba hindi pa rin sapat ang tagal ng pagkakatulog niya dahil pakiramdam niya ay kulang na kulang pa din iyon.Ilang sandali pa ay muli siyang nahiga sa kama at pagkatapos ay muli na namang humikab. Hindi na siya matutulog pa dahil hapon na. Baka sumakit lang ang ulo niya. Nanatili lamang siyang nakahiga at pilit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status