Share

Chapter 2

Two

HINDI niya alam kung paano siya nakarating ng ospital. Halos wala siya sa sarili habang naglalakad palapit sa ICU ng ospital. Nakita niya sa labas ng pinto ang kanyang kapatid na katabi ang kanyang nanay habang hawak- hawak ang kamay nito.

Halos ayaw humakbang ng kanyang mga paa palapit sa mga ito, nawalan na ang mga paa niya ng lakas at ang kanyang mga tuhod ay tila nauupos ng kandila.

Mabibigat ang kanyang mga hakbang palapit sa mga ito. Habang nakatingin siya sa mga ito habang naglalakad ay naninikip ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sakit. Sakit na makita ang mga itong nag- aalala para sa kanilang tatay na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung nasa mabuti na bang kalagayan.

Walang imik ang mga ito at nakikita niya na nagpupunas ng luha ang kanyang kapatid. Habang ang kanyang nanay naman ay tahimik lamang na nakayuko sa tabi nito.

Halos ayaw niyang lumapit sa mga ito. Parang gusto na lamang niyang bumagsak sa kinatatayuan niya ng mga oras na iyon dahil habang papalapit siya sa mga ito ay nawawalan siya ng lakas.

Hindi niya alam pero pagdating sa kanyang pamilya ay napakahina niya. Hindi siya lumaking duwag at handa siyang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya ngunit ang makita silang nasa ganitong sitwasyon ay sobrang nakakaapekto sa kanya.

Ilang hakbang na lamang ang layo niya sa mga ito, hindi pa rin napapansin ng mga ito na naroon na siya palapit sa kanila. Sa kanyang kinatatayuan ay rinig na rinig niya ang mahinang pag- iyak ng kanyang ina samantalang ang kanyang kapatid ay walang ingay na nagmumula sa bibig nito ngunit ang luha sa mga mata nito ay walang patid sa pagtulo.

Hanggang sa nakita na niyang tumayo ang kanyang ina, agad ding tumayo ang kanyang kapatid upang alalayan ito. Kasabay ng pagtayo ng mga ito ay ang pagbukas ng pinto ng ICU at paglabas ng ilang doktor.

Agad itong sinalubong ng kanyang ina upang magtanong.

"Kailan niyo balak operahin ang asawa ko?" Umiiyak na tanong ng kanyang ina sa mga doktor na kalalabas lamang.

Nakita niyang humugot ng isang malalim na buntung - hininga ang isa sa mga ito bago sumagot.

"Pasensiya na po ma'am ngunit ang patakaran po dito sa ospital ay kailangan muna ng down payment upang maisagawa ang operasyon-----"

"Anong klaseng ospital ito?! Anong klase kayong mga doktor ha?!" Galit na tanong ng kanyang ina at nagpalipat - lipat ang tingin nito sa dalawang doktor.

Agad namang hinawakan ng kapatid niya ang braso ng kanyang ina upang pigilan ngunit kinakalas nito ang hawak ng kapatid niya at nagpatuloy.

"Hihintayin niyo pa na may mangyari sa asawa ko ha?! Hihintayin niyo pa na----" hindi na nakapagsalita pa ang kanyang ina dahil pumiyok ito. Hindi na nito naitago ang sobrang sakit na nararamdaman nito sa kanyang dibdib at humagulgol na sa harapan ng dalawang doktor. Kitang- kita niya ang paghawak ng kanyang ina sa dibdib nito dahil malamang sa paninikip dahil sa sakit na nararamdaman nito.

Hindi napigilan ng pag- iyak nito ang bibig nito. "Akala ko ba tagapagligtas kayo ng buhay? Kaya nga kayo doktor diba? Pero bakit hihintayin pa ninyo na may mangyari sa mga pasyente niyo?" Narinig niyang saad ng kanyang ina sa mga doktor na hindi na lamang umimik at nagyuko ng kanilang mga ulo.

Doon na siya nagmadaling lumapit sa mga ito dahil halos manlupaypay na ang kanyang ina at bumagsak na sa sahig.

"'Nay!" Impit na sigaw ng kanyang kapatid at pagkapatos ay niyugyog ang balikat nito habang nakahiga na sa sahig. Agad na iniangat ng kapatid niya ang ulo nito at ipinatong sa mga hita nito.

"I'm sorry." Hinging paumanhin ng isang doktor sa kanyang bago tuluyang umalis sa harapan nila.

Agad din siyang umupo sa sahig upang alalayan ang kanyang ina. Mabuti na lamang at may dala - dala siyang isang bote ng tubig na binili niya kanina sa daan papunta doon.

Halos magtaas baba ang dibdib ng kanyang ina dahil sa paghahabol ng paghinga.

Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring patid sa pagtulo ang luha ng kanyang kapatid. Samatalang ang kanyang ina ay hindi tumitigil sa pagsasalita kahit na sobrang hirap na hirap ito sa paghinga habang nakahiga sa kandungan ng kapatid niya.

"Ang tatay niyo..." Hingal na sambit niya habang may mga luhang umaalpas sa mga mata nito.

Gusto niya na ring umiyak habang nakatingin sa mga ito, sa kapatid niya at sa nanay niya na nahihirapan dahil sa kalagayan ng tatay nila.

"Kamusta si tatay Alice?" Tanong niya sa kapatid at pagkatapos ay tumayo na. Tiningala naman siya ng kanyang kapatid na halos mugto ng ang mga mata kakaiyak pagkatapos ay muling yumuko. Nakita niya na yumugyug ang balikat nito habang nakayuko at pagkatapos ay nagsalita.

"Kailangan ni tatay ang maopera ate, may dugong bumara sa isa sa mga ugat niya sa puso dahilan ng paglaki ng puso niya." Mahina ngunit umabot sa kanyang pandinig ang naging sagot nito. "Kung... Kung hindi daw siya maopera kaagad ay may posibilidad na..." Nakakagat ang labing muling tumingala sa kanyang ang kapatid niya. Kitang - kita niya ang sakit sa mga mata nito nang magsalubong ang mga mata nilang dalawa.

Hindi nakatakas sa kanyang nga mata ang panginginig ng labi nito habang pinipigil ang pag - iyak.

"Mawala na sa atin si 'Tay..." Humihikbing sambit ng kanyang kapatid sa kanya.

Sa puntong iyon ay nag - iwas siya ng kanyang tingin at naglakad palapit sa salaming dingding ng ICU kung saan tanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan ang mahimbing sa pagtulog na kanyang Ama.

Napakaraming aparato ang nakakabit sa dibdib nito at may tubo na sumusuporta sa paghinga nito upang makahinga ito ng maayos.

Parang pinipiga ang dibdib niya habang tahimik na nakatanaw sa kanyang ama. Walang araw na hindi niya hiniling sa Diyos na sana ay humaba pa ang buhay ng kanyang mga magulang upang makita pa ng mga ito kung paano nila maabot ang mga pangarap nilang magkakapatid.

Gusto niya munang suklian lahat ng pagod ng mga magulang niya bago sana mawala ang mga ito. Gusto niyang ibigay ang mga bagay na nais ng mga ito na hindi nila mabili dahil sa kawalan nila ng pera dahil inuuna muna ng mga ito ang pang - araw araw nilang pangangailangan.

Noong bata siya ay gusto niyang maging isang inhenyero dahil ang kanyang ama ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo sa kurso nitong engineering dahil na rin sa kahirapan sa buhay. Gusto niya sanang kumuha ng kursong inheyero ngunit tumutol ang kanyang ama dahil magastos daw ito at hindi nila kaya, noong mga panahong iyon ay sobrang hirap pa sila sa buhay na halos baon lamang nila ay wala pa dahil inuuna muna nilang bilhin ang mga pagkain.

Meron pa noong high school siya ay natatandaan pa niya dahik malaki na siya noon ay bago siya pumasok sa school ay kailangan niya muna magtinda ng palaka para lamang may pambaon silang magkakapatid. Sobrang hirap ng buhay nila noon na halos sa mura niyang edad ay naiiyak na lamang siya kapag naiisip niya.

Kaya nagsikap siyang mag- aral at makapagtapos ngunit hindi din niya napakinabangan ang kanyang napag- aralan dahil nga ayaw niya naman talaga ang magturo.

Nagbago ang lahat ng pangarap niya ng makita niya ang mga kapatid niya na nagpupursige na magsipag aral upang makapagtapos. Kung hindi niya man natupad ang pangarap niya na maging inhenyero ay ipinangako niya sa sarili niya na tutulungan niya ang mga kapatid niya na tuparin at abutin ang mga pangarap ng mga ito.

Handa siyang magsakripisyo para sa mga ito, handa siyang ubusin lahat ng lakas niya upang maibigay lamang lahat ng pangangailan ng mga ito.

Sobrang dami na ng hirap na pinagdaanan ng kanyang mga magulang upang buhayin lamang silang magkakapatid at sa mga panahong kaya naman na niya ay pinilit niya na na siya na ang umako lahat ng responsibilidad sa mga kapatid niya.

Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya dahil sa pag- iisip habang nakatitig sa tatay niyang nakahiga sa kama. Kung sana siya na lamang ang nasa sitwasyon nito, kung pwede lamang niyang ipalit ang sarili niya rito ay ginawa na niya dahil napakahirap para sa isang anak na  makita ang mga magulang niya na nahihirapan dahil sa karamdaman.

Alam niyang hindi biro ang halagang kailangan nila para sa operasyon ng kanyang ama at nasisiguro niyang kulang pa ang naipon niyang pera sa kanyang bangko upang pambayad sa ospital.

Isa lang ang nakikita niyang solusyon para sa problema niya. Bago siya tumalikod ay pumikit muna siya at bumulong sa kanyang isip.

Gagaling ka Tay. Pangako yan.

Pagkatapos ay nagpaalam siya sa kanyang kapatid na may aasikasuhin lang bago siya tuluyang umalis mula doon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status