Share

Chapter 3

Luigi POV

Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari, halos isang buwan lang akong nawala at pakiramdam ko ang daming nangyari sa buhay ng mga kaibigan ko. Nandito ako ngayon sa rooftop kasama si Kaye habang  si tita naman ang nagbabantay kay Lovely.

"Kaye, hindi ba talaga natatandaan ni Lovely ang mukha ng lalaki? Siguro naaalala niya kahit papaano kailangang harapin ng lalaking 'yon ang responsibilidad niya." anas ko.

Nakita kong uminom muna sya ng kape tapos tumingin sa akin. "Tulad ng sabi ko hindi ko rin talaga kilala si Lui, kung ano ang naikwento ko sa inyo ay 'yon lang ang sinabi niya sa akin. Una pa lang ay binalaan ko na siya na pwede siyang mabuntis pero ang sabi niya naman ay hindi siya maghahabol sa tatay ng kanyang anak dahil hindi naman 'yin mangyayari kung hindi siya naglasing."

Kumunot ang noo ko. "Seryoso ba siya? May batang sangkot sa bagay na ito,"

"Hindi niya masisisi ang lalaki sa nangyari sa kanila dahil gusto niya rin, pareho silang lasing kaya nangyari ang bagay na 'yon."

Napabuntong hininga nalang ako. Wala din naman kasi kaming magagawa dahil nangyari na ang bagay na 'yon. Ang tanging magagawa na lang namin ay suportahan at alagaan si Lovely. "Halika na at bumalik na tayo do'n, baka magising ang kaibigan natin." pag anyaya ko sa kanya.

Pagpasok namin sa kwarto ni Lovely ay naabutan namin doon ang doctor na kausap si Tita habang gising si Lovely kaya agad namin siyang nilapitan.

"Kamusta na pakiramdam mo bes?" tanong ni Kaye.

"Binilhan ka namin ng pagkain at baka magutom ka," sabi ko at inayos ang mga binili naming pagkain.

Nang matapos ang pag-uusap ng doktor at ni Tita ay agad siyang umalis. "I'm sorry, siguro napagod ako kaya nawalan ako ng malay." biglang sabi ni Lovely.

Ngumiti si Tita sa kanya. "You don't have to say sorry my daughter, what happened to you is not your fault and another thing is kahit gaano kami ka-busy ng daddy mo we will always have a time for you."

"At isa pa, wag mo masyadong pilitin ang sarili mo para maging healthy kayo ni baby, kailangan mo ding kumain sa tamang oras." segundo naman ni Kaye.

"What baby are you talking about? I'm not pregnant. Minsan talaga baliw ka," natatawang sabi nito, mukhang hindi pa niya alam ang totoo.

Pero nang makita niyang hindi nagbago ang ekpresyon sa mukha nito ay unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Teka, nagbibiro ka lang diba Kaye?" tanong niya.

"Totoo ang sinasabi ng kaibigan mo iha, buntis ka." pagkumpirma ng doctor.

"P-paanong hindi ko man lang napansin? Akala ko ay pagod lang ako kaya madalas akong mahilo at mawalan ng gana sa pagkain." saad ni Lovely.

"Natural lang 'yan sa mga buntis." sabi ng doktor.

"H-hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko." mahinang saad ni Lovely.

Natawa ang doktor dahil sa inasal nito. "Kaya kailangan mong alagaan ang iyong sarili, lalo na't may buhay kang dinadala. Alam kong hindi ito magiging madali para sa iyo, lalo na't first time mo pero alam kung kaya mong harapin ito ng maayos at hindi ka iiwan ng asawa mo." sad nv doctor.

Mabilis na natahimik si Lovely dahil sa huling sinabi niya kaya lumapit ako sa kanila. "Walang ama ang bata, doc." seryoso kong sabi.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ng doktor. "I'm sorry about that but please take good care of yourself and the baby." hinging paumanhin nito.

"Wala akong gagawin na makakasama sa anak ko doc.. Kahit walang tatay ang bata blessing pa rin sa buhay ko." mabilis na sagot ni Lovely.

"Tama ang kaibigan ko doc.. At hindi siya nag-iisa para sa bata. Kaibigan niya kami ay aalagaan namin siya ng mabuti at susuportahan kasama ang kanyang pamilya." sabi ko na sinang ayunan naman ni tita at Kaye.

Kahit na walang ama ang anak ng kaibigan ko sisiguraduhin naming magiging masaya siya at hindi niya mararamdaman na may kulang sa buhay niya.

Ngumiti ang doktor. "Good to hear that from all of you. At ikaw Lovely ingatan mo ang sarili mo dahil first time mong mabuntis para hindi madali para sayo. Kumain ka sa tamang oras, masusustansyang pagkain lang tulad ng gulay at prutas. Iwasan din ang stress at huwag mapagod. Bibigyan din kita ng recipe ng vitamins mo. " paliwanag ng doktor.

May mga sinabi pa siya bago tuluyang nagpaalam sa mommy ni Lovely.

"Anong drama 'yan Kaye? Bakit ka umiiyak?" puna ko ng makita ko ang pagpahid ni Kaye may luhang lumabas sa mga mata niya.

"Oo nga, ano bang problema mo? Halika dito at yakapin mo ako. Mas nagiging emosyonal ka kaysa sa akin." sabi ni Lovely.

Mabilis na lumapit si Kaye at niyakap si Lovely." Masaya lang ako kasi sa wakas magkaka-baby ka na." sabi ni Kaye.

"Obvious naman na masaya ka dati kapag sumisigaw ka tapos ngayon umiiyak ka. Ikaw ba ang buntis? Kaso malabong mangyari 'yom kasi wala kang boyfriend." pang-aasar ko sa kanya.

"Alam mo Lui kung makapagsalita ka akala mo   may girlfriend eh alam naman nating pareho na single ka din." saad niya.

Lumapit ako kay Lovely. "Congrats, magiging mommy ka na. Kakapunta ko lang sa ibang bansa tapos ngayon magkakaanak ka na." nakangiting sabi ko.

"Salamat Lui, kahit ako ay hindi makapaniwala." nakangiting sabi ni Lovely.

"Wala ka bang planong hanapin ang ama noyan at sabihin sa kanya ang totoo?" tanong ko

Ngumiti naman siya sa akin. "Actually, gusto ko sanang hanapin siya at sabihin ang totoo. Kaso iniisip ko na paano kung hindi niya matanggap ang anak ko? At ang masama pa, paano kung may pamilya na siya? Ayokong makasira ako. Wala naman dapat sisihin sa bagay na ito dahil pareho naman naming ginawa. At isa hindi ko pa masyado natatandaan ang mukha niya, hindi madaling maghanap ng tao."

Napabuntong hininga ako. "Huwag kang malungkot na makakasama mo 'yan. 'Wag mo muna isipin ang mahalaga ngayon ay ang kalagayan niying dalawa." saad ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status