Share

The Hot Intruders Hidden Twin
The Hot Intruders Hidden Twin
Author: Blood

Prologue

Napaawang ang labi ni Lovely sa eksenang ngayon lang niya nasaksihan, nasa harap siya ng kwarto ng kanyang long time boyfriend, hindi siya halos makahinga habang nakatingin sa dalawang taong nakahiga sa kama.

“Bastos ka! Fuck kayong dalawa!" Sigaw ni Lovely, na ikinagulat nila, she's raging in emotions.

Nasa harapan niya ang nobyo at matalik na kaibigan, habang nakahiga sa kama at hubo't hubad, agad silang tumayo at dinampot ang kanilang mga damit.

"Babe, it's not what you think, please, let me explain," sabi ng boyfriend niya, sinusubukan niya pang hawakan ang nanginginig niyang kamay.

“Ano pa ang sasabihin mo? Ano ang pa kailangan mong ipaliwanag? Na niloko mo ako at sa matalik ko pang kaibigan? Tangina! Mga hayop! Fuck kayong dalawa!"

"Babe, please," pakiusap ng lalaki, "Lasing ako nang gabing 'yon. Makinig ka naman sa akin oh, buong akala ko ay ikawang kasama ko, I'm s-sorry please."

“Tumigil ka sa pagsisinungaling! Hindi ako maniniwala sa bawat salitang sasabihin mo! Niloko mo ako! Apat na taon na tayong magkasintahan! Apat na taon, ngunit pinili mong sirain ito para lamang sa isang gabi!" sigaw niya, habang hinahampas ang lalaki.

“I’m sorry,” pakiusap nito. "I didn’t want this to happen, I’m really sorry, babe. Ayusin natin 'to.” umiiyak na ngayon ang lalaki, sinusubukan ang lahat para ayusin ang magulo niyang sitwasyon.

"I'm sorry," biglang saad naman ng kanyang matalik na kaibigan, habang umiiyak na din, "I'm really sorry, Lovely,"

Mabilis na naglakad  si Lovely papunta sa kanyang kaibigan at walang sabing sinampal niya ito ng ilang beses. "Ikaw na malandi ka! Nagtiwala ako sayo dahil kaibigan kita! Pero tangina ka, ikaw pa ang sisira sa relasyon meron ako! Of all the people bakit ikaw pa? Sana naman naisip mong kaibigan mo ako! Sa dami daming lalaki na pwede mong landiin pinili mo pa talaga ang boyfriend ko? Ganyan ka na ba ka desperada ha? Sa tingin mo ba matatanggal ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon? ” patuloy na hinihila ni Lovely ang buhok ng kaibigan.

Mayamaya pa ay lumapit ang kanyang boyfriend at hinila siya nito palayo sa kanyang kaibigan, halos mamula na ang mukha nito dahil sa pagsampal niya at nagkaroon na din ito ng sugat. Nang mailayo siya ni Hari ay mabilis na tumakbo palabas ang ito dahil sa kahihiyan.

Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng binata. "Hinding-hindi kita mapapatawad!" umiiyak na turan niya at sinampal sa huling pagkakataon ang binata.

"Babe, calm down let's talk, please."

"Talk? Sa tingin mo ba ay gusto pa kitang kausapin? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha mo?" galit na sigaw nito.

Niyakap siya ulit ng binata. "Please let's fix this babe, don't be like this. Huwag mo akong iwan please." pagmamakaawa ng binata at nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. 

"Are you kidding me? Anong akala mo sa akin tanga? Hindi ako ang sumira sa relasyong ito kung hindi ikaw!" wika ni Lovely.

"I'm sorry please, ayusin natin to. Ayusin natin to. Give me another chance and I'll make it up to you babe," He pleaded.

Pero umiling lang ang dalaga. "Hinding-hindi na ako papayag na saktan mo ulit ako Hari, hindi mo na ako maloloko! Nagsisisi ako na ikaw ang lalaking minahal ko. Huwag kang umasa na magkakaayos tayo dahil hindi na mangyayari 'yon." at tinulak niya ng malakas ang lalaki at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Tumakbo si Lovely para makapunta sa elevator at mabilis na pinindot ang botton at nang bumukas ito ay agad siyang pumasok. Nang makalabas na siya sa building ay mabilis siyang sumakay sa kanyang kotse.

Iyak lang siya ng iyak sa loob dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagdesisyon na siyang lisanin ang lugar na 'yon.

Dumiretso siya sa bahay nila at kumuha ng damit dahil gusto muna niyang makalayo at napagdesisyunan niyang pumunta muna sa isang resort para doon na tumira kahit ilang araw lang.

Pagdating niya sa resort, nag-check-in muna siya sa isang suite para ilagay ang mga gamit niya, pero nagulat siya nang malaman niyang magkakaroon ng party ang resort at imbitado ang lahat ng nando'n.

Napangiti na lang siya ng maisip na swerte siya dahil mukhang 'yon ang kailangan niya. Hindi niya akalain na sa isang gabi lang masisira ang mahabang relasyon nila ni Hari.

Hindi siya makapaniwala na pagtataksilan siya ng bestfriend niya. She know that Zey value their friendship more than anything else kaya naman wala siyang mahanap na dahilan kung bakit nagawa niya ang bagay na ito sa kanya. Pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang bagay na 'yon. Hindi naman siya ang nawalan, atlis alam niya ng hindi talaga deserve ng ex niya ang pagmamahal niya. Narealize niyang kahit gaano pa kayo katagal magkarelasyon kung magloloko ang isa ay mangyayari talaga 'yon.

Naniniwala na siya ngayon na kahit anong kabutihan mo sa iba ay sa huli ay sasaktan ka kahit ang pinagkakatiwalaan mong tao ay iiwan at lolokohin ka. Ganyan ang buhay, kailangan mo lang sumabay sa agos at maging matatag at higit sa lahat huwag hayaang matuklasan ng mga tao ang iyong kahinaan baka gamitin nila ito laban sa iyo. Sanayin ang sarili na huwag umasa sa iba. Huwag magtiwala sa iba kundi sa iyong sarili lamang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status