Share

Chapter 2

Lovely POV

Isang buwan na ang nakalipas simula ng mangyari sa akin ang bagay na iyon, pero kahit ganoon ay madalas pa rin itong pumapasok sa isip ko at lalo pa at madalas itong ipaalala sa akin ng kaibigan ko.

Pumupunta rin si Hari sa bahay namin at kahit dito sa opisina para magpaliwanag pero hindi ko siya hinahanrap, ayoko nang magkaroon pa ng problema dahil mas pinili niyang pagtaksilan ako. Pati ang kaibigan kong si Zey sinubukan din akong kausapin pero sinampal lang siya ni Kaye.

Kontento na ako sa kung anong meron ako sa buhay ko. Itutuloy ko ang buhay ko nang wala ang mga toxic na tao sa buhay ko.

Habang nakatingin ako sa laptop ko dahil may mga chinecheck ako at biglang pumasok sa opisina ko ang kaibigan ko. "Wag ka masyadong magfocus dyan, lunch time na kaya kain na tayo." Napangiti si Kaye.

Tumango ako sabay ayos ng laptop ko tapos tumayo ako, pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, napahawak ako sa table para kumuha ng suporta dahil pakiramdam ko ay malabo na ang paningin ko at bago ko pa matawag si Kaye huli na ang lahat dahil bigla akong natumba.

"Lovely!" Narinig ko pang sumigaw si Kaye bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Kaye POV

Naiiyak ako ng makita ko kung nawalan ng malay ang kaibigan ko, ilang araw din ang nakalipas napansin ko rin na namumutla siya ng una akala ko kasi nagbababad lang siya sa trabaho kaya minsan ay late na din siyang kumain kaya madalas ko siyang yayain.

Dali dali akong lumapit sa kanya at tinapik ko pa sya ng ilang beses pero hindi nya dinilat ang mata nya kaya sumigaw nalang ako ng tulong, buti na lang at may mga empleyado dito na kumakain sa table nila kaya tinulungan nila ako na madala ito sa hospital.

Buti na lang at walang traffic kaya mabilis kaming nakarating at mabilis na inasikaso ng doktor ang kaibigan ko. Sobrang kinakabahan ako ngayon para, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at lumabas ang doctor.

"Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?" tanong niya.

"Kaibigan ko po siya doc. Kamusta po siya?" tanong ko.

"Sasabihin ko lang ang kalagayan ng kaibigan mo, kailangan niya ng sapat na pahinga at bawal siyang malipasan ng gutom. Kailangan niyang kumain ng masusustansyang pagkain at umiwas sa stress para hindi maapektuhan ang kanyang baby." paliwanag niya.

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. "Doc. anong baby ang sinasabi mo? Nabibingi lang ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Tama ang narinig mo iha. Isang buwan ng buntis  ang pasyente." malinaw niyang sinabi.

Nanlaki ang mata ko. "Totoo po ba ',yan doc? Buntis po ang kaibigan ko? Walang biro?"

"Oo, buntis talaga ang kaibigan mo." kinumpirma niya.

Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang dumating ang mama ni Lovely at lumapit sa doktor.

"Doc. anong nangyari sa anak ko? May sakit ba siya?" tanong niya.

Agad namang umiling ang doktor. "Walang sakit ang anak mo madam, ang totoo ay nawalan siya ng malay dahil sa pagod at 'yon ang dapat niyang iwasan dahil buntis siya."

Nakita kong napahawak si tita sa bibig niya sa gulat na halos hindi makapaniwala sa narinig. Agad akong lumapit sa kanya para alalayan ito. "B-buntis si tita Lovely?"

"Oo tita, magiging lola ka na at magiging tita na po ako." saad ko.

"Totoo po ba doc.?" tanong ni Tita.

"Yes madam," sagot ng doktor.

Kinausap pa kami ng doktor tungkol sa mga pangangailangan ng kaibigan ko sa kanyang pagbubuntis at saka nagpaalam sa amin, habang kami naman ni Tita ay pumasok sa kwarto kung nasaan si Lovely.

Nang nasa loob na ako, umupo ako sa upuan habang si Tita naman ay dumiretso sa higaan ni Lovely kung saan siya natutulog.

Nang makita niya ang luha sa mga mata ni tita, alam niya kung masaya rin siya dahil magkaka-apo na siya. Alam kong alam na niya ang nangyayari.

Tumayo ako at lumapit kay tita para i-comfort siya. "Tears of joy ba 'yan tita?" nakangiting tanong ko.

"I'm happy for my daughter, hindi ko man lang napansin na buntis siya at hindi man lang sinabi sa akin." bakas ang pagtatampo sa kanyang boses.

"Siguro hindi rin niya alam na buntis siya tita at kung sakaling may dahilan siya kung bakit hindi niya sinabi."

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isa pa naming kaibigan na si Luigi.

"Hi tita, hi Kaye" bati niya. "Nabalitaan ko ang nangyari kay Lovely, kumusta na siya?"

Sinabi ko kaagad sa kanya ang nangyari at kung bakit siya naospital na labis niyang ikinagulat.

"Kung buntis si Lovely sino ang ama? Alam naman nating wala siyang boyfriend." tanong ni Luigi pagkatapos ko siya sa buong kwento.

"Hindi niya alam kung sino ang ama." sagot ako.

Nakita ko ang tila pagkalito sa mga mata ni Luigi, hindi niya pa rin alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Lovely dahil wala siya dito at nasa ibang bansa siya at mukhang ngayon lang siya nakauwi.

Si tita na ang nagpaliwanag sa kanya ng buong nangyari kay Lovely at kung bakit siya nabuntis ng walang ama.

"Buti na lang nalaman ni Lovely  na niloloko lang siya ni Hari," galit na sabi ni Lui, dahil saksi rin siya sa tagal ng relasyon ni Lovely at ni Hari kaya hindi niya akalain na maghihiwalay ito dahil lang kay Zey.

"Si Lovely naman one night stand, hindi niya ba talaga siya kilala?" tanong niya ulit.

Sabay kaming nagkibit ng balikat ni tita, dahil kahit kami ay hindi alam ang totoo kung ito ba talaga ang nangyari at kung kilala o hindi niya ang ama ng kanyang dinadala.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status