Share

Chapter 1

Nagising si Lovely na masakit ang ulo, mukhang naparami yata siya ng inom kagabi sa party. Halos hindi niya na matandaan kung bakit siya nalasing at kung paano siya nakauwi sa kanyang suite. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura senyalea na gutom na ito. Akmang tatayo na siya para bumaba at kumain sa restaurant ng maramdaman niyang may brasong nakapulupot sa kanyang bewang kasabay niyang naramdaman ang sakit pagkababae niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto ang nangyari, lalo na't pruweba ngayon ang lalaking katabi niya sa kama at pareho pa silang walang saplot.

Tinampal ni Lovely ang noo niya dahil dito.

"Anong katangahan ito Lovely? Paano nakapasok ang lalaking ito sa suite mo?" kausap niya sa kanyang sarili.

Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap ng lalaki sa bewang nito at tumayo, hinahanap ng mga mata niya ang kanyang damit at nang makita niya ito ay mabilis niya itong pinulot at isinuot. At pagkatapos ay mabilis niyang kinuha ang kanyang gamit at lumabas sa kwartong 'yon ng mapagtanto niya na hindi kanya ang suite na 'yon.

Hindi na niya maalala ang nangyari dahil lasing siya pero wala siyang dapat sisihin dahil may kasalanan din siya. Maraming tao sa elevator at hindi na siya magtataka dahil umaga na.

Dumiretso siya sa kanyang room at agad na kinuha ang iba niya pang gamit. Kailangan niyang makaalis agad sa resort na 'yon bago pa magising ang lalaki. Nahihiya siyang makaharap ito dahil sa nangyari.

Halos dalawang oras din siyang bumiyahe bago nakarating sa kanilang bahay. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa kanilang garahe at mabilis na pumasok sa loob, dahan-dahang naglakad upang hindi makagawa ng anumang ingay.

"Saan ka galing, Lovely?" rinig niyang tanong sa kanya ng isang boses.

Agad naman siyang napahinto sa paglalakad ng marinig ang boses ng kanyang ina.

"Mom..." mahinang tawag niya dito.

"Saan ka nanggaling?" tanong ulit ng mama niya.

Napalunok ng ilang beses si Lovely bago nagsalita. “Kasama ko ang mga kaibigan ko, lumabas kami nag friday night mommy, hindi ko namalayan ang oras at natulog na lang ako sa bahay nila dahil delikado mag-drive. Pasensya na kung hindi ko ay nasabihan. " pagsisinungaling niya.

"Next time update me, para hindi na ako mag-alala. Pumunta ka na sa kwarto mo at magpahinga."

Tumango siya at agad napumunta sa kanyang kwarto. Agad siyang humiga sa kanyang kama para sana matulog pero hindi niya 'yon magawa, kahit anong pilit niyang ipikit ang kanyang nga mata ay walang epekto. Hindi mawala sa kanyang isip ang kagagahan na ginawa niya, hindi siya makapaniwala na nagkaroon siya ng one night stand sa lalaking hindi niya kilala.

Si Lovely, ay isang matalino at napakarilag na babae. She's already 25 years old at nagtatrabaho siya bilang HR Manager sa isa sa kanilang kumpanya. Kilala ang pamilya niya pagdating sa negosyo pero hindi naman siya pini-pressure ng mga magulang niya na pamahalaan ang negosyo nila.

Lumipas ang isang linggo at sinubukan ni Lovely na kalimutan ang nangyari sa kanya noong gabing 'yon pero kahit anong gawin niya ay hindi mawala sa isip niya kaya naman madalas siyang nahuhuli ng kaibigan na tulala.

Katulad na lang ngayon na hindi niya alam na katabi niya ang kaibigan niya na may daldal pero hindi niya ito pinapansin.

"Hoy!" binatukan siya nito.

Napatigil siya sa malalim na pag-iisip dahil sa ginawa ng kaibigan. "Ano? Bakit ka nambabatok?" inis na sabi nya.

"Haler, ilang minuto na kitang kinakausap pero parang hangin lang ang kausap ko. May problema ka ba? Ilang araw ko ng napapansin na parang wala ka sa sarili." anas nito.

Tiningnan niya naman ng seryoso ang kanyang kaibigan. "Alam mo ang ingay mo, wala akong problema okay? May iniisip lang ako." sagot niya.

Tumaas ang isang kilay ng kaibigan niya na parang hindi naniniwala sa sinasabi niya. "Alam mo Lovely matagal na tayong magkaibigan at kilala na kita. Alam ko kung may problema ka. Huwag kang magsinungaling sa akin, pwede mong sabihin sa akin kung anong bumabagabag sayo,"

"Okay okay panalo ka, alam kong hindi mo ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sayo. Mamaya ko na sasabihin sayo kapag lunch break okay?" sabi ni Lovely.

"Well you know, I'll wait for you to tell me later ha? You can't run away from me. I'll go back to my work, see you at lunch." sabi ng kaibigan niya at lumabas na ng opisina niya.

Napabuntong-hininga na lang si Lovely habang hinihimas ang sentido.

Dumating ang lunch break nila at akala nila kakain lang sa opisina ng dalaga, nagpahatid lang sila ng pagkain.

Habang kumakain sila biglang nagsalita si Kaye. "Sabihin mo sa akin kung ano ang tinatago mo sa akin," bulalas niya.

Kinain ni Lovely ang pagkain sa bibig niya bago nagpunas ng tissue, saka niya sinimulang ikwento ang nangyari sa kanya noong gabing iyon.

"Ano? Nakipag one night stand ka sa hindi mo kilala?" sigaw ng kaibigan niya.

Mabilis niyang tinampal ang bibig niya. "Hinaan mo lang ang boses mo Kaye, baka may makarinig sayo." sabi niya.

Alam ni Lovely na minsan nakakainis talaga ang bibig ng kaibigan.

Nag-peace sign si Kaye sa kanya. "Nakakagulat kasi ang revelation mo. Pero totoo ba talaga?"

"Ilang beses mo ba gustong ulitin ko ang sinabi ko sayo? Kailan ka pa naging tanga para hindi maintindihan ang sinabi ko?" Sabi ni Lovely sa iritadong boses.

"Duh! Sinong hindi magugulat kapag nalaman nilang nakipagtalik ka sa hindi mo pa kilala. My god Lovely!" Saad ni Kaye.

"I was drunk that night okay? Nasaktan ako dahil niloko ako nina Hari at Zey, nagtiwala ako sa kanila pero ito ang iginanti nila sa akin."

Agad namang tumayo si Kaye at lumapit sa kanya. "I understand you best, makakarma din sila dahil sinaktan ka nila. Wag mo na silang isipin dahil hindi sila kawalan sa buhay mo."

Tumango siya at sumandal sa upuan niya. Bumalik si Kaye sa upuan niya at tinitigan ang kaibigan.

"Pero paano ang una mo? Masarap ba? Malaki ba siya? Ano ang hitsura ng lalaki?" tanong ni Kaye.

"Anong tanong yan Kaye?" gulat na sigaw niya.

"What's wrong with my question? You already said that something happened to you right? Para hindi ka na inosente."

"Hindi ko talaga matandaan kung ano ang nangyari, medyo blurd sa isipan ko ang mukha niya kaya hindi ko masyadong madescribe ng malinaw." pag amin nito. 

"Pero kailangan mong matandaan ng malinaw ang mukha niya."

Napataas ang kilay ni Lovely. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Minsan ang tanga mo talaga Lovely, paano kung mabuntis ka?"

Natahimik siya sa sinabi ng kaibigan. Bakit hindi niya naisip na posibleng mabuntis siya? Para siyang tanga!

"Oh bakit ang tahimik mo ngayon?" tanong ulit ni Kaye.

"I don't know best I can't clearly remember his face you know I'm drunk." sabi niya.

"Ang tanga mo talaga!" Sabi ng kaibigan niya.

"I'm not really sure Kaye kaya hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo kung mangyayari 'yon," sagot niya.

"Hindi mo kailangang mag-alala kung mabubuntis ka. Mayaman ang pamilya mo at sigurado akong matatanggap ng mama mo ang anak mo at higit sa lahat may magandang trabaho ka." Saad ni Kaye.

May point siya, hindi siya mahihirapan kung may anak siya. Handa siyang harapin at panindigan ngunit ang kinatatakutan niya ay kapag nalaman ito ng kanyang pamilya, ayaw niyang mapahiya ang mga ito kapag siya ay buntis at walang ama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status