"P-pasensya na." Mabilis na binawi ni Valeria ang kamay niya mula sa ulo ni Rafael, na ngayo’y nakatingin sa kanya nang malamig at tila nagbibigay babala.
"Ahahaha…." Tumawa ang mga tao sa loob ng silid. Alam nilang gusto ni Valeria si Rafael at palagi nila itong tinutukso at pinagpapares.
Pero hindi nila alam na ngayon ay takot na takot si Valeria kay Rafael. Ang kaibigan niyang ito ang minsang nagbanta at nanakot sa kanya. Mula sa paghanga, nauwi ang lahat sa takot. Lalo na ngayong gabi, mas lalo siyang kinakabahan!
"Pagkatapos mong hawakan ang buhok ng soulmate mo, halikan mo na rin kamay niya, Valeria. Baka sakaling may maiwang amoy ni Rafael."
"Uy, bumalik na ang future husband mo, Valeria! Sige, kumaway ka naman diyan."
Napangiwi si Valeria sa sobrang hiya, gusto na niyang umuwi agad. Mabilis ang tibok ng puso niya at biglang namutla ang mukha niya. Diyos ko! Pinapawisan siya nang malamig. Lahat sila tinutukso siya kay Rafael, pero ni isa sa kanila walang nakakapansing takot na takot na siya.
Paano naman nila malalaman? Ni minsan ay hindi niya sinabi kanino man ang tungkol sa mga pagbabanta ni Rafael noon.
"Sa tingin ko kailangan ko nang bumalik sa opisina. May biglaang kailangan akong asikasuhin," wika ni Hendery, sabay lingon sa kapatid. "Valeria, dito ka na muna. Susunduin kita mamaya, o ipapahatid ka nila kung sakaling hindi ako makabalik." Napatingin siya sa mga kaibigan nila, naghihintay ng sasalo kay Valeria.
"Ako na ang maghahatid sa kanya pauwi," biglang sabat ni Rafael, mababa at malalim ang boses. Nagdulot ito kay Valeria na kabahan at matakot.
Ang boses niya ay sobrang sexy at nakakayanig sa kaluluwa ni Valeria. Dahil dati pa niyang hinahangaan si Rafael, lalo pang nagre-react ang katawan niya. Pero hindi rin maitatanggi ang takot na binubuhay ng tinig ng binatang ito.
"Hindi." Mabilis na tumanggi si Valeria. Hindi siya pwedeng magtagal dito. Nangako siya sa sarili niyang iiwas kay Rafael. "May pupuntahan din ako sa café," sabi niya agad habang mahigpit na kumapit sa braso ni Hendery, takot na maiwan.
Mukhang nakalimutan ni Rafael ang nangyari nung gabing iyon, pero takot pa rin si Valeria na magharap silang dalawa.
Limang taon silang hindi nagkita, at heto na siya ngayon. Mas gwapo, mas charismatic… pero mas nakakatakot. Lalo na kapag naaalala ni Valeria ang mga pagbabanta nito noon. Para bang nakalimutan na niyang minsan niyang minahal ang lalaking ito.
Ang katotohanan ay noon pa man, sobra siyang humahanga kay Rafael. Nangarap pa siyang maging asawa nito. Sinubukan niyang magpa-cute, inamin ang feelings niya, at pati marriage proposal sinubukan na niya. Pero unti-unting namatay lahat ng iyon. Nagsimula nang bigla na lang mag-abroad si Rafael, nalaman niyang may girlfriend ito na sumira sa puso niya, at isang gabi, bigla siyang kinausap ni Rafael para pagbantaan.
"Malalaman mo ang kapalit kapag nagmatigas ka, Valeria. Hindi kita patatahimikin!" Hindi makalimutan ni Valeria ang mga salitang iyon. Noon, inosente at sobrang tanga niya kaya literal siyang nagkasakit dahil sa mga pananakot ng lalaki.
Pero hanggang ngayon, walang nakakaalam ng kabastusan ni Rafael. Pinili niyang manahimik. At ang mas malala, nakipag-one night stand pa siya kay Rafael, ang childhood friend niyang kinatatakutan. Ngayong nagharap sila ay hindi niya alam ang gagawin. Tatlong araw na siyang umiiwas pero wala ring nangyari.
Sana nagka-amnesia si Rafael! ‘Yan ang dasal ni Valeria.
"Grabe ka, Valeria! Hindi ba ikaw ang nagpumilit pumunta dito? Gusto mong makita si Kuya Rafael mo, di ba?! O ayan, nasa tabi mo na siya," sabi ni Hendery.
‘Siraulo ka ba?! Kailan ko sinabi yun? Niloko lang ako kaya napadpad ako rito,’ sigaw ni Valeria sa isip niya habang nakatitig sa kuya niya, halatang gulat ang mukha.
Malas niya dahil hindi lang mga kaibigan nila ang mahilig siyang ipares kay Rafael, kundi pati ang nakakainis na nilalang sa tabi niya, ang sarili niyang kuya.
"Gusto mo akong makita pero ayaw mo naman akong kausapin. Ang weird," sambit ni Rafael, hindi man lang lumilingon kay Valeria. Abala siya sa pagbasa ng makapal na libro sa kamay niya. Seryoso ang magandang mukha niya, malamig at walang emosyon, tila wala talagang ibang mundo maliban sa librong iyon.
"Umupo ka nalang sa tabi ko, my future wife," dagdag pa ng binata, mababa at mabigat ang tono. Bigla siyang tumingin kay Valeria, dahilan para lalo itong kabahan at maging aligaga. "Sanayin mo na sarili mo umupo sa tabi ko bago tayo pumunta sa altar."
"Yieee…." Sigawan at tawanan ng lahat ang umalingawngaw sa silid.
Diyos ko! Gusto na lang ni Valeria maglaho. Hindi talaga nagbago si Rafael kahit limang taon ang lumipas. Pareho pa rin ang panunukso niya, tulad ng ibang kaibigan nila.
‘Sa harap ng lahat ang bait mo. Pero sa likod nila, ikaw, ikaw ang demonyo, Rafael Adrian Alvarez! Alam ko ang tinatago mong ugali, at bakit ako lang ang nakakaalam nun?!’
Sa sobrang kaba at pagkailang, napilitan si Valeria na umupo sa tabi ni Rafael. Wala siyang choice. Tuloy-tuloy ang tulak ng kuya niya sa balikat niya, at walang tigil ang hiyawan at tukso ng mga kaibigan nila. Kapag tumanggi siya, iisipin nilang nahihiya siya dahil may gusto pa siya kay Rafael. Kaya… wala siyang nagawa. Kailangan niyang magpakatatag para ipakitang wala na siyang nararamdaman.
"Kumusta ka?" tanong ni Rafael matapos ang ilang minutong katahimikan habang ang iba nilang kaibigan ay abala na sa sarili nilang usapan.
"Mabuti naman, Kuya Rafael," sagot ni Valeria. Kunwari abala sa cellphone niya kahit wala naman talaga siyang ginagawa.
Arghhhh! Tulungan niyo si Valeria! Sobrang tense, awkward, at takot na takot siya.
Pero…
Mukhang normal lang ang kilos ni Rafael. Parang wala lang. Totoo bang hindi niya naaalala ang gabing iyon? O pareho lang silang lasing no’n? At bakit nandoon si Rafael? Hindi ba’t dapat nasa Paris pa siya noon?
Ah, bahala na. Ang mahalaga, sana talaga may amnesia ang lalaking ito!