แชร์

Kabanata 4

ผู้เขียน: CacaCici
Dahil hindi na niya kaya ang walang tigil na pang-aasar ng pamilya ni Rafael, nagdesisyon si Valeria na umuwi nang mas maaga. Dinahilan na lang niyang maraming customer sa café at kailangan niyang tumulong sa mga staff.

"Valeria, uuwi ka na?" tanong ng tiyuhin niyang si Dione, ama ni Rafael, nang magkasalubong sila.

"Opo, Tito," sagot ni Valeria. Bahagyang yumuko ang babae at ngumiti ng tipid. Sabi ng iba, nakakatakot daw ang tiyuhin niyang ito. Pero para kay Valeria, siya ang pinakamabait na tito. Tahimik at malamig ang ugali, oo, pero sobrang maalaga at mahal ang pamilya.

"Raffy, halika rito sandali," tawag bigla ni Dione nang makita si Rafael na dumaan at papasok na sana sa elevator.

Agad na kinabahan si Valeria. Napatitig siya sa tito niya, tapos kay Rafael na naglalakad na parang isang hari papunta sa kaniyang trono.

‘Val, may boyfriend ka na. Kalimutan mo na si Kuya Rafael. Tandaan mo, ang daming magaganda at matatalino sa Paris. At huli mo siyang nakita, may kayakap siyang babae. Huwag ka nang mahulog ulit. Tandaan mong tinakot ka na niya noon! Huwag kang umibig sa isang demonyo, Valeria!’

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Valeria habang papalapit si Rafael. At nang tumigil ito sa tabi niya nang sobrang lapit ay parang sasabog ang dibdib niya sa kaba.

Sobrang dikit nila! Halos sumayad ang balikat niya sa braso ni Rafael. Delikado ang puso niya!

Sa totoo lang, matagal nang gusto ni Valeria ang lalaking ito. Wala siyang sinabihan, lahat ng emosyon, kinimkim niya. Pero sa kabila noon, nalaman pa rin ng pamilya nila, at may isang "spy" na nagpakalat ng balita. Simula noon, lagi na siyang binibiro at ipinapareha kay Rafael.

Dati, kinikilig pa siya sa mga tukso sa paligid niya. Pero ngayong may alam na siya, naiirita at ayaw na niya kay Rafael.

Limang taon na ang nakalipas mula nang naglakas-loob si Valeria na umamin sa nararamdaman niya. Sinabi ni Rafael na tapusin muna niya ang pag-aaral at abutin ang mga pangarap bago sila magkaroon ng relasyon. Pero ilang buwan lang pagkatapos noon, iniwasan na siya ni Rafael. At hindi nagtagal, tuluyan itong lumipad papuntang Paris para pamahalaan ang negosyo ng pamilya.

Doon niya naintindihan na hindi siya hinihintay ni Rafael. Magalang lang siya nitong ni-reject.

Ang pinakamasakit, palihim siyang sumunod sa airport para sana makapagpaalam at makita si Rafael sa huling pagkakataon. Pero pagdating niya roon… nakita niyang nakaupo si Rafael namay kandong na babae. Marubdob na naglalaplapan ang dalawa.

Iyon ang pinakamalalang heartbreak ni Valeria.

Mula noon, pinili ni Valeria na itago ang nararamdaman niya. Pilit na nagmu-move on at kinakalimutan si Rafael, ang kaibigan niyang naging una niyang pag-ibig. At hindi pa sumapat doon ang sakit. Sa kalagitnaan ng paglimot niya, bigla siyang tinawagan ni Rafael at tinakot. Iyon ang mahapding dagdag sa pinaka-masakit na sampal ng pag-ibig para kay Valeria.

Ngayon, may boyfriend na si Valeria. Hindi pa niya mahal ang boyfriend niya, pero sigurado siyang kapag ikinasal sila, matututunan niya itong mahalin.

"Ang future wife mo gustong umuwi. Ihatid mo siya, anak?" tanong ni Dione nang nasa tabi na niya si Rafael.

‘What?! Ano ba ’tong si Tito?! Diyos ko! Pati siya nakikisabay.’

"Okay, Dad," sagot ni Rafael tsaka tumango.

"H–hindi na po kailangan, Tito. Naka-book na po ako ng taxi—"

"Pwede mo ‘yong i-cancel." Mabilis na putol ni Rafael sabay hawak sa pulso ni Valeria at hinila siyang palapit.

"T-tito, hindi ko kailangan magpa-hatid kay Kuya Rafael. Kaya kong umuwi mag-isa. Tsaka ang boyfriend ko—"

"Iwanan mo ang boyfriend mo," putol ulit ni Rafael. Mabilis at may halong inis ang tono. Mas lalo pang lumamig ang ekspresyon nito.

"Pasensya na, Kuya Rafael. Pero wala kang kinalaman sa relasyon ko. Dapat hindi mo na concern ‘yon." Pinantayan ni Valeria ang seryosong titig ni Rafael.

"Sino ang nagbigay sa ’yo ng permiso para magka-boyfriend?!" mariing bulong ni Rafael, nakatitig nang matalim kay Valeria.

"Matanda na ako. Kaya ko nang pumili para sa sarili ko nang hindi humihingi ng permiso kahit kanino," sagot ni Valeria, mahinahon pero halatang kinakabahan. Ang balik namang titig ni Rafael ay sobrang nakaka-intimidate, kulang na lang ay yumuko siya sa kinatatayuan sa sobrang kaba.

"Matanda? Ano ang patunay na matanda ka na, Val?" Tinaas ni Rafael ang isang kilay, nakahalukipkip habang malamig na pinagmamasdan ang mukha ni Valeria na iritang-irita.

"Twenty-five na ang edad ko," sagot ni Valeria.

"Hindi sinusukat ng edad kung tunay na mature na ang isang tao."

"Lumaki na ang dibdib ko," inis na biro ni Valeria. Ipinapakita kay Rafael na mas malaki na ang dibdib niya kaysa noong limang taon na ang nakalipas.

Pero nang marealize niya ang ginagawa niya, at nang makita niyang nakatingin si Rafael diretso sa dibdib niya, mabilis niyang itinakip ang mga braso niya at umatras, nahihiya hanggang buto.

‘Aaaah, anong ginawa ko?! Diyos ko! Nakakahiya!’ sigaw ng isip niya. Namula ang mukha niya at uminit ang pakiramdam, parang gusto niyang lumubog sa sahig.

"Tss, fake," sabi ni Rafael, nakapamewang at nakatutok pa rin ang tingin sa dibdib ni Valeria. "Foam," dagdag niya pa, mas lalo pang naiirita si Valeria hanggang nanlaki ang mga mata niya.

Ang sakit! Inaakusahan siyang peke ang dibdib? Foam? Seryoso ba siya?!

"Totong-totoo ’to!" balik ni Valeria nang may inis.

"Nakita ko na," sagot ni Rafael na biglang nagpahinto at nagpatingin kay Valeria. "Hindi naman mas malaki sa palad ko," dagdag niya pa, marahan pero ramdam ang bigat ng tono, habang nakatayo na sobrang lapit sa kanya. Ramdam ni Valeria ang hininga niyang malamig na mint na dumampi sa mukha niya.

At dahil dito, parang bumagsak ang puso ni Valeria hanggang sa tiyan, halos manghina ang tuhod niya.

"H-hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Paalam na, may gagawin pa ako." Mabilis niyang itinulak ang dibdib ni Rafael at nagmadaling lumayo, halatang nag-panic at namumutla.

‘Huh? Hindi mas malaki sa palad niya? Bakit parang biglang naging manyak ang taong to? Ah—shit… baka naaalala ni Rafael ang gabing yun.’

….

"Mag-usap na lang ulit tayo mamaya. I-end mo na, may pasyente kang naghihintay. Mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa pag-uusap natin," malambing na sabi ni Valeria habang kausap ang boyfriend niyang si Maxton Lopez, surgeon sa isang malaking ospital sa siyudad.

Anim na buwan na silang magkasintahan, at sa tingin ni Valeria sapat na iyon para magkakilanlan sila. Pero ewan, parang hindi niya kayang magpakasal agad kay Maxton. Siguro dahil gusto pa niyang i-enjoy ang pagiging dalaga niya.

"Haaayss." Napabuntong-hininga si Valeria habang minamasahe ang sentido matapos ibaba ni Maxton ang tawag. Tinatanong na naman kasi siya kung kailan siya handang magpakasal. "Dapat bang pumayag na ako? Pero hindi na ako virgin. Hays, anong gagawin ko?" bulong niya habang nasa opisina sa loob ng cafe niya.

Bumukas ang pinto. Napalingon si Valeria. "Si—"

Naputol ang salita niya nang makita kung sino ang pumasok.

Si Rafael Adrian Alvarez…

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Valeria. Nanlaki ang mga mata niya at nanlamig ang mukha. "Bakit nandito ka Kuya Rafael?"

Huwag mong sabihing sinundan siya nito?

"Hiwalayan mo ang boyfriend mo," malamig na sabi ng lalaki. Hindi man lang sinagot ang tanong niya. Nilock nito ang pinto at lumapit kay Valeria. Parang estatwang natigilan naman ito sa kinatatayuan.

"Sinasabi ko na ‘di ba? Na wala kang kinalaman sa relasyon ko. Kahit kailan wala kang pakialam doon!" inis na balik ni Valeria, pilit tinatago ang matinding kaba niya habang papalapit si Rafael.

"Magpapakasal ka sa akin," sagot ni Rafael, simple, mababa ang boses, at parang normal lang ang sinabi niya.

"Ano? Sino ang gustong pakasalan ka Kuya Rafael?!" gulat na sambit ni Valeria. Halatang kinakabahan at lalo pang nag-panic. "Hindi ko gusto! Magpapakasal ako sa boyfriend ko, hindi sa’yo, Kuya Rafael."

"Sigurado ka bang tatanggihan mo akong pakasalan?" Itinaas ni Rafael ang isang kilay na parang nanghahamon.

"S’yempre. Sobra akong sigurado, isang daang porsyento," sagot ni Valeria at matatag na tumango.

"Okay… By the way, no’ng gabing iyon, wala akong ginamit na proteksyon at ipinutok ko ang katas ko sa loob mo," malamig at matalas ang tono ni Rafael. Nakatayo na siya sa harap ni Valeria, niyakap ang baywang niya habang nakatingin nang matalim at may babala.

Parang lalabas ang puso ni Valeria sa dibdib niya at hindi lang nakapako ang mukha niya sa pagkabigla, kundi namula rin. Galit pero nahihiya rin sa sinabi ni Rafael. Napansin din niyang sobrang lapit nila sa isa’t isa, halos gusto na ni Valeria na mawalan ng malay.

“Bumalik ako para sa’yo, pero iba pa rin ang pinili mo. Tss, don’t ever think that you can escape from me, little girl!”
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Hot Touch of a Cold Husband   Kabanata 62

    “Halika rito!” malamig na utos ni Rafael.Kinakabahang lumapit si Valeria sa kanyang asawa, kinagat ang kanyang ibabang labi habang nakatingin kay Rafael nang malungkot at malabo. “Ano bang ginawa kong mali, asawa ko?” mahina niyang tanong matapos makarating sa tabi ng kanyang asawa. Sumulyap siya

  • The Hot Touch of a Cold Husband   Kabanata 61

    Nang tumingin sa kanya ang kanyang asawa, ngumiti lang si Valeria.“Anong problema mo?” tanong ni Rafael, sinisingkit ang mga mata, nakatingin nang may hinala sa kanyang asawa.“Okay lang, Babw. Napaka-maalalahanin mo!” sabi ni Valeria, mapanuksong sinundot ang baba ni Rafael—hindi nakalimutang kind

  • The Hot Touch of a Cold Husband   Kabanata 60

    “Saan ka pupunta, hmm? Hindi pa sapat ang paglabas mo kasama si Butler Finn, ha?!” Malamig na humalakhak si Rafael sa dulo ng kanyang pangungusap.“Hindi ako pupunta sa kwarto ko, para hindi makumpiska ang cellphone ko. Pakiusap, bitawan mo ako!” Inis na sabi ni Valeria, tinitigan nang galit si Rafa

  • The Hot Touch of a Cold Husband   Kabanata 59

    “Pasensya na po, Sir Rafael, tumanggi po ang asawa ninyo na makipagkita sa inyo.”Sumulyap si Rafael kay Lisa, umubo nang maikli, at pagkatapos ay humakbang nang mahaba.“Sir,” tawag ni Lisa, pinigilan si Rafael sa pintuan.“Humihingi po ako ng paumanhin kung medyo naging mapangahas ako sa inyong as

  • The Hot Touch of a Cold Husband   Kabanata 58

    Umalis si Valeria sa kanyang kwarto at dumiretso sa kusina, umupo sa isang bar stool doon matapos humingi sa isa sa mga katulong na ipagluto siya ng masarap na pagkain.“Fate…, fate!” Mahinang bulong ni Valeria, napasimangot sa basag na screen ng kanyang cell phone. “Ang tatay ko ay nagmamay-ari ng

  • The Hot Touch of a Cold Husband   Kabanata 57

    “Anong bawal?” Nagtaas ng kilay si Rafael, hinawakan ang pulso ni Valeria, at pagkatapos ay hinila siya palayo.“Wala akong ibig sabihin. Ay! Bitawan mo ang kamay ko, Rafael. Gusto ko pa ring manatili rito, gusto ko pa ring maglaro,” sabi ni Valeria, sinusubukang tanggalin ang kamay ni Rafael sa pul

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status